Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
April 25, 2018
"Sana ay ganoon kadali iyon tol, takot na ang lahat. At ang ilan sa mga mamamayan natin ay lumikas na dahil sa takot na mapahamak. Sinong aasahan nating tutulong sa atin?" tanong ni Kenny na hindi maitago ang labis na pag aalala.
Tahimik..
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla nalang naming nakita ang mga kabayong parating sa aming kinalalagyan. Lahat sila armado ng mga baril at patalim.
Mabilis ang kanilang pag takbo dahilan para lahat kami ay balutin ng matinding takot. Ang aking malamig na pawis ay pumapak sa aking patilya at dito ay nag simula nang mag kagulo ang lahat.
Part 6
"Yaaaaahh! Hiyaaaah!" ang sigaw ng mga kawal na naka sakay sa kabayo dahilan para huminto ang kanilang pag takbo.
Tuloy pa rin ang pag kakagulo ng mga tao sa paligid. Samantalang ako naman ay napako lamang sa aking kinalalagyan. Dito ay napansin ko ang tyapa ng mga kabayo at galing ito sa palasyo nina Yago.
"Huwag kayo matakot! Kami ay narito upang mag bigay ng isang anunsyo mula sa hari ng Hokunya!" ang wika ng kawal
Samantalang ako naman ay naka tanaw lang sa kanila, ni hindi ko rin malaman ang aking gagawin. Dito ay napansin kong bumaba ang isang kawal sa kanyang kabayo at kinuha nito ang isang naka bilot na kasulatan mula sa palasyo.
"ISANG ANUNSYO MULA SA PALASYO NG HARI! Mag si hinto kayong lahat at makinig sa aking sasabihin." ang malakas na salita ng kawal dahilan para mawalan ng kibo ang lahat.
"Ehem." dagdag pa ng kawal sabay ubo para mas lalo maging malakas at klaro ang kanyang tinig.
"Ang Hari ng Hokunya at Ang Prinsipe Yago sampu ng kanyang mga kawal ay nakikiisa upang maprotektahan ang inyong lupain. Sa makatuwid tutulong ang palasyo upang hadlangan ang Kaharian ng Beranda sa kanilang binabalak na pag angkin sa inyong mga tahanan.
NGUNIT, kalakip nito ang ilang kasunduan at mahalagang alintuntunin na dapat nating isaalang alang.
UNA: Ang lupaing ito ay magiging pag aari na at sakop ng Kaharian ng Hokunya. Kinakailangan ninyong mag bayad ng buwis sa palasyo katulad ng ibang lupain na kanilang sakop.
IKALAWA: Batid nating lahat na bumaba na ang bilang ng mga kawal sa palasyo. Kaya't upang mapag tagumpayan natin ang adhikaing protektahan ang inyong lupain ay malugod naming inaanyayahan ang lahat ng kalalakihan sa lupaing ito na nasa edad 20 hanggang 50 na maging isang kawal at mag sanay sa palasyo sa lalo't madaling panahon.
Ang mga kalalakihan na nasa edad 20 hanggang 50 ay inuubligang mag lilingkod at magiging kaisa ng palasyo sa pag tatanggol sa inyong lupain MALIBAN na lamang sa mayroong sakit at kapansanan. Sila ay hindi papayagan ng palasyo na maging kawal.
Unuulit ko ang lahat ng kalalakihang nasa edad 20 hanggang 50 ay inuubligang mag lingkod bilang kawal sa palasyo, maliban lamang sa mayroong kapansanan." ang wika ng kawal dahilan para umalma ang lahat.
"Bakit inuubliga? Ganoon na ba kahina ang inyong pwersa?" tanong ng mga kalalakihan.
"Oo, ang palasyo ay mayroon na lamang 347 kawal. Bumaba na ang bilang ng mga ito. Saka bakit kayo nag rereklamo, wala rin naman kayong ibang pamimilian, lalaban kayo o mawawala ang lupaing ito sa inyo." ang sagot ng kawal
Hindi naka imik ang mga taong bayan. Tila pati sila ay napaisip rin. Mahilig talaga ang palasyo sa desisyong sapilitan, katulad ko noon kung saan sapilitang dinala sa palasyo upang maging kabiyak ng prinsipe dahil sa kasunduan nila ng aking ama. Walang pinag kaiba ngayon na kukuha sila ng mga kawal upang mapalakas ang kanilang pwersa.
"Ang katahimikan ay nangangahulugang pag sang-ayon. Sa susunod na linggo ay babalik kami rito upang sunduin ang inyong mga kalalakihan. Ito ay sapilitan at hindi boluntaryo. Kung ikaw ay nasa edad 20 hanggang 50 at walang kapansanan ay dadalhin ka sa kaharian upang maging kawal." wika ng mga ito
"Sandali! Ako ay nasa edad na 39 kung dadalhin ninyo ako sa palasyo ay paano ang aking mag ina? Paano ang aming pamilya?" ang tanong ng isang lalaki sa aming likuran.
"Ang inyong pamilyang iiwanan ay makakatanggap ng sapat na supply ng pag kain at pang gastos mula sa palasyo." ang wika ng kawal sabay sakay sa kanyang kabayo.
"Babalik kami sa susunod na linggo." dagdag pa nila at doon ay mabilis silang lumisan sa aming bayan.
Noong mga sandaling iyon ang lahat ng kalalakihan sa aming lupain ay nag karoon ng samut saring emosyon. Ang iba ay nangamba, ang iba naman ay naka kitaan ng pag hahanda upang yakapin ang kanilang kapalaran. Lubhang napaka hirap lamang balansehin ng sitwasyon dahil naka taya rito ang kabuhayan, tirahan at kinabukasan ng lahat. "Paano kayo kung aalis ako?" ang tanong ko kay Beth noong makauwi ako sa bahay.
"Aalis rin si Kenny at maiiwan ang kanyang mag ina. Nakikiusap siya na kung maaari ay doon na lamang kami tumira sa kanilang bahay pansamantala dahil sanggol pa ang kanyang iiwang anak." ang sagot ni Beth.
"Iyan rin ang paki usap sa akin ni Kenny, na kung maaari raw ay doon na lamang kayo pansamantala upang masamahan ang kanilang mag ina. Siguro ay dumarating talaga sa punto na kinakailangan nating mag sakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay." ang sagot ko.
"Babalik ka naman diba?" ang tanong ni Beth.
"Oo naman. Para sa iyo at sa ating anak. Kapag natapos ang suliraning ito ay lilibot tayo kahit saan na nais ninyong puntahan. Basta ang hiling ko lamang ay maging matatag kayo at huwag ninyo pababayaan ang inyong sarili."
"At ang nais ko lamang rin ay maging matatag ka at huwag basta basta mag papatalo sa iyong takot. Hihintayin ka namin ni Lucio." tugon niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Yung tipong bale wala ang pag dedesisyon sa aming sitwasyon dahil ang palasyo na mismo ang humawak ng aming kapalaran. Hindi ka mag dadalawang isip na tutuloy o aatras dahil walang pamimilian kundi ang sumulong. Hindi naman ako malakas, ngunit gagawin ko ito upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking anak. Paano siya kung wala na kaming lupain at kabuhayan. Paano ang pangako ko na sa kanyang mapupunta ang aming munting sakahan? Ang lahat ng iyon mawawalang parang bula kung hindi kami gagawa ng paraan upang pigilin ang tangkang pag kuha nito.
Kung tutuusin ay isang magandang ideya na ang pakikipag alyasa sa kaharian ng Hokunya, kaysa naman kami lamang ang lumaban, tiyak na mababale wala rin ang lahat.
Mabilis lumipas ang isang linggo at dumating ang araw ng pag sundo sa mga kalalakihan sa aming bayan. Bago ako umalis ay isang halik at mahigpit na yakap ang aking iginawad sa aking mag ina.
Naging emosyonal ang araw na iyon kasabay ng pag lalagas ng mga tuyong dahon sa paligid ang aking ginawang pag hakbang palayo sa kanila. Kumikirot ang aking dibdib ngunit kailangan lakasan ang aking loob dahil batid ko ang kalabaryong ito ay lilipas rin.
Katulad ng napag kasunduan, isa isang kinilatis ng mga kawal ang bawat kalalakihan na sasakyan sa karwahe patungong palasyo. Ang may mga sakit at kapansanan ay pinauwi na lamang at ang mga may malulusog na pangangatawan ay agad na pinapasok sa karwahe at mabilis na inialis sa aming bayan kabilang na ako at ang aking kaibigan na si Kenny na noon ay bakas na bakas ang takot at lungkot dahil sa kanyang ginawang pag lisan sa kanyang anak na sanggol.
Dito mag sisimula ang panibagong yugto ng aking pag harap sa hamon ng buhay. Wala akong ibang dala kundi ang aking katatagan at pananalagi na mapag tatagumpayan namin ang misyong pag protekta sa aming lupain.
Itutuloy..