Jason
PARA akong tumakbo ng ilang kilometro, nanginginig ako sa sobrang kaba at labis na pag-aalala. Maski pagtipa ng mensahe sa cellphone ko ay hirap na hirap akong pumindot nang tama dahil hindi ko alam kung paano mananatiling kalmado.
Agad kong tinawagan ang telepono sa bahay, sa totoo lang, hindi pa kami nakakapag-usap ni Daddy at Mommy tungkol sa nangyari kanina ngunit hindi tungkol doon ang sasabihin ko.
"Hello?"
"Hello, Dad?!" Napalunok ako, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ng nangyari.
"Jason? Napatawag ka?"
"Ahh—"
"And why do you sound like you're tense? What happened?"
"Ano kasi, Dad." Mariin akong napapikit at minasahe ko ang noo ko sa sobrang pagka-problemado. "I'm here at the hospital."
I tried my best to say it in a calm way, my dad is always calm in every situation especially when it's about my siblings, pero iba kasi ito ngayon eh.
"You're in the hospital?" nagtatakang tanong niya. "What are you doing there? What happened? Do you want me to call your mama and papa? Pupunta kami d'yan. Saang hospital ba?"
"It's not about me, Dad. Si Zkat, naaksidente ang sasakyang minamaneho niya. Nasa emergency room na siya ngayon—ahm… can you come here, please?!"
"Ano?!" tanong niya, tyaka ko siya narinig na tinawag si Mommy Jesselle. Everything started being chaotic on the other line before they ended the call.
I immediately texted them the details. Ako naman ay hindi makaupo sa labis na pag-aalala habang nasa labas ako ng emergency room.
"Zkat!"
"Dad, Mom!" Para akong nakahinga nang maluwag nang makita ko si Mommy Jesselle, si Dad at Ahbi. "Ahbi, what are you doing here? Sinong bantay ni Sev?"
"Nandoon naman si Dylan sa bahay. Iniwan ko na muna sa kaniya ang anak ko. Ano… kamusta na si Kuya?" puno ng pag-aalalang tanong niya.
"Ano ba talagang nangyari, Anak?" tanong ni Mommy Jesselle.
Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga palad, sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila. Hanggang ngayon di ko maproseso sa isip ko ang nangyari.
"Zkat? Zkat?!"
Here comes Thamara! The cheater! Agad sumama ang mukha ko nang makita ko siyang umiiyak at alalang-alala. Imbes na maawa ay mas lalong kumulo ang dugo ko sa kaniya. Pare-pareho lang talaga ang mga babae, nagloloko kahit gaano mo pa tratuhin nang mabuti. Tangina!
As if on cue, the doctor came out from the emergency room.
"Doc, how was my son?" umiiyak na tanong ni Mommy. She's the kindest and person I know, kung pusa nga ay iniiyakan niya, paano pa kaya itong anak niya?
I looked at the doctor. I saw Ahbi sitting beside Thamara trying to comfort her but she obviously did not know how to start.
Sana ay ayos lang ang kapatid ko.
"You are the patient's parents?"
"Yes, Doc," sagot ni Mommy at Daddy. Gusto kong humanga na napapanatili niyang maging kalmado. Ganoon din si Ahbi, ako rin ay pinapalabas kong kalmado ako ngunit ang totoo ay abot langit ang pag-aalala ko, nakita ng dalawang mga mata ko ang estado ni Zkat kanina.
"I will be honest with you. Your son is not in a good condition. Nagtamo siya ng malalang head injury. Kailangan niyang mag-undergo sa isang major operation to remove the blood clot on his head."
"Pero, Doc, magiging okay naman po ang anak namin hindi po ba?"
The doctor didn't answer, making me more nervous. Mukhang malala talaga ang tinamo ng kapatid ko. Nagpaalam na ang doktor matapos maibigay ang instructions na dapat naming gawin.
"Mommy, s-sorry po—"
"No, wala kang kasalanan, Hija."
Wala?!
"Kasalanan niya, Mom!" sigaw ko. Halos mapaigtad sila sa lakas ng boses ko.
"Jason, stop it!"
"No, Dad! It's Thamara's fault! Kung hindi siya pumunta sa Club Lavista—"
"I said stop it!"
Natahimik ako, tumiklop sa boses ni Daddy na puno ng awtoridad. Kasalanan ni Thamara, she wasn't faithful to my brother! My brother saw her kissing other man! That was cheating!
Akala ko iba siya! Akala ko mahal niya ang kapatid ko pero mali yata ako. Pare-pareho lamang sila. Kaya mas mabuti talaga ang desisyon kong hindi na magpapasok pa ng ibang babae sa buhay ko.
"Pwede bang huwag na tayong magsisihan pa?! Walang may gusto sa nangyari! Ang mabuti pa, magkasundo tayong lahat dahil 'yon ang kailangan ni Zkat Aidenry ngayon. He will undergo a major operation on his head. So, please, imbes na magtalo kayo at magsisihan, magdasal na lang kayo!" sabi ni Daddy sa aming lahat.
"Tara na," pagyaya ni Mommy kay Dad.
"S-saan kayo pupunta, M-mommy?"
Napabuntong-hininga ako at pinili na ang na wag nang makinig sa usapan nila dahil alam kong galit ako. Galit ako kay Thamara. Matunog akong napabuntong-hininga at sumabay na lang kay Mommy at Daddy paalis. I need to make sure that everything will be settled for my brother.
Agad na sinimulan ang operation after ma-settle ang lahat ng kailangan. Dad and Mom agreed with my suggestion to put Zkat on the ICU to make sure of his fast recovery after the successful operation. I pulled some strings to make that happen, mabuti na lamang kakilala ko ang may-ari ng hospital at naging madali para sa amin na gawin 'yon.
Kalmado na kaming lahat ngunit lahat kami ay nag-aalala pa rin dahil hindi pa rin nagigising ang kapatid ko.
Ngunit dahil buntis si Thamara at hindi siya pwede sa ICU, nakiusap siya kung pwede ay ilipat si Zkat sa private room na agad namang sinang-ayonan ni Daddy at Mommy.
I was in the hospital for the next three days to be hands on in taking good care of Zkat, on that three days, I saw how genuine Thamara was in taking good care of my brother which made me thought once again and decided to forgive her even without her explanation. My brother loves her so dearly, and I guess, it'll be better for Zkat kung magkakasundo kami.
I just wished that all women stays beside their man during the tough times just like what Thamara is doing. Hindi iyong, nand'yan lang kung maayos ang lahat, at nang-iiwan kapag meron nang matinding pinagdadaanan.
Muli ay pinahanga ako ni Thamara. Swerte ang kapatid ko sa kaniya.
I was the one who took good care of Zkat's company with the help of my sister, her best friend, Dylan, and Zkat's loyal secretary, Maureen.
I became so busy. Even after Zkat get conscious and we all found out about his selective amnesia. Awang-awa ako kay Thamara, biglaang nagbago ang pakikitungo ng kapatid ko sa kaniya dahil wala siyang maalala tungkol sa relasyon nilang dalawa.
At first, it was hard to believe that selective amnesias exists, akala ko ay umaarte lamang ang kapatid ko dahil nasaktan siya sa nangyari ngunit kilala ko ang kapatid ko. Hindi niya natitiis si Thamara ng sobrang tagal.
His amnesia complicated everything, I became more busy. Pero siguro thankful na din ako na naging abala kaming lahat sa ibang mga bagay. Nakalimutan nila ang plano nila para sa akin. I don't really have plans to get married. Wala akong pakialam kung gumuho at gumapang sa putikan ang mga Delauta.
"Hello, Brick?" I called Brick over the phone. "I'm on my way home. What's for lunch?"
"Walang pagkain, Jason. Na-dry na akong magluto, nilalait lang ako ni Drick, bw*sit! Mag-order na lang siguro tayo ng makakain?"
Napabuntong-hininga ako. Nakakakain lang ako ng maayos na lutong-bahay kapag sa pumunta ako sa bahay nila Daddy o kung hindi kaya ay sa bahay ng mga kapatid ko. Wala akong aasahan sa bahay ko.
"Alright, I'll just take out some food. Hintayin niyo na lang ako d'yan sa bahay. Wag na kayong lumabas, mainit."
"Yes! Salamat!"
Inihinto ko ang sasakyan sa Fritz Restaurant. It is a seafood restaurant that is very famous here. Medyo marami-rami pa ang mga tao kahit na late na for lunch.
I went to the counter to tell my order since it was for take out.
"Is that all, Sir?" tanong ng babae.
"Yes," sagot ko.
"Three thousand six hundred and eighteen pesos, Sir," sabi niya. Kinuha ko ang pitaka ko at ibinigay sa kaniya ang itim kong card.
"Charge four thousand pesos, take the excess as a tip."
"Hala! Talaga po, Sir?"
I smiled and nodded. "I'll just wait there," sabi ko sabay turo sa hilera ng mga high chairs upang maghintay.
Binigyan nila ako ng maiinom habang nag-hihintay ng order ko. I really like their services here. They are accommodating and friendly kaya nakakatuwa silang bigyan ng tip.
I may have not experience this kind of job but I appreciate them, my sister pursued the same field, restaurants.
Habang naghihintay. Nabigla ako nang may humintong isang bulto ng babae sa harap ko. Mula sa pagkakatutok ko sa cellphone ko ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Mr. Lee?!" Ngumiti siya nang matamis sa akin.
"Oh? Hi?" I forgot her name, but she looks familiar.
"Mr. Lee, do you still remember me? I'm Kyline Chao, the one you had a business meeting with before—"
I lost my focus on her when my eyes settled on the entrance and my attention suddenly focused to a girl in a pink dress, it was above the knee length. My eyes suddenly check the one who is with her, at mabilis na kumunot ang aking noo.
Sino naman itong kasama niya ngayon? Boyfriend niya? Ito ang ipinalit niya sa'kin? T*ng*na! Nakakainsulto.
"Excuse me—"
"Sorry," pag-hingi ko ng tawad sa babaeng nasa harap ko. "Ahm—would you mind having lunch with me? I'm alone right now."
"Sure," she agreed without any second thought. If I'm not wrong, she is Kylie… no, Kyline, yata?
I offered my hand to her, and I pulled her to the table next to where Nicole and her guy choose to sit. I called the attention of the waiter and ordered another food aside from what I've ordered earlier for take out.
Drick and Brick usually wake up late, hindi pa naman siguro sila gutom ngayon.
Habang naghihintay, tiningnan ko ng mabuti ang dalawa. Gusto kong sumabog sa galit nang mapansin ko kung paano tumawa nang tumawa si Nicole at ang lalaki.
Nakakabw*sit silang tingnan. Sobrang sakit sa mata. T*ng*na! Kung naghahanap na lang rin siya ng ipapalit sa akin, bakit 'yong sobrang pangit pa?!
Hindi ko maiwasang mapangiwi.
Ito namang babaeng kasama ko ay panay ang ngiti. She's very talkative. Malumanay ngunit hindi nauubusan ng sasabihin.
Magkasunod lang na nai-serve ang mga pagkain namin kaya halos sabay kaming kumain at natapos.
As a sign of respect, I insisted to walk Kylie—Kyline to her car. Ang dalawa naman ay naroon pa sa loob.
"Thank you for the lunch, Mr. Lee," the girl said to me.
I just nodded and waved my hand as she drive away. Pumasok ako sa kotse ko at inabangan ko ang paglabas ni Nicole at ng lalaki niya. How could she be so happy? Wala siyang karapatang sumaya matapos niya akong saktan. Kung naging miserable ako, gusto ko ring maging miserable siya.
Nakita kong lumabas sila sa restaurant. Nakangiti pa silang dalawa, tuwang-tuwa yata. Ngunit halos umusok na ako sa sobrang inis. P*t*ng*na! Sino ba ang lalaking 'to?
I saw the guy entered his car, mumurahing kotse. Bw*sit! What is this, Nicole?! You really settled with someone like him?! P*t*ng*na! Nagpakahirap akong yumaman upang matapatan ko ang lalaki mo, tapos malalaman kong—t*ng*na talaga!
I saw the guy leave kaya nagmadali akong bumaba ng sasakyan ko at pinuntahan siya. Mukhang hinahanap niya ang susi ng kaniyang kotse.
"Does your boyfriend knew that you are engaged already?" malamig ang boses kong tanong sa kaniya habang nakatalikod siya sa akin.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang humarap siya sa akin. "What the hell is wrong with you?!"
"You are engaged to be married, Nicole! Why the hell are you still going out with someone else—"
"Engaged with who?" maarte niyang tanong tyaka tumawa. "With you?! Excuse me! You walked out, that means our engagement is off!"
I gritted my teeth, suddenly got more irritated with what she said.
"From now on, you're engage to me then. You're not allowed to date anyone, break up with that loser, Nicole!" diin na diin kong sabi.
"And who are you to order me like that?! Ha! You're not the boss of me, Jason Lee! I can do whatever I want and I don't want to be married to you either!"
"Remember that you have a business to save, Nicole." Nginisihan ko siya."Walang ibang makakatulong sa 'yo. Wala kang aasahan sa boyfriend mo, ano bang nangyari sa mga mata mo? Bukod sa walang kaporma-porma ang boyfriend mo, mas mahirap pa yata siya kaysa sa'yo—"
"Shut up!" She slapped me. Sinigawan niya ako pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang makitang nasasaktan gaya ng ginawa niya sa akin.
"Whether you like it or not, you'll be tied with me, and I'll make sure that you'll never experience happiness under my roof, Nicole."
"Go on! Bring it on, Jason. Do you think I'm afraid?! Hell no! Bitter!"
Inisang hakbang ko ang pagitan namin at mabilis kong siniil ang labi niya ng halik hanggang sa mapasandal siya sa sasakyan.
I smirked after I did that. "Start packing your things when you get home. You will move in my place, and… you, will be stuck there."
Diniinan ko ang bawat salita habang seryosong nakatingin sa mga mata niyang gulat na gulat. Tinalukaran ko siya at agad akong sumakay sa kotse ko.
You still taste the same, Nicole. Still amazingly delectable… but you're dangerous. You are a poison to me, at hindi na ako magpapalason pang muli sa 'yo. Gaganti na lang ako.