Chapter Thirty-nine: Mikael Daez Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Mikael sa reyalidad. Bata pa lamang siya ay nagbabanat na siya ng buto upang makatustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Kinamulatan na niya ang dagat at ang naging pangunahing pinagkakaitaan nilang mag-anak ay ang pangingisda. Ang sabi ng kanyang ama ay noong una, noong kabataan nito ay magsasaka talaga sila at ang kanyang lolo ay naging minero at kalaunan ay naging mangingisda. Ito na ang kinamulatan nila. Bata pa lamang siya ay pinamamangha na siya ng mga hayop na nakatira sa dagat. Pakiramdam niya ay kabilang siya sa mga naggagandahang nilalang na ito sa tuwing sumisisid siya sa dagat. Kaya nagpasya siya na kung sakaling papalarin siya makapag-aral ay kukuha siya ng kurso na pinag-aaral