Chapter 1: The Secretary

1558 Words
GEORGETTE “LET ME IN!” sigaw ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Nagpupumilit itong pumasok sa loob ng opisina ng boss ko pero hinaharangan ko siya. Number one na utos sa akin ang huwag magpapasok ng kahit na sinong babae sa opisina ni Mr. Gallado maliban na lang kung may appointment ito at tungkol sa negosyo ang sadya pero kung mga mga babae lang na gusto siyang makita ay hindi maari. “I am sorry, but I can’t let you go inside, ma'am. Mr. Gallado is busy right now,” magalang na saad ko kahit na gusto ko na siyang sapakin dahil sa pagiging makulit niya. Maiksi ang pasensya ko sa mga taong makulit pero dahil kailangan kong maging professional ay pilit kong hinahabaan ang pasensya ko. Kahit gustong-gusto ko na itong tarayan ay pinipigilan ko ang sarili ko. “Tell him, I am here. I am sure papasukin niya ako,” giit nito pero hindi ako kumilos at nanatili lang sa pwesto ko. Mayabang na nakatingin ito sa akin, nakataas pa ang isang kilay nito habang pak na pak ang pink na pink na lipstick nito. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang suot nito, masyadong maiksi ang dress na suot nito, parang kaunting tuwad lang taas na sa baywang ang laylayan ng suot nito. Mahahaba ang mga kuko nito na tila handa laging mangalmot, halatang naka nail extension. Maging ang kilay nito ay naka-extension din dahil masyadong mahaba at makapal na iyon para sa isang normal na kilay lang. Sosyalin itong masyado pero nasobrahan na kaya nagmukhang fake na ang hitsura nito. “I am sorry, but-" "Hindi mo ba ako kilala?" putol nito sa sasabihin ko kaya lihim kong naikuyom ang kamao ko ang pinakaayaw ko sa lahat iyong hindi ako pinapatapos magsalita. Marami nang ibang empleyado ang napapatingin sa amin. Nakita kong nakikinig na rin ang iba kaya tiningnan ko sila at mabilis silang nagsibalikan sa kanilang ginagawa. It's work hour at trabaho dapat ang inaatupag nila at hindi ang sumagap ng tsimis. "I don't know you, ma'am." Kailangan ko ba siyang makilala? I am not interested. Sigurado naman ako isa lang siya mga babaeng naghahabol na mapansin ng boss ko. Hindi siya ang naunang babaeng nagwawala rito para lang makita si Mr. Gallado. Marami na sila, hindi na kaya ng mga daliri ko para bilangin sila kaya sanay na ako. Nanlalaki ang mga matang tumingin ito sa akin. Tila hindi makapaniwala na hindi ko siya kilala. "I am famous!" Lihim akong napaismid sa sinabi nito. Ano naman ang pakialam ko kung sikat siya? Ikakayaman ko ba iyon? "I am sorry, but no matter how famous you are, Mr. Gallado is busy and he can't entertain anyone at the moment. I hope you understand," saad ko na nanatiling kalmado. Hindi niya ako masisindak sa pagiging sikat niya. Wala akong pakialam kahit anak pa siya ng presidente. Dapat marunong siyang umintindi ng hindi pwede, hindi iyong kulang na lang ay magwala siya rito na parang wala siyang delicadeza. "I am his future wife. Let me in and I will talk to him. Sisiguraduhin kong matatanggal ka sa trabaho mo," galit na pagbabanta nito. "Just come back when you are already married to him, but for now you can't enter his office," pagmamatigas ko. Hindi niya ako madadala sa future-future wife na sinasabi niya. Madaming beses ko nang narinig ang linyang iyon sa iba. Masyadong lumang tugtugin na iyon sa para sa akin. Mas lalong hindi niya ako matatakot na tanggalin sa trabaho ko dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko ngayon. Ang hindi magpapasok ng hitad sa opisina ng boss ko lalo na at busy ito. Nanlilisik ang mga matang napatingin ito sa akin. Mas mataas ito sa akin idagdag pa ang heels nito na nasa five inches yata kaya sumasakit na ang leeg ko sa pakikipag-usap sa kaniya. Hindi ako biniyayaan ng tangkad kaya medyo kailangan kong tumingala habang nakikipag-usap sa babaeng kaharap ko. "Please kindly leave now, before I call the security," wika ko rito. Nginitian ko ito. "For sure, you don't want to make more scenes, right?" "We are not yet done. I will tell him to fire you, you b***h!" galit na galit na saad nito bago nagmamartsang umalis. Tumaas lang naman ang isang kilay ko sa sinabi niya. Spoiled brat. Tumingin akong muli sa mga empleyadong tanaw mula sa pwesto ko at nakita kong mga busy sila sa ginagawa nila na para bang wala silang narinig. Huminga muna ako ng malalim bago ako humakbang papasok sa opisina ng boss ko. Hindi na ako kumatok at binuksan ko na ang malaking pinto. Naabutan ko itong busy sa cellphone nito kaya napakunot ang noo ko. Hindi man lang ito lumingon nang pumasok ako at nanatiling nakatutok ang mga mata sa cellphone na tila nangigigil pa kaya nagmamadaling lumapit ako sa kaniya at mabilis na inagaw iyon. Tumalim ang mga mata ko nang makita ko ang nasa screen ng cellphone niya. Naglalaro na naman ito ng moba games kaya tutok na tutok ito sa hawak na cellphone. Habang ako busy magpaalis ng langaw na bubuga na ng apoy sa labas dahil hindi ko pinayagang makapasok dito sa opisina niya. "You have a lot of papers to sign. Tambak na rin mga papeles sa ibabaw ng table mo pero mas inuna mo pang maglaro?" wika ko habang mariin ang hawak sa selpon niya. Minsan kapag naasar ako nakakalimutan kong boss ko nga pala ang kausap ko. Nginitian ako nito dahilan para lumabas ang dalawang dimples niya. "Napirmahan ko na. Alam ko kasing magagalit ka kapag hindi ko agad nagawa kaya ginawa ko na. Pwede bang ibalik mo na ang cellphone ko? Baka mag-afk ako," parang batang pakiusap nito. Tiningnan ko ang cellphone niya at pinatay ko iyon. "George! Matatalo ako," palatak nito habang nakatingin sa cellphone niya na hawak ko. "It's office hour. Instead of playing, you should be working," sermon ko rito. Maaring tapos na nitong pirmahan ang mga papeles na nasa ibabaw ng table nito pero sandamakmak pa rin ang mga kailangan nitong reviewhing proposals. He is not just a normal employee, he is the boss here. The CEO, and yet sometimes he is acting like a kid. "And those women, kailan ba matatapos ang pagsulpot ng mga babae mo rito sa opisina? They are disturbing me in my work," simpleng pagrereklamo ko. Naging parte na rin yata ng trabaho ko ang pagtataboy ng mga babaeng gusto siyang makita. "Hindi ko siya o sila babae. I just met her in one event, we had a talk, but it's not like what you think," depensa nito. Inosenteng nakatingin pa ito sa akin. "And what do I think, sir?" "That I flirted with her. Why is it scary when you are calling me sir?" Niyakap pa nito ang sarili na tila nilalamig kaya tiningnan ko siya ng masama. "I am the boss, but you are the one who is nagging me." "Because it's me who suffered when you did not make your work done. I am the one who needs to please and talk to them," malamig na sagot ko. Tinutukoy ko ang mga investors na minsan ay nagagalit sa kaniya. "You don't have to please anyone. I am not neglecting my work, I just don't need them in my company," biglang sumeryoso ang mukha nito. "Okay, I understand." "Can you smile a bit when you talk?" pakiusap nito kaya kumunot ang noo ko. Bakit kailangan kong ngumiti? Required ba iyon?" "Excuse me, I need to go back to my work," paalam ko sa kaniya. Wala naman na akong mapapala sa pakikipag-usap rito kaya mas mabuting bumalik na lang ako sa trabaho ko. MArami pa rin akong kailangang tapusin. Binigyan ko siya ng simpleng tango bago ako humakbang palabas ng opisina niya. "George." Napahinto ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Lumingon ako sa kaniya. "My phone," saad nito at inginuso ang cellphone na hawak ko. I smirked at him. " I will give it back to you later, sir. After work." Lumabi ito sa akin na parang umaaktong iiyak na kaya tumalikod na ako sa kaniya. Hindi niya ako madadala ng pag-iinarte niya. Magtrabaho siya. I still don't understand how he can manage to handle this big company with his attitude. Minsan para siyang bata, minsan sumsobra ang pagiging oa niya. Parang wala siyang balak magseryoso sa buhay pero kapag kliyente ang kaharap niya tila nagbabagong anyo ito. Kaso madalas kapag nandito sa opisina, daig ko pa ang may alagang toddler na kailangang bantayan. Secretary ako, hindi nanny. Bumalik ako sa table ko at sinimulang i-organize ang mga papel na hawak ko. Hindi ko na namalayan ang oras sa dami kong ginagawa nang biglang tumuktok sa may ibabaw ng table ko kaya napatingin ako at nakita ko ang boss ko na malaki ang ngiti. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya. "Lunch time. Let's go," yaya nito. "You have a lunch meeting, sir?" tanong ko. Wala naman akong natatandaang may lunch meeting siya ayon sa schedule niya na hawak ko. "Yes." "With?" Madalas na sinasama talaga niya ako kapag may meeting siya sa labas. Kaya lagi akong ready. Hindi ko lang alam kong sino ang ka-meeting nito ngayon dahil wala namang nakalagay sa schedule niya. May nakaligtaan ba ako? Ngumiti ito sa akin, muling lumabas ang dalawang dimples nito sa magkabilang pisngi. "You."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD