Jason
BAKIT sa lahat ng babaeng pwedeng ipagkasundo sa akin ay siya pa? Ginagago ba ako ng panahon? Ang taong pinakahuli kong gustong makita, siya pa talaga ang ipagkakasundo sa akin?
Muling bumalik lahat ng mga alaala ko sa kaniya na hindi na dapat nangyari pa. Isang malaking pagkakamali ang panahong 'yon, ayoko nang maalala pa.
Dumiretso ako sa kompanya ng kapatid ko para lang magsumbong sa kaniya. Mukhang nakita niya na rin siguro ang babaeng 'yon.
"Ano ka ba naman, Kuya? She looks nice, how could you say no?" he asked cluelessly. Sinabi ko sa kaniya ang reklamo ko tungkol sa babaeng 'yon, ngunit hindi ko na binanggit ang nakaraan. Sinabi ko lang na ayaw ko talagang magpakasal.
"I find Thamara nice, so, should I say yes for her?" masungit at naghahamon kong sabi sa kaniya na ang tinutukoy ay ang fiancee niya.
Sinamaan niya ako ng tingin, malamang ay hindi nagustuhan ang aking sinabi. I know how much my brother love that woman, kaya hindi na dapat ako magulat kung pati ako na kuya niya ay pagsiselosan niya.
Bumuntong-hininga ako. "Gusto ko na lang uminom, samahan mo ako mamaya."
"Sige, ilibre mo ako," nakangisi niya pang sabi. "Pero magpapaalam muna ako sa asawa ko."
Diniinan niya pa talaga ang letra para lamang ipamukha sa akin na isa akong single. Wala naman akong pakialam.
"Pakasalan mo muna bago mo angkining asawa, baka mamaya, masulot pa ng iba. Ikaw din," pang-aasar ko.
Natawa ako nang pinakita niya sa akin ang kaniyang gitnang daliri.
"Nag-propose na ako, Kuya," biglang sabi niya. "I'm getting married, Dude, and I will be a father soon," nakangisi at mayabang niya pang sabi. "Oh, kaya mo 'yon?"
Sabay kaming natawa.
"I'm the best man then?" tanong ko kahit alam kong hindi naman talaga ako ang gusto niyang maging best man.
"Hindi, ninong ka," biro niya sabay bulalas ng tawa. Binatukan ko naman siya na ikinatawa niya lang. "Seryoso, si James ang best man ko. Baka kasuhan niya ako kapag hindi ko tinupad ang pangako namin sa isa't-isa."
"Sounds gross," biro ko at umaktong nasusuka pa. Tumawa naman siya.
"Pero seryoso, Kuya. Lovelife mo naman ang pag-usapan natin. Bakit ba wala akong nabalitaang girlfriend mo? Bakla ka ba? Irereto na lang kita kay James, baka mag-click kayo."
"T*r*nt*do!" pabiro kong singhal. "We both do not swing that way, Dude. Ayaw ko lang talaga, ayaw kong matali, ayaw ko sa responsibilidad, ayaw ko sa commitment, ayaw ko sa attachments, ayaw ko sa drama."
Dahil nakakapagod. Nakakapagod at nakakadismaya. Hindi ko kaya, at ayaw ko nang bumalik sa ganoong punto ng buhay ko.
"Kung ako sa 'yo, Kuya, susubukan ko 'yang Delauta na 'yan. Though I heard that she is high-maintenanced. Pero mayaman ka naman, kaya mong i-provide sa kaniya lahat ng kailangan niya. Pakasalan mo, anakan mo. Subukan mong mahalin—"
"No way!" Napalakas ang pagkakasabi ko noon kaya naman nagulat ang kapatid ko at malamang nagtaka, "Ayaw ko sa kaniya. Iba na lang siguro, mas kaya ko pa sigurong pakisamahan ang iba kaysa sa kaniya."
"Bakit naman?" pangungulit niya. "Look, nakita ko na ang babaeng 'yan. She's beautiful. Mukha naman siyang mabait, just give it a try, Kuya. Walang mawawala sa 'yo."
"Whatever, Zkat. Samahan mo na lang akong uminom mamaya. May meeting lang ako with a potential business partner. Tapos ay babalik ako dito para sabay na tayong pumunta sa Club Lavista."
"Sige, sige," pagsang-ayon niya kasabay ng pagtango.
Tumayo ako at agad na nagpaalam para umalis dahil hindi ako pwedeng ma-late sa isang lunch meeting. Hindi naman 'yon siguro magtatagal pero kailangan ko pang umuwi sa bahay upang siguraduhing kumain na si Drick at Brick, pareho pa naman ang dalawang 'yon na walang alam sa pagluluto. Siguro kailangan ko nang mag-hire ng chef para sa aking bahay at tagalinis, pero sila Mama at Papa naman ang naghahanap ng mga gano'n upang masigurong matitino ang maninilbihan sa 'min, kaya hahayaan ko na lang silang gumawa no'n.
Pinilit kong kalimutan na lang ang kung anong nangyari kanina dahil ayaw kong masira ang mood ko. Mamaya ko na lang ibubuhos ang galit at iritasyon ko pagkatapos ng trabaho.
"Good afternoon, Mr. Lee," a man on his late 40s approached me, that's when I recognize him as the person that I will have a meeting with today. Kasama niya ay isang dalagang maputi, singkit ang mata at balingkinitan ang katawan na walang kasing pula ang mga labi.
"Good afternoon," I greeted back without standing. I motioned my hand to signal them to sit at nakuha naman nila ang nais ko.
"My apology for being late," the old man said sincerely.
"No, it's okay, uh—" tiningnan ko ang relong pambisig ko, "You're just on time. Maybe we should order food first before we start with the discussion," pormal kong sabi at tinawag ang waiter.
Sinulyapan ko ang maputing babae nang maramdaman ko ang titig niya sa akin na hindi ko nagustuhan.
"Is she your secretary?" I asked the old man.
"Oh, no." The old man laughed. "This is my daughter, Kyline Chao. She is single, and my heiress."
Napalabi ako at napatango as a respect. "Your daughter is beautiful," pagsisinungaling ko. Well, the woman is beautiful, she is just not my type.
"Salamat, Mr. Lee," nakangiting sabi ng babae.
"I heard you're also single, Mr. Lee," may halong tawa na sabi sa akin ng matanda. "If you want, we can bring our partnership into a deeper level."
I smiled. I understand where is this going to and what is his point. Hindi lang naman siya ang unang businessman na nag-offer sa akin ng marriage for convenience kasama ang kanilang anak na babae, talamak na 'yon sa industriyang kinabibilangan ko. Kung makapag-alok ay para bang isang bagay lamang ang kanilang inaalok.
I have a sister, my father is a business tycoon and I never like the idea of arranging a member of my family for the sake of business. Tradisyon nga ang arrange marriage sa aming pamilya ngunit hindi kami umabot sa puntong halos ibenta na namin ang isang myembro ng aming pamilya para lang makuha ang isang business deal.
"I don't mix business with pleasure, malas daw 'yon," sabi ko bilang pagtanggi. "Let's just stick with your business proposal, Mr. Chao."
The meeting finally started as soon as our order was served by the waiter. Miss Chao was the one who explained it further.
"Base on our research, this place receives a lot of foreign tourists especially during summer. Not only that, a lot of Filipinos also visit this place. During this time, napupuno talaga ang hotels sa lugar na ito. Kaya naman naisip naming mag-build ng panibagong hotel dito."
"Wait," I interrupted her when I heard what she just said. "Have you done your research well about me?"
Nagkatinginan silang dalawa. Mahina akong natawa sa pagkadismaya. Nasayang lang pala ang oras ko rito.
"We already own a chain of hotels all over the world. If ever I want to start a hotel in this place, I can just do it and make it as part of the chain, as another branch, right? Any other hotel is a competitor. To make it simple, hindi ako papasok sa isang business partnership upang magtayo ng kakompetensya ng negosyong meron na ako. I'm sorry, Mr. and Miss Chao, but I suddenly lost my interest for this proposal."
Pareho silang natahimik. Halata ang pagkabigo sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko na alam ko din naman na may punto.
"Look, I'm a risk-taker kind of businessman. Ngunit hindi ko na kailangan ng panibagong pangalan ng hotel."
Napapahiya nila akong tiningnan.
"Pasensya na po, Mr. Lee." Napakagat ang babae sa kaniyang pang-ibabang labi. Napabuntong-hininga ako. "Pero— this is not just a common hotel na nandoon sa building. We are aiming for some traditional kind of place to stay. We are aiming for bahay-kubo to give a provincial-vibes to the customers po, according to our research, this kind of hotel is not yet developed in the place. Para po siyang villa, pero bahay-kubo sized lang po siya. This is unique to the place, this will surely become a trend for the customers always seek for something that is new to them… experience po kumbaga, Mr. Lee."
I smiled. She looks smart, base sa pananalita niya at pormalidad, masasabi kong matalino siya. Ngunit kulang ang research niya.
Mr. Chao looked at her daughter proudly, looks like they were convinced that I was convinced by Miss Chao's words… but they're wrong.
"Bahay-kubo," I repeated the word. "It's wooden, an indigenous house and small house here in the Philippines. I believe that you should also have the pricing based on the average income of the place to make sure that it is affordable. To earn big, you need to build a lot of these small houses. Is the area you allocated for that enough to cater a lot of small houses?"
Walang bahid ng sarkasmo, puno ng pormalidad ang pagkakasabi ko ngunit nakita kong tumiim ang tingin ni Mr. Chao sa akin na para bang minumura na niya ako sa isip niya pero wala akong pakialam.
"Aside from that, houses are wooden, made of bamboo, nipa and whatsoever that do not last long. That means it'll be high maintenanced. Baka ang magiging kita ay mapupunta lamang sa pagri-repair. Tablado lang, tama ba ako, Mr. and Miss Chao?" tanong ko na sa huli ay pinakitaan ko sila ng ngiti.
"We can make it concrete—"
"I thought the goal was to give the guests a provincial-vibe?"
Pareho silang dalawa na napatahimik dahil sa sinabi ko na para bang natauhan sila.
"I hope that if ever you might have a business proposal for me next time. Sana ay mag-conduct muna kayo ng researches at iba pang mga kinakailangan upang mas maging worth it ang perang iri-risk natin. We will spend millions for this," sabi ko sa kanila, hindi intensiyong mangbastos. "Kung ganitong klaseng business proposal lang naman, might as well donate those millions to the charity. The goal of the business is to profit, sana maintindihan niyo ang punto ko."
Nakita kong pareho silang napalunok dahil sa sinabi ko. Malamang ay nainsulto sila. Pero kung may malawak silang pang-unawa, sigurado akong pasasalamatan pa nila ako dahil sa mga sinabi ko.
When I started building my own name in this industry, mas malala pa ang mga natanggap kong kritiko, insulto at mga salita. Ngunit lahat ng 'yon ay ginamit ko upang gawing batayan para matuto, umunlad at maging matagumpay. Not to brag, but here I am now, isa na sa mga nagbibigay ng kritiko.
"Thank you and I'm so sorry for wasting your time, Mr. Lee," nahihiyang sabi ng babae.
Tumango ako. "May future ka in this industry. I'm looking forward for future business partnership with you. Sana mangyari 'yon," sabi ko at inilahad ang kamay ko upang makipag-kamay sa kanilang dalawa at pormal na magpaalam.
Agad akong nagmaneho pauwi sa sarili kong bahay. Bahay na minsan ko na ring pinagplanuhang ibenta dahil sa sobrang galit at sakit na naramdaman ko noon. Hindi ko maintindihan kung ano ang pumipigil sa akin na ibenta ang bahay na 'to.
Katahimikan ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa bahay. Pumunta ako sa kusina at tyaka ko nadatnan ang mga kapatid kong sina Drick at Brick na nagtatalo.
"Yan nga 'yong napanood ko sa cooking vlog!" Narinig kong singhal ni Brick. "Tinantya ko ng mga ingredients niyan kaya alam kong masarap!"
"Hitsura pa lang, Brick, nakakalason na! Dapat kasi nag-order na lang tayo eh!"
"Bahala ka nga d'yan! Nag-effort pa naman ako na ipagluto ka!"
Napabuntong-hininga ako. Here they are again, Brick, the chef-wanna be, and the rude judge, Drick. Lahat naman kami hindi marunong magluto.
Natahimik sila nang lumapit ako sa mesa, umupo. Kinuha ko ang tinidor at tinikman ang niluto ni Brick na hindi ko mapangalanan kung ano.
Halos gusto kong masuka nang hindi ko maintindihan ang lasa. T*ng*na! Anong klaseng putahe 'to?!
Inabot ko na lang ang tubig tyaka ako uminom.
"Ano, masarap ba?" Puno ng excitement ang boses niya, abang na abang sa komento ko.
"Try harder," sabi ko, "Magpa-deliver na lang tayo."
"That's better!" Parang nakahinga ng maluwag si Drick.
"Sigurado akong gagaling din ako sa pagluluto! Tsk!" asik ni Brick bago niligpit ang pagkain. Ako naman ay tumungo sa sala at tinawagan ang kapatid kong babae upang magpa-deliver ng pagkain.
Si Daddy, si Mommy, si Ahbi, at Zkat, lahat sila ay magaling magluto. Ako lang ang hindi.
Nang dumating ang ini-order kong pagkain ay sabay-sabay kaming nagtanghalian kahit sobrang late na.
"Kamusta naman 'yong sinasabi nilang fiance mo. Nakilala mo kanina, hindi ba? Pasado ba?"
Napakunot-noo ako at umiling kasabay ng pagbuntonghininga. "Hindi maganda, maarte… manloloko."
"Grabe ka naman! Ano bang pangalan?"
Halos mapamura ako habang iniisip ang pangalan niya. Nakakapikon, nabubuhay ang galit ko tuwing naiisip ko ang babaeng 'yon. Bakit ba kasi kailangan magkita pa kami?
Bakit ngayon pa? Kung kailan hindi ko na siya hinahanap. Kung kailan tinanggap ko nang wala na… na tapos na… na hindi na babalik pa sa dati ang lahat.
"Nicole Ezilace Delauta," mapait kong sambit ng buo niyang pangalan.
T*ng*na! Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan, Nicole?! T*ng*na! Hindi na kita mahal! Ayaw ko na!
Nakita kong natigilan silang dalawa. Alam kong pamilyar sa kanila ang pangalan, imposibleng makalimutan nila.
"Teka lang…" Si Drick ang naunang nakapagsalita, itinaas niya ang daliri niya sa akin. "Kapangalan ng girlfriend mo. Ang girlfriend mo ba—"
"Ex! Ex, Drick. Hindi girlfriend!" nainis kong singhal kaagad.
"You two didn't break up, Dude."
"She left me, that's just the same. P*t*ng*na!"
Tumayo ako nang kumulo na ang dugo ko sa sobrang pagkapikon ko. Iniwan ko sila sa dining.
Ex ka na lang, Nicole. Hanggang ex-girlfriend ka na lang. Hindi ko hahayaang makapasok ka pa sa buhay ko ulit.