Chapter 8: Thirsty

2308 Words
"Bakit dito?" tanong ko sa boss ko nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng bahay niya. Ilang beses na akong nakaparito, minsan nga every Sunday nandito ako dahil sa mga utos niya kapag weekends o kaya may mga araw na hindi siya nakakapasok ng opisina kaya kailangan kong dalahin sa kanya ang mga dapat niyang pirmahan. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili kong sumama sa kaniya. Pero ayoko pa kasing umuwi, ayokong makita ang pagmumukha ng walang kwenta kong ama. Hindi ko alam pero ayaw ko munang makita ang pagmumukha ni Papa. Pakiramdam ko tumataas ang dugo ko bigla sa kaniya kahit hindi naman ako highblood. "You said you don't want to go home, so I bring you here, to my house," paliwanag nito at pumasok sa gate na kusang bumubukas. Isang malaking two storey modern house ang bahay niya. Malaki iyon dahil may swimming pool pa sya sa likuran. Huminto ang sasakyan at tumingin siya sa akin habang ako naman ay diretso lang na nakatingin sa unahan. Nahihirapan pa rin akong tanggapin ang nalaman ko. Sa tingin ko nga baka kahit kailan hindi ko matanggap iyon. Ang sakit lang kasi. He cheated on my mother, to us, his family. "You need to calm down first, " saad nito at kinalas ang seat belt na suot niya bago bumaba ng sasakyan. Umikot ito sa pwesto ko at pinagbuksan ako ng pinto. Napaatras ako nang bigla itong yumuko sa harapan ko at pinidot ang lock ng seatbelt ko para makalas iyon. Naamoy ko pa ang pabangong gamit niya dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Lihim kong nahigit ang hininga ko. Tumingin pa siya sa akin bago siya muling tumayo nang maayos. Napatingin ako sa kaniya. Nagdadalawang isip pa ako kung baba ba ako o hindi. Binigyan niya ako ng isang marahang tango kaya wala na akong nagawa kundi bumaba na ng sasakyan. Pumasok kami sa loob ng bahay niya. Masyadong malaki ang living room at kahit hindi pa niya ako pinapaupo ay nauna na akong maupo doon. Siguro dahil sanay na ako sa bahay niya. Napatitig ako sa figurine na nasa gitna nang center table, isa yong kabayong nakataas ang dalawa. Nakatutok lang ang atensyon ko roon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Biglang na blangko ang utak ko matapos malaman ang kalokohan ng ama ko. Dati ko pang palaging naririnig na nambabae siya pero dahil wala namang maipakitang ebidensya si mama, pinapalampas ko iyon sa tenga ko. Akala ko tamang hinala lang ang ina ko, na selosa lang siya kaya niya nasasabi iyon. Pero mula nang makarinig ako ng mga bulong-bulungan na minsan ay nambabae talaga ito, sinabi ko talaga sa sarili ko na huwag siyang papahuli sa akin. Dahil talagang pag-uuntugin ko sila ng kabit niya. Nakakatawa lang, nahuli ko nga siya pero hindi ang kabit niya ang kasama niya. Kundi ang anak na mismo niya sa labas. Ibig sabihin, maaring may ibang pamilya pa ang ama ko maliban sa amin. Paano niya nagawa iyon? Good provider din naman ang ama ko. Napagtapos niya kaming magkapatid sa pag-aaral, ako at ang bunso kong nurse na nasa ibang bansa na ngayon, pero kung mabuti siyang ama, hindi niya iyon nai-apply sa pagiging asawa niya. Nagtaas ako ng tingin at nagtama ang mata namin ng boss ko. "Bakit hindi kayo marunong makuntento?" hindi ko mapigilang itanong. Bakit kailangang humanap ng iba kung meron naman nandiyan na handang gawin ang lahat para sa kanila? Mahirap ba talagang makuntento? Halatang nagulat ito sa tanong ko sa kaniya base sa reaksyon ng mukha nito. Bahagyang umuwang ang bibig nito na tila hindi inaasahan ang tanong ko. "George never pa akong nagloko," pagtatanggol nito sa sarili. "Hindi naman lahat ng lalaki manloloko." "Dahil wala ka namang seneryoso?" Sa dami ng babaeng pumupunta sa opisina palagi, impossibleng wala siyang nakarelasyon sa mga iyon. "It's not like that. Wait, bakit ba sa akin ka bigla nagagalit?" Napayuko ako at napahilamos ng mukha ko. Hindi naman ako galit sa kaniya. Gusto ko lang malaman ang opinyon niya bilang isang lalaki. "I am sorry." Bakit nga ba siya ang tinatanong ko? Pareho nga lang pala kaming dalawa. Parehong takot mag-commit. Sa pagkakaalam ko ayaw niyang magkaroon ng relasyon sa kahit na sinong babae. Hindi ko alam ang dahilan pero iyon ang rason kung bakit palagi niyang iniiwasan ang mga babaeng pumupunta sa opisina para makita siya. "Nag-over react lang ba ako sa nangyari? Do I have acted calmly when I saw him and that... that girl?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko ba sila dapat sinugod? Pero paano ako magiging kalmado sa nakita ko?" Umupo ito sa tapat ko bago ngumiti sa akin. "No, you are not overreacting. You are hurting, so it's normal to be angry. I used to see the calm and cold version of you, but seeing you angry awhile ago, I think that's valid. Valid iyang nararamdaman mo kasi nasasaktan ka, hindi ko sinasabing tama lang na nanakit ka physically pero minsan kasi sa sobrang sakit na nararamdaman natin. Hindi na natin napipigilan ang sarili natin at iyon ang nangyari sa iyo kanina," paliwanag nito. "He cheated on my mother," malungkot na saad ko. Kahit na anong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon, walang luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung papaano ko ba ilalabas ang lahat ng sama ng loob ko. Nagsisikip ang dibdib ko pero ayokong umiyak. Kaya kahit namamasa na ang mga mata ko ay pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Ayaw kong magmukhang mahina. Napatingin ako sa boss ko. Hindi siya ang inaasahan kong magko-comfort sa akin sa ganitong sitwasyon. Pero iyong marinig sa kaniya na hindi niya ako hinuhusgahan sa ginawa ko kanina at hindi niya ini-invalidate iyong nararamdaman, nagpapasalamat ako sa kaniya. "You can stay here tonight if you want. You can use the guest room," saad nito at tumayo. "Maghahanap na lang po muna ako ng hotel," sagot ko. Nakakahiya naman kung makikitulugan pa ako sa bahay niya. "No, you better stay here. Isa pa, gabi na para lumabas ka pa. Saka bakit hahanap ka pa ng lugar kung saan ka matutulog? Pwede kang mag-stay rito, anytime. Kung gusto mo dito kana tumira," seryosong saad nito. Napatingin na lang ako sa kaniya nang hubarin niya ang suit na suot at itaas hanggang siko ang laylayan ng suot niyang long sleeve. "Sir--" "Winston, we are not in the office. You can call me just by my name," putol nito sa sasabihin ko. Napatitig na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga sinasabi niya. Seryoso ang mukha nito ngayon, wala nang mapang-asar na ngiti sa mga labi o hindi ito umaakto gaya nang kapag nasa opisina kami. Bigla akong napatingin sa bag ko nang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko upang tingnan kung sino ang tumatawag. Si Mama. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya. "George, asan kana? Gabing-gabi na, hindi ka pa ba uuwi? Nandito na ang papa mo, hinahanap ka," nag-aalalang saad ni Mama pero napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang banggitin niya ang pangalan ng ama ko. Alam kong kapag umuwi ako ngayon ay mag-aaway kaming dalawa. Maaring magkagulo kaya ayaw ko munang umuwi sa bahay. Palilipasin ko muna ang galit ko bago ko siya harapin pero hindi ibig sabihin na patatawarin ko siya sa ginawa niya sa mama ko. Pero kahit bukas naman ako umuwi, alam kong may mangyayari pa ring gulo. "Hindi po ako makakauwi. May biglaang out of town kami ngayon, baka bukas pa po kami makabalik," pagsisinungaling ko sa ina ko. Ayoko namang mag-alala siya sa akin ngayon kaya mas mabuting magsinungaling na lang ako. "Huh? Biglaan naman yata? Akala ko ba nasa labas ka lang kasama si Shirly kaya late ka nang makakauwi?" nagtatakang tanong nito. Nagpaalam na kasi ako kanina sa kaniya na late akong uuwi dahil dumaan pa kami sa mall ni Shirly. "Bigla po kasing tumawag ang boss ko," sagot ko at tumingin sa boss ko na biglang tumaas ang kilay nang banggitin ko siya. "May emergency sa isang branch ng mall kaya kailangan naming puntahan ngayon," patuloy na pagkakatha ko ng kwento upang may maidahilan ako sa ina ko. "Ganoon ba? Sige, mag-iingat ka." "Sige po," sagot ko bago ibinaba ang tawag. Muli akong tumingin sa boss ko. "You can take a rest now. Wait, did you eat already? If not, I can cook." "Kumain na po ako," sagot ko sa kaniya. Masyado naman na yata akong abala kung ipapagluto pa niya ako. Kahit na alam kong masarap siyang magluto dahil minsan ko nang natikman ang luto niya. Isa pa kumain na talaga ako kasama si Shirly kanina. "Are you sure? Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Palagi mo nga akong pinapagalitan sa opisina," pagbibiro nito dahilan para matawa ako. "Sorry." "No, you don't have to. I like it when you are nagging at me." Nagtama ang mga mata naming dalawa pero agad na umiwas ako sa kaniya. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid upang hindi ako mapatingin sa kaniya. May mga painting at malalaking figurine na nakalagay sa isang gilid na alam kong hindi biro ang halaga. "You can rest now, I know you are tired," saad nito at ngumiti sa akin. "Salamat po." "Stop the po, George. Just Winston or Jace, no po, no sir, okay?" "Okay," napipilitang saad ko. Tumango ito sa akin kaya tumayo na ako para magtungo sa guest room. Actually, it's not my first time sleeping here. Minsan na akong natulog sa bahay niya noong may sakit siya at may kailangan kaming tapusing trabaho. Kaya sanay na sanay na ako sa pasikot-sikot sa loob ng bahay niya dahil siguro madalas na rin ako dito. Wala namang ibig sabihin ang mga pagpunta ko dati rito dahil trabaho naman ang sadya ko. Ngayon lang talaga na may problema ako. Nagtungo ako sa guest room. Malaki ang kwartong iyon. Puti ang wall maging ang buong theme ng kwarto. May malaking kama sa gitna na kakasya yata kahit tatlong tao. Napatingin ako sa sarili ko. Wala akong extrang damit na pamalit, hindi naman ako pwedeng matulog na ito pa ring office attire ang suot ko. Mas lalong hindi ako pwedeng matulog na walang saplot. May kumatok sa pintuan kaya agad ko iyong binuksan. "I know you don't have an extra shirt, so you can borrow mine," saad nito at inabot sa akin ang isang malaking t-shirt na puti. "I have a new boxer short, but I doubt if it will fit on you." Tumingin pa ito sa akin. Oo, alam ko namang luwag sa akin iyon kung sakali dahil kapre siya, isa pa, masyado nang nakakahiya kung pati boxer ng boss ko, isusuot ko. "Okay na ito, salamat," sagot ko sa kaniya. Nakakahiya na nga na pahihiramin niya ako ng damit niya. Ngumiti ito sa akin bago tumalikod. Mabilis ko namang sinara ang pinto at nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan ko. May mga toiletries naman dito na ginamit ko pa noong nakaraan. Mukha naman kasi hindi siya nagkakaroon ng bisita. Binuksan ko muna ang isang cabinet kung saan may mga nakagay siyang towel. Kumuha ako ng isa bago ako tumapat sa shower. Matapos kong maligo at tanging ang t-shirt ng boss ko na lang ang sinuot ko. Malapit na iyong umabot hanggang tuhod ko sa haba. Malaking tao kasi siya. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Bigla akong napahawak sa damit na suot ko. Inamoy ko pa iyon. Mabango, amoy fabcon. Bigla lang ako na-weirdan. T-shirt ng boss ko ang suot ko. Sigurado ako kapag nalaman ni Shirly ang tungkol sa bagay na ito, iba na naman ang iisipin niya. Ipinilig ko ang ulo ko habang tinutuyo ang buhok ko. Wala namang ibang ibig sabihin ito. Pinahiram lang niya ako dahil wala akong maisusuot. Nagmamagandang loob lang sa akin ang boss ko. Nang matuyo ko na ang buhok ko ay nagtungo na ako sa kama para matulog pero kahit anong pikit ko ay hindi talaga ako makatulog. Sumasagi sa isip ko ang nakita at nalaman ko kanina. Nag-aalala ako kay mama kapag nalaman niya ang totoo, na may anak sa labas si Papa. Pero hindi ko ililihim sa kaniya ang bagay na iyon, matagal man iyong itinago ng ama ko, hindi ko itatago sa ina ko. Mas mabuting masaktan siya ngayon kaysa patuloy siyang lokohin ng walang kwenta kong ama. Magpapalipas muna ako ng init ng ulo, bukas kapag kalmado na ako saka ko haharapin ang pamilya ko, upang ipaalam ang kagaguhan ng ama ko. Pero nakailang baling na ako sa higaan ko ay hindi pa rin ako makatulog. Kulang na lang ay magbilang ako ng mga tupa. Bumaba ako sa kama para magtungo sa kusina. Biglang akong nauhaw. Tulog naman na siguro ang boss ko kaya hindi na niya ako makikita pa. Tanging t-shirt lang kasi niya ang suot ko dahil nilabahan ko ang panloob ko para masusuot ko rin bukas. Hindi ko na binuksan ang mga ilaw pero may ilaw sa labas na tumatagos sa loob kaya nakikita ko pa rin ang dinaraanan ko. Nagbukas ako ng ref para kumuha nang tubig pero muntik na akong atakihin sa puso nang biglang umilaw ang buong paligid. Lumingon ako at nakita ko ang boss ko na nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita kong mapalunok ito. Bumaba rin ba siya dahil nauuhaw siya? Kumuha ako ng dalawang bottle ng tubig at humakbang papalapit sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang isang bottle dahil mukhang natutuyot ang lalamunan niya pero mas lalong napako ang tingin nito sa akin kaya nagtatakang napatingin ako sa kaniya. "Ayaw n'yo ba? Hindi ba kayo nauuhaw?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi siya lunok nang lunok, kaya akala ko nauuhaw siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD