Chapter Forty-two: Just a small revenge Part I You have a message! Napatigil si Anton sa pagpunas ng tuwalya sa kanyang itim na buhok ng marinig ang ringtone ng kanyang cellphone. Nakalagay sa bedside table ang cellphone niya kaya lumapit siya at kinuha ito. nakita niya ang pangalan ni Catherine sa screen at agad binuksan ang mensahe. Napangiti siya ng makita na isang file and pinadala sa kanya ng dalaga. Pinindot niya ang file at nakita niya ang mga litrato at pangalan ng ilang mag-aaral ng Universidad de Froilandon-fisheries department. May limang estudyante ang nakalista sa file na iyon. Dalawang babae at tatlong lalaki na pare-parehong 3rd year students. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa mga planong naglalaro sa kanyang isipan. “Just a small revenge for o