Chapter Nine: The Arranged Marriage
Napabuntong hininga si Anton. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng culinary arts building at kumakain ng lunch. Pinagluto sila ni Thomas ng adobong baboy.
“Pang-ilang buntong hininga mo na iyan?” tanong ni Thomas habang ngumunguya. Napatingin naman siya kay Thomas at alanganing ngumiti siya sa kaibigan.
“Naiisip ko lang ang mangyayari mamaya,” sagot niya at muling sumubo ng pagkain. Mula sa ‘di kalayuan ay napatingin si Henry sa kanya na kasalukuyang naninigarilyo.
“Bakit naman?” tanong nito sa kanya.
“Kailangan kong umuwi mamaya sa mansyon,” sagot niya. nakita niyang itinapon ni Henry ang upos ng sigarilyo bago ito tinapakan para mamatay ang baga.
“Saan? Dito o sa Quirone?”
“Dito lang,” sagot niya.
“Mukhang namomoblema ka,” sabi ni Thomas at tumango naman siya.
“I actually don’t want to go home. Ayoko din namang makita ang pamilya ko pero my dad threatened me na sasaktan ang yaya ko. Aliyah is important to me, ilang beses ko na din siyang pinaaalis pero nananatili siyang matigas. Gusto pa din niyang manilbihan sa pamilya namin.”
“Your dad really knows how to tame you,” sabi pa ni Henry.
“Sinabi mo pa.”
“Anyway, papaano niyo napasuko ang suspect kanina?” tanong ni Henry at napatingin naman si Anton kay Thomas. Kaagad na nag-iwas ng tingin si Thomas na siyang ikinataas ng magandang kilay ni Henry.
“So?”
“Si Thomas. May ibang skills pa pala itong si Thomas bukod sa pagluluto. He’s an expert in swords and knives,” sagot ni Anton.
“Really? Wow!”
“And he’s the new member of our group!” sabi pa niya at tumango na lang si Henry sa kanya. Nakita naman nilang namumula ang mukha ni Thomas at napahawak sa leeg nito.
“Nakakahiya…”
“Bakit ka mahihiya? Para kang hitman kanina eh. A natural born hitman!” sabi pa niya.
“H-hindi naman.”
“Good, iilan na lang ang kailangan mo Anton. We need to recruit other members as soon as possible para mailatag mo na ang plano mo. Nakakainip din ang maghintay, Anton,” sabi ni Henry at tumango naman siya.
“I know. Pero huwag kang mainip. Hindi matatapos ang taon na ito at mabubuo na natin ang grupo.”
Nang uwian ay nagkanya-kanya na silang tatlo. Nauna ng umalis si Henry sa kanila, ni hindi na ito pumasok sa last class nito. Si Thomas ay may kailangang bilhin para sa kaniyang practical exam. Matiwasay niyang binabagtas ang highway pauwi sa kanyang apartment. Nang nasa parking lot na siya ay hindi nakaligtas sa mala-agila niyang mata ang sasakyang itim sa hindi kalayuan. Alam niyang tauhan ito ng kanyang ama.
Mukhang pinababantayan talaga ako kay Gregorio.
Padabog niyang isinara ang kanyang pinto. Ayaw niyang pumunta sa kanilang mansyon pero wala siyang magagawa. Hawak ng kanyang ama si Aliyah, hindi naman niya puwedeng pabayaan ang babaeng nag-alaga sa kanya sa loob ng mahabang panahon.
Nang pumatak ang alas sais ng gabi ay nagsimula na siyang mag-asikaso ng kanyang sarili. Naligo na rin siya at ramdam niya ang ginahawang dulot nito. Ramdam niya ang pagtanggal ng lagkit at dumi sa kanyang katawan.
Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang umiilaw ang kanyang bagong cellphone. Kung maalala niyo ang luma ay naibato niya kaninang umaga. Nakita niyang may text message ito at ng buksan niya ay mas lalo siyang napasimangot sa nabasa.
Wear formal attire.
“Ano na naman kayang kaganapan sa mansyon?” tanong niya sa kanyang sarili. naiiling siyang binuksan ang kanyang cabinet at kinuha ang isang white long sleeves at isinuot ito. Inayos na niya ang kanyang damit, tinuck-in ng maayos ang damit. Mabuti na lamang ang tuwing Linggo ay pumupunta si Aliyah sa kanyang apartment para ayusin ang kanyang gamit. Binuksan niya ang isang drawer at kinuha ang isang gold watch saka ito isinuot. Tiningnan niya ang kanyang ayos at nasatisfied naman siya sa kanyang dating. Muli niyang binuksan ang cabinet at kinuha ang isang itim na suit at sinuot na ito.
Nang ready na siya ay binuksan na niya ang pinto. Napatigil siya ng makita sila Gregorio na nag-aabang mismo sa may pintuan niya.
“Master Anton, naghihintay na po ang kotse,” sabi nito at napaikot ang kanyang mga mata.
“I have my big bike. Ayokong sumakay kasama kayo,” he said at isinara na ang pinto niya.
“Pero Master Anton, utos po ni Lord Larry na sa sasakyan kayo sumakay. Huwag na daw po kayong magtigas.” Napatiim bagang siya sa sinabi ng tauhan ng kanyang ama. Talagang sinisiguro nito na uuwi siya ngayong gabi.
Wala na siyang nagawa at pumasok na sa kotseng nasa harap mismo ng gate ng apartment building kung saan siya nakatira ngayon.
Tahimik lang ang biyahe nila. Nasa backseat siya at pinagmamasdan ang mga ilaw sa highway. Napadako ang mata niya sa harapan. Si Greogorio mismo ang nagmamaneho ng sasakyan at nasa passenger seat naman ang isang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali, Eric ang pangalan ng lalaking iyon. Ito ang madalas na kasama ng kanyang ama sa loob ng opisina nito at kapag pumupunta ng Azalaea Palace.
Pagpasok ng sasakyan sa loob ng malaking gate ng mansyon nila ay napansin niya ang isang puting van na nakapark sa mismong tapat ng entrance ng mansyon. Nagtataka siya kung anong okasyon mayroon ngayon para magkaroon ng bisita. Pinagbuksan siya ni Gregorio ng pinto at lumabas na siya. Pagpasok niya ay napataas ang kilay niya sa kanyang nakita.
Masayang nakikipag-usap ang kanyang magulang sa bisita. Pinagmasdan niya ang mga bisita, mukhang mag-asawa ito at napadako ang mata niya sa isang dalaga na katabi ng babae na sa tingin niya ay in anito.
Nakasuot ito ng kulay pulang bestida na pinalamutian ng mga maliliit na Swarovski stones. Lumapit si Gregorio sa kanyang ama at may binulong. Pagkatapos ay dumako ang tingin nito sa kanya at ngumiti.
“Hijo anak! Mabuti at nandito ka na!” sigaw nito at nagtinginan ang bisita at ang kanyang ina. Nakita niyang ngumiti ang kanyang ina at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit si Congresswoman Ruby sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Anton! I miss you so much!” sabi pa nito. Para hindi mapahiya ang ina ay walang gana niya itong niyakap pabalik.
“Mister and Mrs. Smith, this is our son Anton Ferrer,” pakilala ng kanyang ina sa mga bisita. Ngumiti naman ang mga bisita nila. Labag man sa loob ay lumapit siya at plastic na ngumiti sa mga bisita.
“I am Anton Ferrer,” pakilala niya at inilahad ang kanyang palad. Tumayo ang mag-asawa maging ang dalaga na kasama ng mga ito.
“I am Jerome Smith. This is my wife, Rosalinda Smith and this beautiful young lady is my daughter Agnes Smith,” sabi ng kanilang bisita at isa-isa niya itong kinamayan. Nang magtagpo ang mga mata nila ni Agnes ay bakas sa mata ng dalaga ang kasabikang makilala siya.
Too bad, I’m not interested in women right now.
“I’m sure nagugutom na tayong lahat. Let’s all have a dinner. Nagpaluto ako ng foods. Tara na,” pagyaya ng kanyang ina at lahat sila ay nagtungo sa dining room. Nang makapasok na sila sa dining room ay nakahinga siya ng maluwag dahil nakita niya si Aliyah, nakangiti sa kanila at inayos na ang pagkakahain ng mga pagkain. Pinagmasdan niya ng mabuti ang kanyang yaya, bakas na sa mukha nito ang pagkakaroon ng edad. Nagkakaroon na ng mga puting buhok ang dating itim at malambot na buhok nito. Nagkakaroon na rin ng mga linya sa noo nito. So far ay wala siyang nakitang kahit anong sugat o pasa sa katawan nito.
Mabuti naman.
Kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob at puso nang makita si Aliyah.
Tahimik lang siyang kumakain, panaka-nakang tinitingnan ang dalaga na nasa kabilang bahagi ng lamesa at tahimik lang din na kumakain. Ang kanilang mga magulang ay busy sap ag-uusap. Mostly politics at negosyo.
“So, Anton,” napatingin siya sa kanyang ama. “What can you say about Agnes?” tanong nito sa kanya at napataas naman ang kilay niya.
“What do you mean. Dad?”
“What can you think about her?” pinilit niyang hindi mapairap sa tanong nito. Muli niyang tinapunan ng tingin ang dalaga bago ulit tumingin sa kanyang ama.
“She’s pretty,” simpleng sagot niya at iniabot ang kopita niya. Sumimsim siya ng red wine at naghihintay ng susunod na sasabihin ng kanyang ama.
“And?” tanong pa nito na tila naghihintay pa kung may idudugtong siya sa sinabi niya.
“That’s all. Wala naman na akong nakikita sa kanya maliban sa maganda sa kanya.”
“Well, you see Anton---” napatingin naman siya sa kanyang ina. “The thing is we would like you and Agnes to get married.”
Napatigil siya sa kanyang narinig at matalim na tinitigan ang kanyang ina.
“What?” tanong niya.
“We want you to marry Agnes. Makakabuti sa negosyo natin if nagmerge ang company nila. Smith’s business is restaurants. Tayo naman ay agriculture, so maganda ang tambalan natin,” sagot naman ng kanyang ama. Napabuga siya ng hangin. Mas lalo lang sumisidhi ang galit sa puso niya.
“No,” matigas na sabi niya. Dito na sumeryoso ng husto ang mukha ni Mayor Larry.
“What do you mean no?”
“I don’t want to marry that girl. Kung gusto mo, ikaw ang magpakasal. Ikaw ang may gusto, so ikaw ang gumawa. Huwag mong ipasa sa akin kung ano ang gusto mo.”
“Huwag kang bastos, Anton!” sigaw ng kanyang ina at hinawakan ang kanyang kamay na dali-dali din niyang iniwas.
“You will marry her or else---”
“Or else what? Papatayin mo si Yaya Aliyah? Gusto mong ilabas ko ang baho ng pamilya natin? Well, Mr. Smith let me tell you what kind of family is this,” sabi niya at napatingin si Mr. Smith sa kanya.
“Our family is ruthless. Ilang tao na ang ipinapatay nila for their convenience. Ilang tao na ang pinahirapan nila for just petty things and kanina lang, he threatened me that he will kill my Yaya Aliyah kung hindi ako pupunta ngayon. So, mag-isip ka na. ganitong pamilya ba ang gusto mong pakisamahan ng anak mo?” buong tapang niyang hayag sa mga bisita nila. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ng kanilang bisita.
Galit na galit si Mayor Larry ay inihampas ang mga kamay sa lamesa at lumikha ito ng ingay.
“Hindi totoo ‘yang sinasabi mo!”
“Kitang kita ng dalawang mata ko na pinapatay mo ang isang lalaki 15 years ago.”
“Bawiin mo ang sinasabi mo, hindi totoo ‘yan!” sigaw ng kanyang ama.
“Anton, stop talking non-sense!” suway naman sa kanya ni Congresswoman Ruby.
“Bakit, Mom? Gusto ko mong sabihin ko kung papaano mo tinotorture ang mga maids dito sa bahay?”
“Anton! Shut up!”
“Takot kayong lumabas ang baho niyo?” he said at tumalikod na. Palabas na siya ng mansyon nang makasalubong si Aliyah.
“Master Anton!” tawag nito sa kanya. Tumigil siya at hinawakan ang kamay ng babae.
“Aliyah, come with me please,” pakiusap niya at tumango na lang ang kanyang yaya.
