Chapter Five: Henry Escudero

2382 Words
Chapter Five: Henry Escudero             Pinagmasdan niya ang buong siyudad ng Mista. Pagkatapos ng nangyari noong nakaraang linggo, mas lalo niyang pinag-isipan ang isang ideya na pumasok sa kanyang isipan. Balak niyang magtayo ng isang vigilante group na siyang tutulong sa mga nangangailangan. Para sa mga taong mailap ang hustisya sa kanila. Mas lalo niyang napatunayang kailangan niya itong gawin dahil sa nangyari kay Josefa. Alam niyang hindi rin niya kakayanin kung mag-isa lamang siya kaya dito niya naisip na isang grupo ang itatatag niya. ang problema lang, sino-sino ang maaring maging miyembro niya? Paniguradong mahihirapan akong maghanap ng mga kasama. Totoo, mahihirapan siyang makahanap ng magiging kasama niya sa hangaring ito. Napabuntong hininga na lamang siya. Nagtungo siya sa kanyang kusina at nagtimpla ng kanyang paboritong espresso saka naupo sa kanyang study table. Humigop siya ng kape at napapikit dahil sa init na hatid ng inuming ito. Inilapag niya ang mug sa gilid at pinagmasdan ang mga nakasulat sa kanyang laptop. Kasalukuyang nakabukas ang university online portal ng Universidad de Froilan. Ang portal na ito ay exclusive lang para sa mga estudyante, faculty members at administrator. Dito ay nakalagay ang listahan ng mga pangalan ng bawat estudyante, ang kanilang mga kurso at kung anong year level na sila. Iniisa-isa niya ang mga pangalan, binabasa ang mga profile, tinitingnan kung sino ang maaring maging miyembro ng itatatag niyang grupo. “Salvador, Diaz. Hindi puwede ang isang ‘to. Anak ng mayor eh. Itong si Lacson, Javier? Mukhang hindi rin.” Napabuntong hininga na lamang siya. “Mukhang mahihirapan nga ako but for the sake of people of Azalea, ipupush ko ang planong ito,” he said at tumayo na. Lumapit siya sa isang painting at binaliktad ito, dito nakasulat ang mga kailangan niya sa kanyang grupo. “Kailangan kong maghanap ng right-hand man at left-hand man. Sila ang maari kong maging galamay. Kailangan ko din ng may alam sa medical o first aid. Kailangan ko din ang magaling sa computers. Hindi naman kasi ganoon kalawak ang knowledge ko sa computers.”             Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa paaralan. Isa siyang mag-aaral ng Universidad de Froilan at kumukuha ng kursong Political Science. Pagdating niya sa kanyang classroom ay agad siyang umupo sa kanyang usual seat. Pinagmamasdan niya ang kanyang mga classmate, tinitingnan kung sino ang puwedeng maging miyembro niya. Napatigil ang lahat ng pumasok ang isang binata. Magkasalubong ang mga kilay nitong pumasok sa loob. Ang mga kamay nito ay nakapasok sa magkabilang bulsa at mabibigat ang mga hakbang nitong umupo sa tabi niya. Nadinig niya pa ang pagbuntong hininga nito at sumandal sa upuan. Puwede. “Mukhang masama ang gising mo ah,” sabi niya. nilingon siya ng lalaki at sinamaan ng tingin. “Wala kang pakialam,” sagot nito at ngumiti naman siya. “The more na sinasabihan ako ng ganyan, the more the nakakaintriga.” “What do you want?” tanong sa kanya. “Have you ever thought about the simple citizens?” tanong niya at kita niya ang pagtataka sa mga mat anito. “What?” “Nakakasawa hindi ba? Nakakasawa ang ganitong mundo.” “Hindi ko alam ang ibig mong sabihin.” “Gusto mong kumawala sa bulok na sistema?” “Will you please shut up?!” sigaw nito at tumayo na mula sa pagkakaupo. Dahil sa pagsigaw nito ay nagtinginan lahat ang mga tao na nasa silid na iyon. “I know you’re tired.” Nagulat ang lahat ng sipain ng lalaki ang upuang nasa harapan nila. “Wala kang alam! Stay the sh*t out of me!” sigaw sa kanya saka ito tumalikod at lumabas. Saktong paglabas nito ay papasok na ang kanilang propesor. “Mr. Escudero!” sigaw ng kanilang prof ngunit hindi nito siya pinansin at naglakad lang palayo. I promise to myself, magiging miyembro din kita.             “Natagpuang patay ang nag-iisang anak ng negosyanteng si Mr. Ricardo Gerona, may-ari ng Kiowa Cars. Nakitang nakapasok sa isang cabinet ang wala ng buhay na anak ng negosyante. Ayon sa investigation team, malinis ang pagkakagawa ng krimen. Ayon sa report, namatay dahil sa pagkakapalo ng isang matigas na bagay ang anak ni Mr. Gerona. Walang nakitang murder weapon sa crime scene. Wala ring nasave na cctv footage, sinasabi na binura ito ng suspect. Narito ang panayam mula kay Mr. Gerona.” “Mahabaging langit! Bakit mo hinayaang sapitin ng anak ko ito. Napakabait ng anak ko! Kung sino man ang pumatay sa anak ko! Sumuko ka na! napakawalang hiya mo!” Napaismid na lang si Henry Escudero nang marinig ang panayam kay Mr. Geronimo. Kilala niya ang negosyanteng iyon, pinsan iyon ng kanyang ama. “Begging for sympathy? F*ck that! I know you’re happy that the black sheep was gone,” sabi niya at hinithit-buga ang sigarilyong hawak niya. “Henry!” sigaw ng kanyang ama. Walang ganang lumingon siya sa kanyang ama. Kita niya kung gaano ito kagalit habang hawak ang isang putting papel. “Bumagsak ka na naman sa isa mong subject?!” sigaw nito sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay inirapan lang niya ito.  “Henry! Kailan ka ba gagraduate? Ilang taon ka na sa kolehiyo pero 3rd year ka pa rin. Hindi ka pumapasok! Binabagsak mo ang mga subjects mo! Ano na lang ang ---” hindi na natapos ang sinasabi ng kanyang ama nang magsalita siya. “Iyan naman talaga ang iniisip mo, hindi ang kapakanan ko. Sarili mo lang naman talaga ang iniisip mo. Kesyo ano na lang ang sasabihin ng mga tao na ang anak mo ay hindi pa gumagraduate. Lagi na lang bagsak. Walang silbi!” “Huwag mo akong sasagutin ng ganyan, Henry!” “Bakit? Totoo naman hindi ba? Nahihiya ka na malaman ng mga kapwa mo negosyante na bagsak palagi ang anak mo. Bakit hindi mo sabihin sa kanila na anak mo lang ako sa katulong?” “Walang hiya ka!” Hindi na siya umilag pa ng suntukin siya sa panga ng kanyang ama. Bumaling sa kaliwa ang kanyang ulo at ilang napaatras ng ilang hakbang. Dama niya ang pag-agos ng kaunting dugo sa gilid ng kanyang labi. “Wala kang utang na loob!” sigaw sa kanya ng ama at padabog itong lumabas ng kuwarto niya. Napailing na lang siya at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.             Siya si Henry Escudero, isang estudyante ng Universidad de Froilan at kumukuha ng kursong accountancy. Anak siya ng negosyanteng si Celso Escudero- may ari ng mga five-star hotels sa Mista at sa ilang karatig bayan. Siya ay anak ni Celso sa isang katulong. Mayroon siyang half-brother na si James Escudero na kasalukuyang kumukuha ng master’s degree sa ibang bansa. Kahit kalian ay hindi siya nagkaroon ng magandang alaala sa kanyang pamilya. Lumaki na siya sa poder ng kanyang ama simula pagkabata. Mayroon siyang tagapag-alaga noon. Mabait at mapagmahal ito. Ngunit nang tumuntong siya ng labinglimang taong gulang ay napag-alaman niya na anak siya ng ama sa isang katulong. At ang kanyang ina ay ang mismong kanyang tagapag-alaga. Ng mga panahong iyon, ay wala na ang kanyang tagapag-alaga. Sinabi sa kanya ng ama na umuwi na ito sa bayan ng Quirone kaya pinuntahan niya at nagimbal siya sa kanyang nalaman. Namatay na ang kanyang ina, tatlong taon na ang lumipas. Pakiramdam niya noon ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Dito na namuo ang galit niya sa kanyang ama. Pakiramdam niya wala na siyang silbi, ni hindi na niya kilala ang kanyang sarili. Hindi na kumpleto ang kanyang pagkatao.             Ginalaw-galaw niya ang kanyang panga para kahit papaano ay maibsan ang sakit ng sugat sa kanyang labi. Napabuntong hininga na lamang siya at lumabas na ng kanyang kuwarto. Napagdesisyonan niyang pumasok na lamang sa kanyang klase. Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang ama na nagkakape habang may hawak na diyaryo. Sinamaas siya ng tingin nito at gumanti naman siya sa pamamagitan ng pagtaas ng gitnang daliri niya. laong nag-init ang ulo ng kanyang ama kaya binilisan niya ang paglabas sa kanilang mansyon. Sumakay na siya sa kanyang paboritong kotse ay pinaharirot papasok sa Universidad de Froilan. Pagdating niya doon ay ipinarada niya sa kanyang paboritong spot ang kanyang kotse saka siya bumaba. Sa kanyang paglalakad ay talaga namang napapalingon ang mga kababaihan sa kanya. Sumasabay sa kanyang lakad ang buhok niyang mahaba na umaabot sa kanyang balikat. Ang kanyang mga galit na berdeng mata ay tila bumubutas sa kung sino ang mapapatitig. Nang makarating siya sa kanyang classroom ay mabibigat ang mga paa niyang pumasok at naupo sa sa isang armchair. “Mukhang masama ang gising mo ah.” Napalingon siya sa kanyang katabi at nakilala ito. Anton Ferrer. Kilala niya sa pangalan ang taong ito. Alam niyang anak ni Mayor Larry Ferrer ng bayan ng Quirone at ni Congresswoman Ruby Ferrer. Ito ang nag-iisang successor ng mga Ferrer. Ano kayang nakain nito at kinakausap ako? “Wala kang pakialam,” sagot niya. Naiinis siya. Naiinis na nga siya sa kanyang ama tapos ngayon ay dinadagdagan pa ng isang Anton Ferrer ang pagkainis niya. Tila ba may ipinapahiwatig ang mga sinasabi nitong lalaki sa kanya. Sa asar niya ay tumayo siya at sinipa ang upuan na nasa harapan ni Anton. Alam niyang nabigla ang lahat dahil naglingunan sa kanya ang mga kaklase nila. Para mas lalong hindi siya mapahiya ay tumalikod na siya at lumabas ng room. Nakasalubong pa niya si Mr. Casuyaran- ang propesor nila ngayong oras. “Mr. Escudero!” sigaw sa kanya ngunit hindi na niya pinansin pa. Nakaasar. Nakaasar na nga sa bahay, nakakaasar pa dito. Hinaing niya. lumabas siya ng campus at naglakad-lakad. Mabuti na lamang at hindi siya nakauniporme kaya hindi malalamang nagka-cutting siya. Binaybay niya ang lansangan ng Mista hanggang sa nakarating siya sa isang liblib na eskinita. Nagtaka siya dahil ngayon lamang niya nakita ang eskinitang ito. Matagal na siya dito sa siyudad ng Mista pero ngayon lang niya nakita ang eskinitang ito. Dahil sa kyuryosidad ay pinasok niya ang madilim na eskinitang iyon. Madumi at mabaho ang eskinitang iyon. Hindi niya akalaing may ganitong lugar sa maunlad na siyudad ng Mista. Sa hindi kalayuan ay may naririnig siyang ingay. Dahan-dahan siyang lumapit at sinilip ito. Nag-init ang mata niya nang makita ang tatlong lalaki na binabastos ang isang babae. Nakita pa niya na ang isa ay may hawak nakutsilyo at nakatutok sa babae. “Ano? Ibigay mo na ang pera mo.” “Pare, kinis ng binti. Baka puwede nating tikman ‘yan” “Oo nga. Makatikim man lang tayo ng babae.” Hindi niya kayang balewalain na lang ang mga ganitong tagpo. Hindi puwedeng hayaan na lamang niya na bastusin at harasin ang babae. Lumingon siya sa kanyang paligid at nakita ang isang kahoy na dos por dos. Kinuha niya ito at ang isang maliit na bato saka lumapit sa mga lalaki. “Hoy! Tigilan niyo ‘yan!” sigaw niya at naglingunan naman sa kanya ang mga ito. “Huwag mo kaming pakialaman dito, boy. Umalis ka na!” “Huwag niyong binabastos ang babae ah!” sigaw niya at pinalo ng dos por dos ang isa sa mga lalaki. Dahil sa lakas ay agad na nahilo ito at tumalsik ng ilang metro. “Aba’t!” hindi na nagdalawang isip pa ang mga lalaki at itinulak na palayo ang babae saka sumugod sa kanya. Susuntok na sana ang isa pero agad niya itong binato ng bato at tinamaan ito sa noo. Napatigil ito at napahawak sa noo. Nang maramdamang basa ay tinanggal niya ito at galit na galit ng makitang may dugo na ito. “Ikaw! Magbabayad ka!” sigaw nito at muling sumugod. Susuntukin na dapat siya ngunit nakailag siya at hinataw niya ng kahoy sa likod ito at napasubsob sa may basurahan. “Kuya!” sigaw ng isa pa at lumingon sa kanya. Iwinasiwas nito ang hawak na kutsilyo sa kanya. Nagpa-ikot ikot sila bago sumugod ang lalaki. Sasaksakin na sana siya ng mailagan niya ito at hinampas ng kahoy sa ulo. Para namang nabingi ang lalaki dahil sa tainga siya natamaas. Napaataras ito at natumba sa isang pader. Napapikit pa ito at hinawakan ang tainga. Dito niya nakita na may dugo na ang kanyang tainga. “Magbabayad ka!” sigaw ng pinakamtanda sa kanila. Lumingon siya dito at napatigil ng maglabas ng baril ang lalaki. Akmang kakalabitin na ang gantilyo ng biglang may sumulpot sinipa ang kamay nito dahilan para mabitawan ang baril. Nagtaka siya sa nakita. Anong ginagawa niya dito?   Kinuwelyuhan ni Anton Ferrer ang lalaki kaya napatayo ito. Tinuhod ni Anton ang lalaki sa sikmura kaya napaubo ito. Pagkatapos ay nagawa nitong maihagis ang lalaki. Dahil sa takot ay agad na nagtakbuhan palayo ang mga lalaki. “Anton Ferrer, what do you want?” deretsahang tanong niya sa binata. Ngumiti si Anton sa kanya at lumapit. “I want you to help me. Magtatayo ako ng isang vigilante group.” Natawa siya ng marinig ang salitang vigilante group. “Vigilante? Nahihibang ka na ba?” tanong niya at umiling si Anton sa tanong niya. “See that girl?” tanong sa kanya at tinuro ang babaeng kanina ay biktima ng tatlong lalaki. “O ano ngayon?” “Kapag nagsumbong siya sa mga knights, tatawanan lang siya. Hindi siya papansin dahil simpleng tao lang siya. Walang pera, walang negosyo, hindi anak ng pulitiko. Kung hindi dahil sa iyo malamang ay may mas masama pang mangyayari sa kanya.” Napaisip siya sa sinabi ni Anton. Tama, kung hindi siya nakialam ay baka kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon. “Gusto kong gumawa ng grupo na mangangalaga sa kapakanan ng kagaya nila. Na mabigyan sila ng boses sa bulok na sistema ng ating kaharian. Nakakasawa na ang palaging mga mapepera lamang ang nabibigyang pansin. Tingnan mo ang anak ni Mr. Gerona. Hindi nila alam, na ang lalaking iyon ay hinaharass ang isang babae. Na ubod ng manyak ang taong iyon. Ano sa tingin mo? Papaya ka ba sa plano ko? Hahayaan mo na lang ba na manatili ang isang bulok na sistema sa kaharian ng Azalea?” Kumuha niya ang pakete ng sigarilyo sa kanyang bulsa at ang ang lighter. Kumuha siya ng isang stick at sinindihan ito. Humithit siya saka niya ibinuga. Ngumiti siya kay Anton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD