Chapter Eight: I will follow you 'till the end of the world

2515 Words
Chapter Eight: I will follow you 'till the end of the world             “Anton, get your ass here now!” Nailayo niya ang kanyang telepono dahil sa pagsigaw ng kanyang ama sa kabilang linya. Kagigising lang niya ng tumunog ang kanyang phone at nang mabasa ang pangalan ng ama ay hindi niya ito pinansin. Ngunit nang hindi tumigil ang pagtawag ng kanyang ama ay wala na din siyang nagawa kung hindi ang sagutin ito. “What do you want, Dad?” tanong niya at umupo sa kanyang sofa. “I want you to meet someone kaya kailangan mong umuwi dito.” “Dad, kung ano man ang iniisip mo itigil mo na. I don’t want to be your successor. Wala akong planong sumawsaw sa pulitika.” “Ikaw ang nag-iisang anak ko!” “Wala akong pakialam, Dad! Hindi ko na problema kung wala kang magiging successor,” buong tapang niyang sagot sa kanyang ama. Wala na siyang pakialam pa sa kung ano ang sasabihin ni Mayor Larry sa kanya. Ang gusto lamang niya ay makaalis siya sa talim ng kuko ng kanyang magulang. “You will get your ass here or I will f*cking kill Aliyah! Kilala moa ko, I can do whatever I want.” Napatigil siya sa kanyang narinig. Tila nanlamig ang kanyang katawan sa sinabi ng ama niya. tama ang sinabi ni Mayor Larry sa kanya, kayang kaya nitong patayin ang babaeng nag-alaga sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Humugot siya ng malalim na hininga bago sumagot. “Fine. Just don’t f*cking hurt Aliyah or else there will be a hell to pay!” sigaw niya saka niya pinatay ang tawag. Sa inis na nararamdaman niy ay ibinato niya ang kanyang telepono at tumama ito sa pader. Sa lakas ng pagkakabato niya ay nagkalasug-lasog ito. Nagkalat sa sahig ang mga parte na ito. Isinaldal niya ang kanyang ulo sa sandalan ng kanyang couch. Naiinis siya sa kanyang sarili. My father really knows how to play games. Sambit niya sa kanyang isip. Wala naman na siyang magagawa kaya tumayo na siya at nag-asikaso para pumasok sa eskwelahan. Nang matapos siyang makapagbihis ay lumabas na siya at nagtungo sa parking lot. Tinanggal niya ang cover ng kanyang big bike at sinakyan na ito. Papaharurot na niya sana nang may biglang pumasok sa entrance ng parking lot. Mabuti na lamang at mabagal ang kanyang pag-andar. “Yo!” sabi nito. “The heck, Thomas? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot? Pinaglihi ka ba sa kabute?” sunod-sunod na tanong niya kay Thomas. Ngumiti na lang si Thomas sa kanya at napakamot ng ulo. “Hindi naman. Papasok ka na?” tanong nito sa kanya. Napataas naman ang kilay niya. “Obvious ba? Bakit mo ba naitanong? Saka ano palang kailangan mo?” tanong niya. nagulat siya ng lumapit sa kanya si Thomas at biglang umangkas sa likuran niya. “Oy!” “Tara na, baka malate pa tayo,” sabi nito sa kanya. Napangiti na lang siya at naiiling na kinuha ang extra helmet niya sa compartment at ibinigay ito kay Thomas. “Arya!” sigaw pa nito. Nakangiti siyang pinaandar ang motor. Binabagtas na nila ang highway papuntang Universidad de Froilan nang may bumubusina sa kanilang likod. Tiningnan niya kung sino ito mula sa kanyang side mirror at ngumiti ng makilala kung sino ito. Kita niya ang pagsunod sa kanila ng isang kulay pulang big bike. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito at seryosong nakatingin sa kanila. Si Thomas naman ay nilingon ito at ngumiti. “Henry!!” sigaw nito at kumaway-kaway pa. Inirapan lang siya ni Henry at pinaharurot na ang motor nito. Sabay silang huminto pagdating sa crossing. Naka-red light na kasi kaya kailangan nitong huminto para bigyan ng pagkakataon ang mga pedestrians na makatawid. Nagulat ang lahat ng biglang may humaharurot na Lamborghini at nasagasaan ang isang lalaki. Base sa suot at dal anito ay isa itong vendor. Nagkalat sa daan ang mga paninda nitong prutas. Imbes na huminto ang kotse ay nagdere-deretso ito na para bang walang nasagasaan. “Put---” hindi na natapos ni Henry ang pagmumura dahil kaagad na nagkagulo ang lahat. “Hala, nasagasaan!” “Tulungan niyo si kuya!” “Tumawag kayo ng ambulansya!” “Henry!” sigaw ni Anton at lumingon naman ang binata sa kanya. “Tulungan mo ang lalaki! Hahabulin naming iyon!” sigaw pa niya saka siya humarurot ng mabilis para habulin ang salarin. Wala ng nagawa pa si Henry kung hindi ang bumaba sa kanyang motor at nilapitan ang nakahandusay na lalaki. “Tabi! Magsilayas kayo dito kung hindi kayo tutulong!” taboy niya sa mga nakikiusyoso. Lumuhod siya at inilagay ang dalawa niyang daliri sa leeg ng lalaki. Bahagyang kumalma siya ng maramdaman ang pulso nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag ng ambulansya. “Hello, this is 611. How may I help you?” “May nasagasaan dito sa Azcarraga st. sa may crossing. He’s unconscious. Magpadala ka ng ambulance dito asap!” “May I know your name sir?” “The heck?! I am f*cking Escudero!” “Y-yes sir!” Napabuga siya ng hangin. Pati ba naman emergency hotline, prioritized ang mga mayayaman. Tama nga si Anton, napakabulok ng sistema. Dapat ng baguhin. Hindi nagtagal ay may dumating na din na ambulance at isinakay na ang lalaki. Muli siyang sumakay sa big bike at sinundan ang ambulansya.             Hindi mapigilan ni Anton ang galit para sa taong nagmamaneho ng magarang sasakyan. Ramdam din niya ang mahigpit na kapit ni Thomas sa kanyang baywang. Sinusundan nila ang dilaw na Lamborghini at mas lalo siyang naasar ng pumasok ito sa parking lot ng isang mall. “Hayop na iyan, parang walang nangyari ah,” gigil na sabi niya. Nakapagpark na ang kotse kaya humarang sila sa tapat nito at agad siyang bumaba. Bumaba na din ang sakay ng kotse at lumabas ang isang lalaki. Naka-mohawk ito at kulay pula ang buhok. “Anong problema mo, pare?” tanong nito. “Problema? May sinasagaan ka!” sigaw niya at umismid lang sa kanya ang lalaki. “Eh ano naman? As if malaking kawalan kapag namatay ang taong iyon. I’m sure isa lang siyang hamak na mahirap.” Dahil sa kanyang narinig ay mas lalong umapoy ang galit niya sa kanyang puso. Sa gigil niya ay kaagad niya itong sinuntok dahilan para mapaatras ang lalaki at mapasandal sa hood ng sasakyang ito. “What the f*ck?!” sigaw nito at bumawi ito ng suntok. Sa kasamaang palad ay nagmintis ang suntok nito. Hinatak ni Anton ang damit nito kaya napaatras papunta sa kanya saka niya sinuntok sa mukha. Deretsong deretso ang suntok niya sa mukha nito dahilan para dumugo ang ilong nito. Bahagyang nahilo ang lalaki at napahawak sa ilong nito. Malutong na mura ang lumabas sa bibig nito nang makita ang dugo mula dito. “Tang*na!” sigaw nito sa kanya at nagulat si Anton ng biglang maglabas ito ng kutsilyo. Pilit na sasaksakin siya ng lalaki na naiilagan naman niya. Sa kanyang pag-ilag ay na-out of balance siya at napasandal sa isa mga sasakyang nakaparada doon. “I will kill you!”  sigaw ng lalaki at itinaas na ang patalim na hawak. Napapikit na lang siya at hinintay ang kanyang katapusan ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala siyang naramdamang kahit anong sakit. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay ganoon na lang ang pagkabigla niya sa kanyang nakita. Nakataas sa ere ang mga kamay ng lalaki na hawak pa ang patalim at sa leeg nito ay may isang makintab na bagay ang takatutok dito. Isang patalim. Patalim na si Thomas Oliveros ang may hawak.             Hindi mapigilang mainis ni Thomas dahil sa walang awang pananagasa ng driver ng Lamborghini. Ni hindi man lang ito huminto para tingnan ang nasagasaan. Mabuti na lamang at naisipan ni Anton na habulin ang taong iyon. Nang mahabol nila ay mas lalo siyang nainis dahil sa isang mall nagtungo ang salarin. Nang kinompronta ni Anton ang lalaki ay ganoon na lamang ang gulat niya ng marinig ang mga sagot nito. Ganoon na lang ba? Ganoon na lang ba kadaling balewalain ang buhay ng isang tao? May pamilyang maiiwan ang taong iyon kung mamamatay ito. May mga anak na mangungulila. Bakit ganyan mag-isip ang taong ito? Isang maliit lang ba na bagay ang buhay ng taong iyon sa kadahilanang mahirap lamang ito? Dahil ba vendor siya? Nagsisimula na namang umusbong ang mga katanungang hindi niya alam kung may sagot ba. Nabalik siya sa kanyang wisyo ng magsimulang magbuno sila Anton at ang lalaki. Habang pinanunuod niya ang mga ito ay masasabi niyang may alam sa pakikipaglaban si Anton. Napaka-precise ng tira nito unlike sa kalaban nito na bato lang ng bato ng suntok. Ni hindi marunong patamaan ang kalaban. Masyadong makalat ang mga kilos nito. Kinabahan siya ng makitang bumunot ito ng patalim at akmang sasaksakin si anton. Wala ng oras para makaiwas pa si Anton kaya kaagad siyang kumilos. Agad niyang kinuha ang kutsilyo mula sa back pocket niya at tinanggal ang bahay nito. Bago pa man maitarak ng lalaki kay Anton ang kutsilyo ay inunahan na niya ito. Ni hindi naramdaman ng lalaki ang kanyang paglapit at agad niyang itinutok sa leeg nito ang patalim. Nanlalaki ang mata ng lalaki ng maramdaman ang patalim sa kanyang leeg. Naramdaman din niya ang pag-agos ng kaunting dugo mula dito. “Kapag itinuloy mo iyan, hindi ako magdadalawang isip na gripuhan ang leeg mo,” banta niya dito. Malalim na hininga ang pinakakawalan ng lalaki. Wala itong nagawa at bitawan ang kutsilyo. Dito niya kinuha ang pagkakataon at ipinulupot ang kaliwang braso sa leeg nito. Bahagyang nasakal ang lalaki dahil sa ginawa niya. “A-ano bang k-kailangan niyo?” utal-utal na tanong ng lalaki. “Turn yourself into the knights. Kailangan mong panagutan ang sinagasaan mo,” matagas na sabi niya. “W-what? P-pero---” naitikom ng lalaki ang bibig niya ng diniin niya ang kutsilyo sa leeg nito. Muling may lumabas na kaunting dugo mula dito. “Susuko ka o ora mismo babawian kita ng buhay?” “S-susuko po,” sagot nito. Itinulak niya ang lalaki at napasubsob ito sa semento. “Babantayan ka naming. Siguraduhin mong sa mga knights ka magtutungo!” Agad na tumango-tango ang lalaki at nagmamadaling sumakay ng sasakyan. Pagkatapos ay pinaharurot nas ito palabas ng parking lot. Lumingon siya kay Anton at bakas sa mukha nito ang pagkamangha sa nakita. Dito na siya tinubuan ng hiya. Yumuko siya at napahawak na lang sa batok niya. tumalikod siya upang kunin ang lagayan ng kanyang kutsilyo at ibinalik ang kanyang patalim sa kanyang back pocket. “Salamat,” sabi ni Anton. “Wala iyon. Niligtas mo rin naman ang buhay ko eh,” sagot niya. “Hindi ko alam na expert ka pala sa mga knives.” “Ah hindi naman,” sabi niya at ngumiti ng alanganin. “Mas sanay ako sa katana,” dugtong pa niya. nakita niya ang pagiging curious ng mga mat ani Anton. “Talaga?” tanong nito at tumango naman siya. “Alam mo, may nakita ako sa iyo.” Nagtaka naman siya sa sinabi ni Anton. “Nakita? Ano naman iyon?” tanong niya. “You care for the welfare of the victim. Hindi mo hinayaan ang mokong na iyon.” “Of course. Tao din sila, kahit na ganoon ang estado ng buhay nila, Karapatan nilang mabuhay. Hindi ko nga alam kung bakit may mga taong katulad ng mokong na iyon. Bawat isa sa atin, hindi dapat nalalagay sa alanganin. Bawat isa sa atin, walang karapatang manapak ng ibang tao.” Ngumiti sa kanya si Anton at inakbayan siya. “I really like you,” sabi nito at nanlalaki ang mga mata niya dahil sa narinig. Kaagad siyang kumalas sa pagkakaakbay nito. “O-oy! Walang ganyanan. Hindi tayo talo!” sabi niya at humagalpak ng tawa si Anton. Halos kapusin ito ng hininga dahil sa pagtawa. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin.” “Eh ano?” Nagtaka siya ng biglang sumeryoso ang mukha ni Anton. Lumapit sa kanya ang binata at tiningnan siya sa mga mata ng seryoso. “I am planning to form a group. Isang grupo na mangangalaga sa mga taong pinagkakaitan ng hustisya, sa mga taong nangangailangan ng tulong. Sa mga taong naagrabyado. Magtatayo ako ng grupo na bubuwagin ang bulok na sistema ng Azalea. Hindi lang mayayaman ang naninirahan sa bansang ito. Gusto kong maging sandalan ng mga tao sa oras ng pangangailangan. Thomas Oliveros, sasamahan mo ba akong ipagtanggol ang mga naapi?” Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig. Sa kabila ng matamis na ngiti ng lalaking nasa harapan niya, may pinaplano pala ito. Kung tutuusin ay napakaimposible ng binabalak niya. Isang grupo na tutulong sa mga nangangailangan? Sa maikling panahon na nakilala niya ang binata ay talaga namang msasabi niyang mabuting tao ito. Ngumiti siya at siya naman ang umakbay sa binata. “I know you’re a good man. Hindi moa ko gigisingin sa pagiging miserable ko kung hindi ka mabuti. Pababayaan mo lang akong kunin ang sarili kong buhay.” “So…” “Yes, I will follow you 'till the end of the world.” Ngumiti sa kanya si Anton at tumango. Humiwalay na siya at pinulot ang helmet nila na nasa lapag at isinuot na ito.  Papaandarin na sana ni Anton ang motor ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa bulsa ng pantalon niya at binasa kung sino ito. Nakita niyang pangalan ni Henry ang naka-flash sa screen. “Hello? Ano kumusta ang victim?” tanong niya. “Okay naman na. several bruises and a small concussion sa head. Ano nahabol niyo ang kumag?” tanong ni Henry na nasa kabilang linya. “Oo. Pinasusuko ni Thomas sa mga knights ang mokong, I-checheck muna naming kung sumuko nga bago kami pupunta diyan,” sabi niya at pinatay na ang tawag. Pinaandar na niya ang motor at lumabas sa parking lot ng mall. Pinuntahan nila ang pinakamalapit na estasyon ng mga knights. Nasa malayo palang sila ay kita na nila ang dilaw na Lamborghini na nasa tapat ng kinights’ station. Sinilip nila at dito ay nakita nilang nasa likod na ng rehas ang lalaki. “Serves him right,” sabi niya at sumang-ayon naman si Thomas dito.             “Isang vendor, nasagasaan kaninang alas ocho ng umaga habang tumatawid ng pedestrian lane. Kinilala ang biktima na si Kristopher Cate, 34 years old at isang fruit vendor. Ayon sa biktima, tumatawid siya ng pedestrian dahil naka-red light naman nang biglang sumulpot ang isang dilaw na Lamborghini at sinagasaan siya. Imbes na huminto ay tuloy-tuloy lang ang suspect. Makikita sa cctv na may humabol na magkaangkas sa driver. Bandang alas nueve ng umaga ng sumuko din sa mga knights ang supect na kinilalang si Gian Policarpio, anak ni dating Congressman Policarpio ng bayan ng Tempesta. Nahaharap ngayon si Gian Policarpio sa kasong Azalea Act 1122 o reckless driving resulting to physical injury.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD