Chapter Ten: Kenneth Gonzales
“Is everything ready?” tanong ng kanyang ina. Tiningnan lang niya ang kanyang ina bago tumango at inayos ang bag sa kanyang balikat. Lumapit ang kanyang ina sa kanya at hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi. Napangiwi pa siya dahil dito, hindi siya sanay sa mga ganitong gestures. He’s not a sweet type of man. Hindi siya clingy, naiirita siya sa mga ganitong tagpo.
“Ma, ano ba? Stop doing that, it irritates me,” sabi niya at napasimangot naman ang nanay niya.
“Sus, noong bata ka hindi ka naman nagrereklamo. Anong pinagkaiba ngayon? Dahil ba binata ka na? You’re still my baby Kenneth,” sabi ng kanyang ina at tinitigan na lang niya ng seryoso ang nanay niya. Napabuntong hininga ang kanyang ina at binitawan na ang kanyang pisngi.
“Ayan na, napakasuplado mo talaga. No wonder wala ka pa ring girlfriend.”
“Wala akong panahon para sa mga ganyang bagay, Ma. Mas gusto kong magfocus sa pangarap ko,” sabi niya. Wala siyang paalam na umalis na ng kanilang bahay. Pumunta na siya sa garahe at binuksan ito. Nilapitan niya ang isang sasakyan nan aka-cover pa. Tinanggal na niya ang cover at lumantad sa kanya ang isang BMW i8 na kulay itim. Binuksan na niya ito at sumakay na saka niya pinaandar palabas ng kanilang mansyon.
Binabaybay na niya ang highway patungong Knights of Azalea Headquarters. Ngayong araw gaganapin ang exam para sa mga nangangarap maging miyembro ng Knights.
Siya si Kenneth Gonzales, anak ni Lolita Gonzales, isang kilalang fashion designer sa Azalea at ang kanyang ama naman ay dating heneral ng hukbong sandatahan ng Azalea na sa kasamaang palad ay pinatay ng hindi pa nakikilalang suspect. Isa siyang graduate ng Universidad de Froilan at may kursong criminology. Noong nakaraang taon ay nakapagtapos siya at ngayon naman ay hand ana siyang kumuha ng pagsusulit upang makapasok sa pagiging knight.
Bata palang siya ay pangarap na niyang maging knight. Marahil nga dal ana din ng impluwensya ng kanyang ama. Tangdang-tanda niya pa kung papaano maghanda ang kanyang ama kapag may giyera o mahalagang okasyon ang buong kaharian. Tuwang-tuwa siya noon kapag nakikita ang ama niya na katabi ang hari at reyna ng Azalea sa tuwing may parada.
Ngunit ng dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, natagpuang patay ang kanyang ama sa opisina nito. Duguan at nakahandusay sa ilalim ng office table nito, ang masaklap pa lumipas na ang limang taon ay hindi pa rin nakikilala ang suspect.
Pagdating niya sa testing center ng Knights Headquarters ay pinagtitinginan siya ng iba pang examinees. Sino nga ba namang hindi mapapatingin sa kanya kung ang gamit niyang kotse ay mamahalin. Nagsusumigaw kung gaano siya kayaman. Mahaba ang pila ng mga examinees para kumuha ng seat number, kaya matiyaga siyang naghintay at maayos na pumila.
Sa totoo lang ay maikli ang pasensya niya sa mga ganitong bagay. Kung maari lang na mag-cut na ng line ay gagawin niya ngunit gusto niyang maging isang knight. Kailangang may mahabang pasensya at disiplinado ang isang knight.
Halos isang oras ang itinagal niya sa pila at ng makakuha ng seat number ay halos mapamura siya. Number 1201 siya at alas tres pa ng hapon ang kanyang oras. Gusto na niyang guluhin ang buhok niya dahil maghihintay siya ng ilang oras pa bago siya makapasok at makapag-exam na.
Pagkaalis niya sa pila ay naupo na lamang siya sa gater sa may likod ng headquarters. Hindi niya matiis ang ingay doon sa may main entrance. Tama na ang isang oras na tiniis niya ang ingay at tingin ng mga tao doon sa kanya. Napasandal siya sa pader at napabuntong hininga.
“Why do you want to take the exam?” Agad siyang napalingon sa nagsalita. Tiningnan niya ng seryoso ang lalaki bago mulingh hindi na pinansin.
Kilala niya ang lalaki. Alam niyang anak ito ng mayor at congresswoman ng bayan ng Quintine. Madalas din niya itong makita sa campus. Naramdaman niyang umupo sa tabi niya ang lalaki at nagsindi pa ito ng sigarilyo.
Sinamaan pa niya ng tingin ito dahil sa pagbuga ng usok nito ay saktong humangin at langhap na langhap niya ang usok nito.
“Just what the f*ck you want?” galit na tanong niya at tumingin naman sa kanya ang lalaki.
“My bad, sorry. Mahangin eh,” sabi nito.
“Ano bang kailangan mo sa akin Anton Ferrer?” tanong niya at kita niya ang pagkagulat sa mukha nito.
“Wow! Kilala mo pala ako?” tanong nito at napairap na lang siya. Inalok siya ni Anton ng sigarilyo at kumuha naman siya. Pinagsindi pa siya ni Anton ng sigarilyo at hinithit niya ito. Dinama niya ang init ng usok nito hanggang sa kanyang baga bago niya ibinuga ditto. Kasabay ng kanyang pagbuga ang tila paggaan ng kanyang pakiramdam. Kahit papaano ay nabawasan ang stress na ramdam niya sa araw na ito.
“Sinong hindi makakakilala sa iyo? Galing ka sa isang kilalang angkan,” sagot niya.
“Hindi ko naman pinagmamalaki iyon. Sa totoo lang kung puwede ko lang tanggalin ang pangalan ko sa family tree namin ay matagal ko ng ginawa. I hate being a member of Ferrer,” sagot nito sa kanya at napataas naman ang kilay niya dahil sa sagot nito.
Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sa buhay ng ibang tao. Ang motto nga niya ay mind your own business, I will mind mine. Pero dahil isang Anton Ferrer ang kausap niya, hindi niya mapigilang macurious sa mga sinasabi nito. Hindi rin niya kasi maintindihan, bakit siya kinakausap nito ngayon at kung bakit ayaw niyang maging Ferrer.
“Bakit ka magtatiyagang kumuha ng exam para maging knight? Bakit gusto mong maging knight?” tanong nito sa kanya.
“Of course, to help people,” sagot niya.
“Which people? The rich or the poor?”
“Tinatanong pa ba ‘yan of course---” napatigil siya sa kanyang naisip.
Sino nga ba? Tanong niya sa kanyang isipan. Bakit nga ba niya gustong pumasok sa pagiging knight? Dahil ba dating knight ang kanyang ama? Bakit nga ba pangarap niyang maging knight?
“Of course, ano, Kenneth?” muli siyang napatingin kay Anton na naghihintay sa kanyang sagot. Tumikhim tuloy siya at napahithit ng sigarilyo. Bumuga ulit siya bago sumagot.
“Of course, to help the people especially the poor ones,” sagot niya.
“Are you sure? What if sasabihin ko sa’yo na maari kang maglingkod sa mga mahihirap ng hindi pumapasok sa pagiging knight?”
Dito na siya nagtaka sa mga sinasabi nito. Papaano ka maglilingkod kung hindi siya isang knight?
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Alam kong hindi lingid sa kaalaman mo ang sistema ng gobyerno natin. Ang madalas nilang paboran ay ang may kapangyarihan at ang may pera. Pero kapag mahihirap na ang naagrabyado, dinedeadman na lang nila. Malaking porsyento ng papolasyon ng Azalea ay kinabibilangan ng mga mahihirap o mga may kaya. Pero bakit masyadong pabor ang mga tauhan ng gobyerno sa mga mayayaman? Hindi ba dapat nasa panig sila ng mahihirap? O kaya naman ay maging patas sila?”
Napaisip siya sa sinabi ni Anton. Kung tutuusin ay tama ang mga sinabi nito. Marami na siyang nakikitang mga ganoong cases, tanging mga nananalo ay ang may kapangyarihan o ang mga mapepera.
“Bakit ano bang balak mo?” tanong niya.
“I find you suitable to become my member.”
“Member? Ng ano? Magtatayo ka ba ng kulto?” sabi niya pa at tinaasan siya ng kilay.
“I am forming a group of vigilantes.”
“What?! Anong kahibangan ‘yan? We all know na labag sa batas natin ang mga ganyang grupo. Gusto mo bang mabitay?”
“If that will happen then yes. My main objective is to help the poor. Kapag nagiging mailap ang hustisya para sa kanila dahil ayaw silang pansinin ng gobyerno natin puwes ay kami ang kikilos. Naisip ko na suitable kang maging miyembro. Pero hindi kita pinipilit.”
“Papasok akong knight tapos sasabihin mo sa akin iyan? Hindi ka ba natatakot na maari kitang isumbong sa authorities?” tanong niya at umiling naman si Anton.
“Nope. Kahit pa hindi kita gaano kakilala, alam kong may isang salita ka. Isa kang Gonzales. Simple as that. I hope you consider my offer. Para din ito sa bayan,” sabi ni Anton at tumayo na ito. Paalis n asana ito nang makarinig sila ng sigawan sa hindi kalayuan. Sabay silang napatingin sa pader, nasa kabilang pader nanggagaling ang ingay.
