Chapter Fifteen: The Movement Part III
“S-sino k-ka b-ba?” tanong ni Sgt. Joacquin. Pilit na dinudurog ng lalaki ang kanyang lalamunan at nahihirapan na siyang makahinga. Buong lakas niyang sinipa ang lalaki at tumalsik ito at napaatras hanggang sa tumama sa cabinet. Kinuha niya ang pagkakataong ito na makuha ang baril niya. agad niyang tinanggal ang safety pin nito at pinaputukan ang lalaki. Ngunit nakailag ang lalaki.
“Puttana!” sigaw ng lalaki sa kanya. Gamit ang tonfa nito ay sinapak siya at tinamaan sa panga. Sa lakas ng pagkakasapak sa kanya ay nahulog siya sa kanyang kama. Dito na niya naramdaman na itinayo siya ng lalaki at sinikmuraan gamit ang armas nito. Pakiramdam niya ay sumabog ang kanyang mga lamang loob dahil sa lakas ng lalaki. Hindi na niya napigilang mapaubo ng dugo. Gamit ang kamay nito ay pinayuko siya at sinalubong ng tuhod nito. Humalik sa kanyang baba ang tuhod ng lalaki. Muli siyang iniangat ng lalaki at dito niya nakita ang nanlilisik na mga mata nito sa likod ng itim nitong maskara.
“S-sino ka ba?” mahinang tanong niya.
“Kitang kita ko kung papaano mo barilin ang mag-inang Lazaro. Ginamit mo ang iyong katungkulan upang mang-apak ng maliliit na tao. Ang hamakin sila, ang patayin sila!” Halos hindi naghihiwalay ang mga ngipin ng lalaki ng magsalita ito. Dama niya ang galit nito.
Iniisip niya kung sino ang lalaking ito? Isa ba ito sa mga kaanak ng pinatay niya? May grupo ba ang lalaking ito?
Hindi na niya alam kung ano ang kanyang iisipin.
“Ako? Isa ako sa taga-bigay ng hustisya sa mga taong minamaliit niyo,” sagot sa kanya. Hindi na siya nakapalag pa ng hampasin siya sa ulo ng tonfa dahilan para mahilo siya. Kahit nandidilim ang kanyang paningin ay nakita niya pa ang pagpasok ng isang lalaki. Lumapit sa kanya ito at naramdaman niya ang isang malamig na bagay sa kanyang ulo.
“Consegnerò la tua punizione.” (I will deliver your punishment.) Pagkatapos ay tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.
“Henry, Thomas, pasingawin niyo ang gas sa bahay. We will burn this house down,” sabi ni Anton mula sa kanyang earpiece at sumang-ayon naman ang dalawa sa kanyang utos. Tiningnan niya si Kenneth na may bahid ng dugo ang mukha. Gustong gusto niya ang tingin ni Kenneth. That cold blooded stare he has.
“Good job, Kenneth,” sabi niya at tumingin lang sa kanya ang binata. Walang pasabing tumalikod at lumabas na. sumunod naman siya at pagbaba nila ay amoy na amoy na nila ang pagsingaw ng gas sa buong bahay. Sabay silang nagtakip ng kanilang mga ilong at lumabas ng bahay. Paglabas nila ay nakita na niya sila Henry at Thomas na naghihintay sa kanila.
“Tara na. Let the Azalea know our existence,” sabi niya at sinindihan ang lighter at inihagis sa loob at sabay-sabay silang tumakbo palayo sa bahay.
Nilamon ng apoy ang buong bahay ni Sgt. Joacquin. Sumasayaw ang apoy sa bahay at kasabay nito ang paglamon sa bangkay ng lalaki. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ni Anton habang pinanunuod ang apoy. Nabigyan na nila ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.
“How about Topacio and Jacinto?” tanong ni Henry ng makapasok sila sa van. Lumingon siya sa binata at ngumiti.
“Don’t worry, they are already in the list,” sagot niya at pinaharurot na papalayo ang van.
Sunod-sunod na pag-ring ng telepono ang bumungad kay Chief Jacinto ng umagang iyon. Kahit nakapikit pa ay inabot niya ang kanyang telepono na nasa bedside table niya at sinagot ito.
“Hello?” bakas pa sa boses niya ang antok.
“Chief?!” sigaw ni Lt. Topacio sa kanya. Agad niyang inilayo ang telepono sa kanyang tainga dahil sa lakas ng boses nito.
“Ano bang mayroon Topacio at naninigaw ka?” tanong niya. dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kanyang kama.
“Chief, buksan mo ang T.V!” sabi nito sa kanya.
“At bakit?” tanong niya.
“Panuorin mo ang balita,” sagot nito sa kanya. Nagtataka man ay iniabot niya ang remote control na katabi lamang ng telepono at binuksan ang telebisyon. Bumungad sa kanya ang isang balita.
“Nasunog ang bahay ni Sgt. Joacquin dakong alas dos ng madaling araw. Ayon sa ulat ng fire department, may nagsunog sa bahay ng knight. Nakita nila ang putol na linya ng gas sa may kusina at mukhang inihagis ang isang lighter sa loob. Natagpuan din ang bangkay ni Sgt. Joacquin na nasa kuwarto nito. Ayon sa crime department, hindi sunog ang pumatay sa knight. May nakitang bullet hole sa noo nito, ilang ribs din ang nabali at mukhang may struggle na naganap sa kuwarto bago ang pagsunog. Narito ang pahayag ni Knight Lopes ng crime department.”
“Makikita natin na may struggle na nangyari sa loob bago ang sunog. So, someone entered his house and killed him before setting the house on fire,” paliwanag ng knight from crime department.
“How about the cctv footage sir? May nakita po ba doon?”
“Actually, wala. The cctv footage were all fine. Walang nakuhaang kakaiba, so I might say the suspect is a professional. He knew the blind spots of the cctv.”
“Do you think Sir, na may kinalaman ang issue ng Lazaro sa nangyaring ito?” tanong ng isang reporter.
“Maybe, but we will never say na may kinalaman ang mga Lazaro dito. We will conduct an investigation.” At umalis na si Knight Lopez at hinabol naman siya ng mga reporter.
Hindi siya makapaniwala.
Sino ang papatay sa isang knight?
“Lt. Topacio?” tawag niya sa kasama na nasa kabilang linya.
“Yes, Chief?”
“Who might this be?” tanong niya. Ilang sandali na nanahimik si Lt. Topacio.
“Hindi ko po alam, chief. I suddenly feel scared for my life. Feeling ko, bilang na ang oras ko,” sagot ni Lt. topacio sa kanya.
“We need to escaped. I’m going abroad,” sabi niya at ibinaba na ang telepono.
“Baka pinaliligpit na kami ng organisasyon.”
Tumayo na siya at agad nilabas ang kanyang maleta mula sa kanyang walk in closet. Kinuha lang niya ang mga gamit na mahahalaga at inilagay sa maleta.
“Paspport. Where’s my passport?” tanong niya habang hinahanap ang kanyang passport. Binuksan na niya lahat ng maaaring pagtaguan ng kanyang passport pero hindi niya makita. Sa cabinet, sa office table, sa ilalim ng unan ngunit hindi niya pa din nakita ito. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at pumunta sa kusina. Nagsalin siya ng tubig sa baso at inisang lagok ito. iniisip kung saan niya nailagay ang kanyang passport. Inilapag na niya ang baso sa lababo at dito niya nakita ang kanyang passport.
Hinawakan niya ang passport na halos kalahati na lang. May sumunog sa kanyang passport.
“Sino ang nagsunog nito?” tanong niya. Ilang sandali lang ay may narinig siyang orasan. Isang tunog ng digital timer.
Hinanap niya ito hanggang sa nakita niya ito sa ilalim ng kanyang kitchen stove. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang numero nito.
0:2
Bago pa man siya makatakbo ay tumuntong na sa 0:0 ang oras. Kasabay nito ang pagsabog ng buong bahay niya.
Mabilis ang mga takbo ni Topacio sa highway. Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran at wala naman siyang nakitang tao pero ramdam niya na may nagmamasid sa kanya.
“F*ck!” sabi niya. Nakita niya ang shopping district at doon siya pumasok.
“Mahihirapan siya kung nasa mataong lugar ako,” bulong niya sa kanyang sarili. Ngunit bago pa man siya makalagpas ng central mall ay bumagsak na siya at ang dugo niya ay umagos sa semento. Naghiyawan at nagtakbuhan ang mga taong nasa paligid niya.
“Nice shot!” sabi ni Anton kay Henry habang ibinaba ng binata ang ginamit na AW50 sniper riffle.
“Thanks, Anton,” sabi niya at inakbayan naman siya ni Anton at sabay silang bumaba ng building, 2km mula sa shopping district. Pagbaba nila ay agad silang sumakay ng itim na van at this time, si Thomas ang driver.
“Mission accomplished?” tanong ni Thomas.
“Minamaliit mo ba ako?” tanong ni Henry sa binata at umiling naman si Thomas.
“Nope!”
“Good job guys!” sabi ni Anton.
“Where’s Kenneth?” tanong ni Henry dahil hindi niya nakita ang binata.
“Pinuntahan niya ang Lazaro’s. Libing ngayon ng mag-ina,” sagot ni Catherine.
“I’ll visit their grave tomorrow. Let the family mourn for the last time.”