Chapter Sixteen: Who is it?
“Honey, turn on the T.V.!” sigaw ng asawa ni Mayor Larry na si Congresswoman Ruby. Nagtataka siya sa inasal ng kanyang asawa kaya ibinaba niya ang hawak niyang mug ng paborito niyang kape at kinuha ang remote control. Binuksan niya ang telebisyon at isang balita ang bumungad sa kanya.
“Kasunod ng pagkamatay ni Sgt. Joacquin ay natagpuang patay si Lt. Topacio sa mismong shopping district. Ayon sa mga saksi, tila may humahabol kay Lt. Topacio ay nagulat na lang ang lahat nang bumagsak ang knight. Nagdulot ang pangyayaring ito ng panic sa mga taong nasa shopping district. Ayon sa crimde department, isang sniper ang salarin. May nakitang bala ng AW50 sniper riffle sa ulo mismo ng biktima.”
“Kapapasok lamang ng balita, sumabog at nilalamon ngayon ng apoy ang bahay ni Chief Jacinto. Kasalukuyan ngayong inaapula ang apoy.”
Pinaningkitan niya ang footage ng nasusunog na bahay ni Chief Jacinto. Nabasa niya kanina lang ang pagkamatay ni Joacquin, ngayon naman ay ang pagkamatay nila Topacio at Jacinto. Lahat ng mga namatay ngayon ay may kinalaman sa kaso ng mga Lazaro. Paniguradong hindi kaanak ito ng mga biktima dahil wala naman silang kakayahang mag-hire ng hitman. May tao sa likod ng mga ito.
“Honey, someone killed the members of our org. I’m sure hindi sila pinapatay ni Boss. Someone is doing this,” sabi ng kanyang asawa.
“Someone is being vigilant, eh?” sabi niya at muling sumimsim ng kanyang kape. Lumabas siya ng kanyang balkonahe at pinagmasdan ang kanyang hacienda. Inilibot niya ang kanyang paningin at pianuod ang mga magsasakang nasa ilalim ng kanyang pamumuno.
“I’m pretty sure that boss will find the culprit. Hindi niya hahayaang ganoon na lang ang mangyayari sa mga kasapi natin. The question is, who is it?” Umupo sa reclining chair ang kanyang asawa at isinuot ang shades nito.
“Where’s Anton? Hindi ba siya uuwi dito?” tanong niya.
“You know how stubborn he is. Let’s give him a space. Gagapang din iyan pauwi dito kapag may problema siya.”
ANTON’S APARTMENT
“Hey!” Napalingon si Catherine at nakita si Anton na may dalang dalawang mug. Ngumiti siya at tinanggap ang mug na iniabot sa kanya ng binata. Kaagad na bumulusok ang aroma ng cappuccino sa kanyang ilong. Mabango ito at hindi pa man niya natitikman ay mukhang pinakakalma na ang kanyang mga ugat.
“Thanks!” sabi niya at naupo sa harap ng kanyang computer.
“I should be the one who should thank you. Without you, magiging mahirap ang first ever mission natin if wala ka. You take care all the cctvs and the surveillance,” sabi nito sa kanya. Hindi mapigilan ni Catherine na kiligin dahil sa papering ibinibigay sa kanya ni Anton. Hindi niya akalaing ang crush niya ay ganito na kalapit sa kanya ngayon.
“Wala iyon. I’m glad that I can help,” sabi niya at tinikman nag kapeng ginawa ni Anton. Nanuot ang init nito sa kanyang lalamunan at pinakalma ang kanyang mga ugat. Pinagmasdan niya ang kanyang laptop at bigla na lamang siyang may naisip.
“Anton, what if gumawa ko ng isang website where people can tell their problems? I mean if they are bullied by someone else,” sabi niya at tinangnan ang binata. Seryoso itong nakatingin sa kanya pagkatapos ay tumango.
“Puwede. But what if the government will be traced it? Malalaman nila na may isang grupo ang nasa likod nito,” sagot sa kanya ng binata. Agad naman siyang umiling.
“I can make it government proof! I mean, na hindi mate-trace ang site natin. Only people who are in need ang maaaring maka-access sa site,” paliwanag niya. Ngumiti sa kanya si Anton at hinawakan ang kanyang balikat.
“I trust your abilities, Catherine. Mas mapapadali ang pagtulong natin if may way sila to contact us,” sabi ni Anton at ngumiti naman siya.
“What’s up?!” napalingon silang dalawa ng dumating sila Henry at Thomas. May dalang dalwang box ng pizza si Thomas at softdrinks naman si Henry.
“Naibigay niyo na?” tanong ni Anton at tumango naman si Thomas.
“Yup! Don’t worry walang nakakita sa amin,” sabi ni Thomas. Inutusan kasi sila ni Anton na magbigay ng tulong pinansyal sa mga naulila ng mag-inang Lazaro.
Umupo si Henry sa couch at binuksan ang t.v. Bumungad sa kanila ang balita tungkol sa pagkamatay ni Sgt. Joacquin, Lt. Topacio at Chief Jacinto. Balita, ispekulasyon kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa tatlong tauhan ng Hukbong Knights.
“Mahilo kayo kung sino ang salarin. Bahala kayong mabobo diyan!” sabi ni Henry at kinagat na ang isang slice ng pizza. Ngumiti lang si Anton at tumabi sa kanya.
“Ano tawag sa atin?” Napatingin ang lahat kay Thomas na binubuksan ang isang lata ng softdrinks.
“Tao malamang,” pilosopong sagot ni Henry.
“No! I mean, sa group natin?”
Napaisip si Anton sa sinabi ni Thomas. Oo nga naman, dapat may pangalan ang grupo nila.
Tumayo si Anton at pumasok sa kanyang kuwarto. Binuksan niya ang kanyang cabinet at kinuha sa isang kahon ang kanyang maskara. Pinagmasdan niya ito at ngumiti. Lumabas siya ng kuwarto at hinarap ang kanyang mga kasama.
“We are Black Masks,” sabi niya.
“Black Masks?” tanong ni Catherine at tumango naman siya.
“Yup! Our group will be known as Black Masks! The who brings justice!”
“Cool! Gusto ko ‘yan!” sabi ni Thomas.
“Wait, where is Kenneth?” tanong ni Henry.
“He’s probably on his own unit. He’s not fan of crowding,” sagot ni Catherine.
“So, any violent reaction sa name ng group natin?” tanong ni Anton at umiling kaagad si Thomas at Catherine.
“Same. Majority wins!” sabi naman ni Henry.
Yes, the Black Masks will bring justice to everyone.
TOWN OF SICINONE
“What are we going to do boss?” tanong ng isa sa mga tauhan niya. hinithit niya ang sigarilyong nakaipit sa kanyang mga daliri at ibinuga ang usok nito. Sumayaw sa hangin ang usok at muli niyang tinitigan ang mga larawan ni Joacquin, Topacio at Jacinto.
Ngayong wala na ang mga galamay niya sa Hukbong Knights ay maaaring manganib ang kanyang grupo.
“Tawagan si Larry, sabihin na isuggest ito sa hari. Hindi puwedeng ibang tao ang uupo sa mga puwestong iyan. Kailangan kamiyembro natin ang bagong hepe ng Hukbong Knights,” utos niya.
“Sino po ang magiging bagong hepe ng Hukbong Knights?” tanong sa kanya ng binata.
“Ikaw,” sagot sa niya. Kita niya ang paglaki ng mga mat anito sa kanya, itinuro pa nito ang sarili nito.
“A-ako po? Pero wala po akong alam sa trabaho ng isang hepe ng Hukbong Knights,” sabi sa kanya at nagpangalumbaba lamang siya.
“Wala kang ibang gagawin doon kung hindi ang maging puppet ko doon. Lahat ng desisyon ay sa akin magmumula,” sabi niya at tumango naman ang binata sa kanya.
“Sige po. Sasabihin ko po ito kay Mayor Larry.” Yumuko ang binata at lumabas ng kanyang opisina.
Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti habang pinagmamasdan ang larawan ng mga pinaslang na miyembro ng grupo niya.
Someone spices up my fun.
Nagsalin siya ng vodka sa baso at inisang lagok ito.