Chapter Four: The Beginning
“Happy birthday, kumpadre!” bati ni Mayor Valentine sa kanyang ama na nasa tabi lamang niya. Agad namang ngumiti ang kanyang ama, tumayo pa ito mula sa pagkakaupo at niyakap ang kapwa mayor nito.
“Mayor Valentine! I thought you will not attend my party,” sabi ng kanyang ama at napaikot na lang ang mga mata niya. Ito ang ayaw niya sa mga parties, ang pakikipagplastikan. Dahil nga pulitiko ang kanyang mga magulang, ay talaga namang inaasahan niya na puro kabaro ng kanyang mga magulang ang mga bisita.
Wala naman siyang magagawa dito kung hindi ang pakinggan ang mga usapan ng kanyang magulang. Puro politics pero ni minsan ay hindi tumulong sa mga mahihirap, sa mga walang kakayahan.
“Ang laki na pala ni Master Anton. Parang nakita ko siya noon ay nasa highschool pa lamang siya,” sabi ni Mayor Valentine at tumingin sa kanya. Alanganin naman siyang ngumiti.
“He’s busy nowadays. He’s studying in Froiland,” sagot ni Mayor Larry at tila ba nagulat si Mayor Valentine sa narinig.
“Really? That’s nice to hear. So, mukhang he will be your successor as the mayor of Quirone?”
“Of course, he will. Siya lang ang nag-iisa kong anak---” napatigil ang dalawa nang bigla siyang tumayo.
“I don’t have plans to be your successor, dad,” buong tapang niyang sinabi sa harapan ng kanyang ama at kay Mayor Valentine. Dahil sa napalakas ang kanyang boses ay napalingon lahat sa kanya.
“Anton!” sigaw ni Mayor Larry at tumayo na din at hinarap ang anak. “What do you mean na ayaw mo?!” dumagundong ang boses ni Mayor Larry sa buong mansyon. Mula sa kabilang bahagi ng mansyon ay agad na lumapit si Congresswoman Ruby nang marinig ang sigaw ng kanyang asawa. Paglapit niya ay nakita niyang nagkakainitan na ang kanyang mag-ama.
"Just calm your horses, gentlemen. What is going on here?” tanong niya at hinawakan si Mayor Larry sa braso.
“Simple lang naman ang sinabi ko, Dad. Hindi ako magiging mayor katulad mo.”
“You’re my only son! Sino magmamana ng puwesto kapag nagretired na ako?!”
“Yes, I’m your only son but it doesn’t mean na susunod ako sa yapak mo. I have my own plans, so please don’t interfere,” sagot niya at tumalikod na siya.
“Huwag kang bastos, Anton!” sigaw ng kanyang ina. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon sila.
“Please, don’t bother me again. As I’ve said, I will not be your successor, Daddy. Sa akin ko na puputulin ang pagmamalabis ng mga Ferrer sa mga tao.”
“Wow! I didn’t know na may isang theater play na ipinapalabas dito.”
Sabay-sabay silang lumingon sa nagsalita. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagbiglang seryoso ng mga tao sa paligid niya. Para bang kinatatakutan ng lahat ang bagong dating na ito.
Pinagmasdan niya ang lalaki. Sa tingin niya ay nasa early 40’s na ito. Maganda ang pangangatawan, makisig at may katangkaran. Bagsak ang buhok at may pagkasingkit na mga mata. Sa tindig nito ay talaga namang nagsusumigaw ang pagiging authoritative nito.
“B-boss! I mean Mr. Quintine,” tila gulat na gulat na sabi ni Mayor Larry. Si Congresswoman Ruby naman ay ngumiti ng alanganin, pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.
“Mabuti naman po at nakarating kayo sa party ng asawa ko,” sabi nito. Napatingin si Anton sa kanyang mga magulang. Napansin niya ang pagiging uneasy ng mga ito.
“Of course. I wouldn’t miss Larry’s 60th birthday,” sabi ng lalaki at tumingin sa kanya.
“So, ikaw pala ang nag-iisang anak nila,” sabi nito sa kanya at tumango naman siya.
“Yes, I am.”
“Tam aba ang narinig ko? You have no plans to become the successor of your father?” tanong sa kanya.
“Yes.”
“That’s good to hear.”
“Mr. Quintine, I’m sure one of these days ay magbabago pa ang isip ni Anton,” sabi ni Mayor Larry. This time ay napabuntong hininga na lamang si Anton bago tumalikod. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanyang ina pero hindi na niya ito nilingon pa.
Paglabas niya ng mansyon ay agad siyang hinarang ni Gregorio, ang head ng security ni Mayor Larry ngunit hindi siya nagpatinag.
“Master Anton, bumalik po kayo sa loob.”
“Huwag mo akong harangan, Gregorio. I’m so sick of this!” sigaw niya at lumapit na sa kanyang bigbike at kinuha ang helmet.
“Master Anton, pakiusap bumalik na po kayo sa loob.” Sa inis niya ay inihampas niya ang kanyang helmet sa ulo ni Gregorio. Hindi nakailag si Gregorio at tinamaasn siya sa ulo dahilan para mapaatrsa siya at matumba.
“Master Anton!”
“Umalis ka sa daraanan ko, Gregorio!” sigaw niya at isinuot na niya ang kanyang helmet saka sinakyan ang bigbike. Kahit nahihilo ay pinilit ni Gregorio ang tumayo at wala na siyang nagawa pa ng humarurot palabas ang anak ng kanyang amo. Napahawak siya sa kanyang ulo at naramdaman ang basa. Pagtingin niya ay may dugo na kanyang kamay. Napabuntong hininga na lamang siya.
Mabilis ang pagpapatakbo niya ng kanyang motor. Dinadama ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang katawan. Gusto niyang sumabog, gusto niyang sumigaw, gusto niyang manakit para mailabas niya ang kanyang hinaing sa buhay. Ang sama ng loob niya sa kanyang mga magulang.
Imbes na dumeretso ng uwi sa kanyang apartment ay naisipan niyang pumunta sa bundok ng Habiscus. Isa ito sa mataas na bundok ng Azalea, nasa pagitan ito ng siyudad ng Mista ng ng Tempest. Pagdating niya sa tuktok ay pinagmasdan niya ang malilikot na ilaw ng buong siyudad ng Mista. Huminga siya ng malalim at saka siya sumigaw. Sumigaw siya ng napakalakas. Ibinuhos niya dito ang kanyang sama ng loob.
“Ahhhhh!”
Pagkatapos ay napaupo siya sa lupa habang hinihingal. Napatingala siya sa kalangitan at nakita ang mga nagkikislapang mga bituin at ang magandang bilog na buwan. Hinihingal man ay ramdam niya ang paggaan ng kanyang pakiramdam. Tila ba nawala ang mabigat na bagay nakapatong sa kanyang dibdib.
“I hate this. I hate this f*cking life!” sigaw pa niya ulit. “Sana, if there is another life, huwag ulit akong mapunta sa pamilyang Ferrer. O kaya ay mapunta ako sa ibang universe. Sa parallel worlds o kung saan man. Ayoko ng mapunta sa kanila.”
Muli siyang huminga ng malalim. Kinuha niya ang isang pakete ng sigarilyo mula sa bulsa ng kanyang suit at kumuha ng isa saka niya sinindihan ito. Dinama niya ang init ng usok nito papasok sa kanyang baga bago niya ito ibinuga.
“I never really experience to be happy. I don’t know how to be happy.”
Tahimik lang siyang nakaupo sa lupa at humihithit ng sigarilyo nang maramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya. Hindi ito ang phone niya for personal use, ito ang phone na ginagamit niya for other purposes. Nagtaka ng makita ang isang unregistered number. Nagtataka man ay sinagot na din niya ito.
“Hello?”
“P-please tulungan mo ako…”
Inilayo niya sa kanyang tainga ang cellphone para i-check ulit kung sino ang caller pero unregistered number talaga.
“Hello? If nanloloko ka---”
“Tulungan moa ko please. Papatayin na ako ng anak ni Mr. Gerona. Please, ayoko pang mamatay.”
“Bakit sino ba ang kupal na iyan?”
“Anak ni Mr. Gerona, ang may-ari ng Kiowa Cars.”
“Where are you?” tanong niya at agad na itinapon ang hawak niyang sigarilyo.
“N-nasa Kiowa office ako---” nakarinig siya ng malakas na tunog ng tubo at ramdam niya ang mahinang pagsinghap ng babae sa kabilang linya.
“I’ll be right there. Don’t ever come out kung saan ka man nagtatago.” He ended the call at agad na sumakay sa kanyang bigbike.
Pinaharurot niya ang kanyang bigbike pababa ng bundok ng Hibiscus at agad na tinahak ang national road ng Mista. Mabuti na lamang at hating gabi na kaya walang gaanong sasakyan. Hindi nagtagal ay nakita na niya ang mataas na building ng Kiowa Cars Office. Pagdating niya sa entrance ay sarado na ito kaya humanap siya ng puwedeng pasukan. Pag-ikot niya sa likod ay nakita niyang bukas ang exit door nito kaya pumasok na siya doon. Pagpasok niya ay kinuha niya ang kanyang phone para itrack kung nasaan ang babae ayon sa location ng phone nito. Gamit ang GPS ay nilocate niya kung nasaan ang caller. Nakita niyang nasa 17th floor ng building ang caller kaya agad na niyang pinindot ang elevator.
“Josefa, nasaan ka na?” tanong ng lalaki sabay hampas ng isang tubo sa mga table. Pinilit niyang hindi mapasigaw kaya inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Patuloy ang pag-iingay ni Marco- ang anak ni Mr. Gerona na gustong-gusto na hina-harass siya. Matagal na siyang binababoy ng binata ngunit kahit na magsumbong siya sa mga knights ay wala pa ring mangyayari. Dahil sabi sa kanya, mahirap lang siya, isang simpleng mamamayan. Hindi tulad ng taong iyon na anak ng isang mayamang negosyante.
“Nasaan ka? Lumabas ka Josefa!” sigaw ulit nito.
Mahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone, baka sakaling tumawag sa kanya ang lalaking nagligtas sa kanya kaninang umaga. Nagdarasal na sana ay may dumating na tulong dahil alam niya na hindi na siya bubuhayin pa ni Marco lalo pa’t nakatikim ng lupit mula sa lalaking nagligtas sa kanya.
Pagdating ni Anton sa 17th floor ay nakarinig siya ng ingay. Dito niya natanaw ang lalaki na nagwawala. May hawak itong tubo at hinahampas ang bawat table na nandoon.
“Josefa!” sigaw nito.
“Hoy!” sigaw niya at lumingon sa kanya ang lalaki. Nakita niyang may benda ang ulo nito, bunga ng pagkakauntog nito kaninang umaga.
“Ikaw na naman!” sigaw nito sa kanya at patakbong ihahampas sa kanya ang tubo. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang reflexes at nakailag siya. Ilang beses na hinahampas siya ng tubo pero madali niya lang itong nakakailag.
“Sino ka ba at napakapakialamero mo? Kaninang umaga ka pa ah!” sigaw nito sa kanya.
“Labag sa batas ang ginagawa mo. Hinaharass mo na ang babae!”
“Anong batas? Sa lugar na ito, ako ang batas! Hindi mo ba ako kilala?!”
“Hindi at wala akong planong kilalanin ka!”
“Ako si Marco Geronimo! Anak ako ng may-ari ng Kiowa Cars!”
“Anak ka lang, hindi ikaw ang nagmamay-ari!” sagot niya na lalong ikinaasar ng binata.
“How dare you!” sigaw nito at muling sumugod sa kanya. Medyo na bigla siya dahil nang hinampas ni Marco ang tubo sa kanya ay natamaan siya sa kanyang braso. Bahagya siyang nasaktan pero hindi siya nagpatinag. Nang muli siyang hahampasin ay nagawa niyang hawakan ang tubo. Pilit binabawi ni Marco ang tubo at ito na ang kinuhang pagkakataon ni Anton para maagaw ng tuluyan ang tubo mula sa lalaki.
Nang maagaw niya ay napaatras si Marco Gerona. Walang pagdadalawang isip na hinataw niya ang tubo sa binata. Tinamaan niya sa ulo si Marco dahilan para bumagsak ito sa sahig.
“Ikaw ang batas? Mga halimaw kayong lahat!” sigaw niya at muli niyang hinampas si Marco. “Kayong mga mayayaman at may mga kapangyarihan---” hinampas na naman niya ang lalaki. “--- masyado kayong mapang-api! Kinakaya-kaya niyo lang sila dahil kayo ang batas! Dahil may kapangyarihan kayo!”
Hindi niya tinantanan ng pagpalo ng tubo si Marco. Duguan na at gumagapang na palayo sa kanya si Marco ngunit hindi niya pa din tinigilan. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang pinaghahahampas ng tubo ang lalaki at wala na din naman siyang pakialam.
“Master!”
Napatigil siya nang maramdamang may humawak sa kanyang braso. Nilingon niya ito at nakita ang babae, hilam ang mukha dahil sa mga luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata nito.
“Master, tama na po,” sabi sa kanya at para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. Nilingon niya si Marco Gerona na nakadapa at may dugo ng umaagos sa paligid nito. Lumuhod siya at inilagay ang kanyang dalawang daliri sa leeg para damhin ang pulso nito ngunit wala na siyang makapa pa. Mukhang napuruhan na niya ang lalaki.
Napabuntong hininga siya.
“Master, ano pong gagawin natin? P-patay na po si Marco.”
“Hayaan lang natin. Don’t worry,” sabi niya. Hinatak niya ang katawan ni Marco at inilagay sa isang cabinet na nasa likod lang din ng pinto. Tinulungan siya ni Josefa na ipasok sa loob ng cabinet ang katawan. Ngayon naman ay pinulot niya ang tubo at pumasok sa banyo. Dito ay hinugasan na niya ang tubo. Kiniskis niya at inalis ang mga bahid ng dugo na kumapit doon.
Paglabas niya ay nakita niyang nakatayo sa gilid si Josefa at inaabangan siya.
“M-master…”
“Josefa? Tama ba?” tanong niya at tumango naman ito bilang sagot. Kinuha niya ang kanyang pitaka at naglabas ng nakabalot na gintong barya. Tinatayang may isang libong gintong barya ang balot na iyon. Iniabot niya kay Josefa na nagtataka sa kanya.
“Kunin mo na ito. Gamitin mo ito to start over again. Magpakalayo-layo ka na.”
“Pero---”
“Sige na, kunin mo na. Ako ng bahala dito.” Nanginginig na kinuha ni Josefa ang mga gintong barya at inilagay sa kanyang bulsa.
“Maraming-maraming salamat po.” Niyakap siya ng mahigpit ni Josefa na agad din naman niyang ginantihan. Pagkabitaw ay agad na ding lumabas si Josefa.
“Now, time to clean up,” sabi niya at nagtungo sa surveillance room. Pagdating niya doon ay may mga apat na security na nagsusugal sa loob. Abala sa paglalaro at wala silang kamay-malay sa mga nangyari. Kinuha niya ang isang itim na panyo mula sa kanyang suit at itinakip sa kanyang mukha. Tanging mga mata lamang niya ang nakikita.
Nang pumasok siya ay nabigla ang lahat at kinuha niya ang pagkakataong ito. Isa-isa niyang tinira sa mga points ng katawan para mawalan sila ng mga malay. Nang makitang wala na ang mga itong malay ay pinakialaman na niya ang mga cctv camera. Kinuha niya ang flashdrive na nakapatong sa isang sulok at isinaksak ito sa CPU. Dito nakita niya ang mga saved videos ng mga cctv recordings. Kinopya niya ang mga kuha ngayong araw sa video at delete ito. Dinelete niya ang lahat ng mga nakasaved sa flashdrive saka niya ito kinuha at ibinulsa.
Lumabas na siya ng building dala-dala ang ginamit na tubo at sumakay na sa kanyang bigbike. Bumiyahe siya hanggang sa makarating siya sa Port of Teckslon. Dito at inihagis niya sa dagat ang tubo maging ang flashdrive.
Nakaramdaman siya ng kasiyahan sa kanyang puso. Imbes na makonsensya o matakot ay parang naging proud pa siya dahil isang basurang katulad ni Marco ang nailigpit niya.
Tama, siya ang puwedeng lapitan ng mga nangangailangan.
Kinabukasan, ay nagimbal ang buong Kiowa Cars Office dahil sa nakita nila. Kitang kita ng mga empleyado ng 17th floor ang duguan at wala ng buhay na anak ni Mr. Gerona na si Marco Gerona.