Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
April 20, 2018
Part 3
Lumipas ang ilang linggo at dumating ang pinaka aabangang araw ng pista. Ang lahat ay abala sa pag hahanda para sa kani kanilang panauhin. At tulad ng napag planuhan, umaga palang ay inilabas na namin ang patron upang iparada sa buong lugar. Kasama na rito ang mga tao at ilang musikero na nag bibigay ng ibayong sigla sa aming ginagawang prosisyon.
Bandang tanghali noong matapos ang parada. Bago pa ipasok sa simbahan ang patron ay nag kagulo na sa buong paligid dahil dumating ang hari at ang kanyang anak na si Yago upang maki isa sa nagaganap na pistang bayan.
Ang lahat ng tao ay sabik na sabik sumalubong sa kanila upang makamayan o mag pakuha ng larawan. Kaibahan naman sa akin na pilit ikinukubli ang mukha sa sulok upang hindi nila ako makita. Kung sa bagay ay hindi ko rin naman alam ang sasabihin kung sakaling mag kaharap harap kami.
"Pare bakit hindi ka lumapit doon kila Prinsipe Yago? Grabe, ang gagarbo ng kanilang kasuotan. Lalo na yung hari, may diyamante pa sa kanyang damit. Yung Prinsipe naman ay mukhang mamahalin ang suot na kwintas." ang namamanghang wika ni Kenny habang itinuturo si Yago sa kalayuan. Naka suot lamang ito ng pantalong maong, sapatos at tshirt. Ngunit ang kanyang datingan ay dati pa rin, gwapo at mas lalo pang lumaki ang kanyang katawan.
"Natural ay magarbo silang manamit dahil nakatira sila sa palasyo at malaki ang ari arian nila doon. Halika na, umuwi na tayo dahil baka mag datingan ang mga bisita natin sa bahay." pag yaya ko naman.
"Pre bakit ba nag aapura kang umuwi. Sayang naman pa picture muna tayo kay Prinsipe Yago at sa Hari!"
"Huwag kana. Masama raw ang ugali ng Yagong iyan, baka ipapatay pa niya tayo." pananakot ko naman.
"Parang mabait naman siya pre."
"Hindi. Akala mo lang iyon!" pag pupumilit ko pa dahilan para matawa ito.
Katulad ng set up, agad kaming nag tungo pauwi sa aming bahay. Tiyak na nag hihintay na rin sa akin ang aking anak dahil pinangakuan ko siyang ibibili ng laruang de gulong. "Patay! Nakalimutan ko yung laruan ni Lucio."
"Nakup, bakit kasi nag aapura kang umuwi e. Lagot ka ngayon sa anak mo. Teka, gusto mo bumalik tayo doon sa plaza?" tanong niya
"Hindi na, heto na tayo sa harap ng bakuran. Isasama ko na lamang so Lucio mamaya doon upang makapamili siya ng laruang nais niya."
Pag bukas ko pa lamang ng kahoy na tarangkahan ay agad na akong sinalubong ng aking anak. Batid kong kanina pa ito nag hihintay sa aking pagdating. "Papa! Nasaan na yung laruan ko?" ang tanong niya
Natingin ako kay Kenny "Naku, sarado pa yung tindahan anak. Mamayang gabi ay isasama kita doon upang ikaw na mismo ang makapamili ng laruang gusto mo." ang naka ngiti kong tugon.
"Oo nga naman bunso. Sarado pa kasi ang tindahan kaya hindi kami naka bili agad." pag suporta naman ni Kenny,
Nag simulang umasim ang mukha ni Lucio at maya maya ay umiyak na nga ito. "Hindi mo na makakasundo iyan." ang wika ko habang binubuhat ito ngunit nag pupumiglas na dahil inatake ng asar at sumpong.
"Ganyan talaga ang mga bata kapag hindi natupad o nasunod ang gusto." natatawang wika ni Kenny.
Natawa nalang ang mga bisita dahil sa lakas ng iyak nito. Wala tuloy nagawa si Beth kundi ang lumabas at kunin ang sinusumpong na anak. "Ikaw naman kasi, bakit nakalimutan mo yung laruan?" tanong niya
"Eh sarado pa nga kasi." pag dedeny ko pa.
Halos ilang minuto ring iyak ng iyak ang bata hanggang sa makatulog nalang ito. Ako naman ay nag asikaso ng mga kaibigan na bumibisita sa aming bahay. Ilang taon na ako sa bayang ito, ang nakakatuwa ay taon taon rin akong nag tatago sa tuwing darating ang araw ng pista dahil madalas rin bumibisita si Yago at ang tauhan ng palasyo. Si Abel lamang ang bukod tanging nakaka alam ng aking tirahan at hindi niya ito pinag sasabi kahit kanino.
Bandang alas 3 ng hapon, habang abala ako sa pag liligpit ng gamit at ibang kasangkapan ay siya namang pag tawag ni Kenny sa akin mula sa aming bakuran.
"Pareng Ned! Inuman na! Aba tara na para makarami!" ang pag tawag nito.
"Sandali lang, nandiyan na ba kayo?" ang sagot ko naman mula sa kusina.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay nag tatakbo si Lucio sa kusina kung saan ako naroroon. Masayang masaya ito at may dalang isang laruan de gulong. Bukod pa roon ay may hila hila rin itong isang kahong laruan iba iba ang klase.
"Oh saan nang galing iyan?" ang tanong ko naman.
"Doon po sa mama sa labas." ang wika nito
"Pareng Ned! Aba ang tagal mo naman!" ang pag tawag pa ni Kenny kaya naman lumabas ako.
Pag labas ko sa sala ay nag kakagulo na ang mga bisita doon, ang mga babae ay kilig na kilig at ang matatanda naman ay maluha luha pa.
Dito ay nakita ko si Yago na nakatayo sa aming bakuran habang abala sa pag papakuha ng larawan sa mga bisita at sa mga kapit bahay namin. "Pare, binisita tayo ni Prinsipe Yago! Swerte! Mag kikipag inuman siya sa atin!" ang wika ni Kenny sabay akbay kay Yago na feeling close agad.
"Ang swerte natin! Tayo ang naisipang bisitahin ng prinsipe!" ang wika ng mga kapit bahay habang masayang nag titipon sa harap ng panauhin.
"Papa siya yung nag bigay ng maraming laruan sa akin!" ang wika ni Lucio.
"Nag pasalamat kana ba sa Prinsipe? Naku mahal na prinsipe pasensiya na po sa aking anak. Makulit talaga ito." ang wika ni Beth.
Naka ngiti naman si Yago at naka tingin sa aking anak. Maya maya ay ginusot niya ang buhok nito at saka binuhat. Samantalang ako naman ay tila napako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala na ang taong iniwasan ko ng maraming taon ay nandito ngayon sa aking harapan at ang masaklap ay alam na niya ang aking tinitirhan. Kaya sa tingin ko ay wala nang rason para ako ay mag tago pa.
Kumakabog ang aking dibdib at tumatagaktak ang pawis sa aking katawan. Dito ay muli nag balik sa akin ang lahat, ang masasayang araw na kasama ko siya. Ang mga gabing pinag saluhan namin ng mag kasama, ang mga oras na napaka perpekto at walang kapantay na ligaya. Ang mga araw na nag aalab at hindi matitibag. Buong akala ko ay perpekto na ang lahat, ngunit hindi pala..
Halos nakikita ko pa rin ang aking sarili na unti unting nahuhulog sa tulay kung saan pinag tangkaan kong wakasan ang aking buhay. Ang lamig ng tubig ay patuloy pa ring nanunuot sa aking kalamnan at magpa sa hanggang ngayon ay damang dama ko pa rin ito.
Si Yago, siya ang aking kabiyak noon.. Siya rin ang taong nag bigay ng malaking sugat s aking pag katao.
Tahimik..
Agad ring nanumbalik ang aking ulirat..
"Uy pareng Ned, ano pang tinatayo mo diyan? Naiinip na ang prinsipe!" ang wika ni Kenny.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang nagawa kundi ang kumilos ng normal at umarte na mayroong amnesia. Kunwari nalang ay wala na akong matandaan sa loob ng maraming taon. Limot ko na ang lahat at nabura na ang mga pangyayari sa aming nakaraan.
Lumapit ako sa kanilang kinalalagyan at pag tapat ko kay Yago ay yumuko ako at nag bigay galang sa kanya. Buhat pa rin niya ang aking anak habang naka ngiti siya. "Ang sweet ng anak mo." ang wika niya.
"Pasensiya na po. Makulit talaga iyan." ang tugon ko sabay kuha kay Lucio.
"Ingatan mo ang mga toys mo ha." wika ni Yago at muling ginusot ang buhok ng aking anak.
Hindi ako komportable noong mga sandaling iyon, gusto ko nalang pumasok sa loob ng aming bahay para mag kulong ngunit wala naman akong ibang pamimilian kundi ang makisama at kumilos ng normal.
Nag lagay kami ng lamesa at nag paikot ng bangko sa ilalim ng puno kung saan kami mag iinuman. Kasama namin ang ilang kalalakihan sa bayan. Umiwas ako at piniling huwag tumabi kay Yago Pero tumayo siya sa kinauupuan at lumipat sa pwestong mas malapit sa akin.
"Kamusta pala itong bayan ninyo?" ang tanong ni Yago
"Mabuti naman po mahal na Prinsipe. Maraming salamat at pinakabitan nyo na kami ng kuryente. Ngayon ay nakaka panood na kami ng mga balita at palabas sa tv." ang masayang wika nila.
"Mabuti naman, ang totoo noon ay hindi ako nakakapunta sa lugar na ito. Hindi na kasi ito sakop ng aming kaharian dahil nasa pagitan ito ng Hokunya at Beranda." ang sagot ni Yago.
Walang kuryente ang lugar na ito noong dumating ako. Malayo ito sa kabihasnan at tanging bukirin lamang ang aming ikinabubuhay. Kaya naman pala wala silang kaalam alam tungkol sa amin ni Yago. Madalas kaming ibinabalita noon sa telebisyon ngunit dahil walang supply ng sapat enerhiya dito sa bayan ay hindi sila naging updated sa mga kaganapan. Ngunit ang lahat ng tungkol sa amin noon ay mananatili lang sa nakaraan. Ngayon ay nag bago na ang lahat.
"Doon ka nakatira?" tanong ni Yago habang naka tingin sa aming maliit na tahanan.
"Opo mahal na prinsipe." ang sagot ko.
"Bakit ganyan ang tawag mo sa akin?" tanong niya
"Pag papakita iyon ng pag galang sa mga dugong bughaw na katulad mo." ang sagot ko naman sabay iwas ng tingin sa kanya.
"Pero dati ay hindi mo naman ako iginagalang diba? Madalas pa tayong mag kasama noon." naka ngiti niyang hirit.
"Dati? Hindi ko po alam ang iyong sinasabi. Baka ibang tao iyon. Sa tingin ko ay nag kakamali kayo." sagot ko naman.
Natawa rin siya at napatingin sa aking mukha.
Maya maya ay kinuha niya ang alak at itinaas ito. "Cheers!" ang wika niya.
"Cheers!" tugon naman ng lahat..
Malamig ang hangin noong gabing iyon, ngunit ako ay pinag papawisan ng husto. Hindi ako komportable sa aking kinauupuan lalo't napapansin ko si Yago na naka tingin sa akin at minsan ay tila binabasa pa niya ang mga bagay na nasa aking isipan. "Excuse me, mag babawas lang." ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan.
Agad akong lumakad palayo sa kanila at nag tungo sa tabing bukirin kung saan mas makakahinga ako ng maluwag. Mas malamig sa parteng ito bukirin at medyo maliwanag ang paligid dahil bilog ang buwan na siyang tumatanglaw sa aming kinalalagyan.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Habang nakatanaw sa kawalan..
Tahimik..
Tanging ang tunog ng mga kuliglig lamang ang nag sisilbing musika sa aking paligid..
"Matagal kitang hinanap, alam mo ba iyon?" ang boses ni Yago sa aking likuran.
"Bakit hinahanap mo ako?" tanong ko.
"Dahil hindi mo sinagot ang sulat kong ipinadala noon. Bakit umalis ka doon sa dati mong tinitirhan at nag tago ka sa liblib na lugar na ito?" tanong niya
Dito nag balik sa aking isipan ang eksenang pag dating ng sulat ni Yago sa aking dating tahanan..
FLASH BACK
Isang linggo ang nakalipas buhat noong huling mag krus ang landas namin ni Yago ay may dumating na sulat sa akin, batid kong galing ito sa palasyo dahil may selyo ito ng espadang simbolo ng kaharian. Nag tungo ako sa tabing ito upang basahin ang sulat at laking gulat ko na galing pala ito kay Yago.
Dear Ned,
Masaya akong muli kang makita. Kung alam mo lang ang tagal kitang hinahanap. Halos labing walang taon akong nangungulila sa iyo kaya naman halos sumabog ang puso ko noong masilayan ko ulit ang iyong mukha. Hanggang ngayon tol ay naaalala ko pa rin ang masasayang araw na pinag samahan natin, kung paano mo ako binago at minahal ng walang kapantay. Araw araw kitang ginagawang inspirasyon para mag patuloy ako sa hamon ng buhay bilang hari ng palasyo at kahit nasaan ako hinahanap hanap pa rin kita.
Nga pala tol, ipinangalan ko sayo ang aking anak dahil siya ang nag papa alala sa akin na minsan ay dumaan ka sa buhay ko. Alam kong sa pamamagitan ng aking anak ay hindi tayo muling mag kakahiwalay pa. May isang sikreto nga pala akong nais aminin sa iyo. Gusto kong malaman mo tol na minahal na kita noong unang palang kitang makita, ewan ko ba kung bakit napaka torpe ko at ang pag lalambing ko sa iyo ay nauuwi lagi sa pang aasar. At naalala mo ba noong unang beses kitang hinalikan sa harap ng publiko? Gusto kong malaman mo na totoo ang halik na iyon at iyon ang pinaka masayang araw sa buhay ko.
Ps.
Mahal na mahal kita Ned, at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling t***k ng puso ko..
Nagmamahal,
Yago
End of flash back (Scene from Book 1)
Noong matanggap ko ang sulat na iyon ay nag pasya na akong umalis nalang dahil batid kong natunton na ni Yago ang aking kinalalagyan. Gusto ko ng tahimik na buhay, malayo sa kanya at malayo sa masasakit na alalang naganap noong kami pa. Lumipat kami sa liblib na lugar na ito upang dito mag simula ng tahimik na buhay.
"Hindi ko na maalala ang laman ng sulat na iyon, ngunit batid kong puro kasinungalingan lamang ang laman nito." ang tugon ko.
"Binasa mo ba?" tanong niya
"Hindi.." ang sagot ko
"Kaya hindi mo alam na mahal pa rin kita. At mahal pa rin kita hanggang ngayon." ang wika ni Yago sabay yakap sa akin.
Agad niyang sinunggaban ng halik ang aking labi dahilan upang mapako ako sa aking kinatatayuan.
Itutuloy..