Chapter Forty: “Noong unang panahon, ay may isang minero na nagngangalang Alejandro. Dati siyang isang magsasaka pero dahil sa kahirapan ay napilitan siyang maging minero sa isang mayamang pamilya. Dinala sila sa isang bundok na ang pangalan ay Yolly at doon ay naghukay. Naghukay siya ng naghukay, umaga at gabi ay naghuhukay siya. Sa dami ng humuhukay kay Yolly ay namayat ito hanggang sa halos maging patag na ito. Isang araw, sa kanyang paghuhukay ay may nakita siyang isang napakagandang bato. Nagniningning sa sikat ng araw ang batong ito, umiibabaw ang mala-rosas nitong kulay at sadyang napakaganda ng kristal na ito. Ngunit may isang lobo na nagngangalang Bryan Poudrette ang nakakita sa kanya at kinuha ito mula sa kamay niya. Wala ng nagawa pa si Alejandro at binigay niy