bc

Black Masks

book_age16+
533
FOLLOW
2.1K
READ
billionaire
alpha
dark
dominant
powerful
brave
bxg
kicking
another world
war
like
intro-logo
Blurb

Sino ang tatawagin ng mga tao kapag ang katarungan ay napakahirap makamit? Kapag ang hustisya ay tila napakahirap hanapin? Kapag naging hustisya ay para lamang sa mga makapangyarihan ay mayamang tao lamang? Sino ang lalapitan nila? Papaano kung wala na silang tiwala sa gobyerno nila? Sa mga otoridad? Sino ang aasahan nila?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue:             “Mayor Ferrer, nakikiusap kami sa inyo. Ibalik niyo na po sa amin ang lupain ng ama ko. Nakabayad na kami sa aming mga utang. Kailangan din po naming mabuhay,” sabi ni Franco, isang magsasaka mula sa bayan ng Quirone. Alam ni Franco na tila malabo pa sa tubig kanal ang pagpayag ng mayor pero ito na lang talaga ang inaasahan niya. Mahigit isang milyong ginto ang utang ng kanyang angkan sa mga Ferrer at ilang dekada na din nilang binabayaran ito. Ngayon nga ay alam nilang natapos na nilang bayaran ang kanilang utang sa mga Ferrer ngunit ang kanilang lupang sakahan ay hindi pa din ibinabalik sa kanila.   “Franco, nakakalimutan mo yata ang kasunduan ng inyong angkan sa pamilya ko. Nakasaaad sa kasulatan ay babayaran niyo ang utang niyo sa loob ng thirty years at kapag lumagpas kayo ay sa amin na mapupunta ang lupas,” sabi ni Mayor Larry Ferrer, ang mayor ng bayan ng Quirone.   Nagulat si Franco sa kanyang narinig. Umiling-iling siya at hindi niya napansin ang pag-iba ng tingin ng mayor sa kanya. “Mayor Ferrer, mawalang galang na po pero wala po iyan sa kasulatan natin. Walang nagalagay na mapupunta sa inyo ang lupain naming. Maawa naman kayo sa aming maliliit na magsasaka lamang Mayor Ferrer. Ang lupang iyan ay pinaghirapan ng aking mgfa ninuno, huwag mo naman po sanang nakawin sa amin ang ikinabubuhay naming.” Nagulat siya ng bigla lamang binato ni Mayor Ferrer ang isang plorera na nakalagay sa lamesa. Sa tindi ng pagkakabato ay agad itong nabasag at lumikha ng ingay. “Sinasabi mong magnanakaw ako?!” “Kung hindi mo ibabalik sa amin ang lupa, oo. Kinokonsidera kitang magnanakaw!” buong tapang na saad niya. “Wala kayong utang na loob!” sigaw sa kanya ng mayor. “Wala kaming utang na loob, Mayor Ferrer sapagkat ilang taon naming binayaran ang utang naming sa iyong isang milyong ginto. Dugo’t pawis ng buong angkan ang inilaan para mabayaran ang isang sakim na katulad mo. Tapos hindi mo ibabalik sa amin ang aming lupa? Ilang dekada din kayong nakinabang sa lupang sakahan naming. Ang lupa, ang mga inaani naming at kahit ang kalahati ng mg akita naming ay napupunta sa bulsa mo,” sabi niya. Masyado ng sakim sa pera ang mayor na ito. Halos wala na silang makain dahil sa pagbabayad-utang nila sa pamilay nito tapos ngayon ay ayaw ibigay ang kanilang lupain. “Lumayas ka sa harapan ko! Lumayas ka! Wala kang galang! Ako ang mayor ng bayang ito!” sigaw sa kanya. Kita niya ang pagpula ng mukha ni Mayor Ferrer. Ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit, tila ba ay handa siyang lamunin nito. “Hindi ako titigil Mayor Ferrer. Hindi kami titigil hangga’t hindi mo ibinabalik sa amin ang lupain. Amin ang lupaing iyon.” Tumalikod na si Franco at lumabas sa mansyon. Ilalaban niya ang karapatan nila sa lupa nila. Noong unang panahon pa man ay sa kanila na ang lupang iyon at nagkaroon ng problema ang angkan nila kaya napilitang mangutang ng isang milyong ginto ang angkan nila sa mga Ferrer. Ayon sa kasunduan, hangga’t hindi nababayran ng angkan nila ang utang sa mga Ferrer ay mananatili sa kamay ng mga Ferrer ang lupang sakahan nila. Ngayon nga, matapos ang tatlumpu’t-anim na taon ay tuluyan na nilang nabayaran ang isang milyong ginto pero si Mayor Larry Ferrer ay ayaw pa rin ibigay ang titulo ng kanilang lupa. Pagkauwi ni Franco ay agad siyang sinalubong ng kanyang pamilya. Kita niyang umaasa ang buong angkan sa kanya, pero tanging iling na lang ang nagawa niya. bagsak ang balikat ng kanyang pamilya at napabunotng hininga na lang si Delfin, ang pinakamatandang miyembro ng kanilang angkan. “Ayaw niyang ibigay ang lupa natin. Ang sabi niya ay lumagpas tayo ng 30 years kaya hindi na sa atin ang lupa. Wala namang nakalagay sa kasunduan na ganoon nga ang magiging sistema,” sabi niya. “Mukhang malaking kawalan sa kanila kung mawawala na sa kamay nila ang lupa natin. Magihit apat na ektarya din ang ating lupa,” sabi ni Mang Tonio, ang kanyang tiyuhin. “Gahaman talaga ang mga Ferrer. Mula pa sa ninuno nila ay ganoon na talaga sila. Likas na sa kanila ang pagiging ganid at sakim,” sabi ni Mang Delfin at napatango na lamang ang lahat. “Hindi tayo papayag na hindi natin mababawi ang lupa natin. Panahon na para tayo naman ang makinabang sa lupang iyon. Atin iyon at wala silang karapatan na kunin sa atin iyon. Tayo ang nagmamay-ari ng lupang iyon,” sabi ni Franco at ang lahat ay sumang-ayon na.             “Mayor Ferrer, pinatatawag mo po ako?” Napatingin si Mayor Larry Ferrer sa kanyang head of security na si Gregorio. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at tinitigang mabuti si Gregorio. “Ligpitin niyo na ang angkan ng mga Arizala. Masyado na silang gumagawa ng eksena dito sa teritoryo ko,” utos niya at agad na tumango si Gregorio sa kanya. Inilagay nito ang kaliwang kamay sa dibdib saka ito yumuko. “Yes, my Lord,” sagot ni Gregorio bago saka ito lumabas ng opisina. Napatingin na lang si Larry sa isang dokumento na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Nakasaad dito ang kasunduang ginawa ng angkan ng mga Ferrer at ng Arizala, tatlompu’t anim na taon na ang nakakalipas. Nakalagay dito na matapos bayaran ang inutang na isang milyong gintong barya ay muling mababawi ng mga Arizala ang apat na ektaryang lupain. Pero hindi siya papaya. Ang lupaing iyon ay sakahan ng kape, malakas ang kita niya sa kape. Kung maibabalik ito sa mga Arizala, mawawala ang malaking poryento ng kanyang kita dahil buwis na lamang ang makukuha niya sa mga Arizala. Hindi niya hahayaang may mas aangat pa sa kanila. Tanging mga Ferrer lamang ang may kapangyarihan sa buong siyudad ng Quirone. “Honey?” Napatingin siya sa kanyang asawa na nakasilip ngayon sa pinto ng kanyang opisina. Umayos siya ng upo at itinago ang dokumento sa isang box at ni-lock ito. “Ikaw pala, honey,” sabi niya. Ngumiti si Congresswoman Ruby Ferrer sa kanya bago ito umupo sa upuan na nasa harapan lamang ng mamahalin niyang office table. “Mukhang may binabalak ka na naman,” sabi sa kanya ng asawa at bahagya siyang ngumiti. “Kailangang ligpitin ang kalat, honey. Dahil minsan ang kalat ay nagdudulot ng kapahamakan. Ayoko lang din talaga na may mga kalat sa paligid natin. Wala dapat kalat sa paligid natin.” “Masyado kang malupit, honey ko. Pero iyan naman talaga ang gusto ko sa iyo, ang pagiging hard mo.” Ngumiti ang kanyang asawa kaya hinatak niya at pinaupo sa office table niya. “Be ready honey ko. I will not let you rest.” “Go on, no rest tonight.” At hinalikan na niya ng marahas ang kanyang asawa.             Mahimbing na ang tulog ng mga tao sa maliit na compound ng mga Arizala. Bandang alas tres ng madaling araw nang makaramdam si Franco ng uhaw kaya tumayo siya at nagpunta sa kanilang kusina. Habang umiinom ay nakarinig siya ng mga mahihinang kaluskos, tila ba may naglalakad sa labas ng kanilang bahay. Nagtaka siya sapagkat wala ng lumalabas sa kanila ng ganitong oras. Bahagya niyang binuksan ang bintana ng kanyang kusina at nagimbal sa kanyang nakita. Ang buong compound ay nilalamon ng nangangalit na apoy. Kaagad siyang lumabas at mas lalong nagimbal ng makita na halos lahat ng bahay ng buong Arizala ay natutupok na ng apoy. “Lolo Delfin! Mang Tonio! Feliza! Nicole!” sigaw niya. kaagad siyang pumasok sa loob para gisingin ang kanyang asawa. Pagpasok niya ay bukas ang ilaw ay napaupo na lamang siya ng makita ang kanyang asawa na anim na buwang buntis ay wala ng buhay. Duguan ang katawan nito at kitang-kita niya ang nilaslas na leeg ng kanyang asawa. Napaiyak na lamang siya sa sinapit ng kanyang buong angkan. Walang nakaligtas na Arizala maliban sa kanya. Mula kay Lolo Delfin, sa mga pamangkin niya, kapatid, pinsan, tiyuhin at tiyahin at maging sa mga pinakabata ay walang nakaligtas. Tanging siya na lamang. Tiningnan niya ang mansyon ng mga Ferrer na nasa tuktong ng bundok. Alam na alam na niya kung sino ang salarin, ang pumatay sa kanyang angkan. Iisa lang ang nasa isip niya. Ang mayor ng Quirone City, walang iba kung hindi si Larry Ferrer.             “Pakipasok na iyan sa sasakyan,” utos ni Larry sa kanyang mga tauhan. Kaagad namang sumunod ang mga trabahador niya at isa-isa ng iniakyat sa mga trucks ang sako-sakong buto ng kape, bigas at iba pang gulay. Dadalhin nila ito ngayon sa siyudad ng Tempest at sa kapitolyo para ipagbili. Mas maganda kung idadaan niya muna ito sa Tempest para patungan ang presyo at dadalhin sa kapitolyo at muli niyang papatungan ang presyo ng mga produkto. Ganito siya kautak pagdating sa negosyo. “Honey, have you seen my sapphire necklace?” tanong ng kanyang asawa na si Congresswoman Ruby habang hinahalungkat ang shoulder bag nito na may tatak na VL. “No honey. Why?” tanong niya. “Hindi ko makita. I just put may bag sa sofa kanina then now nawawala na ang kwintas ko,” sagot ng asawa sa kanya. Napatingin siya sa mga kasambahay na nakahilera sa may pinto at kaagad na napayuko nang tumingin siya sa kanila. “Butler Kairos,” tawag niya sa butler. Kaagad na lumapit ang butler sa kanya at yumuko. “Yes, my lord?” tanong nito. “Pakihanap ang kwintas ng asawa ko. Nagkakahalaga ng dalawang milyong gintong barya ang kwintas ng asawa ko. Hindi ko ito basta-basta mapapalampas.” “Yes, my lord.” Lumapit si Butler Kairos sa mga maids at isa-isang kinapkapan ang mga kasambahay. Kinapkapan nito ang kanilang katawan, maging ang kili-kili ay hindi nakalampas. Sa bulsa, sa apron, head dress at maging buhok ay kinapkapan din ni Butler Kairos. Nang makarating siya sa isang kasambahay na nagngangalang Abe ay may kutob na si Butler Kairos. Kita niya ang hindi maipaliwanag na pagpapawis nito, namumutla na din ang labi nito at nanlalamig ang mga palad. Kinapkapan niya sa katawan, pinatanggal niya ang pagkakapusod ng dilaw nitong buhok. Sa balikat, sa kili-kili, hanggang sa makarating siya sa paa. Pinahubad niya ang sapatos nito at tila ba nagdadalawang isip pa si Abe. “Pakitanggal ang sapatos, Abe,” utos niya at hindi sumunod si Abe sa kanya.  “Tanggalin mo ang sapatos at ng matapos na tayo,” sabi niya ulit ngunit umiling si Abe.             Nakita ito ni Congresswoman Ruby kaya hinawi niya si Butler Kairos at siya mismo ang humarap kay Abe. “Take off your shoes!” sigaw niya at muling umiling si Abe sa kanya. Kitang kita ng lahat ang pagliyab sa galit ng asawa ng mayor. “Abe,” tawag ni Butler Kairos. Sa asar ni Congresswoman Ruby at tinulak niya ang kasambahay dahilan para matumba ito. Sapilitan niyang tinanggal ang sapatos at maging ang medyas nito at tumambad sa kanila ang kanyang kwintas. Isang kwintas na pinalamutian ng maliliit na spahire stones na tanging sa Mista Capitol lamang mabibili. “Magnanakaw!” sigaw ni Congresswoman Ruby at pinagsasampal-sampal ang kasambahay na si Abe. “Congresswoman, maawa po kayo sa akin!” sigaw ni Abe. “Maawa? Bakit ako maaawa sa isang magnanakaw na katulad mo?!” “Nagawa ko lang po dahil may sakit ang nanay ko, kailangan ko po siyang madala sa Mista Capitol. Kailangan ko po ng malaking pera,” paliwanag ni Abe at mas lalong nanggalaiti sa galit si Congresswoman Ruby. “Pupunta ka ng Capitol? Walang puwang sa  mahihirap at mangmang na kagaya mo ang luagr na iyon! Wala akong pakialam kahit mamatay pa ang ina mo! Mas mahal pa sa buhay mo ang kwintas ko! Isa ka lamang hamak na mahihirap! Isa ka lamang katulong!” sigaw sa kanya. Ang lahat ng mga anandoon ay napapayuko na lamang. Iniisip na masyadong malupit ang kanilang amo para sa kanilang mga mahihrap, sa mga walang pinag-aralan, sa mga taga probinsya lamang. Puno ng kalmot ang mukha ni Abe ng tigilan siya ni Congresswoman Ruby. Humihingal si Congresswoman Ruby ng lumapit sa kanyang asawa at umabre-siyete ito sa kanya. “Honey, let’s go na. Masyado na akong naiis-stress dito. Bumalik na tayo sa Mista Capitol,” sabi ni Congresswoman Ruby at pumasok na sa kotse. “Butler Kairos,” tawag ni Mayor Larry sa butler. “Iligpit niyo na ang babaeng iyan,” utos niya saka sumakay ng kotse. Yumuko na lang si Butler Kairos at sinabing, “Yes, my lord.” Labag man sa kalooban ay wala silang magagawa kung hindi ang sundin ang utos ng kanilang amo. “Pasensya na,” sabi ni Butler Kairos at hinatak na si Abe papunta sa tagong silid ng mansyon ng mga Ferrer.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

Lady Boss

read
1.9K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
77.9K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.3K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook