Chapter Forty-one: Housemates Maaliwalas at mahangin ang paligid. Dinig niya ang ginagawang pagsayaw sa hangin ng mga halaman sa paligid. Napabuntong hininga siya at napatingin sa dalawang kandila at isang lighter na hawak niya. Iniisip niya kung papaano niya sisindihan ang mga ito gayong mahangin ang panahon. Napatitig siya sa pangalang nakaukit sa isang puting marmol. Simple lang naman ang disenyo ng marmol na iyon. May borders ang magkabilang gilid at sa bawat sulok ay may bulaklak. Sa gitnang bahagi ay may mga katagang nakaukit na makikita sa banal na aklat, at sa pinakailalim na bahagi nito ay nakasulat ang pangalan ng pamilyang kinabibilangan niya. “The Souls Of The Righteous Are In The Hand Of God.” ̶ Wisdom 3:1 DAEZ