Chapter Six: Thomas Oliveros
“So, anong mga plans mo?” tanong ni Henry kay Anton. Humithit muna si Anton sa kanyang papaubos na sigarilyo saka niya ito binuga bago sinagot si Henry. Napataas pa ang kilay ni Henry dahil sa ganda ng pagblow nito ng smoke. Lihim siyang namangha dahil sa ginawa ng kausap niya. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng culinary department building. Pareho silang hindi pumasok sa huling klase nila ngayong araw.
Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas mula ng magkakilala sila at hinimok si Henry na sumali sa itatag na grupo ni Anton. Sa ngayon ay wala pang makitang kakaiba si henry kay Anton. Tiwala naman siya na maganda ang mithiin ng taong ito at hindi sila gagawa ng ikasasama nila.
“Sa ngayon, balak kong kumalap ng mga magiging miyembro natin. As you can see ikaw palang ang nakukuha ko. I hope you don’t back out,” sagot ni Anton.
“Of course, I won’t. It’s interesting. Sino-sino ba ang mga napupusuan mo na maging group?”
“Actually, wala. I’m just using the go with the flow mindset. Besides, tingin ko naman ay hindi ako mahihirapan.”
“Ano bang mga kailangan mo? Positions to fulfill?” tanong ni Henry. Inilabas ni Anton ang kanyang tablet mula sa kanyang bagpack at may binuksang application.
“I need the brain, diplomat, a doctor, technician or ICT expert. Maybe I need five more members,” sagot ni Anton at muling ibinalik sa kanyang bag ang tablet.
“Bakit gusto mong magtrayo ng grupo? Hindi ba ikaw ang nag-iisang successor ni Mayor Ferrer?” tanong ulit ni Henry at bahagyang natawa siya.
“Yeah. I am Ferrer but I don’t have any plans to succeed the position. Bahala na silang mag-isip kung sino ang magiging successor nila. Gagawa ako ng sarili kong daa. Hindi ko kailangang makisabit sa bulok nilang sistema. Kung alam mo kung gaano kalupit ang pamilya ko sa mga tauhan nila. Wala silang awa sa mga walang kapangyarihang tao. Hindi ba’t napapansin mo din ito?” Tumango naman si Henry sa tanong niya.
“Yeah. Nakikita ko. Ang mga maliliit na tao, na siyang bumubuo sa malaking porsyento ng pupolasyon ng Azalea ay kinakaya-kaya lang ng mga may kapangyarihan tulad ng mga pulitko at negosyante.”
“Remember the son of Mr. Gerona ng Kiowa Cars?” tanong niya at nagtaka naman si Henry sa tanong niya.
“O anong mayroon doon? Nakitang walang buhay sa loob ng cabinet iyon eh.”
“Ako may gawa sa kanya ‘nun.” Kita niyang napatigil si Henry sa sainabi niya at nanlalaki ang mga mata nitong tinitigan siya.
“No way man!”
“Yes, way man!”
“Seriously? Bakit anong nangyari?” tanong sa kanya.
“Long story actually. Pero gusto niyang pagsamantalahan ang isang empleyado nila. Lagi na lang niyang hinaharass nag babaeng iyon. Tumawag sa akin and I came to rescue her. I actually didn’t mean to kill that a*hole. Nadala lang din ako sa emosyon ko but I don’t regret it.”
“You’re insane, Anton,” sabi sa kanya at natawa na lang siya. Siguro nga, baliw na siya sa kanyang ginawa pero mayroong mas baliw pa sa kanya.
“Yeah, maybe I am insane.”
Nagulat sila ng biglang tumunog ang railing sa railing kaya nilingon nila ito. Napaubo pa si Henry dahil hindi niya naibuga ng maayos ang usok ng sigarilyo niya dahil sa nakita. Si Anton naman ay nabitawan ang kanyang bagpack dahil sa nakita nila.
“O-oy!” sigaw ni Henry. Dahil dito ay tila nagising si Anton kaya lumapit na kaagad siya sa railings.
Nakita nila ang isang lalaki na nakatayo sa labas mismo ng railings at any minute ay mukhang bibitaw na ito. Kanina pa sila sa rooftop pero ngayon lang nila naramdaman ang presenya ng lalaking ito. Base sa uniform na suot nito ay mkhang culinary arts student ito. May kulay red ang lining ang pants nito, tanda na isang 3rd year student na ito.
“Maghunod dili ka brad!” sigaw ni Anton. Nilingon siya ng lalaki at napatigil silang pareho dahil sa mga luhang umaagos sa mga mata nito.
“H-hayaan niyo na lang ako,” sabi nito.
“Anong hayaan?! Konsensya pa naming kung mamatay ka!” sigaw ni Henry.
“Lahat ng bagay nadadaan sa usapan. Halika na dito, usap tayo. Makikinig kami sa iyo,” sabi ni Anton at umiiling iling naman ang lalaki.
“Hindi niyo ako maiintindihan!”
“Talagang hindi ka naman maiintindihan kung hindi mo kami kakausapin!” sigaw na naman ni Henry. This time ay hinatak na ni Anton si Henry palayo sa railings.
“Henry, hindi ka nakakatulong.”
“Eh pabebe pa kasi eh!” reklamo nito. Hindi na siya pinansin pa ni Anton at muling nilapitan ang lalaki.
“Ano bang nangyari? Puwede mo akong kausapin. Hindi ito ang tamang solusyon sa iyong problema. Lahat ay kayang daanin sa magandang usapan. Dito lang ako, makikinig sa iyo,” sabi niya at dito na niya napansin ang pagrelax ng katawan ng lalaki. Tanda nito na kahit papaano ay nagtitiwala na sa kanya ang lalaki.
“I think, I’m useless,” sabi sa kanya ng lalaki.
“Why?”
“Pakiramdam ko napakawalang kuwenta ko. Hindi ko kasi maperfect ang recipe na namana ko sa nanay ko.”
“The f*ck?” dinig nilang sabi ni Henry pero hindi na lamang nila pinansin ito.
“Recipe?”
“My mom made a recipe when she was still alive. Ilang beses kong ginawa ang recipe pero it always ended up disaster.”
““I know each and one of you has a family recipe. All of you are comes from a well-known family,” sabi ni Chef Canoy sa kanilang mga estudyante. Hindi niya malaman kung iiyak ba siya o matatakot. Kilala si Chef Canoy sa buong Azalea. Siya ang kilalang chef at food critic ng kaharian, Si Chef Canoy din ang royal chef nila King Albert at Queen Isabella.
“Thomas!” Napatayo siya ng tawagin ang pangalan niya.
“Y-yes Chef?” tanong niya. Dama niya ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, ramdam din niya ang pamamawis ng kanyang mga palad.
“What’s your family’s special recipe?” tanong sa kanya at napalunok siya.
“Umm… my family’s special dish is the Pork Kare-kare,” sagot niya. Napatango naman si Chef Canoy sa sagot niya.
“Really? That’s interesting. Bibihira na lang ang nagluluto ng Pork Kare-kare sa panahon ngayon. I remember when I ate at a restaurant malapit sa border ng Quirone, I think that’s the only restaurant na nag-ooffer ng Kare-kare. Their Kare-kare taste so heavenly. Walang makakatalo sa Kare-kare nila.” Pinagmasdan nila si Chef Canoy na tila inaalala ang magandang karanasan sa restaurant na iyon.
“So, Thomas lutuin mo ang Kare-kare on Friday. You have 3 days to prepare.” Nabigla siya sa kanyang narinig.
“Po? P-pero---”
“No buts. If I am satisfied with your cooking, exempted ka na sa final rating. That’s all, class dismiss.”
Nagsitayuan na ang mga kaklase niya habang siya ay nanatiling nakatayo. Tila ba nawalan ng kulay ang kanyang mukha.
“Hey.” Napatingin siya sa kanyang kaklase na ipinatong ang kamay sa balikat niya.
“Kaya mo iyan. Huwag kang kabahan. You still three days,” sabi nito sa kanya bago lumabas.
Napabuga siya ng hangin. Hanggang ngayon ay dumadagundong ang kanyang dibdib dahil sa kaba.
Siya si Thomas Oliveros. Siya ang nag-iisang anak ng may-ari ng Oliveros Resto na ngayon nga ay nag-stop operation na. Sila ang mag-ari ng restaurant na tinutukoy ni Chef Canoy kanina lamang. Tanging ang restaurant nila ang nagluluto ng Kare-kare sa buong Azalea pero ngayon ay nagsara nila.
Napabuntong hininga siya.
“Anong gagawin ko?” tanong niya sa kanyang sarili at alam niyang hindi rin niya masasagot.
Matamlay siyang umuwi sa kanyang tinutuluyang apartment, hindi kalayuan sa university. Pagpasok niya sa loob ay basta na lamang niya inihagis ang kanyang bag sa maliit niyang sofa at pabagsak na humiga sa kanyang kama.
“Anong gagawin ko?” muli niyang tanong sa kanyang sarili.
Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ni hindi niya maperfect ang recipe ng kanyang ina. Ang kanyang ina ang may gawa ng recipe na iyon at doon nakilala ang restaurant nila ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ang ina niya at bago pa man maituro sa kanya ang recipe ay binawian na ito ng buhay. Kahit kalian ay hindi niya magaya ang recipe ng ina. Ilang beses na niyang sinubukang gayahin at lutuin ngunit lagi siyang pumapalpak. Kahit siya ay hindi niya maatim ang lasa ng kanyang luto.
“Bakit ba kasi ako ang nakita ni Chef Canoy? Ang dami naming pero bakit ako?”
Ang dami niyang katanungan ngunit hindi naman niya ito masagot. Hindi siya tiwala sa kanyang cooking skills. Kung hindi lang naman siya ang nag-iisang successor ng kanilang resto ay hindi naman siya kukuha ng course na culinary. Pero anong magagawa niya lalo pa’t nakikita niya ang kanyang ama na malungkot dahil sa napilitan silang isara ang kanilang negosyo.
Muli siyang napabuntong hininga. Pang-ilan na nga bang buntong hininga na niya ngayong araw? Tumayo siya at lumapit sa kanyang bedside drawer. Binuksan niya ang isa sa mga drawer at kinuha ang isang papel. Binuksan niya ito at binasa.
“Pork Kare-kare. I guess I don’t have a choice. I only have three days,” sabi niya sa kanyang sarili. Tumayo na siya mula sa kama at nagbihis na para mamili ng mga kakailanganin niya sa pagluluto.
“Bawang, sibuyas, peanut butter. Ano pa kulang? Atsuete?” Tiningnan niya ang kanyang basket at nakitang kumpleto na siya ng kanyang ingredients.
“Mukhang masarap ang lulutuin mo ah?” tanong ni Mang Fidel, ang kahero ng sa supermarket na madalas niyang bilhan.
“Hindi naman po. Susubok lang po ulit magluto,” sagot niya at napakamot sa kanyang batok.
“Subok lang ng subok. Huwag kang susuko hangga’t hindi mo nakukuha ang tamang lasa,” sabi sa kanya ng matanda at ngumiti na lamang siya at kinuha ang mga pinamili.
Pagdating niya sa kanyang apartment ay agad niyang inihanda ang kanyang lulutuin. Naghiwa na siya ng bawang at sibuyas. Nilinis at hiniwa na din ang karne ng baboy at ang mga gulay na gagamitin niya tulad ng talong, sitaw at pechay.
“Sauté red onions in vegetable until translucent. Add garlic; sauté until fragrant,” basa niya sa recipe na nakasulat. Ginawa niya ito at parang musika sa pandinig niya ang tunog na nililikha ng kanyang paggigisa. Pagkatapos niyang igisa ang bawang at sibuyas ay inilagay na niya ang karne ng baboy. Iginisa niya din ito ng kaunti bago nilagyan ng tubig para pakuluan.
Habang hinihintay na lumambot ang karne ng baboy ay sinimulan na niyang durugin ang mga mani. Nang lumambot na ang karne ng baboy ay inilagay na niya ang peanut butter at ang dinurog niyang mani. Dito na din niya nilagyan ng atsuete. Pagkatapos inilagay na niya ang mga gulay.
Nang sa tingin niya ay luto na ang gulay ay tinimplahan na niya ito. Naamoy niya ang aroma nito at kahit papaano ay nabuhayan siya ng loob. Umaasa na maayos ang kanyang pagkakatimpla.
“F*ck!” sigaw niya ng matikman na niya ang kanyang luto. Sobrang alat ng pagkakatimpla niya. ginawa niya ay dinagdagan niya ng tubig at ng tikman niya ito ay tumabang naman. Dinagdagan niya ulit ng pampalasa at naibato na lang niya ang sandok dahil sa inis. Pinatay na niya ang apoy sa gas stove at napaupo na lamang siya sa sahig. Napahilamos siya ng kanyang mukha dahil sa frustration na nararamdaman.
“How to perfect this dish? Kung hindi maalat, matabang,” sabi niya at naiiling na lamang siya. Hindi na niya alam ang gagawin.
“Bakit ba kasi napaka-complicated ng recipe mo Mama? Please guide me. Ituro mo naman sa akin Mama kung ano ba ang dapat kong gawin? Kung ano ba ang mali ko? I can’t do this!”
Muli niyang tiningnan ang kanyang luto. Lumutang na sa sabaw ang kanyang niluto. Imbes na masarsa ang kalabasan ay parang nilagang may peanut butter na lamang ang naluto niya. napatingin siya sa calendar na nakalagay sa kanyang refrigerator. Nakabilog na doon ang petsa nsa Friday, lalo lamang siya kinakabahan dahil sa Friday na ang kanyang performance.
Muli niyang inayos ang kanyang sarili.
“Kaya mo ito Thomas. Huwag mong ipapahiya ang magulang mo. Kare-kare lang iyan, madali lang ito. Isa pang subok,” sabi niya sa kanyang sarili. Pinalalakas ang loob, pilit niyang tinitibayan ang loob. Muli niyang kinuha ang kutsilyo at nagsimula ulit na maghiwa ng kanyang mga rekado.
Malamig ang mga kamay niyang pumasok sa kanilang cooking area. Nandoon na ang iba niyang kaklase na naghihintay sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagtungo sa kanyang working table. Dito ay inilabas na niya ang kanyang mga gagamitin sa pagluluto. Pakiramdam niya ay lalabas na sa kanyang dibdib ang puso niya dahil sa sobrang kaba.
“Kaya mo ito, Thomas. Kaya mo ito,” bulong niya.