Lumabas na sila ng mansyon at itinulak palayo si Gregorio. Kaagad niyang ipinasok si Aliyah sa passenger seat at siya naman ay sa driver’s seat. Bago pa man sila mahabol ni Gregorio ay kaagad niyang pinaandar ito hanggang sa makalabas sila ng manor.
“Master Anton, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Aliyah sa kanya. Sandali siyang napalingon dito bago muling ibinalik sa daan ang kanyang tingin. Inihinto niya ang sasakyan ng makarating sila sa Azalea River Park.
“Master Anton, ano po bang nangyayari?”
“Yaya, please go back to your town,” sabi niya. Hinawakan pa niya ang mga kamay ng kanyang yaya at bahagyang pinisil ito.
“Pero Master Anton---”
“Please yaya, go back to your town. Hindi ako mapapanatag kapag nasa mansyon ka. Dad, threatened me na papatayin ka niya that’s why I came.”
Tila hindi makapaniwala si Aliyah sa kanyang narinig. Alam niyang may kakayanan ang mga Ferrer na ipapatay siya peero hindi niya alam na gagamitin siya para takutin ang anak mismo nito.
“Hangga’t nasa mansyon ka, hinding hindi ako matatahimik. Hinding hindi ako mapapanatag. Any minute ay puwede ka nilang pahirapan or worst ay ang patayin na mismo,” sabi ni Anton. “I treasured you a lot Yaya Aliyah. Kasama kita for how many years. Naging parte ka ng buhay ko. Ikaw ang tumayong ina ko. Nakita ko ang katangian ng isang in ana kahit kailan ay hindi ko nakita kay Mommy. Yaya, mahalaga ka sa akin kaya natatakot ako kung mapapahamak ka lalo pa’t sa kamay ng mga magulang ko.”
“Master Anton, naiintindihan kita. Pero hindi ako puwedeng umuwi na lang ng basta-basta. Alam mo namang---” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng magsalita ulit si Anton.
“Yaya Aliyah, alam ko ang tungkol sa pamilya mo. Maayos na ang buhay nila, may kanya-kanya na silang negosyo. Lahat iyon ay dahil sa paghihirap mo. Yaya, please be happy. Sarili mo naman ang isipin mo. Ayokong gamitin ka pa ulit ng mga magulang ko laban sa akin.”
“Anton…”
“Para sa akin na lang Yaya, isipin mo na lang ang kalagayan ko. Patuloy akong maiipit sa mga pambabanta nila kapag ikaw ang gagamitin nila. Hindi ako makakatulog, hindi ako mapapanatag kung alam kong kahit anong oras ay maari kang mapahamak. Ako na lang ang isipin mo.”
Napabuntong hininga si Aliyah. Hindi niya akalaing ang alaga niya sa loob ng labing-limang taon ay ganito na mag-isip. Alam niyang si Anton ang naiiba sa buong angkan ng Ferrer. Tanging si Anton lang ang may malinis at busilak na puso sa kanilang lahat. Tama ang kanyang alaga, kahit anong oras ay maaaring malagay sa peligro ang buhay niya at dagdag isipin pa siya ng kanyang master. Ngumiti siya at niyakap ng mahigpit si Anton. Si Anton na inalagaan niya mula noong ito’y pitong taong gulang pa lamang.
“Naiintindihan ko, Master Anton,” sabi niya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya pabalik.
“Mahal na mahal kita Yaya Aliyah. Ayoko lamang mapahamak ka ng dahil sa akin.”
“I know at ramdam ko iyon. Itinuring na kitang tunay kong anak, Anton. Alam kong ibang iba ka sa mga Ferrer at alam ko ding may binabalak ka.”
Nagulat si Anton sa sinabi ng kanyang Yaya Aliyah.
“Po? But how?” tanong niya at ngumiti sa kanya ang babae.
“Sa tagal kong nanilbihan bilang tagapag-alaga mo, lahat ng karakas mo ay kabisado ko na. Kung ano man ang pinaplano mo, susuportahan kita. Alam kong para sa ikakabuti ng lahat ang pinaplano mo. Nandito lang ako para suportahan ka sa mga desisyon mo.”
“Maraming salamat, Yaya Aliyah,” sabi ni Anton at niyakap niya ulit ng mahigpit ang kanyang yaya sa huling pagkakataon bago ihatid niya sa pier para umuwi sa probinsya nito.