Chapter Seventeen: The New Chief of Hukbong Knight

1092 Words
Chapter Seventeen: The New Chief of Hukbong Knight.             Dahil sa pagkamatay ni Chief Jacinto at Lt. Topacio ay muling nagpatawag ng emergency meeting ang hari ng Azalea. This time ay wala ng nagawa pa ang ilang miyembro ng gabinete niya kung hindi ang dumalo sa nasabing pagpupulong. Mahigit isang oras na ang nakalipas nang makarating si Mayor Larry sa palasyo. Alam niyang pipili ngayon ng bagong pinuno ng Hukbong Knights ang hari ngayon at hinihintay niya ang tawag mula sa kanilang boss. Nauna ng pumasok sa meeting room ang kanyang asawang si Congresswoman Ruby. Napabuntong hininga siya, pakiramdam niya ay malapit ng magtapos ang mga maliligayang araw niya. May tao na pilit sumisira sa mga plano nila at ng grupo niya. Halos mapatalon siya ng mag-vibrate ang kanyang cellphone at tiningnan ito. Nakita niyang tumatawag ang secretary ng kanilang boss at agad naman niya itong sinagot. “Hello? Ano ng balita?” tanong niya agad pagkasagot sa tawag. “Ang sabi ni Boss ay ako daw ang gawing chief ng Hukbong Knights,” sagot nito sa kanya na agad namang ikinataas ng kilay niya. “Ikaw?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Kahit ako nagulat, pero iyon ang utos ng boss natin.” “Sige na, pasend na lang sa email ko ang details mo para maipresent ko,” sabi niya. “Nasend ko na kanina pa,” sagot sa kanya. Kinuha niya ang kanyang tablet at agad pumunta sa emails niya at doon nakita ang bagong email. Binuksan niya ito at binasa ang laman. “Menandro Bataller?” basa niya sa pangalan ng secretary ng kanilang boss. “Oo iyan talaga name ko. May problema ba?” “Wala naman. Sige na, magsisimula na ang meeting.” Hindi na niya hinintay pang makasagot ang nasa kabilang linya at tinapos na niya ang tawag. Napailing na lang siya habang binabasa ang mga detalye na nasa email. Lumabas na siya at agad ng nagtungo sa meeting room. Pagdating niya doon ay agad siyang pinagbuksan ng dalawang knights na nakabantay doon. Pagpasok niya ay halos kumpleto na ang lahat. Present ang mga mayor mula sa iba’t ibang lalawigan ng azalea maging ang ilang negosyante na kabilang sa kanilang inner circle. Tumingin sa kanya ang mga tao at alam niya ang pinapahiwatig nito sa kanya. Kailangang kasapi nila ang magiging bagong hepe. Kailangan niyang mapaupo iyon, dahil siya ang advisor ng hari. Bumukas ang pinto at pumasok na ang hari at ang reyna. Tumayo silang lahat at yumuko, bilang tanda ng paggalang sa mataas na tao sa kanilang bansa. Tumango naman si King Albert at umupo na sa puwesto nito, katabi nito ang kanyang asawang si Reyna Isabella. “Batid kong alam niyo na ang nangyari sa kasamahan nating si Chief Jacinto at Lt. Topacio. Nagluluksa ang puso ko dahil sa nangyari sa kanila,” sabi ni King Albert. “May balita na ba sa imbestigasyon sa pagkamatay nila?” tanong ni Queen Isabella. Agad na tumayo ang pinuno ng crime department na si Knight Lopez. “Your majesty, wala pong nakitang ebidensya ang team ko sa crime scene ng kaso ni Chief Jacinto. Walang nakitang force entry or finger prints. Malinis ang pagkakagawa sa krimen. We also checked the cctvs sa area ng bahay ni Chief Jacinto pero walang nakuha. Kahit sa cctv ng mga kapitbahay niya ay chinecked na din naming ngunit wala kaming nakuha or nakitang kakaiba,” paliwanag nito. “How about kay Lt. Topacio? He was killed in an open area where civilians were there,” sabi naman ni Mayor Valentine ng bayan ng Beaucrine. “We checked the cctvs in the establishments.” May pinindot sa remote si Knight Lopez at lumitaw sa screen ang isang cctv footage. Kita sa cctv ang tila pagiging balisa ni Lt. Topacio. Yakap nito ang isang itim na bag at palingon-lingon ito na tila alam nito na may nagmamasid sa kanya. “As you can see, balisa na siya dito. He knew that someone was tailing him. So, he decided to went to the crowded area which is the shopping district.” Muling may lumabas na footage, kuha ito sa isang cctv sa isng boutique kung saan malapit si Lt. Topacio. “Then from where he was standing---” nagulat sila ng bigla na lamang tumumba si Lt. Topacio at nagkagulo na ang mga tao. “He was shot. We collected a bullet from a AW50 riffle. This kind of riffle can travel from 2km. We assumed that the bullet traveled 2km. Based sa direction ng bullet ay natunton naming ang building na ito.” Pinakita ni Knight Lopez ang isang commercial building. “Ezcavier Bldg?” basa ng isa sa mga inner circle. “Yes, dito nanggaling ang bullet na pumatay kay Lt. Topacio. Exactly 2km ang layo nito sa shopping district and unfortunately, there was no cctv sa building na ito,” paliwanag niya. “Very well, Mr. Lopez,” sabi ni King Albert. “Please find the suspect who is responsible for this mess. Anyway, we can not let the Hukbong Knights operational without it’s chief.” “Yes, your majesty. I prepared a list of possible candidates for the position,” sabi ni Mayor Larry at ipinakita sa screen ang mga mukha at pangalan ng mga candidates for the position of chief. Tinitigan ni King Albert ang  listahan. Halata sa mga mat anito na hindi ito makapamili. “Well, I will give Mayor Larry of Quirone the power to choose who will be the next chief of Hukbong Knights,” sabi ni King Albert. Hindi niya batid nag pagngiti ng iilang miyembro niya, kasama na dito ang kanyang asawa. Ngumiti si Mayor Larry at ipinakita ang mukha ng isang binata. May kulay berde itong mga mata at kulay puti ang buhok nito. “King Albert, this is Menandro Bataller. He is 25 years old and a graduate of Knights Aeronotics Academy. He has a position of Technical sergeant in Hukbong Panghimpapawid division. So, your majesty, I am choosing this young lad to become the new chief of Hukbong Knights.” Tumayo si King Albert at nilapitan si Mayor Larry. “I do trust your judgement, Mayor Larry. Then prepare the inauguration ceremony of this young lad. I want him to appoint immediately. Hindi puwedeng mawalan ng chief ang Hukbong Knights.” Tumango na sila at sabay-sabay na yumuko  sa hari. Nauna ng lumabas ang Hari at lumingon sa kanila si Queen Isabella. Makahulugan ang ibinatong tingin sa kanila ng reyna bago tuluyang lumabas ng silid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD