Chapter Eleven: Catherine Gonzales

2373 Words
Chapter Eleven: Catherine Gonzales             “Guys, may isa akong prospect na gusto kong isali sa grupo natin.” Napatigil si Henry sa paghithit nang magsalita si Anton. Kasalukuyan silang nasa apartment ni Anton at nagpaplano sa kanilang grupo. Napansin din niyang napatigil sa pagluluto si Thomas na nasa kusina at mukhang narinig ang sinabi ni Anton. “Sino naman?” tanong niya at umupo sa sofa. Tumayo si Anton mula sa study table at dinala nito ang laptop na ginagamit. Tumabi sa kanya ang binata at pinakita ang nasa screen ng laptop. Napataas ang kilay niya ng makilala ang lalaking nasa larawan. “Seryoso? Irerecruit mo iyang si Gonzales?” tanong niya at tumango naman si Anton. “Yup! Napakaperfect na ng grupo natin kung mayroong isang katulad niya sa atin. He’s diligent, may sense of justice at may isang salita talaga.” “He already graduated last year,” sabi niya at ngumiti lang sa kanya si Anton. “So, what? Wala naman akong sinabi naa kailangan nag-aaral din sa university. I find him mysterious din kasi kaya naisipan kong isali siya sa grupo natin,” sagot ni Anton at umiling naman siya. “Mahihirapan kang irecruit siya. Anak siya ng dating heneral ng hukbong knight’s kaya malamang ay papasok din siyang knights. Oo ng apala, examination for knights ngayong araw. Malamang nandoon iyon. Mukhang magtetake din ng exam,” sabi niya at hinithit na ang papaubos na sigarilyo. Nang maubos na ay pinatay niya ang baga nito sa ash tray na nakalagay sa center table. “Well, that’s great! Maniwala kayo, pagbalik ko dito ay kasama ko na siya!” “And papaano ka nakakasiguro?” sabay silang napalingon kay Thomas na kalalabas lang ng kusina at nagpupunas ng kamay gamit ang paper towel. “Trust me! My intuition tells me so.”             Tatlompung minuto na ang nakalipas ng umalis si Anton para pumunta sa testing venue ng knights. Napatingin siya kay Thomas na naglagay ng isang basong orange juice sa harapan niya. matipid siyang ngumiti at umusal ng mahinang pasasalamat sa binat. Si Thomas naman ay ngumiti at umupo sa tabi niya. “Yosi?” alok niya sa kaibigan habang binibigay ang isang kaha ng sigarilyo. Agad namang umiling ang binata sa kanya. “No, thanks. Hindi ako nagyoyosi. May awa naman ako sa lungs ko,” sabi nito at natawa siya. “Parang sinasabi mong masyado akong malupit sa baga ko.” Hindi napigilan ni Thomas ang kanyang pagtawa. Ilang segundo din siyang tumatawa bago tumigil. Maluha luha pa ito habang pinipilit na huminahon. “Henry?” “Ano?” tanong niya at muling nagsindi ng sigarilyo. “Marerecruit ba ni Anton si Kenneth Gonzales? We all know na untouchable ang taong iyon. Minsan ko na siyang nakasabay dati sa building at napakasuplado niya. he doesn’t like crowding. Besides, papasok siyang sa pagiging knight, mabubulyaso ang plano natin if hindi nag-ingat si Anton,” sabi nito at napabuntong hininga na lang siya. “Isa sa mga foundation ng isang grupo ang trust. If Anton says he will, let’s trust him. Siguro masyado pang maaga para sabihin na he can do a lot of things pero naniniwala ako na magagawa niya.” “Pustahan tayo?” sabi ni Thomas at napataas naman ang kilay niya. “Sure? How much?” tanong niya at ngumiti naman ng nakakaloko si Thomas. “Dalawang bag ng gold coins? Deal?” “Sure. Dala na niya si Gonzales mamaya,” he said at ngumiti ng nakakaloko. “Okay fine. Maniniwala akong hindi sasama si Gonzales sa kanya pagbalik niya dito.”             Matapos ang dalawang oras ay nakarinig sila ng ingay ng sasakyan. Sabay silang pumunta sa bintana at napaawang ang mga bibig nila ng makita ang isang BMW i8 na kulay itim na huminto sa tapat mismo ng apartment building. Mas lalo silang nagulat ng bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang Kenneth Gonzales. Nakasuot ito ng itim na polo at slacks. Bagsak ang buhok nito at may matalim na mga mata. Sumunod na bumaba si Anton na nakangisi at tumingin sa kanila. Tumingin si Henry kay Thomas at ngumisi siya dito. Napakamot na lang ng ulo si Thomas at kinuha sa bag ang dalawang bag of gold coins at inihagis sa kanya. Mabuti na lang at nasalo niya. “See?” “Oo na!” Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at pumasok na sila Kenneth at Anton. Tahimik nilang pinagmasdan ang bagong miyembro ng kanilang grupo. “So yeah, welcxome to our group. Kilala mo naman na ako so, this is ---” hindi na natapos ni Anton ang pagpapakilala sa kaila dahil nagsalita si Kenneth. “He’s Henry Escudero and Thomas Oliveros,” sabi nito at napakibit balikat na lang si Anton. “I guess no more introduction needed.” “What will we do?” tanong nito at nagkatinginan silang tatlo. “Saan? I mean may nangyari ba?” tanong niya at tumango naman si Anton. “Kanina, while we were talking, may nagyari. There was a knight shot two powerless people. Walang kalaban-laban na pinagbabaril ang dalawa. Isang matandang babae at isang binata. Sa likod mismo ng Knight’s Headquarters. Ang masaklap pa, umalis ang knight na para bang walang nangyari,” kuwento ni Anton at napatingin silang dalawa kay Kenneth. “Kaya ba---” hindi natapos ni Thomas ang sasabihin niya ng bigla na namang magsalita si Kenneth. Uso kaming patapusin sa sasabihin naming ‘di ba? “Yes. Hindi ko maatim na walang hustisyang makamit ang mga pinatay ng walang hiyang iyon. Hindi puwedeng balewalain na lang sila. Tao din sila, iba man ang estado sa karamihan pero may buhay din sila.” Nagkatinginan silang tatlo at tapatango na lang. “So a.nong plano?’ tanong niya at ngumisi naman si Anton. May kinuha siyang fountain pen mula sa bulsa ng kanyang polo. Tinanggal niya ang takip nito at lumabas ang isang OTG. “Wow! Ano ‘yan? May camera?” tanong ni Thomas. “Exactly! This is a hidden camera,” sagot ni Anton at lumapit ito sa laptop niya na nakapatong sa study table. Nagkatinginan sila saka nila sinundan ang binata. Sinaksak ni Anton ang OTG sa laptop nito at may ilang files na nakasave doon. May clinick si Anton na file name at doon ay lumabas ang isang video. Pinanuod nila ang naturang video. Napamaang sila sa nasaksihan. Walang ano-ano’y pinagbababaril ng isang knight ang isang matandang babade at isang binata. Sa bilang ni Henry ay nasa apat na putok nab aril iyon. Dalawa sa matandang babae, dalawa din sa lalaki. Pagkatapos ay tila masaya pa ang knight sa ginawa at parang namamasyal lang na naglalakad palayo sa eksena. Tiningnan ni Henry si Thomas at seryoso itong nakatingin sa video. Maging siya naman ay hindi niya maatim na ganoon ang sinapit ng mga walang kalabang-labang biktima. Tama si Kennth, dapat mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima. To think na sa kamay pa ng isang knight sila binawian ng buhay. Ang knight na siyang dapat nagpoprotekta sa mga tao. “Paniguradong hindi paniniwalaan ng pamunuan ng kinghts ang reklamo ng pamilya nito. Of course, hindi nila papansinin ang pamilyang ito dahil una sa lahat, simpleng mamamayan lang sila. Hindi sila pulitiko, hindi sila negosyante,” sabi ni Anton at lumingon sa kanilang tatlo. “So, anong plano niyo?” tanong ni Thomas. “Puwede bang ako ang magplano?” tanong ni Kenneth kaya napatingin sila sa binata. Ngumiti si Anton at tumango. “Oo naman. Ibibigay ko sa iyo ang task nito,” sagot ni Anton. “Iupload natin ang video na ‘yan. Magiging ebidensya iyan. Gusto kong magkagulo ang pamunuan ng knights dahil sa walang hiyang iyan.” “Puwede naman pero paniguradong matetrace tayo. Matetrace ang IP address natin kapag ginawa natin iyon,” sagot ni Henry at sumang-ayon naman sila Anton. “Don’t worry. I know someone who is expert about that thing,” sagot nito. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng slacks at may tinawagan.             “Damn you Blazer! Sabi ko doon sa kanan eh!” sigaw ni Catherine o mas kilala bilang SilverBlade sa larangan ng gaming. Kanina pa siya naiinis sa kanyang kakampi dahil nakailang game na sila at nakailang na din silang talo. “Sorry, naglags kasi ang phone ko eh. Nahihirapan ako mag-control,” sagot ng kausap niya mula sa kabilang linya. “Bumili ka na kasi ng bago! Fifth game na ito tapos 5 times na din tayong talo!” sigaw niya. Napatingin siya sa kanyang cellphone na nagva-vibrate sa ibabaw ng kanyang gaming table. Nang makita ang pangalan ng kapatid ay agad niya itong kinuha at sinagot. “’Suo kuya? How’s the exam?” tanong niya ng sagutin ang tawag nito. “Pumunta ka dito. Asap. I will send the address. Bring your laptop.” Pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Nagtataka man ay hindi na siya nag-aksaya pang tawagan ulit ang kapatid niya. base sa boses nito ay mukhang may seryosong nangyari. “Oy Blazer! Later na lang ulit! Babush!” “Hoy teka!” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pinatay na ang kanyang game. Inayos na niya ang kangang laptop na pinadadala ng kanyang kapatid. Hindi iyon ordinary laptop. Laptop ito na kung saan ay minodified niya. ginagamit lang niya ito kapag may mga transactions siya na ayaw niyang matrace. Tumunog ang kanyang cellphone at binasa ang text message mula sa kapatid at nakalagay na doon ang address. Nagtaka siya dahil wala sa testing venue ang kapatid niya. Inilagay na niya ang laptop sa kanyang bag saka niya kinuha ang isang itim na helmet. Mabuti na lamang at wala ang kanilang ina. Nasa shop ito ngayon dahil busy ito sa darating na fashion show. Pagdating niya sa garahe ay tinanggal niya ang itim na cover ng sasakyan niya. bumungad sa kanya ang makintab at bagong linis na Ecosse ES1 Spirit na kulay kahel. kaagad niya itong sinakyan at pinaandar. Nang marinig ng kanilang guards ang tunog ng makina niya aya dali-daling binuksan ang kanialng marangyang gate at walang ano-ano’y pinaharurot niya ito. Tila ba isang kidlat ang dumaan sa kanilang harapan.             Hindi nagtagal ay nakarating siya sa address na ibinigay sa kanya ng kanyang kapatid. Nagtataka siya kung bakit nasa isang apartment building ang kanyang kuya. Nakita niyang nakaparada sa tapat ng building ang BMW i8 ng kapatid niya kaya dito na niya itinabi ang kanyang Ecosse Es1 Spirit. Hinubad na niya ang kanyang helmet at umakyat sa unit nan as address. Pagdating niya sa unit ay kumatok siya. Mga tatlong katok ang ginawa niya at nang bumukas ang pinto ay napako siya sa kanyang kinatatayuan. A-anton Ferrer? Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Isang Anton Ferrer ang nagbukas ng pinto at nakangiti sa kanya. Hindi niya akalaing makikita niya ng ganitong malapitan ang crush niya. Oo, may paghanga siyang nararamdaman para sa binata. Unang kita pa lamang niya sa binata ay talaga namang nahulog na siya sa mga niti nito. Ang tagal na panahon na niyang crush si Anton at hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya mismo ito na dati’y sa malayo lang niya pinagmamasdan. “Ikaw ba si Catherine?” tanong nito sa kanya at dahan-dahan siyang tumango. “Oy, Cat!” Napatingin siya sa likuran ng binata at nakita ang kanyang kapatid na printeng nakaupo sa sofa at may isang tasa ng tsaa. “Pasok ka,” sabi ni Anton at pumasok naman siya. Nanunuot sa ilong niya ang pabangong gamit ng binata. Oh my gosh! Ililibre ko talaga si Kuya dahil dito! “Bakit nandito ka? Anong mayroon? Akala ko nasa testing center ka ngayon?” sunod-sunod na tanong niya sa kanyang kapatid. Tinitigan lang siya ng kanyang kapatid at hindi sumagot. Gustuhin man niyang sipain ang kapatid ay hindi niya magawa dahil nasa tabi niya si Anton Ferrer. “Upo ka muna,” sabi ni Anton at nahihiya naman siyang umupo sa tabi ng kanyang kapatid. Pinagmasdan niya ang apartment. Dito niya napagtantong may ibang kasama pa pala sila. May dalawang lalaki pa silang kasama. Ang isa ay naninigarilyo sa may bintana habang ang isa ay nakatingin sa kanya at nakaupo sa isang dining chair. “Ano bang kailangan mo sa akin kuya?” tanong niya. Lumapit sa kanya si Anton na may hawak na laptop. Inilapag iyon sa harapan niya at pinlay ang isang video. Nagtataka man ay minabuti niyang manahimik at panuorin na lang ang video. Seryoso niyang pinanunuod ang video. Sa una ay nagkakaroon ng argumento hanggang sa nagiging marahas na at humantong sa pagkamatay ng dalawang biktima. Hindi niya mapigilang mapatutop sa kanyang bibig dahil sa kanyang mga nakita. Gulat na napatingin siya sa kanyang kapatid at kay Anton. “B-bakit ganoon? Wala siyang awa!” sigaw niya at sabay-sabay na tumango ang mga lalaki sa sinabi niya. “Hindi ko maatim na hindi bigyan ng hustisya ang mga biktima. Pinatay sila ng walang kalaban-laban,” sabi ni Kenneth. “Kaya ba hindi ka nag-exam ngayon? Papaano ang pangarap mong maging knight?” tanong niya at bumuntong hininga ang kanyang kapatid. “Hindi ko masikmura na sumapi sa isang samahan na katulad ng ganyan. Imbes na sila ang prumotekta sa mga mamamayan, tila sila pa ang dahilan ng kanilang kamatayan.” “Catherine Gonzales,” napatingin siya kay Anton. “Nagtatayo ako ng grupo ng isang vigilante na siyang mangangalaga sa mga mamayanan lalo na sa mga mahihirap. Alam kong alam mo ang sistema ng ating gobyerno---” “Ang hustisya ay para lang sa mayaman,” sabi niya at tumango naman si Anton. “Ano ang maitutulong ko? Hindi ako makakatulog ng walang gagawin,” she said at nagkatinginan silang lahat. “I want you to upload this video para makita ng buong kaharian ng Azalea,” sabi ni Kenneth. “Ikaw lang ang alam kong may kakayahang gumawa nito. Malinis kang magtrabaho, alam kong hindi nila mate-trace ang ang IP address mo.” “Iyon lang ba? Piece of cake,” she said at ngumiti ng nakakaloko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD