Part 5

1356 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 AiTenshi April 22, 2018   Part 5   "Biruin mo hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na naka inuman natin si Prinsipe Yago. Hanep! Dugong bughaw iyon pero abot kamay natin noong gabing iyon. Siguro ay senyales iyan na mas magiging maswerte pa ang ating lupain sa mga susunod buwan at taon." masayang wika ni Kenny habang abala kami sa pag iikot sa bukirin.   Natawa ako "ang swerte ay wala sa kahit kaninong nilalang sa mundo. Ito ay nasa pag sisikap natin. Kung maalalagaan nating mabuti ang ating mga pananim ay tiyak na muli tayong aani ng maganda."   "Nag tataka lang ako pare, bakit parang matagal na kayong mag kakilala ni Prinsipe Yago?"   "Siguro ay lasing lang ako noong gabing iyon kaya hindi ko na napigilan ang aking dila na maging masungit sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay pinaplastic lamang niya tayo. Alam nyo naman ang mga dugong bughaw."   "Hindi naman siguro pare. Pero sayang hano, hindi man lang siya nag iwan ng kaunting kayaman sa atin." natatawang biro ni Kenny.   "Tado."   Tawanan..   Habang nasa ganoong posisyon kami ng aking kaibigan ay may napataan kaming apat na lalaki na nag lalakad rin sa bukid. At ang nakakabigla ay napansin naming tinatapakan nila ang aming mga pananim kaya naman agad kaming tumakbo upang suwayin ang mga ito. "Anong ginagawa ninyo?" sigaw ni Kenny   Noong maka lapit kami sa mga ito ay nakita namin na sila ay mga kawal ngunit ang kulay ng kanilang uniporme ay iba. "Ipinag utos ng hari na suriin namin ang lupaing ito" ang wika ng isang kawal.   "Mga tauhan iyan sa kaharian ng Beranda. Ang kulay ng kanilang kalasag ay berde at ginto." ang bulong ni Kenny.   "Bakit? Anong mayroon sa aming lupain?" ang tanong ko.   "Balak ng hari na kuhanin ang iyong lupain upang pag tayuan ng mga gusali. At upang mawala na rin ang mga bulok na pananim na ito." ang wika ng isang mayabang na kawal sabay sipa ang aming mga tanim.   "Hindi niya pag aari ang aming lupain kaya't wala kayong karapatang kuhanin ito!" ang sigaw ni Kenny   "Pwes ang utos ng hari ay hindi mababali. Mag paalam na kayo sa mga bulok na halaman ninyo!" ang wika pa ng isa sabay bunot sa aming mga tanim kaya naman nag dilim ang aming paningin sa matinding pag kainis.   "Itigil mo iyan!" ang sigaw ko sabay suntok ng malakas sa mukha ng kawal dahilan matumba ito. Si Kenny naman ay nakipag babag rin para protektahan ang aming mga gulayan.   Nakipag buno kami sa apat na kawal. Pilit namin silang itinaboy upang hindi nila masira ang aming mga pinag paguran..   Habang nasa ganoong pakikipag buno ay ay bigla na lamang may isang putok ng baril na umalingawngaw sa buong paligid at kasabay nito ang pag dugo ng aking balikat.   BANG!!   Tinamaan ako at napasadsad sa lupa..   "Tigas kasi ang ulo mo e! Sa susunod ay tutuluyan na kita! Wala kayong magagawa sa utos ng aming hari kaya ngayon palang ay mag balot balot na kayo ng inyong mga gamit!" mayabang na banta nito.   Ako naman ay napahiga sa lupa. "Ned! Tulong! Tulungan nyo kami!!" nag sigaw ni Kenny.   Paulit ulit siyang sumigaw   "Tulong!!!"   "Saklolo!! Dito!!!"   Hanggang sa may mga taong lumapit sa amin at agad akong inalalayan upang dalhin sa pinaka malapit na pagamutan. Hindi naman ako napurohan dahil balikat lamang ang aking tama ngunit ramdam ko pa rin ang init ng balang naka baon dito kaya halos balutin ako ng matinding kirot. Hindi naman maitago ni Beth ang labis na pag aalala noong ako ay masaktan at siyempre ay walang patid na iyak rin ang ginawa ng aking anak habang ako ay ginagamot. Ang akala siguro niya ay mamatay na ako kaya't ganoon nalang ang kanyang emosyon.   "Ayos lang ako huwag na kayong mag alala. Hindi naman ganoon kalala ang tama sa akin."   "Bakit ba kasi ang tapang ninyong dalawa, anong laban ninyo sa mga kawal na iyon? Napahamak ka pa tuloy." sermon ni Beth   "Sinisira nila ang ating pananim. Hindi ko papayagang mangyari iyon."   "Kahit masira na, basta walang mangyayaring masama. Iyon ang mahalaga." patuloy niyang sermon kaya't hindi na ako lumaban pa, niyakap ko nalang ang aking anak na noon ay iyak pa rin ng iyak.   Noong mga sandaling iyon ay naging usap usapan na sa aming lupain ang tangka ng kaharian ng Beranda. At dito naman napag alaman na mas malala pa pala ang kanilang ginawa sa ibang bukirin dahil sinunog nila ang mga ito at sinira ng walang pag aalinlangan. Nag karoon rin ng gulo sa ibang lugar, maraming nasaktan at marami ring nag buwis ng buhay. Kumbaga ay hindi pa ganoong kalala ang nangyari sa aming bukirin, hindi katulad sa iba na halos maabo na ang buong kabuhayan.   Nabahala ang lahat ng tao dahil sa tangkang pag angkin ng kahariang Beranda sa aming lupain. Tahimik ang aming pamumuhay noon, ni minsan ay sumagi sa aming isipan na maaaring mag bago ang lahat. At masaklap ay dumating ang pag babagong iyon kung kailan hindi kami nakahanda.   "Saan tayo pupulutin kapag nawala ang ating lupain? Ang ating tirahan?" ang pangamba ng mga matatanda.   "Nilapitan ko na ang punong gabay sa ating lupain. Ngayon ay nakikipag usap na siya sa hari ng Beranda. Sana ay maging matagumpay kung ano man ang kanilang mapag kakasunduan." ang wika ni Kenny.   "Maliit na lupain lamang ito ngunit masagana ang lupa kaya't ang ating mga ani ay talagang magaganda ang tubo. Ito na lamang ang natitirang lupain na may matabang lupa." ang wika ni Beth   "Kaya nga gagawin natin ang lahat upang hindi nila ito makuha." sagot ni Kenny. "At may naisip na akong paraan, ngunit mapangahas ito." dagdag pa niya   "Ano naman iyon?" tanong ko   "Ang lumaban, mag sanay tayo upang maging malakas. Sa pag kakataong ito ay may pag asa tayong pigilan ang binabalak ng kaharian ng Beranda. Mainam nang lumaban kaysa matalo nang wala tayong ginagawa." ang wika niya   Napaisip ako "Wala na tayong ibang lugar na malilipatan. Ito ang ating tirahan kaya't sa tingin ko ay wala rin tayong pamimilian." ang wika naman ng ilan sa naka tatanda.   "Sa tingin ko naman ay hintayin natin ang hudyat ng ating punong gabay, bago tayo gumawa ng isang mapangahas na desisyon." sagot ko naman   "Kung sabagay ay tama ka doon pareng Ned. Kung ano man ang maging resulta ng negosasyon ng ating naka tataas na pinuno ay dapat tayong maging handa." ang tugon ni Kenny.   Noong araw ding iyon ay maraming nag hintay ng balita tungkol sa negosasyon ng aming punong gabay sa kaharian ng Beranda. Maraming umaasa sa positibong balita na kanilang dala ngunit sa kasamaang palad ang balitang iyon ay hindi na nakarating pa. Isang kagimbal gimbal na pangyayari ang tumambad sa aming lahat noong dalhin sa bayan ang bangkay ng punong gabay kabilang na ang kaniyang mga tauhan. Lahat ng mga ito ay walang awang binaril, pinugutan ng daliri, at mga paa.   Malupit at nakaka suklam ang kanilang ginawa. Ang lahat ay nag luksa dahil sa malagim na kaganapang iyon dahilan para mas lalo pang matakot ang lahat ng mamayang naninirahan sa aming lupain.   "Pinaslang nila ang ating pinunong gabay! Napaka walang awa nila!" ang iyak ng ilang matatanda habang pinag mamasdan ang mga bangkay.   "Sino na ang tatayong haligi natin?" tanong ng iba   "Sa ngayon ang kailangan natin ay sapat na lakas at pwersa upang makalaban mula sa marahas nilang pamamaraan. Kung mag kakaisa tayo ay makakabuo tayo ng malakas na alyansang pipigil sa kanila." ang wika ko naman.   "Sana ay ganoon kadali iyon tol, takot na ang lahat. At ang ilan sa mga mamamayan natin ay lumikas na dahil sa takot na mapahamak. Sinong aasahan nating tutulong sa atin?" tanong ni Kenny na hindi maitago ang labis na pag aalala.   Tahimik..   Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla nalang naming nakita ang mga kabayong parating sa aming kinalalagyan. Lahat sila armado ng mga baril at patalim.   Mabilis ang kanilang pag takbo dahilan para lahat kami ay balutin ng matinding takot. Ang aking malamig na pawis ay pumapak sa aking patilya at dito ay nag simula nang mag kagulo ang lahat.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD