Jason MATAPOS kong maihinto ang sasakyan ay bumaba ako at dumiretso papasok ng bahay. Sobrang tahimik talaga dito, minsan na akong nagpahanap ng condo, para hindi ganoon kalaki ang bahay na inuuwian ko pero sabi ni Zkat, total may bahay naman daw, wag na lang daw maghanap ng condo. Total hindi rin naman ako nananatili dito sa Pilipinas ng matagal. I love this country, there's no doubt, but the last eight years, I traveled around the world to do something— but nevermind. Pagkapasok ko sa loob ng bahay, nadatnan ko ang kambal sa sala, kaharap ang mga laptop nila, malamang ay abala sila sa trabahong pinapagawa ko. Inilapag ko ang bitbit kong pagkain sa mesa. "Natagalan ako. Something came up. Initin niyo na lang kung gusto niyo ng mainit." Pabagsak akong umupo sa kabilang sofa tyaka ko n