Chapter Seven: Thomas Oliveros Part Two

2861 Words
Chapter Seven: Thomas Oliveros Part Two             “So, are you ready Mr. Thomas Oliveros?” tanong ni Chef Canoy sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumango. “Yes, chef,” sagot niya at tumango naman sa kanya si Chef Canoy. “Good. You may start now. Please, tell us how to cook your family’s recipe.” Inisa-isa niyang nilabas ang mga kakailanganin niya sa kanyang pagluluto. “Okay, umm this are the ingredients. We need onions, garlic, pork, peanut butter,” sabi niya habang itinuturo ang mga sangkap sa kanyang lulutuin. “Please show us how you prepare your dish.” Tumango siya at sinimulan ang pagluluto. Dama niya ang panunuod ng kanyang mga kaklase. Bawat galaw niya ay talaga namang pinagmamasdan ng lahat. Sinimulan na niyang igisa ang mga dapat igisa. Sa kanyang kaba ay hindi niya mapigilang manginig ang kanyang mga kamay. Well ventilated ang lugar pero hindi siya makahinga at pinagpapawisan siya ng malapot. “Dahil medyo matagal ang proseso ay pinakulo ko na sa bahay itong pork. Kaya igigisa ko na lang siya and I will put the pork broth,” paliwanag niya at kita niya ang pagtango ni Chef Canoy. Tumagal ng halos forty-five minutes ang kanyang cooking performance. Nang ilalagay na niya sa plate ay hindi niya sinasadyang matapon ito dahil sa kaba. Napapailing na lang siyang kumuha ng paper towel para punasan ang mess na nagawa niya. Seryosong nakatingin sa kanya si Chef Canoy at inilagay na niya sa harapan nito ang kanyang niluto. Halos pigil-hininga siya ng kunin n ani chef ang kutsara at tinikman ito. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakamahabang minuto ng buhay niya. Tahimik ang lahat ng ibinaba nani Chef Canoy ang kutsara. “This dish of your’s…” Napalunok siya, halos lumabas na sa dibdib niya ang kanyang puso dahil sa sobrang kaba. “It’s disgusting.” “C-chef---” “Is this your family’s recipe? Anong klaseng Kare-kare ito? A Kare-kare should be saucy, not masabaw! Lumulutang sa oil and atsuete ito! The veggies are overcooked! May namumuo pang peanut butter! This is far from what I am expecting! You are disgrace to your family!” “You are disgrace to your family!” “You are disgrace to your family!” “You are disgrace to your family!” Paulit-ulit na nagpe-play sa kanyang isipan ang mga huling sinabi ni Chef Canoy sa kanya. Pakiramdam niya ay parang may nag-switch off sa kanyang kalooban at tila binagbagsakan siya ng langit. Napapailing pa si Chef Canoy sa kanya bago lumabas ng kitchen area. Ilang sandali pa ay nagsunuran na ang mga kaklase niya hanggang siya na lang ang natira doon. Ganoon ba ako kapalpak? Ganoon ba kasama ang lasa? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang kulang? Mama, am I disgrace to our family? Ang dami niyang katanungan ngunit wala siyang makuhang sagot. Aminado naman siyang hindi masarap ang kanyang luto pero bakit kailangang sabihin sa kanyang nakakahiya siya sa kanyang pamilya? “You are disgrace to your family!” Bagsak ang mga balikat niyang iniligpit ang mga kalat niya. Iniayos niya ang mga gamit, ang kanyang nilutong Kare-kare ay walang atubiling itinapon niya. Pagkatapos ay walang gana siyang lumabas ng area at naglakad na. Papunta na sana siya ng kanyang next class nang mapatigil siya. Siguradong pagtatatawanan lang nila ako. Usal niya sa kanyang isipan. Kaya imbes na sa classroom ang tungo niya ay minabuti na lang niya na magtungo sa rooftop ng kanilang building. Paglabas niya sa building ay sinalubong siya ng sariwang hangin. Lumapit siya sa railings at tinanaw ang paligid. Kita niya ang ibang estudyante na nasa quadrangle ng university. Nakita din niya si Chef Canoy na naglalakad papunta sa building ng tourism department. Humugot niya ng isang malalim na hininga. Mula dito sa rooftop ay tanaw niya ang border ng Mista at ng bayan ng Quirone. Kahit malayo ay tanaw niya mula dito ang maliit nilang restaurant na ngayon nga ay sarado na. “You are disgrace to your family!” Siguro nga, isa akong kahihiyan ng pamilya naming. Ni hindi ko magawa ng maayos ang recipe mo, Mama. Malamang sa ngayon ay ikinahihiya mo ako. Wala na akong mukhang maihaharap kay Papa. Tumingin siya sa baba. Kita niya kung gaano katas ang kinaroroonan niya. Siguro, mamatay ako kaagad kapag tumalon ako. Walang anu-ano’y inakyat niya ang railings at pumunta sa kabilang bahagi nito. Desidido na siya, wala na siyang mukhang maihaharap sa kanyang angkan kaya tatapusin na niya ang kanyang buhay. Goodbye, cruel world! At nagsimulang lumuha ang kanyang mga mata. Bibitaw n asana siya ng may biglang sumigaw kaya napahawak siya ng mahigpit sa railings. “Maghunos dili ka brad!” sigaw ng isang lalaki kaya nilingon niya ito. Nakita niya ang dalawang lalaki. Ang isang lalaki ay magkasalubong ang mga kilay. Ang isa naman ay kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. “H-hayaan niyo na lang ako,” sabi niya at pinabayaan na sila. Bibitaw n asana ulit siya ng sumigaw ang isa pang lalaki. “Anong hayaan?! Konsensya pa naming kung mamatay ka!” sigaw ng lalaking magkasalubong ang kilay. Dama niya ang iritasyon sa boses nito. Marami pang sinasabi ang dalawang lalaki. Napapikit na lang siya at inihahanda ang sarili para sa kanyang katapusan nang muling magsalita ang isang lalaki. “Ano bang nangyari? Puwede mo akong kausapin. Hindi ito ang tamang solusyon sa iyong problema. Lahat ay kayang daanin sa magandang usapan. Dito lang ako, makikinig sa iyo,” sabi nito sa kanya. Ramdam niya ang sensiridad sa boses nito. Muli siyang bumuntong hininga. “I think, I’m useless,” sagot niya sa  lalaki. “Why?” “Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko. Hindi ko kasi maperfect ang recipe na namana ko sa nanay ko,” sagot niya ulit at narinig niyang nagmura ang kasamang lalaki nito. “The f*ck?” “Recipe?” “My mom made a recipe when she was still alive. Ilang beses kong ginawa ang recipe pero it always ended up disaster,” sagot niya. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki. “Come over here, bumalik ka dito. Dito natin pag-usapan iyang problema mo,” sabi nito sa kanya. “Henry, tulungan mo ako,” sabi nito sa kasamang lalaki. “O, anong gagawin ko?” “Hold his arms there. Hahatakin natin siya,” sagot nito at lumapit sa sila sa kanya. Ramdam niya ang paghawak ng mga ito sa kanyang magkabilang braso at sabay siyang hinatak ng mga ito. Dahil sa puwersa ng paghatak ay sabay-sabay silang natumba. “F*cking sh*t!” “So, anong problema mo?” tanong nito sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo sa simento at napasandal na lang sa railings. Dito ay nagsimula na siyang magkwento sa dalawang lalaki. Habang kinukwento niya ang mga nangyari ay magaan ang kalooban niya sa dalawang ito. Kahit pa palaging nakasimagot ang isa ay taimtim itong nakikinig sa kanya. Kinuwento niya ang mga bagay mula sa pagkamatay ng kanyang ina, sa pamanang recipe, sa kapalpakan niya, sa pinaluto siya ni Chef Canoy at hanggang sa mga nangyari sa kanina. “He told you that?!” sigaw ng lalaking nakasimangot. Tumango naman siya bilang tugon. “Hindi ka dapat pumapayag na sabihan ka noon. Wala siyang karapatang sabihing disgrace ka dahil nagsisimula ka palang. I’m sure ay noong nagsisimula siya ay ganyan rin siya noon,” sabi nito sa kanya. “Tama si Henry,” sabi ng isa pang lalaki. “Kahit sino ay nagsisimula saw ala. Not unless ay galling siya sa mayamang pamilya pero sa tingin ko kahit na mayaman ang pamilya niya nagsimula pa rin siya sa wala. Cooking is a skill. Hindi ito bagay na puwedeng bilhin ng kung sino man. It takes practice, dedication and patience to perfect that skills. Walang chef na masarap agad ang luto.” “Per kasi---” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng muli itong nagsalita. “Cook that dish for us.” Napamaang siya sa narinig. “W-what?” “Cook that for us. We will critic you, especially Henry. Metikuloso ang dila niya.” “O-oy! Bakit isinusugo mo ako?” reklamo nito. “I told you, hindi ako masarap magluto,” sabi niya. “Then pasarapin mo. Like what I have said, cooking is a skill that needs practice, dedication and patience. Lutuin mo hangga’t hindi ka nasasatsify sa lasa, ulitin mo. Kahit ilang milyong beses mo pa gawin iyan hanggang sa makuha mo ang dapat na lasa.” “Well, tama ka Anton. Sabi nga ‘di ba, practice makes perfect. No guts, no glory!” “Come, sumama ka sa amin. Cook for us. Tutulungan ka namin.” “Oy Anton, wala akong alam sa pagluluto. Anong itutulong ko? Paglagay ng nicotine sa iluluto niya?” “You have sensitive taste. Critic him at sabihin mo kung ano ang dapat iimprove.” Napatango naman ang lalaki sa sinabi nito. “Umm… ano… ano palang mga pangalan niyo?” tanong niya. Parang naikwento ko na ang buhay ko sa kanila tapos hindi ko naman sila kilala. Nakita niyang napakamot ang lalaki sa batok. “I’m sorry. Hindi kami nakapagpakilala. I’m Anton and this is Henry,” pakilala nito sa kanya. “I’m Thomas Oliveros. N-nice to meet you.” “Oy, tigil mo ‘yang pagiging utal mo ah. Anyway, nice to meet you too!” sabi ni Henry. Alanganing ngumiti na lang siya si Anton. “Pagpasensyahan mo na iyang si Henry. Rude but gentle naman iyan. Anyway, tara? Let’s go to my apartment. Doon tayo magluto.” Tumayo na ito at pinagpagan ang damit. Tatayo n asana siya ng biglang may palad na nakalahad sa kanya at ng tingnan niya ito ay palad pala ni Anton iyon. Nakangiti ito sa kanya at sa kanyang paningin ay parang isang liwanag ang binata. Para bang panibagong umaga ang hatid sa kanya ng mga ngiting iyon. Ngumiti siya ng tipid at tinanggap ang alok nitong palad. Tinulungan siyang tumayo nito. Tumalikod ito sandali para kunin ang bag, hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. “Tara na?” tanong nito at tumango naman siya bilang sagot.               “So, before tayong dumeretso sa apartment ay pumunta muna tayo ng supermarket,” sabi ni Anton habang naglalakad sila palabas ng university. Todo reklamo pa kanina si Henry dahil bakit hindi na lang sila sumakay ng kotse. Nagpaliwanag si Anton na wala siyang kotseat motor bike lang ang mayroon siya. Si Henry naman ay motor din ang gamit at si Thomas naman ay walang kahit anong sasakyan. Dahil dito ay nagdesisyon si Anton na maglakad na lamang sila. Tahimik lang silang naglalakad papuntang supermarket. Nakapamulsa si Henry na naglalakad habang may nakasinding sigarilyo sa bibig nito. Si Anton naman ay nakangiti lamang. Nang makarating sila sa supermarket ay tahimik lang siyang namimili habang sinusundan lang siya ng dalawa. Nang matapos siya ay pumila na sila sa cashier at nataon na sa matandang cashier na naman siya napalinya. “O hijo, kumusta ang niluto mo?” tanong nito habang pinapunched ang mga binili niya. ngumiti siya ng alanganin at umiling. “Epic failed pa rin po,” sagot niya at ngumiti naman ang matanda sa kanya. “Ganoon talaga. Pero huwag kang panghinaan ng loob. Isang araw ay magagawa mon a rin iyon.” “Oo naman po!” napatingin silang pareho kay Anton na biglang umakbay sa kanya. “Huwag po kayong mag-alala, hindi matatapos ang araw na ito na hindi niya mapeperfect ang dish niya.” Napamaang siya sa sinabi ni Anton. “What? Anong kalokohan iyan?” tanong niya. “Kulang ka lang sa tiwala sa sarili. Sinasabi ko sayo, magagawa mo iyan ngayong araw din.”             Pagdating nila sa apartment ni Anton ay tahimik silang pumasok. Una niyang napansin ang kalinisan nito. Malinis at organisado ang mga gamit sa loob ng apartment ni Anton. Inilagay niya sa lamesa ang mga binili niya at nakita niyang naupo na sa sofa sila Henry at Anton. “Umm… puwedeng---” “Go on, you can use everything on the kitchen. Feel at home,” sabi ni Anton kaya napatango na lang siya. Sinimulan niyang magluto ulit. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa ito at ilang beses na rin bang pumapalpak siya sa pagluluto nito. Hindi niya maiwasang manginig ang mga kamay dahil ramdam niya ang mala-agilang titig ni Anton sa bawat kilos niya. Mula sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang tumayo si Anton at lumapit sa kanya. Napatigil siya ng hawakan ni Anton ang kanyang balikat kaya dito na siya napatingin ng tuluyan sa lalaki. “Relax, huwag kang mataranta. Isipin mo, para kanino ka ba nagluluto? Sa amin ba? Sa ibang tao? O para ba sa pamilya mo? Ano ang purpose mo para magluto? Isapuso mo ang bawat bagay na ginagawa mo. Huwag kang pangunahan ng kaba, magtiwala ka sa iyong sarili.”             Para bang may malaking bato ang nawala sa kanyang balikat. Para bang nalinawan siya sa mga bagay-bagay. Pakiramdam niya ay may nakita siyang bagong pag-asa. Ngumiti siya bago tumango. Tinapik-tapik pa ni Anton ang kanyang balikat bago bumalik sa sofa. Huminga siya ng malalim bago niya ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.             Habang ginagawa niya ito ay sinasariwa ng kanyang ala-ala ang mga panhong pinanunuod niya ang kanyang ina sa pagluluto. Nananariwa sa kanyang isipan ang ngiting taglay ng kanyang ina habang nagluluto ng Kare-kare. Inalala niya ng matindi kung papaano niluluto ng kanyang ina ang putaheng ipinagmamalaki ng kanilang pamilya. Nang maluto ay tinanggal niya ang takip ng kaserola at bumungad sa kanya ang bango nito. Ganitong-ganito ang amoy ng luto ni Mama. Nagsandok na siya ng Kare-kare at inilagay sa dalawang mangkok at tinawag na sina Anton at Henry. Pahikab-hikab pang lumapit si Henry at naupo sa upuan. Pigil ang kanyang hininga ng kunin na nila ang spoons at nagsimulang tikman ang kanyang luto. Pagkatapos nito ay sabay na ibinaba ng dalawang lalaki ang mga kutsara at tiningnan siya ng seryoso. “So, Henry ikaw ang maunang magbigay ng iyong opinion,” sabi ni Anton at tumango naman si Henry. “The sauce is thick; it has full of flavors. Hindi overcooked ang mga gulay and the meat is tender. Oy Anton, may bagoong ka ba?” baling nito kay Anton. Tumango naman si Anton at tumayo para magtungo sa refrigerator nito. Pagbalik ay may hawak na itong isang garapong Barrio Fiesta. Agad namang tinanggap ito ni Henry at kumuha. Kumuha ng pork meat si Henry at ipinatong ang kaunting bagoong dito saka isinubo. “Perfect!” sigaw nito. Nacurious naman si Anton sa ginawa ni Henry kaya sinubukan din nito. “Wow! Bagay pala ang bagoong at kare-kare?” sabi nito at muling sumubo. Nagtataka man ay ginaya niya ang ginawa ng dalawa at napalaki ang kanyang mga mata dahil sa sarap na idinulot nito. Mas lalong naenhance ng bagoong ang sarap ng kare-kare. Hindi niya mapigilang maluha dahil sa nangyayari sa kanya ngayon.             Napansin nilang dalawa na lumuluha si Thomas. Pinagmamasdan lang nila hanggang sa nagtaas-baba na ang mga balikat nito. “Thank you so much!” sabi nito. Nagkatinginan silang dalawa ni Henry at sabay silang tumayo. Inakbayan ni Anton si Thomas habang si Henry ay ginulo lamang ang itim nitong buhok. “You’re welcome. That’s what friends are for,” sabi ni Anton.             Kinabukasan ay maagang umalis si Thomas para puntahan si Chef Canoy. Sabado ngayon at alam niyang nasa restaurant na ng ganitong oras ang chef. Pagpasok niya sa resto ay pinagmasdan niya ang paligid. Nagsusumigaw sa karangyaan ang buong paligid. Tanging mga mayayaman lang ang makaka-afford na kumain saganitong karangyang restaurant. “Sir, may I help you?” tanong ng receptionist sa kanya. Hindi na niya ito pinansin at agad na pumasok sa kitchen area ng resto. “Sir! Excuse me sir!” sigaw ng receptionist pero hindi niya ito pinansin. Pagpasok niya ng kitchen ay kit ana niya si Chef Canoy na nagmamando ng mga cooks nito. Mabilis at mabibigat na hakbang ang ginawa niya para lapitan si Chef. “Chef Canoy!” tawag niya at napalingon sa kanya ang lalaki. Nagtaka pa ng makita siya nito. “What are you doing here, Mr. Oliveros?” tanong sa kanya. “Bawiin mo,” sabi niya at kita niya ang pagkalito sa mga mat anito. “Ang alin?” “Bawiin mo ang sinabi mo kahapon. Bawiin mon a nakakahiya ako sa pamilya ko!” sigaw niya at tumaas naman ang kilay ng chef. Bahagya pa itong umismid sa kanya. “Why? Did I hurt your ego?” “Bawiin mo.” Madiin ang bawat salitang binibigkas niya. humalukipkip si Chef Canoy sa kanya at taas noo itong tiningnan siya. “Make me. Babawiin ko iyon, if you are going to cook that dish again,” sabi nito sa kanya at ngumiti siya. “I’ll take that as a challenge. Challenge accepted.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD