Chapter Thirteen: The Movement

2238 Words
Chapter Thirteen: The Movement             “May isa na namang video ang kumakalat ngayon sa internet. Kita dito sa video na  sinusuhulan umano ng kinilalang si Knight Lt. Topacio ang kaanak ng mga biktimang Lazaro. Kita dito ang paglagay ni Lt. Topacio ang isang bag ng gintong barya sa ibabaw ng kabaong ng matandang Lazaro. Makikita din dito na hindi pumapayag ang kaanak dahil ibinato nito ang isang bag ng gintong barya kay Lt. Topacio.” “Grabe na talaga ang mga knights. Pinagtatakpan pa ang kasalanan ng kabaro nila.” “Hindi na safe dito sa Azalea. Imbes na sila ang magprotekta sa atin, sila pa ang mampapahamak sa atin.” “Ano ang aksyon ng palasyo about dito sa nangyayari?” “Tikom pa rin ang bibig ng palasyo.” “Noon pa man wala na akong tiwala sa gobyerno natin.”             Mabilis at mabibigat ang mga hakbang na ginagawa ni Mayor Larry Ferrer papunta sa kuwarto ni King Albert. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Pagputok ng araw ay ito na kaagad ang bumungad sa balita sa buong kaharian ng Azalea. Alam niyang nasa bingit ng alanganin ang hukbong knight ngayon. “Anong bal;ak ngayon ni Jacinto?” tanong niya sa kanyang sarili. Pagdating niya sa tapat ng kuwarto ni King Albert ay kumatok muna siya. Naka-tatlong katok muna siya bago siya nakarinig ng come in sa kabilang dako ng pinto. Nang binuksan niya ang pinto ay naabutan niyang nagbibihis ang hari. Tinutulungan siya ng attendant nito na maisuot ang kanyang mga damit. “Magandang umaga, King Albert,” bati niya at yumuko bilang paggalang sa pinakamataas na tao sa buong kaharian ng Azalea. “Magandang umaga din, Mayor Larry,” sagot ni King Albert habang inaayos ng kanyang attendant ang kuwelyo ng kanyang damit. “Nabalitaan niyo na po ba ang nangyayari sa hukbong knights ngayon?” tanong niya at tumingin sa kanya si King Albert. “Bakit? Ano bang mayroon sa mga knights ngayon?” tanong ni King Albert. “Wala po ba kayong nababalitaan kahapon at ngayon?” tanong niya. Nagkatinginan sila ng attendant nito at nagkibit balikat lang sa kanya. Walang nakarating na balita sa kanya? Mukhang hinarang ni Jacinto ito ah. Hindi na siya nagsalita pa at lumapit na lang siya sa hari. Inilabas niya ang kanyang cellphone at ipinakita ang dalawang video ng knights na kumakalat ngayon sa buong kaharian nga Azalea.             Hindi makapaniwala si King Albert sa kanyang nakita. Kita niya kung papaano barilin ang dalawang Lazaro ni Sgt. Joacquin. Ang isa naman ay kung papaano binayaran ni Lt. Topacio ang kaanak nito. “Bakit ngayon ko lang ito nalaman?!” sigaw niya at yumuko na lamang si Mayor Larry. “H-hindi ko po alam, your majesty. Akala ko po ay alam niyo na po ang tungkol sa issue ng knights,” sagot sa kanya ng inner circle secretary. “Mayor Larry, magpatawag ng meeting ngayong araw at ipatawag si Chief Jacinto, Lt. Topacio at si Sgt. Joacquin,” utos niya at kaagad na sumunod si Mayor Larry. “Yes, your majesty.”             Mabibilis na lakad ang ginawa ni Mayor Larry hanggang sa makasakay siya sa kanyang sasakyan. Pagkapasok niya ay agad niyang kinuha ang isang kulay pulang cellphone at may tinawagan. Nakailang ring pa ito bago sinagot. “Jacinto!!” “O bakit Ferrer?” “Anong nangyari? Bakit nasabit ang tanggapan mo ngayon?” tanong niya. “Anon a lang ang mangyayari sa atin? Sino ang poprotekta sa amin ngayon? Alam mo bang ipinatatawag ka ni King Albert?!” sunod-sunod na sabi niya at dinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang kausap. “Hindi ko nga maintindihan kung papaano nagkavideo. Ito naman kasing si Joacquin, gagawa na lang ng kalokohan, hindi pa maayos. May nakakuha ng video kung papaano niya pinatay ang mga biktima niya.” “Eh si Topacio? Bakit may video din?” tanong niya. “Hindi ko din alam. Pakiramdam ko, may nagmamasaid sa samahan naming. Balak ko sanang ipapatay ang kaanak niya. ilalapit ko kay Boss kaso lumabas ang video ni Topacio kaya hindi natuloy. Kapag nagkataon na napatay ang kaanak, sabit ang buong hukbong knight,” sagot ni Chief Jacinto sa kanya. “Gawan mo ito ng paraan Jacinto. Kapag natanggal ka ni King Albert, kawawa kaming umaasa sa iyo. Baka magkaroon ng reporma sa buong hukbong knight,” sabi niya. Isa ito sa inaalala niya. Kapag nagkaroon ng bagong chief ang hukbong knight, mahihirapan silang itago ang kanilang mga ginagawa. “Huwag kang mag-alala, Ferrer. Kakausapin ko si Boss para siya ang mag-iisip kung sino ang ikakandidato bilang bagong chief. Tanggap ko din na matatanggal talaga ako sa puwesto.” “Siguraduhin mo lang Jacinto.” “Oo naman. Takot ko lang kay Boss.” Pagkatapos ng tawag ay agad niyang tinawagan ang ibang miyembro ng inner circle ng hari. Ang iba ay susunod n alang daw pero ang iba naman ay hindi makakapunta sa pagpupulong na ito.             Ala sais ng umaga ay nasa tapat na ng bahay ni Sgt. Joacquin sina Henry at Thomas. Nakasakay sila sa isang itim na SUV at minamanmanan ang kilos ng knight. Pagpatak ng ala siete ng umaga ay lumabas na ito at sumakay sa kotse saka binaybay ang highway patungong headquarters ng hukbong knight. Maayos na sinusundan ni Henry ang kotse, may tamang distansya din siya mula sa kotse nito para hindi sila paghinalaan. Si Thomas naman ay matiyagang isinusulat ang oras at aktibidad ng knight. Alas diyes ng umaga ay lumabas si Sgt. Joacquin kasama sila Lt. Topacio at Chief Jacinto at sumakay sila sa service vehicle ng hukbong knights. Dito ay sinundan nila hanggang sa makapasok ang service vehicle sa loob ng compound ng palasyo. Alas dos ng hapon ng lumabas ang service vehicle at muling bumalik sa headquarters ng hukbong knights. Pagpatak ng ala singko ng hapon ay umuwi na ang ang minamanmanan nilang knight. Buong araw nilang sinundan ang knight hanggang sa makauwi ito ng bahay. Nangyari ito sa kasagsagan ng kainitan ng issue niya sa pagpatay nito sa mga Lazaro.  Pagkatapos ng buong araw ay bumalik sila ng apartment ni Anton para magreport. Pagpasok nila ay naabutan nilang busy sa harap ng laptop si Catherine at katabi si Anton samantalang si Kenneth ay nakahiga lang sa mahabng sofa ni Anton. “O nandito na pala kayo. So, anong balita?” tanong ni Anton ng makita sila. Lumapit si Thomas kay Anton at ibinigay ang notebook na pinagsulatan niya ng info tungkol kay Sgt. Joacquin. Kinuha niya ito at binasa. “Tama, nagpunta sila sa palasyo kanina. Nakita naming sila sa drone video na ipinakalat ni Catherine kanina,” sabi ni Anton. “So anong next step?” tanong ni Henry at nahiga na lamang sa isa sa mga couch dahil sa pagod. “Hinatayin natin ang desisyon ng hari,” sabi ni Kenneth at tumango na lamang sila. “Kung mapaparusahan si Joacquin, kung maging ang hari ay itatanggi din we don’t have a choice but to put an end to it,” dagdag pa ni Kenneth na agad namang sinang-ayunan ni Anton. “Tama, we will put an end to it.” Palace of Kingdom of Azalea             “Kayo lang?” tanong ni King Albert sa mga dumating na miyembro ng inner circle. Nagkatinginan sila ni Queen Isabella at kita niya din ang pagkadismaya ng kanyang asawa. Sa dalawampung miyembro ng inner circle ay labing-isa lamang ang dumalo sa pagpapupulong. Limang mayors, dalawang senador at congressman at dalwang negosyante lamang. “Nasaan ang iba?” tanong niya at si Mayor Larry Ferrer na ang sumagot. “Your majesty, kasalukuyan po silang nasa ibang bansa. Hindi daw po nila inaasahan ang pagpapatawag niyo ng meeting.” “They are part of this inner circle! Natural na may mga biglaang pagpupulong. Katulad na lamang ng pagkakataong ito.” sagot ni Queen Isabella. “My majesty, dapat bigyan ng parusa ang sino mang hindi nakadalo ng meeting na ito,” dagdag pa ni Queen Isabella. “Maari. Pero kailangan nila akong bigyan ng sapat na rason kung hindi sila nakadalo ng pagpupulong na ito.” Nakarinig sila ng pagkatok at ng buksan ito ng isang attendant ay pumasok na ang tatlong knights. Sina Chief Jacinto, Lt. Topacio at si Sgt. Joacquin. Pagpasok nila ay nag-bow pa sila sa harap ng mga miyembro ng inner circle lalo na kay King Albert and Queen Isabella. “Gentlemen, please take your seat,” sabi ni Mayor Ferrer at naupo naman ang mga knights. Lumapit sa isang projector si Mayor Larry at ipinakita ang unang video na kumalat sa internet. Pinanuod ng buong inner circle ang mga pangyayari ng araw na iyon. Kita nila kung papaano bumunot ng baril si Sgt. Joacquin at pinagbabaril ang dalawang Lazaro. “Can someone explain this to me? Sgt. Joacquin?” tanong ni King Albert at tumingin kay Sgt. Joacquin na nakaupo sa dulong bahagi ng long table nila.             Hindi malaman ni Sgt. Joacquin kung ano ang sasabihin niya. Pilit ning hinahanap ang mga tamang salita na kanyang gagamitin sa tanong ng hari ng Azalea. Sa tagal ng panahon niyang bilang miyembro ng Hukbong Knights ay ito ang unang beses na makaharap niya ang hari at ang reyna ng kaharian ng Azalea. Kaya lubos na lamang ang takot niya ng ipinatawag sila ng inner circle. “Sgt. Joacquin?” muling tawag sa kaniya ni King Albert. Tumikhim si Chief Jacinto sa kanya at napatingin siya doon. Nakuha niya ang ibig sabihin ng kanyang chief kaya tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo. “Um your majesty, that video was edited. Hindi po ako ang nasa video,” sagot niya at nagkatinginan ang mga taga inner circle doon. “What do you mean na hindi ikaw? It is clearly na ikaw ang nadoon,” sabi ni Queen Isabella. “Your majesty…” napatingin ang lahat kay Chief Jacinto na biglang tumayo mula sa pagkakaupo. “That video was edited. Hindi natin alam kung sino ang may gawa niyan. Hindi naming ma-traced kung sino ang nag-upload niyan at kung saan inupload iyan. I assume na may mga tao na gustong sirain ang imahe ang Hukbong Knights,” dagdag niya pa. “How about the other video?” tanong ng isa sa mga miyembro ng inner circle. Dito ipinakita ni Mayor Larry ang ikalawang video kung saan binigyan ng pera ang kaanak ng mga biktima. “Can you also explain this to us?” sabi ni King Albert. “Lt. Topacio?” Tumayo si Lt. Topacio mula sa pagkakaupo at tumikhim muna siya bago sumagot. “I actually don’t know kung saan at kung sino ang kumuha ng video na iyan. But it’s true, pumunta ako sa burol ng mga biktima at doon ko kinausap ang ibang kaanak nila. Ang sabi ng kaanak ay ang araw na iyan ay may nakalitan silang isang negosyante. Dahil sa ingay na ginagawa nila ingay. Pumunta ako sa lugar na iyan to give some help from the Hukbong Knights since sa likod mismo ng headquarters nangyari ang incident na iyan. The moment the lady threw the bag of gold coins sa akin ay galit siya because akala niya ay ipinabibigay ng negosyanteng nakaalitan nila.” Lihim na napatingin si Sgt. Joacquin kina Chief Jacinto at Lt. Topacio. Hinihiling niya na san kagatin ng inner circle ang kanilangv mga alibi. Napasandal si King Albert sa kanyang upuan habang tinititigan ang tatlong knights. Tinitimbang kung totoo ba ang mga sinasabi nila. “Your majesty.” Napatingin siya kay Mayor Larry na nakatayo sa gilid ng table. “Ano iyon?” “I believe them, your majesty,” sabi nito. “Me too your majesty.” “Same here, your majesty.” Napatingin siya sa kanyang inner circle at lahat ay sumasang-ayon sa mga sinasabi ng tatlong knights. Tumingin siya sa kanyang asawa na si Queen Isabella at tumango din ang asawa tandan a pinaniniwalaan niya ang mga knights. Napabuntong hininga siya. Majority wins.  “Very well, Chief Jacinto, Lt. Topacio and Sgt. Joacquin you may leave the palace. Malinis na ang inyong mga pangalan.”             Nasa labas na sila ng palasyo at pasakay na ng kanilang service vehicle ng lapitan sila ni Mayor Larry. Napatingin pa sila sa paligid at dahil baka may makakita pa sa kanila. “Sa susunod, kung gagawa kayo ng kalokohan tiyakin niyong hindi kayo sasabit,” sabi ng mayor at tumango na lang sila. “Oo huwag kang mag-alala. Akong bahala magparusa dito kay Joacquin,” sagot ni Chief Jacinto. “Huwag niyong katakutan ang hari. Si Boss ang dapat niyong katakutan,” sabi pa ni Mayor Larry bago tumalikod. “Mabuti na lang nandoon si Ferrer at ang ilang ka-miyembro natin sa organisasyon. Kung nagkataong wala, wala na din tayo dito. Sibak na tayo, patay pa tayo,” sabi ni Chief Jacinto habang binabaybay nila ang highway pabalik ng headquarters. “Hindi ko rin alam na kakagatin nila ang kuwento natin,” sabi ni Lt. Topacio. “Wala na din naman magagawa ang hari dahil majority wins ang rule lalo pa’t sumang-ayon na din ang reyna.” “Pero sa tingin mo kung wala ang reyna, ano ang mangyayari?” tanong ni Sgt. Joacquin. “Hindi siya papayag na maalis ang mga miyembro ng organization na nasa gobyerno dahil kapag nangyari iyon, paniguradong lalabas ang baho na itinatago niya sa kanyang asawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD