Prologue
Jason
"DRICK?" I called the attention of my adoptive brother who happened to be my assistant.
"Hai? Hai? Dōiu go yōkendesu ka?"
Agad akong napangiwi nang sagutin niya ako gamit ang lenggwahe dito sa Japan.
"Pwede bang magtagalog o mag-english ka? Kutang-kuta na ako sa lenggwaheng 'yan sa pakikipag-usap sa business partners tapos ikaw mukhang tuwang-tuwa ka pa?" napipikon kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya lang.
"Yes? What can I do for you?" sarkastikong sabi niya sabay tawa.
"Can you book me a flight to the Philippines as soon as possible?" tanong ko.
"Nani? Dōshite? I mean, what? Why? Masyado ka namang highblood, Bro. Ini-enjoy ko lang naman ang pagtira ko dito sa Japan," biro niya na siya lang ang natuwa.
Sa kanilang dalawa pa naman ng kakambal niya akala ko siya ang mas matinong kausap.
"Sundin mo nalang 'yong pinapagawa ko," sabi ko sa kaniya. "As soon as possible."
"Are you serious?" Drick asked as if he can't believe me. Ano bang nakakagulat kung pupunta ako sa Pilipinas? May pamilya naman ako doon.
Hindi ko nalang siya sinagot dahil ayaw kong maubos ang natitirang pasensya ko, kakarampot pa naman ang meron ko no'n.
"I thought you're not in favor of marriage for convenience?" nagtataka pang tanong niya. Paano naman napunta sa marriage of convenience ang usapan namin?
"Hindi nga. Kahit anong kasal basta ako ang ikakasal, ayaw ko, hindi lang marriage for convenience," sabi ko habang binubuksan ang report ng kita ng aming negosyo rito sa Japan.
"Then why are you asking me now to book a flight for you?" nagtatakang tanong niya pa.
"Because I said so!" iritado ko na sagot. Diyos ko naman, bakit ba hindi niya na lang gawin ang pinagagawa ko? Napakarami niya pang tanong.
"But you said you'll go there, ibig bang sabihin nito ay pumapayag ka nang matali?" naguguluhang tanong niya.
Naihilamos ko ang aking palad dala ng iritasyon ko sa kaniya at agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"I will go there to personally decline and offer my ideas, alright?" naiinis kong sabi, "Hindi 'yon parte ng pagpunta ko doon. Since tinanong mo, 'yan ang sagot ko. Ngayon na nakuha mo na ang sagot sa tanong mo, sana makatulog ka ng sobrang himbing mamayang gabi at gawin mo na yung pinapagawa ko. Pwede?!"
"Okay then. Sino daw ba ang ipapakasal sayo?"
Napahampas ako sa mesa dahil hindi na maubos-ubos ng tanong niya.
"Sabi ko nga, kay Brick ko nalang itatanong. High blood ka naman masyado," nakanguso niya pang sabi. Alam kong sinasadya niya akong bwisitin, parehas lamang sila ng kakambal niyang mahilig manira ng araw.
"Nasaan nga pala ang kakambal mo?" tanong ko sa kaniya.
As if on cue, pumasok sa opisina ko si Brick, ang kakambal ni Drick.
"Jason Axe Lee, your father called," bungad niya. Akin lang?
"Anong sinabi?"
"Pinapauwi tayo. I think they already agreed on your engagement for convenience, your real dad and his wife was the one who choose the girl and Papa Shiro and Mama Jul agreed, maybe they like the girl too," mahaba niyang sabi dahilan upang matunog akong napabuntong-hininga.
I sighed before I nod, "Okay, let's go," niligpit ko ang kalat ko sa mesa bago ako lumabas ng opisina.
Drick drove the car on our way home. It's just 10-15 minutes drive wala namang heavy traffic dito sa Japan. Upon entering the gate, I already saw my biological mother waiting for us outside the house.
"Ma!" I called and gave her a kiss on her forehead as soon as I got near her.
"Good thing you are here!" She sounds relieve as she caressed my face. "I'm worried sick of your well-being! Hindi ka umuwi ng ilang days, hindi mo pa ako magawang i-text o tawagan man lang, lagi pang patay ang cellphone mo!"
Napabuntong-hininga ako nang magsimula na naman siya sa sermon niya, bawat pag-uwi ko nalang dito sa mansion ay pinapagalitan niya ako.
"Sobrang tutok mo sa trabaho at negosyo, aanhin mo 'yang kayamanan mo kung patay ka na dahil sa kapabayaan mo sa sarili mo?!"
"Ma, okay ako. Inaalagaan ako ni Brick at Drick, okay? Kaya ko nga sila palaging kasama upang may makatulong sa 'kin," pagpapakalma ko kay Mama.
"Dapat mo bang i-asa ang pag-aalaga mo sa sarili mo sa iba, Jason?!"
I sighed again and hugged her para di na humaba pa. "Alright! Alright! I'm sorry about that. Thank you for worrying about me, Ma. Medyo dadalasan ko na 'yong pag-uwi ko."
"Palagi mo na lang sinasabi 'yan pero hindi mo naman ginagawa. Lumago nga 'yang negosyo niyo ng papa mo pero isang beses sa isang linggo nalang kita nakikita!" may tampong sabi niya.
"Promise, Ma. Dadalasan ko 'yong pagtawag ko sa inyo at pag-uwi ko rito."
"Ma!" the twins called. Napahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay dumating din ang dalawa matapos mailagay sa garahe ang kotse, titigil na si Mama sa kasisermon sa akin.
"Na-miss ka namin," malambing na sabi ni Brick.
"I missed you two. Good thing you two always answer my call, unlike your brother here," she said bitterly.
The twins chuckled at that.
"Where's Papa?" I asked as if I've been waiting for too long. Kanina pa kasi kami rito, hindi ko man lang nakikita ang stepfather ko na siyang nagpauwi sa amin.
"He's on the library. Let's go," sabi ni Mama at nauna na siyang pumasok sa bahay.
Sabay-sabay kaming pumunta sa library ng bahay. Binati kami ng mga kasambahay na matagal nang naninilbihan dito at nananatiling tapat sa pamilya namin hanggang ngayon.
"Papa!" I called him to get his attention after we enter the library. He smiled and walk towards me to tap my shoulder before he returned to his seat.
He occupied his chair in the long table, sa pinakadulo. I sat on his left at katabi ko naman si mama and the twins chose to sit on Papa's right side.
"How's work, Son?" he formally asked like I'm his employee.
"It's fine, Papa," I answered him in the same manner.
"Good. When are you planning to go home in the Philippines? We already agreed about your engagement. It's about time for you to give me an heir or heiress," he longingly said.
Hinilot ko ang aking sintido dahil sa sinabi niya. Papa Shiro is my stepfather, he is a full-blooded Japanese na nanirahan ng matagal sa America kaya fluent siya sa english, sa tagal rin ng pagsasama nila ni Mama ay natuto rin siyang magtagalog ngunit hindi niya iyon ginagamit madalas. Wala silang anak ni Mama kaya naman kung ituring niya ako ay para na ring totoo niyang anak. Maski naman si Drick at Brick na inampon nila mula sa isang bahay amponan sa Pilipinas ay tinuring niya ring parang totoo niya talagang mga anak.
"Papa, kahit pa magpakasal ako ngayon, hindi ko kayo mabibigyan ng apo."
"And why is that?" he playfully asked, "Aren't you a healthy male?"
"I am healthy!" mabilis at tuwid kong sabi at tiningnan ko silang lahat. "But I can't imagine myself having my own child parang tumatayo ang balahibo ko," palusot ko pa.
"Hindi ka naman siguro bakla?" natatawang biro niya.
I look at him flatly.
Nakakatawa 'yon?
"Come on, Son. It's time to forget the past and start building your future. I can't die without seeing my young legal successor."
Napakamot nalang ako ng ulo, "Okay! Okay! I'll try," I said kahit wala naman sa plano ko, gusto ko lang matapos ang usapan na ito. Ako na lang ang bahalang gumawa ng paraan upang tumanggi sa kasal pagdating ko doon sa Pilipinas. "And mind you, Papa, I've moved on already."
May sinusupil siyang ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin na para bang sinusubukan niya kung nagsasabi ako ng totoo. Mama and the twins are just there listening to us and probably waiting for their time to talk.
"I'm sure you'll like your fiance, Son. She is educated, pretty, full of manners. She can pass the title... princess," nakangising sabi niya.
Sa itsura at tono ng pananalita pa lang niya, ramdam ko nang may binabalak siyang hindi maganda.
"Whatever, Papa," I said ignoring everything he just said. "Oo nga pala, bakit kailangan ako ang magpakasal? Nand'yan naman si Drick at Brick oh, pwedeng-pwede ka nilang bigyan ng apo kahit ilan pa ang gusto mo," nakangising sabi ko at pinagtuturo pa ang mga kapatid ko na nagsipag-iwas ng tingin.
"Drick?" Papa called.
"No, Papa," Drick said with his fingers forming an x. "Masyado pa akong bata para magpakasal 'no."
"Anong bata?" reklamo ko agad, "Tingnan mo nga 'yang sarili mo, mapagkakamalan ka nang kapatid ni Papa. Dalawang taon kaya ang tanda mo sa'kin."
"One year at eleven months lang!" singhal niya na ikinatawa ko agad. Sa wakas, mukhang nakakabawi ako ngayon sa pangbubwisit niya sa akin kanina.
"How about you, Brick?" tanong ni Papa kay Brick, "Maybe you want to get married ang give me an heir?"
"Ito namang si Papa masyadong joker," napaiwas ng tingin at napakamot sa ulo si Brick. "Ayoko pa, Papa. Di pa ako handang magpalit ng diaper. Hassle 'yon. Tyaka sino naman ang pakakasalan ko?"
"Oo nga, Pa. Tyaka na kami mag-aasawa ni Brick kapag sigurado na kaming maayos at kompleto na ang buhay ni Jason," seryusong sabi naman ni Drick.
"Bakit? Hiwa-hiwalay ba buhay ko ngayon? Kulang-kulang ba?" sarkastiko kong tanong sa kanila. "Mag-asawa na lang kayo. Ayoko talagang mag-asawa. Mag-aalaga na lang ako ng pamangkin, tutulungan ko kayo."
"Okay, that's enough. Jason, you'll be meeting your fiance in the Philippines, book a flight immediately."
"Fine! Fine!" Bumalik ang iritasyon ko. Sino bang hindi maiirita? Ayokong pinapangunahan ako ng desisyon, pero dahil mga magulang ko sila, wala akong magawa. "I already asked Drick to book a flight."
"When?"
"Siguro sa Monday na, Papa," sabi ni Drick.
"Monday?" he asked like he is counting the days in his mind. "Make it tomorrow."
"Bukas?" kunot-noo at gulat kong tanong kasama ng pagtutol. "I have work, Papa!"
Gano'n ba kaimportante 'yon? Kung gusto niya ng tagapagmana, edi siya gumawa. Hindi 'yong ako ang pini-pressure niya.
"That's why Drick and Brick are here, they will manage your job as you make my successor."
"No way!" I protested. "I need them there!"
Nakita ko naman ang pagngisi ng kambal, halatang gusto rin nilang sumama sa akin. Kung nasaan ako, dapat naroon din sila.
"Oo nga naman, Shiro. Our son needs Drick and Brick there," Mama said in a calm manner.
At ang marupok kong amain na ayaw ng gulo ay walang pagdadalawang isip na pumayag. "Okay. I'll just ask someone to manage your job here or I'll be the one to do that."
Tumango ako. There's no point of arguing with him about the marriage anymore. I know he'll just push me to marry a woman and make a baby so he can finally have a successor. Alam ko kung gaano niya kagustong magkaroon ng anak ngunit hindi sila nabiyayaan dahil sa pagkakaroon ng komplikasyon sa kaniyang reproductive health.
"You may rest now. I already called our men in the Philippines about your arrival tomorrow," Papa said in a bossy tone. "Kiwotsukete." (Take care of yourselves.)
Sabay-sabay kaming tumango sa sinabi niya gamit ang lenggwahe rito.
"Soshite, anata wa... Watashi ni dekirudakehayaku kōkei-sha o kudasai." (And you... give me a successor as soon as possible.)
Tumango ako at bumuntong-hininga kahit na wala naman talaga 'yon sa plano ko.
Hinding-hindi ako kukuha ng bato para ipokpok lang sa sarili kong ulo. Ayaw kong magpakasal, aksaya sa oras, sakit sa ulo, nakakapagod at higit sa lahat... masakit sa damdamin. Magiging best single uncle na lang ako sa pamangkin at magiging pamangkin ko.
Ayaw kong maikasal sa hindi ko naman mahal. Mas lalong ayaw ko nang magmahal... ayaw ko nang bumalik sa sitwasyong labis akong nasaktan. Tama na ang isang beses.