Chapter Fourteen: The Movement Part II
“Guys, look!” sigaw ni Catherine at binuksan ang smart TV ni Anton. Bumungad sa kanila ang isang live coverage mula sa palasyo. Nakita nila na nasa podium si King Albert at mukhang magbibigay ng pahayag.
“King Albert, ano pong masasabi niyo sa issue ng Hukbong Kinights?”
“Your majesty, ano na po ang balak niyo kina Chief Jacinto?”
“Nakausap niyo na po ba ang pamilya ng mga biktima?”
Sunod-sunod na tanong ng mga reporter. Tumikhim ang hari at nagsimula ng magsalita.
“We conduct an investigation regarding to the case of Lazaros. Napag-alaman namin na hindi knights ang sangkot sa krimen. The video was edited, pinakonsulta naming ito sa isang video expert. The other video, with Lt. Topacio he was not bribing the family. It was a donation from the Hukbong Knights since the incident took at the back of the head office.”
“Your majesty, you’re saying that someone edited the video and uploaded it online?”
“Yes, it is. Edited ang video. All of us are suspecting that maybe there is a group that wants to tarnish the name of Hukbong Knights.”
“Then, who might be the killer, your majesty?” tanong pa ng isang reporter. Huminga ng malalim ang hari bago sinagot ang tanong.
“According to the investigation, it was a business man that killed the victims. Nasa kamay na ng Hukbong Knights ang suspect. I, King Albert of Azalea will officially close this issue.”
“Your majesty!”
“King Albert, papaano po---”
Hindi na nila tinapos pa ang panunuod at pinatay n ani Anton ang telebisyon. Nagkatinginan silang lahat at sa huli ay tumingin sila kay Kenneth na pirming nakaupo sa dinning chair habang sumisimsim ng green tea.
“So, what’s the plan?” tanong ni Catherine. Tumayo si Kenneth mula sa pagkakaupo at hinarap sila.
“Pagbabayarin natin sila,” sabi niya.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Anton at inakbayan si Kenneth. Bakas naman sa mukha ni Kenneth ang pagkairita dahil sa ginawa ni Anton.
“Then, ngayong gabi na tayo kikilos,” sabi ni Anton. Napuno ng galak ang kanilang mga puso dahil sa pahayag na ito. Hindi na sila makapaghintay pa na singilin ang mga taong nagkakasala.
LAZARO’s RECIDENCE
“Naiintindihan mo ba ang sinabi ko?!” tanong ng isang armadong lalaki sa isang anak ng biktima. Hindi matigil ang pagluha ng dalaga dahil sa takot na nararamdaman. Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang nakatutok sa kanya ang baril nito. Pilit niyang minumukhaan ang lalaki ngunit natatakpan ang mukha nito, tanging mga nanlilisik na mga mata ang nakikita niya.
“Anong gagawin mo kapag may dumating na mga reporter dito?” tanong sa kanya.
“S-sasabihin k-ko na n-negosyante ang pumatay sa nanay at kapatid ko,” sagot niya sa kabila ng panginginig ng kanyang boses. Ipinaglandas ng lalaki ang dulo ng baril nito mula sa kanyang ulo, pababa sa pisngi, sa kanyang baba, sa leeg hanggang sa kanyang dibdib. Hindi siya huminga ng idiniin ng lalaki ang baril sa kanyang dibdib. Hindi na din siya nagsalita pa ng hawakan nito ang kaliwang dibdib niya.
“Sundin mo lang ang sinasabi ko, hindi kita papatayin.” Tumayo na ang lalaki at binaril ang paso na nasa ibaba ng ataul ng kanyang kapatid. Napapikit na lang siya dahil dito.
“Kapag may nasabi kang hindi maganda, babalikan kita,” sabi nito at tuluyan ng umalis. Halos mawalan na siya ng lakas dahil sa mga nangyayari.
Mahirap kalabanin ang mga matataas na tao. Iyon na lang ang naisip niya.
Ilang oras ang lumipas at pilit na may pumapasok na reporter sa kanilang bahay. Isinara niya ng maiigi ang kanilang tahanan upang walang makapasok na mga reporter. Ayaw niyang humarap s mga ito dahil baka may masabi siyang hindi maganda at balikan siya ng lalaki. Hindi pa siya handang mamatay.
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Anton habang inaayos ang earpiece sa kanyang tainga. Sakay sila ng isang itim na van at pare-parehong nakasuot na kulay itim.
“Ready na kami,” sagot ni Henry at si Thomas naman ay tumango bilang sagot.
“Ready na din ako,” sabi ni Catherine na nasa likurang bahagi ng van at kaharap ang mga computers. “Naka-connect na ako sa lahat ng mga cctv sa area, maging sa bahay mismo ni Joacquin,” sabi niya. Ngumiti sa kanya si Anton at hindi niya mapigilan na pamulahan ng mga pisngi. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Anton.
“Let me take care of the bastard,” sabi ni Kenneth at tumango naman sa kanya si Anton.
“Of course, we will just be your backed up. Anyway, before we go out, isuot niyo muna ito,” sabi niya at iniabot sa mga kasama niya ang mga maskara. Nagtataka man ay tinaggap ito ng mga kasama niya. pinagmasdan ni Henry ang masakara, isa itong itim na masquerade mask na tanging mga mata lang nila ang natatakpan.
“Ano ito?” tanong ni Thomas ay nakatanggap siya ng masamang tingin kay Henry.
“Of course! To hide our identity!” Singhal ni Henry kay Thomas. Napakamot na lang ng ulo si Thomas at isinuot na ang maskara. Maging si Kenneth ay hindi na din umangal pa at sinuot na niya ang maskara.
“Ready na kayo?” tanong ulit ni Anton. Sasagot n asana sila Henry ng binuksan na ni Kenneth ang pinto ng van at lumabas na.
“O-oy!” sigaw ni Henry at naiiling na lang. Lumabas na silang apat at naiwan sa loob ng van sa Catherine. Nauna ng naglakad papalapit sa bahay ni Joacquin si Kenneth habang mahigpit ang hawak nito sa paborito niyang armas-ang isang pares ng tonfa.
Maingat nilang inakyat ang mataas na pader ng bakuran ni Joacquin. Bumaba sila ng walang kaingay-ingay. Bawat hakbang ay kalkulado, walang ingay ang mga yapak nila.
Nang makarating sila sa front door ay lumuhod si Anton at isinaksak ang isang decoder device para mabuksan nila ang pinto.
Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng mahinang click, senyales na natanggal na ang lock ng pinto. Dahan-dahan itong binuksan ni Anton. Naunang pumasok si Kenneth at agad dumeretso sa second-floor kung nasaan ang kuwarto ni Joacquin. Sumunod si Anton sa itaas at nagkasundo na maiiwan sa ibaba sila Thomas at Henry para magmasid.
Mahimbing ang tulog ni Sgt. Joacquin ng biglang bumukas ang pinto. Sa lakas ng pagkakasipa sa pinto ay halos matanggal na ito sa hinges. Agad siyang bumangon at pumasok ang isang lalaki, bago pa man niya makuha ang kanyang baril ay naunahan na siya nito. Agad na dumiin sa leeg niya ang tonfa nito, pilit dinudurog ang kanyang lalamunan.