“Huwag! Walang kasalanan ang anak ko!”
“P*tang ina niyo! Kinakalaban niyo ako?!”
“Matapang ka lang dahil may baril ka!”
“Hinahamon mo ako ha?!”
“Umalis ka na dito! Isusumbong ka naming sa pamunuan ng knights!”
Nagkatinginan silang dalawa ni Anton at para bang nagkaroon sila ng pag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Sabay nilang inakyat ang pader at nakita ang isang kumusyon. Maraming tao ang umaawat sa gulo. Nakita nila ang isang matandang babae na yakap ang anak na lalaki at isang lalaki na base sa uniporme nito ay may rangkong sarhento. Nakita niyang may hawak itong baril sa kanang kamay at pilit na hinahatak ang lalaki mula sa pagkakayakap ng matandang babae.
“Umalis ka na dito! Nasa teritoryo ka naming!” sigaw ng lalaki at pilit pa din siyang hinahatak ng knight.
“Wala akong pakialam kung nasa lupain niyo ako. Masyado kang mayabang! Dapat sa’yo pinapatay!”
“Umalis ka na!” sigaw ng matandang babae.
“Ibigay mo sa akin ang anak mo! Masyadong mayabang! Inaangasan ako!”
“Ayaw ko! Hindi ko ibibigay ang anak ko!”
“Ayaw mo? O ito bagay sa inyo!”
Nagulat ang lahat ng umalingawngaw ang apat na putok ng baril. Kasabay nito ang pagkahandusay ng matandang babae ata ng lalaki. Nagkagulo ang lahat ng mga nandoon, samantalang ang knight na bumaril ay nakangisi lang at umalis.
“Nakita mo na?” napatingin siya kay Anton na seryosong nakatingin sa kanya.
“Nakita mo na kung gaano kalupit ang sistema sa mga taong katulad nila? Kapag sinumbong nila sa pamunuan ng knights ang nangyaring ito, babalewalain lang sila. Papaano nila makakamit ang hustisya?”
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Mismong knight pa ang pumatay sa walang kalabang-labang tao. Pinatay nito ang mga taong walang laban. Bakit parang tila napakadali sa taong iyon na pumatay? Kahit sino sa kanila ay walang karapatang kumuha ng buhay ng isang tao.
Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Galit, lungkot, pighati, pagkabigla. Halo-halo, hindi niya malaman.
“B-bakit nangyayari ito? Walang kalaban-laban ang dalawang iyon?” tanong niya at napabuntong hininga si Anton.
“Ganitong tagpo ang gusto kong baguhin. Gusto kong bigyan ang mga katulad nila ng hustisya. Alam kong hindi ko kakayanin kung mag-isa lamang ako. Sa dami ng nangangailangan, hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Kaya inaalok kita kung gusto mong sumama sa grupo naming. Kung gusto mo na ding baguhin ang sistemang bulok na umiiral sa buong Azalea.”
Tama, masyado ng bulok ang nangyayari sa buong kaharian ng Azalea. Hindi ko maatim na palampasin lamang ito.
Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang examinee form at seat number niya saka niya ito pinunit. Pinunit niya ito hanggang sa naging maliliit na piraso na lamang ito ng papel saka niya itinapon. Nilipad ito at tila naging mga talulot ng bulaklak na bumagsak sa katawan ng dalawang pinatay ng knight.
“Gusto ko silang bigyan ng hustisya,” tukoy niya sa dalawang wala ng buhay. “Dapat hindi mabaon sa limot ang kanilang pagkamatay,” sabi niya pa at napatango si Anton sa kanya.
“Good. Tara at sumama ka sa amin. Planuhin nating maiigi ang gusto mong mangyari,” sabi ni Anton at tumalon na ito pababa ng pader. Sumunod naman siya at bumaba na din. Sabay silang naglakad palabas ng likuran ng building. Dito niya nakita kung gaano kahaba ang pila ng mga examinees. Naniniwala siyang tama ang desisyon niya. Hindi rin naman niya maatim na manatili sa isang bulok na institusyon gaya ng mga knights.
Sumakay na siya sa kanyang BMW i8 nang biglang bumukas ang passenger seat at pumasok sa loob si Anton.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Sasakay. Let’s go to my apartment. Naghihintay na ang iba sa atin.”
“May ibang kasama ka pa?”
“Tayo,” diniinan ni Anton ang salitang tayo. “May iba pa tayong kasama.”
“Wala ka bang sasakyan?” tanong niya at inistart na ang kanyang kotse.
“Mayroon. Pero gusto kong makasakay sa isang BMW kaya tara na.”
Napailing na lang siya dahil sa sinabi ni Anton.
“Ang yaman mo pero wala kang BMW?”
“Mayroon ako MV Agusta!”