Jason
"Hey, Dad! Good morning," pagbati ko kay Daddy, ang biological father ko nang makapasok ako sa opisina niya rito sa kanilang bahay.
I'm a child outside marriage. Si Mama Julianna ay buntis na noong naghiwalay sila ni Daddy dahil engage na si Dad sa iba which is Mommy Jesselle na ina ng mga kapatid kong si Zkat at Ahbi. Kasal na si Daddy no'ng malaman niya ang tungkol sa akin, wala siyang magawa kahit arrange marriage lang sila. To make the story short, nagkaroon ang mga magulang ko ng kaniya-kaniyang pamilya. Nagpakasal rin si Mama at Papa Shiro di nagtagal.
Ganun pa man, mahal ko si Mommy Jesselle at Papa Shiro kahit na hindi ko naman sila totoong mga magulang, tinanggap nila ako at minahal na parang totoong anak. Sino ako upang magalit sa kanila? Isa pa, hindi ako magkakaroon ng mga kapatid kung hindi dahil kay Mommy Jesselle, at hindi rin magkakaroon ng katuwang si Mama Julianna kung hindi dahil kay Papa Shiro.
Tradisyon na sa angkan nila Daddy ang arrange marriage, ang bunso kong kapatid na babae ay ganun din, mabuti na lang ang kapatid kong si Zkat ay nakatagpo ng babaeng mahal niya na nagustuhan rin ng pamilya namin kaya mukhang makakaiwas siya sa tradisyon ng pamilya.
"Son!" sambit ni Daddy at agad akong nilapitan. "Nandito ka na pala. Kailan ka pa dumating? Kamusta ang byahe?"
"Maayos naman, Dad," pormal kong sabi sa kaniya. "Kahapon pa ako dumating. Nabisita ko na nga si Ahbi at 'yong pamangkin ko. Si Zkat, hindi ko alam kung kailan ko makikita, pumunta ako sa opisina niya kahapon, wala naman siya."
"Hayaan mo na ang kapatid mo, abala 'yon sa negosyo lalo pa't nagpaplano na 'yong magpakasal. Ikaw na lang talaga ang walang balak magpakasal, twenty-eight years old ka na. Wala sa pamilya natin ang nag-aasawa na wala na sa kalendaryo ang edad," mahaba niyang sabi.
Nginitian ko siya. "Dad, sinabi ko naman sa 'yo. Hindi para sa 'kin ang pag-aasawa. Gusto ko nalang maging kuya sa mga kapatid ko at maging mabuting tiyuhin ng mga pamangkin ko. Isa pa, abala ako sa negosyo. Alam mo namang ilang branch ng hotel ang kailangan kong asikasuhin at bisitahin."
"Marami rin namang negosyo ang kapatid mong si Zkat ngunit maayos naman ang relasyon nila ng kaniyang girlfriend. Son, you can't be single forever. Kailangan mong mag-asawa at magkaroon ng anak."
Napabuntong-hininga ako, kahit anong ibato kong rason ay hindi ako mananalo.
"Hindi na ako bumabata. Of course, gusto kong makita kayong may maayos nang pamilya at mga buhay bago man lang ako mawala. Gusto kong makita ang mga apo ko sa inyo—"
"Dad," pinutol ko ang sasabihin niya. "Wala talaga sa plano ko ang pagpapakasal. Ayaw kong magkaroon ng asawa, hindi ko na nakikita ang sarili kong magkaroon ng asawa. Pero sige, dahil mapilit kayo, susubukan ko. Kapag nagustuhan ko ang babaeng gusto niyong ipakasal sa akin, sige, papayag ako. Pero kapag hindi, Dad. Please, itigil niyo na kakapilit sa akin."
"That's good enough. Bukas na bukas ay mamamanhikan tayo—"
"What?!" apila ko agad. "Dad, kakasabi ko lang na titingnan ko muna."
"Oo nga, Jason. Sigurado naman akong magugustuhan mo siya. Halika na, kumain na muna tayo doon sa kusina. Mukhang nakapagluto na ang aking asawa ng masarap na pagkain," nakangising sabi niya sabay tingin sa akin na para bang may pinapahiwatig. "Ang sarap magkaroon ng asawa, may katabi ka na nga sa kama, may kasama ka pa hanggang sa pagtanda."
Sinamaan ko siya ng tingin nang makuha kong pinariringgan niya lamang ako.
HABANG nasa biyahe kami papunta sa bahay ng sinasabi nilang babaeng ipapakasal nila sa akin ay sinabi na agad ni Dad ang mga kailangan kong malaman tungkol sa babaeng napili nila.
Kaibigan daw ni Dad ang ama ng babaeng 'yon. Nag-iisang anak lang nila ang babaeng ipapakasal nila sa akin, napilitan lang din silang pumayag dahil palugi na ang kanilang negosyo at kailangan nilang palaguin 'yon kung hindi ay mawawalan sila ng kabuhayahan at baon rin sila sa utang. Malaking tulong ng magiging partnership ng dalawang pamilya sa kanilang negosyo. Gugustuhin na lamang daw nilang ipakasal ang kanilang nag-iisang anak kaysa naman sa mawala ang kanilang pinaghirapan at ang anak lang din nila ang maghihirap lalo pa't hindi daw iyon sanay sa simpleng pamumuhay.
Lalo ko 'yon kinainis. Kahit naman ayaw kong magpakasal, ayaw ko ring gawing safety net ang marriage. Naniniwala pa rin akong ang dapat lamang ikasal ay 'yong nagmamahalan talaga.
After more than an hour, narating din namin ang isang magarbong mansion.
It was designed like it was built during the spanish era. The walls are painted with colors that can make you mistaken it as wood. It's a full concrete mansion painted like built with light materials.
Kung ibinenta na lang nila 'to? Edi sana nakatulong sa negosyo nila. I can buy this double or triple the real price, wag lang magwakas ang buhay-binata ko.
"Alexander Zeke!" an old man came out from the estate. Maybe he is 2-3 years older than my father. He's not that physically old, I just know he's old. Maputi lang ang buhok niya ngunit gaya ni Daddy, kitang-kita pa rin ang kagandahang lalaki sa ayos ng kaniyang tindig.
Dad smiled and walk towards the man and did a manly hug and said, "Long time no see, Felicio, when was the last time we met?"
With their gestures, I can already sense that they are really close friends.
"Nandito na ang panganay kong ipapakasal sa anak mo," dad said with the hint of enthusiasm on his voice.
"Wow, your son looks good. Bagay na bagay sa aking anak," lumapit siya sakin at nakipagkamay. "I'm glad to see you, call me Tito."
"I'm glad to see you too, Tito" I don't care if it sounds rehearsed and plastic, basta nakapagsalita ako. "I'm Jason."
Nagulat siya.
"Oh, I thought you are Zkat."
I smiled. See how desperate? Ipakasal ba naman ang anak sa hindi kilalang lalaki. Puputi ng maaaga ang buhok ko nito.
"No, Felicio. This is my first born, my son with Julianna."
"Oh, kaya naman pala may hawig. I'm sorry, Hijo."
Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.
"Let's come inside, my wife and my daughter are getting ready."
As we enter the estate, I can't help but to admire it, mas lalo ko lang naiisip na bilhin ang mansion na ito. Pati ang mga furnitures ay parang mga sinauna. Sobrang linis rin at kintab ng sahig tipong ang alikabok na mismo ang mahihiyang dumapo doon.
"Hon! Nandito na sila Alexander Zeke!" tawag ng lalaki sa tingin ko'y asawa niya.
"Saglit, Hon!" sigaw rin no'ng babae na galing yata sa taas.
"Hintayin muna natin sila," bumaling siya sa 'kin. "Kamusta pala ang nanay mo, Hijo?" tanong niya.
"She's doing fine, happily married with my stepfather."
"Mabuti naman 'no? Well, Jul is one of my close friends before. Infact, ako ang naging tulay nila dati ni Alexander Zeke."
I just nodded and smiled trying to act professional kahit na hindi naman ako interesado.
"Nagkaroon ka ba ng girlfriend, Hijo?" tanong niya ulit sa akin, mukhang sinusubukan niya talaga akong makilala.
Natigilan ako saglit sa kaniyang tanong pero agad ring nakabawi.
Tumango ako. "Yeah. I had one when I was in Japan, maybe during my college days, kung hindi ako nagkakamali."
Of course, alam kong college days nga 'yon.
"Where is she now?"
"With other man, I guess?" I said in a cold tone.
I hate this topic. I'm not comfortable talking about this.
"My dear, Ezil, finished her college in Japan too. She's fond of Japanese people kasi nahilig siya sa anime at cosplaying."
Tumango lang ako, hindi naman ako interesado talaga. Ayoko lang siyang barahin dahil kawalang respeto 'yon.
Ilang sandali pa ay bumaba na ang asawa ni Tito Felicio. Maganda at maputi, mukha siyang half-blooded American.
"Where's Ezil, Hon?"
"Upstairs, naghahanda pa."
Kanina pa 'yang paghahanda niya. Baka naman magmukha na siyang espasol n'yan. Kahit gaano pa siya magpaganda, hindi ko siya magugustohan.
"Oh by the way, ito si Jason, 'yong magiging asawa ng anak natin," he introduced me to his wife.
"Oh?" Gaya ng reaksiyon ni Tito Felicio ay nagulat rin ang asawa niya. "I thought si Zkat ang mapapangasawa ni Ezil?"
"He is my real first born, Avilla. Ezil is really bound to marry my son, Zkat, but fortunately, he got his fiance of his choice, mahirap naman kung pilitin ko. However, this son of mine is so serious with his business, mukhang wala nang balak mag-asawa. Kaya mas makakabuting sila na lang ni Ezil, bagay na bagay sila."
"Great!" masayang sabi ng ginang. "Anong kurso ang tinapos mo, Hijo?
"Well, I graduated bachelor's degree in engineering but I did not pursue that field because I focused on managing my business together with my stepfather," I formally said.
"What business? Sa 'yo mismo?" curious na tanong ng ginang.
"Well, before, I was only helping my stepfather on managing our travel agency. Nung medyo nakaipon ako, nagpatayo ako ng hotel. Medyo sinwerte, kaya lumago at naging partner na ng aming travel agency. As of now, we have more or less hundred branches ng aming hotel at may limang under construction pa," mahabang sabi ko na walang intensiyong magyabang. Nagsasabi lamang ng totoo lalo pa't hindi ko gusto ang tono ng ginang, para kasing minamaliit niya ako sa tono ng pananalita niya.
Napatango-tango si Mrs. Delauta.
Dad tapped my shoulder suddenly. "Kung hindi niyo naitatanong, this son of mine finished good projects, including towers in Singapore and Dubai. Marami pa sanang offers sa kaniya pero tinigil niya iyon, ewan ko ba dito, mukhang sa negosyo niya nakita ang sarili niya at hindi sa pagiging engineer, pero tingnan niyo naman, sa anim na taon na pagsisikap, sobrang layo na ng kaniyang naabot," dad said proudly making me smile.
"I see," nakangiting sabi ng ginang. "Well, our business is a chain of restaurants, sadly, dahil sa marami nang mga restaurants, marami na ring kahati sa costumers, kaya unti-unting bumagsak. Idagdag pa ang pagkahilig ni Felicio sa pagsusugal."
Hindi nga naman mabuti 'yon. Paulit-ulit na ipinaalala sa akin iyon ni Papa, na kung gusto kong lumago ang aking negosyo ay umiwas ako sa bisyo at pagsusugal.
"How old are you, Hijo?" Tito Felicio asked.
"I'm twenty-eight years old."
"Oh you're three years older than my baby. I'm sure Ezil will like you," nakangiti nang sabi ng ginang sa akin.
"Mom!" tawag no'ng babaeng nasa taas yata.
"Oh mukhang nand'yan na siya, pasensya na kayo, kikay na kikay kasi 'yang anak namin."
I heard footsteps from the stairs. I was patiently waiting to see the girl who is bound to be my wife.
At hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko.
Napatayo ako, nanlaki ang mata, napaawang ang labi. Sobrang dami kong gustong sabihin at itanong sa kaniya. Para akong bumalik ulit sa nakaraan. Lahat ng alaalang halos isumpa ko na upang makalimutan ay bumalik sa isang iglap.
Nicole...
Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa dibdib. Nanindig ang balahibo ko at halos hindi ako makagalaw. After six long years, I saw the face of the person who I used to admire which also became my worst nightmare.
"Meet Nicole Ezilace Delauta, my daughter."
Umigting ang panga ko nung marinig ang buong pangalan niya. How can I forget? Paano ko siya hindi makikilala?
Napalunok ako ng sunod-sunod. Putangina!
Bakit sa lahat ng taong makikita ko ngayon ay ikaw pa? Nakalimutan na kita eh! Ayaw na kitang makita ulit, pero bakit nandito ka na naman kung kailan maayos na ako, Nicole?!
Sa kagustuhan kong makahingang muli at makaahon sa sakit, umalis ako nang walang iniwan kahit anong salita.
Hinding-hindi ako magpapakasal sa 'yo, Nicole.