Jason
"KUYA, mabilis lang tayo ah. Wala kasing kasama si Thamara sa condo eh. Gabi pa naman, alam mo naman buntis 'yon," sabi ng kapatid ko habang nililigpit niya ang mga gamit sa mesa niya.
Iinom kami ngayon sa Club Lavista, isa sa pinaka-exclusive na night club sa bansa. Club Lavista offers good services and the whole club was divided into two parts, the bachelor's section wherein 18 to 30 years old are allowed to enter or those who are not yet married, and the other part is for the 31 and up people.
"Tyaka inom lang, Kuya. Ayaw ko sa babae, kung gusto mong mambabae, uuwi na lang ako," dagdag niya pa.
Tumango ako. Hindi naman ako sira-ulo para hilahin ang kapatid ko upang magloko sa girlfriend niya. I may not be in favor of settling down but I also want to make my sibling become a better person, lalo pa't galing na ako doon, at ang kapatid kong babae yata ang sumalo ng karma naming dalawa ni Zkat.
Zkat and I were both jerks during our younger days. He was a playboy before he met his girl now, and I was a playboy as well before I met my girl best friend, Raine. Raine was the one who made me take relationships seriously, that happened once, and I don't think I can do that again, lalo na ngayong wala nang babatok sa akin kapag nagloko ako sa relasyon. I am thankful that I experienced even once in my life to take a relationship into a serious level but after the hell I've been through because of it, I don't think I can do that again.
Raine was really a very good friend of mine, walang malisya, mahal ko siya bilang kapatid na babae, it's just sad that she had to leave this world soon and her death left a great impact and pain… mahaba rin kasi ang pinagsamahan namin, pinatino niya ang buhay ko.
EIGHT years ago...
"Jason! Jason!"
Iritado kong nilingon si Raine, ang best friend ko na panay ang pagkalabit sa braso ko at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ko.
Alam naman niyang naglalaro ako sa cellphone ko.
"What?!"
Humaba ang nguso niya at parang may tinuturo, kumunot naman ang noo ko dahil di ko maintindihan ang gusto niyang sabihin.
"Ha? Papahalik ka? Di tayo talo, siraulo—aray!" reklamo ko matapos niya akong batukan.
Makapambatok naman 'to, may galit talaga yata sakin 'tong baliw na 'to.
"Ang crush mo! Ayon oh! Balita ko nag-e-english yan! Lapitan mo na bilis!" Panay ang tulak niya sa 'kin.
"H-ha? A-ayoko! Nakakahiya!" Agad akong umurong, akala niya ba madali lang magpapansin? Hindi kaya. Nakakahiya doon sa babae.
"Anong nakakahiya?! Bilis na kasi para magkaroon ka na ng matinong girlfriend!" Panay pa rin ang pagtulak niya sa akin.
Napakamot ako ng ulo kahit hindi makati, atat na atat siyang magka-girlfriend ako sa hindi ko malamang dahilan pero noong sobrang dami kong girlfriend halos ipa-patay niya ako sa mga gangster. "Anong sasabihin ko, Raine?"
"Mag-hi ka, mag-hello, diyos ko naman, maski basic di mo alam?!" iritadong sabi niya.
"Ayaw ko nga, nand'yan friends niya oh!"
"Sus! Nakikipaghalikan ka nga maski sa harapan ng marami eh! Tapos pakikipag-usap, di mo magawa?! Wala ka! Weak sh*t ka!"
"Hazukashīdesu. Kanojo wa watashi o shiranai, oi!" pasinghal kong reklamo.
Tiningnan niya ako nang walang kasing sama. "Dakara anata wa jiko shōkai suru hitsuyō ga arimasu, damu! Ike! Ike! Ike!" aniya na itinulak-tulak pa ako.
Sinamaan ko siya ng tingin tyaka ako padabog na umalis tyaka lumapit doon sa babae. Sakto naman na umalis na yung mga kasama niya.
"H-hi!" nauutal kong bati. P*t*ng*na! Paano ba kasi maging gentle?! Wala akong kaalam-alam talaga. First time ko kaya 'to. Sa buong walong taon, ngayon lang ako lumapit sa babae na may mabuting intensyon na walang halong hidden agenda.
Lumingon siya sa 'kin, nakakunot-noo. Suplada!
"Yes?"
Sh*t! Ang lamig ng boses! Napakaganda niya lalo sa malapitan.
"Ahm—" Umupo ako sa tabi niya, siya naman ay sinundan ako ng tingin. "I just want to—" hinalikan ko siya sa labi. Smack lang naman 'yon, yes, agad-agad. Walang sabi-sabi, diretso sunggab.
"Pervert!" singhal niya matapos akong itulak at sinampal ng sobrang lakas, grabe, napakabigat ng kamay niya.
Napahawak ako sa panga ko na parang lumipat yata ng pwesto. Napakasakit ah!
"ARAY! aray! Ah! Masakit, Raine!!" panay reklamo ko no'ng may pumingot sa tenga ko.
Battered Jason na yata ako dito?! Napakamapanakit naman ng mga babae na 'to.
"Siraulo ka! Bakit mo hinalikan kaagad?!" galit na tanong ni Raine.
"Eh ano ba dapat?!" naiinis kong tanong. "Nag-hi na ako, ano bang kasunod?"
"Dapat naging gentle ka!" naiinis niya ring singhal.
"Bakit?! Marahas ba yong kiss ko?! Dampi nga lang eh!"
Sinampal na naman niya ako.
Aba!
"Wala ka talagang alam sa pagsosyota 'no? Panay pasok ka lang pero di mo alam paano sumuyo! Halika! Turuan kitang g*go ka!" Hinila niya ako—dapat ko yatang sabihin na... kinaladkad! Kinaladkad niya ako!
Abusado na yata 'tong best friend ko ah. Porket hinahayaan ko siyang disiplinahin ako, sinasaktan na ako?!
Wala naman talaga akong alam sa mga ligaw-ligaw na yan.
Isa akong bad boy at reteradong f*ck boy ng bayan. Kaya paano ako magkakaroon ng ideya kung paano manligaw? Di nga ako interesado doon. Napakarami kasing arte nitong si Raine eh.
Nakilala ko si Raine no'ng first year ako dito, siya lang 'yong babaeng hindi ko kailanman pinagnasaan. Bakit? Nakikita ko kasi sa kaniya ang kapatid kong babae sa Pilipinas.
Tuwing kasama ko si Raine, parang nasa Pilipinas na rin ako, kasi marunong siyang magtagalog. Malapit nang mag-apat na taon mula no'ng naging best friend ko ang babaeng 'to kaya naman marami nang nagbago sa buhay ko.
Si Raine 'yong klase ng babae na masarap kasama, kahit na kinokontrol niya ako, okay lang, kasi masaya naman ako sa pinaggagawa niya sa 'kin. Tinuruan niya ako paano maging mabuting tao. Tinalikuran ko yung mga bisyo ko, lalo na yung paglalaro ng feelings ng mga babae.
At ngayon... na may crush akong first year college, tinutulungan niya ako na may kasamang karahasan para maligawan ko na ang babae.
Si Nicole Ezilace Delauta, sobrang ganda niya talaga. Mula noong unang araw ng pasukan naging crush ko na 'yan. G*go, parang High School lang? May pa-crush-crush pang nalalaman.
Mas lalo lang akong humanga kay Nicole dahil sobrang galing niyang magdrawing, napaka-artistic niya. At tuwing may event sa school halimbawa 'yong pagko-cosplay—cosplay ba 'yon? Basta 'yong ginagaya nila mga character! Ang galing niya. Tapos ang ganda ng boses niya. Napaka-talented! Matalino pa! Kahit naman ga-gago-gago ako, mataas din naman standard ko, tyaka wag ka nga, handa kaya akong magbago kung tulad niya ang magiging girlfriend ko.
Ilang days din akong tinuruan ni Raine ng mga dapat kong matutunan. Bukod sa mga lessons na nakuha ko, bukol rin at pasa, bonus do'n.
"Ano ulit sasabihin mo sa kaniya?" tanong ni Raine sa akin.
"Hi. I'm Jason Axe Lee, I'm sorry about what happened last time, I just got carried away, I hope we can be—aray!"
Kung di ko lang talaga gustong maging girlfriend si Nicole, hindi na talaga ako magpapaturo kung paano manligaw sa amazona na 'to.
"Wag mo ngang ipahalata na memorized ang lines mo, tanga ka ba? Napakababaero mo tapos simpleng pakikipag-usap lang di mo magawa?" sermon sa akin ni Raine. "Kung panloloko, ang kapal-kapal ng mukha mong humarap sa babae, tapos kapag seryoso na, hiyang-hiya ka!"
"Wag ka na ngang mambatok, nasasaktan na ako, Raine!" reklamo ko sa kaniya.
"Para maintindihan mo lalo! Dapat magmukhang genuine! Wag mong ipahalatang rehearsed yung linya mo!"
Dapat talaga sumisinghal siya, ewan ko sa kaniya.
"Nakakainis ka naman eh! Nakakahiya nga siyang lapitan!" Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman makati.
"Akala ko ba lahat ng babaeng gusto mo ay nakukuha mo?"
"Oo, yun nga! Nakukuha ko lahat ng mga babaeng gusto ko, maliban sa kaniya! Iba naman kasi siya, nahihiya talaga kasi ako!"
"Oh ayan na siya, lapitan mo bilis!" Tinulak niya ako ng pagkalakas-lakas na halos mapasalampak ako sa lupa.
Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya tyaka kumaway.
Inayos ko muna ang itsura ko. Napabuga ako ng hangin—dagdag pollution.
Umupo ako sa tabi niya. Madalas talaga siyang mag-isa, ewan ko kung loner ba talaga siya o wala lang talaga siyang gaanong close friends dito. Mukha kasing taga-western ang itsura niya, walang lahing Japanese ang makikita sa itsura niya.
"H-hi" nauutal kong sabi.
Lumingon siya sa 'kin, agad sumimangot ang mukha niya nang makita ako. Umiba ang timpla, men! Mukhang handa na siyang bugahan ako ng apoy.
"What do you want?" mataray niyang sabi, parang gusto ko na tuloy tumakbo pabalik kay Raine at magtago sa likod niya.
"I just wanna say sorry about what happened last time." Gusto ko nang kamayan ang sarili ko dahil nasabi ko 'yon ng dire-diretso.
Ang galing mo, Jason!
"What took you so long to realize your mistake?"
"I know that it was a mistake it's just that—"
"Saying sorry is not your thing?" dugtong niya "Gago rin pala 'to" bulong niya.
Naiintindihan kita! Teka! Nagtatagalog siya? Pinoy?
"I was too shy to say sorry."
"Okay," sabi niya at napabuntong hininga, "Peace." She extended her hand and smiled at me.
Yes! Tahimik akong nagdiwang.
Tinanggap ko naman yon tyaka ngumiti sa kaniya.
"I need to go, bye!" sabi niya agad-agad tyaka umalis nang di man lang hinintay sagot ko.
Ano yon?! 'Yon na ba 'yon? Wala man lang bang additional conversation?
Para akong naluging pumasok sa classroom namin ni Raine. Si Raine naman ay panay ang tingin sa 'kin parang nag-aabang ng kwento ko.
"Anong nangyari? Tell me!" excited niya pang tanong. "Naging friends ba kayo? Niyaya mo bang mag-dinner para sa palusot mong pambawi sa kaniya?"
Napabuntong-hininga ako. "Bakit napaka-snob ng mga babae?!" naiinis kong tanong. "Nilayasan ako agad!"
Humagalpak ng tawa ang baliw, nilingon tuloy siya ng mga kaklase namin.
"Baka mahina ka talaga! Yayain mo mamaya."
After ng klase namin, dumiretso ako sa building nila. Iba kasi ang building ng mga IT student at iba rin sa 'min. Each course, iba ang building. Medyo malapit lang naman kami kasi ang building lang ng Architecture ang nasa pagitan namin.
Maraming mga hindi Japanese ang nag-aaral sa school na 'to, bukod kasi sa maganda ang teachings, open rin ang school na ito sa kahit anong lahi dahil english ang ginagamit na language sa pagtuturo.
Pagkarating ko pa lang sa building ng IT, nakita ko na ang mga estudyanteng may kaniya-kaniyang laptop, siguro ay hands-on project nila.
Dahil dakilang stalker ako ni Nicole, alam ko kung nasaan ang room nila syempre, at 'yon nga, nakita kong lumabas na ang mga estudyante sa room nila. Hapon na din kasi at oras na ng uwian.
Nung makita ko siya kinawayan ko agad tyaka ako lumapit. Kumunot agad ang noo nya.
"Hi, I'll help you," sabi ko at inagaw na ang laptop sa kaniya.
"Thank you. I really need help in carrying my things," nakangiti niyang sabi at niyakap ang libro niya.
"Let's go?"
"Okay."
Sabay kaming naglakad palabas ng gate at papunta sa dorm ng school. Yes, our school is a dorm school para sa mga international students. Meron din para sa mga Japanese pero nakabukod sila.
"Thank you," sabi niya no'ng marating namin ang room niya.
"You're welcome."
"What's your name by the way?" tanong niya.
Tyaka ko lang na-realize na hindi nga pala kami magkakilala. Tanga ka, Jason!
"I'm Jason Axe Lee."
"Half blooded?" she asked.
"Half American and half Filipino."
Nanlaki ang mata niya. "Wow! So your mom is the Filipino? Do you speak tagalog?"
"Oo naman," mabilis at nagyayabang kong sagot.
Nanlaki lalo ang mga mata niya, napatili siya at napatalon tyaka niya ako niyakap.
"OMG! Ka-bayan!"
My eyes almost popped-out. Ka-bayan? What's that word?
"Oh I'm sorry. N-natuwa lang ako. I-I mean, hindi kasi ako nakakausap ng mga nagtatagalog dito eh, lahat ng kilala ko di nakakaintindi ng tagalog. I'm so glad may nakilala ako," napapahiyang paliwanag niya.
Ngumiti ako. Parang tumigil sa paggana ang utak ko t*ng*na. Parang sinilaban ang mukha ko. Did she just hug me?
Ito ba 'yong kilig? Ito na ba 'yon?
Sh*t! This girl will give me a heart attack.