Chapter Twelve: The Case of Lazaro’s

2202 Words
Chapter Twelve: The Case of Lazaro’s             “Sapul sa camera ang pamamaril ng isang knight sa mag-inang Lazaro na nangyari lamang kahapon sa likod mismo ng headquarters ng knights. Kitang kita kung papaano binaril ng isang knight na kinilala bilang si Sgt. Joacquin, gamit ang calibre 45 ang walang kalabang-labang mga biktima. Apat na magkakasunod na putok ang pinakawalan ng knight na agad kumitil sa buhay ng mga biktima. Nananatiling tikom ang pamunuan ng knights sa nangyari. Ako si Isamel Argonillo, nag-uulat.” Isang video ang gumulantang sa buong kaharian ng Azalea. Kitang kita kung papaano binaril ang mag-inang biktima ng isang knight. Kaagad na kumalat ang video at halos lahat ng tao sa Azalea ay napanuod ang video.             Galit na galit si Chief Jacinto nang makita ang video. Nakita niya kung papaano binarily ng kanyang tauhan ang mag-ina at alam niyang ikakasira ng reputasyon ng buong sandatahan ng knights ang nangyaring ito. “Nasaan si Joacquin?!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan na nabigla dahil sa pagtaas ng boses niya. Nagkatinginan muna ang ilang knights na nandoon bago siya sinagot ng kanyang second in command na si Lt. Topacio. “Sir, nasa opisina niya po si Sgt. Joacquine,” sagot nito sa kanya. “Tawagin niyo! Tawagin niyo ang p*tang inang ‘yan dito!” halos lumabas na ang ugat niya sa leeg dahil sa kanyang pagsigaw. Kaagd na kumilos ang mga tauhan niya at pinuntahan sa opisina nito si Sgt. Joacquin na ngayon ay problemado.             Hindi alam ni Joacquin kung papaano nagkaroon ng footage ang nangyari kahapon sa pagitan ng pamilya Lazaro. Namamawis ang kanyang palad dahil tiyak na alam na ito ng kaniyang chief. Nakarinig siya ng tatlong katok sa pinto bago bumukas ito at pumasok ang isang knight. Sumaludo pa ito bago nagsalita. “Sgt. Joacquin, ipinatatawag mo kayo ni Chief Jacinto sa kanyang opisina,” sabi nito at mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Hindi naman siya maaaring tumanggi kaya labag man sa kalooban ay pumunta na siya sa opisina ni Chief Jacinto. Pagpasok niya doon ay nakahanay na ang mga opisyales ng hukbong knights. Lahat ay tumingin sa kanya at nakaramdam siya ng panliliit dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga ng lumnapit mismo sa kanya si Chief Jacinto at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Sa lakas ng sampal ay bumaling sa kabila ang kanyang ulo, nalasahan pa niya ang dugo sa gilid ng labi niya. “Istupido!” sigaw sa kanya ni Chief Jacinto. Ramdam na ramdam niya ang galit ng kanyang pinuno. “Gagawa ka na nga lang ng kalokohan, magpapahuli ka pa. Anon a lang ang sasabihin ni King Alber niyan?” litanya sa kanya at nanatili siyang tahimik habang tinatanggap ang mga salita nito. “Bakit may video?!” tanong sa kanya at nagkibit balikat lamang siya. “Hindi ko po alam kung saan galling ang video,” sagot niya. “Teka lang, bakit hindi natin tanungin kung ano ba ang sanhi kaya nauwi sa pamamaslang sa biktima.” Napatingin silang lahat sa isang official at napatango ang ilan. “Ano ba ang nangyari Sgt. Joacquin?” tanong ng isa pa. “May exam na ginaganap kahapon hindi po ba? Ang pamilyang iyon ay nag-iingay. Papaano kapapag-exam ng maayos ang mga examinees kung mayroong nag-iingay?” “Anong pag-iingay ba ang ginagawa nila?” “Nagvivideoke sila. Nagkakasiyahan,” sagot niya. “Iyon lang?” napatingin ang lahat kay Chief Jacinto. “Iyon lang ang dahilan para patayin mo sila?” tanong sa kanya at tumango siya. “That’s bullsh*t!” sigaw nito sa kanya. “Bakit kailangang umabot sa pagbunot ng baril?” Yumuko na lamang siya at hindi na sinagot pa ang pinuno. “Saan at sino ang nag-upload sa internet ng video na iyon?” tanong ni Chief at biglang sumagot si Lt. Topacio. “Sir, according sa cybercrime division, wala po silang info na nakalap.” Kaagad na napatingin si Chief Jacinto sa kat Lt. Topacio. “Anong ibig mong sabihin? Anong walang info?” “No name, no I.P. address. Malinis ang pagkaka-upload. Kapag tinetrace ng mga taga- Cybercrime, dinadala sila sa unknown location. Palagay ko ay may grupo sa likod ng pag-upload ng video na iyon,” paliwanag ni Lt. Topacio. “Grupo? At anong grupo naman ito?” “Hindi ko pa masasagot sa ngayon iyan, Sir.” “Sir, ano ang gagawin natin ngayon? Sira na ang imahe ng knights sa mata ng publiko dahil sa video na iyan,” sabi pa ng isang official. “Hindi ma-trace ang pinagmulan ng video? Then we can say na edited ang video na iyan.” “Sir, papaano ang pamilya ng biktima?’ tanong ni Lt. Topacio. “Bayaran sila sa pananahimik nila. Ibigay kung magkano ang hilingin nila kahit ilang milyong ginto pa iyan.”               “Mama, kuya…” Hindi malaman ni Yena, anak at kapatid ng binaril ni Sgt. Joacquin kung ano ang gagawin ngayong patay na ang kanyang ina at kapatid. Kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan ang mga labi ng kanyang ina at kapatid. Nagulat siya ng biglang may dumating na apat na knights. Nilukod ng takot ang kanyang puso ng makita sila kaya hindi niya maiwasang mapaatras ng lumapit sa kanya ang isa. “Ikaw ba si Yena Lazaro?” tanong sa kanya at alanganin siyang tumango. “Magkano ang kailangan mo para manahimik ka?” tanong sa kanya na siyang pinagtaka niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong pananahimik?” tanong niya pabalik. “Ang gusto naming mangyari, itanggi mo na isang knight ang pumatay sa pamilya mo. Ang gusto naming manahimik ka lang. Huwag kang mag-alala, babayaran ka naming kahit magkano.” Tinitigan niya ang knight na ito at mas lalo lamang siyang namuhi dahil sa mga sinasabi nito. Ang mga knights na ito ay walang karapatang maglingkod sa mga mamamayan ng Azalea. Masyado na silang sakim sa kapangyarihan. “Ganoon na lang ba?” tanong niya at matalim na tinitigan ang knight. Napadako ang kanyang tingin sa nameplate nito na nasa kaliwang dibdib nito. Lt. Topacio. “Anong ibig mong sabihin?” tanong sa kanya at napaismid siya. “Ganoon na lang ba ang tingin niyo sa aming mga mamamayan ng Azalea? Ganoon na lang ba? Bakit? Ayaw niyong masira ang reputasyon ng organisasyon niyo? Matutumbasan ba ng ginto ang buhay ng nanay at kapatid ko?!” sigaw niya ngunit tila matigas ang puso ng knight na ito. Lumapit si Lt. Topacio sa kabaong ng kanyang ina at inilapag ang dalawang bag ng gintong barya sa ibabaw nito. “Kung nakukulangan ka pa, tawagan mo ako sa numerong ito,” sabay pakita ng isang tarheta na siyang ipinatong din sa ibabaw ng kabaong ng kanyang ina bago ito umalis sa kanilang tahanan. Kaagad na sumunod ang mga kasama nitong knights at umalis na parang walang nangyari. Matalim ang titig niya sa  isang bag ng gintong barya. Kinuha niya ito at hinabol ang papalayong knights. Buong lakas niyang inihagis ito at natamaan si Lt. Topacio sa likod nito. Tumigil si Lt. Topacio at nilingon siya. “Hinding-hindi niyo mababayaran ang buhay ng nanay at kapatid ko!!” sigaw niya. Hindi na sumagot pa si Lt. Topacio at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon. Hindi batid ng lahat na may mga nakamasid sa kanilang lahat.               “Nakuhaan ba lahat?” tanong ni Anton kay Catherine at naupo sa tabi ng dalaga. Kasalukuyan silang nasa apartment niya at inutusan ang dalaga na manmanan ang pamilya Lazaro. Gamit ang isang drone ay matiyaga nilang minanmanan ang burol ng mga biktima. “Papaano mo nalamang may mangyayaring ganito?” tanong ni Cat sa kanya. “My intuition told me and alam ko ang likaw ng bituka ng mga knights. Gagawin nila ang lahat huwag lang masira ang kanilang reputasyon,” paliwanag niya. “Sinubukan nilang i-trace tayo but siyempre hindi ko hahayaang mangyari iyon. Dinadala sila ng I.P address sa ibang country.” “Good. I-save mo ang surveillance video na iyan.” “Copy, boss!” at sumaludo pa si Cat sa kanya. Tumayo na siya at nilapitan si Kenneth na umiinom ng green tea sa kusina. Katabi niya si Thomas na masayang kumakain ng sushi. “Anong gusto mong maging sunod na hakbang, Kenneth?” tanong niya at sumubo ng sushi na galling sa plato ni Thomas. “Titingnan ko kung ano ang gagawin ng Hukbong Knights. Itatanggi ba nila o hindi.” “Kapag hindi anong gagawin mo?” “Ipapaubaya ko sa kanila ang proseso.” “Eh kung tinanggi?” tanong ni Henry. “Ako mismo ang papatay kay Sgt. Joacquin,” sagot ni Kenneth at nagkatinginan lang silang apat. “Sige, ikaw ang bahala. Nasa kamay mo ang kasong ito,” sabi ni Anton at muling sumubo ng sushi.             “Sir, ano pong masasabi niyo sa kumakalat na video ng pamamaslang sa mag-inang Lazaro?” tanong ng reporter sa kanya. Palabas na sila ng opisina ng knights ng harangin sila ng sangkaterbang reporters. Naiinis man ay wala na din naman siyang magagawa pa dahil nacorner na sila. Tumingin muna siya kay Lt. Topacio bago nagsalita. “Ang kumakalat na video ay edited lamang. Walang katibayan na iyon ay orihinal at walang details kung sino nag-upload ng video na iyon.” “Sir, papaanong edited? Edited ang mukha ni Sgt. Joacquin doon? Sa anong parte ng video na iyon ang edited?” “Yes, inedit lamang ang mukha ni Sgt. Joacquin sa video na iyon. Inedit iyon ng nakaalitan niyang pamilya. Walang katotohanan ang video na iyon.” “Ano pong sa tingin niyo na maaring sabihin ng mahal na hari sa kasong ito?” “Sa ngayon ay hindi pa nagpapatawag ng pagpupulong ang ating mahal na hari.” “Sir---” hindi na niya tinapos pa ang pagtatanong ng iba pang reporters at pinilit niyang makaalis doon at dali-daling sumakay ng kanyang kotse. “Sir?” tanong ni Lt. Topacio. “Balita sa pamilya ng biktima?” tanong niya at umiling ang knight sa kanya. “Tumanggi siya, Sir.” Napabuntong hininga siya. “Kailangan nating gumawa ng paraan para manahimik na ang pamilyang iyon.” “Ano po ang ibig niyong sabihin?” “Magandang ilapit na ito sa organisasyon.”             “So, anong masasabi mo?” tanong ni Henry kay Kenneth habang pinanunuod ang interview ni Chief Jacinto tungkol sa kaso ng mga Lazaro. “Tinanggi, sinabi pang edited!” sabi pa ni Thomas. “We need to secure first ang safety ng naiwang pamilya ng Lazaro. Siguradong babalikan sila niyan lalo pa’t tinanggihan ang perang ibinigay nila,” sabi ni Anton at ang lahat naman ay sumang-ayon. “Mukhang hindi ito bibigyang pansin ng gobyerno. Alam niyo naman, mahirap lang ang pamilya Lazaro,” sabi ni Catherine. “I already have a plan,” sagot ni Kenneth. Napangiti naman ang lahat. “And what is that?” tanong ni Anton. “We will be going to kill the suspect.” “Suspect lang?” tanong ni Thomas. “Suspect lang muna,” sabi ni Anton. “Bibigyan natin sila ng warning. That way makikilala nila tayo,” dugtong pa niya at agad na sumang-ayon ang lahat. “Henry abd Thomas,” tawag niya sa binata. “Manmanan mo si Sgt. Joacquin, para malaman natin ang kanyang daily routines at kung kalian ang magandang pagkakataon to execute Kenneth’s plan.” “Copy!” sagot ni Thomas at si Henry naman ay tumango lang. “Catherine,” tawag niya sa dalaga. “Y-yes?” “Upload the surveillance video.” “Yes boss!”             Habang nagba-browse ng internet si Lt. Topacio ay nakatanggap siya ng isang email galing sa isang unknown sender. Dahil sa curiosity ay binuksan niya ito at nakita niya ang isang video file. Clinick niya ito at tumambad sa kanya ang isang video kung saan inaalok niya ng pera ang kaanak ng mga biktimang Lazaro. Kitang kita din dito kung papaano ibinato sa kanya ang isang bag ng gintong barya sa kanya. Biglang nag-ring ang kanyang telepono at agad niya itong sinagot. “Hello?” “Ano na naman ito?! Bakit may video?!” sigaw sa kanya ni Chief Jacinto. Sa lakas ng sigaw at=y bahagya pa niyang inilayo sa kanyang tainga ang telepono. “H-hindi ko po alam, Sir. Wala po akong alam sa video na ito,” sagot niya at umiling pa kahit pa hindi naman siya nakikita ni Chief Jacinto. “Hindi ko na ito maitatanggi pa dahil kitang kita ang ginawa mo dito.” “Sir, kayo ang nag-utos sa akin iyan!” hindi na niya napigilang pagtaasan ng boses ang kanyang superior. “Bakit hindi ka kasi nag-iingat? Papaanong may nakakuha ng video?” “Sir, wala po akong ideya kung kanino galing o kung sino ang kumuha ng video. Nang pumunta kami ay siya lang ang mag-isa sa bahay,” paliwanag niya. “Ano na lanh ang sasabihin ng hari nito? Hindi ko na din mailalapit sa organization ‘to dahil sa video na ito. Kapag pinatay natin ang babaeng iyan, tayo agad ang maituturo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD