Chapter Three: The Lad named Anton Ferrer
“Isa na namang patay ang natagpuan sa masukal na bahagi ng national highway papuntang bayan ng Quirone. Tinatayang nasa edad singkwenta ang lalaki at may mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ito na ang ika-labing isang kaso ng mga biktima ng salvage. Wala pang pahayag ang mga knights ukol sa kasong ito. Nananawagan naman ang mga human rights group sa ating mahal na King Albert na bigyang pansin ang mga lumalaking bilang ng p*****n sa ating bansa. Ako si Joseph Cruz, nag-uulat.”
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa narinig na balita. Halos araw-araw na lang ay puro krimen ang ibinabalita. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa couch at dinampot ang remote control saka ko pinatay ang telibisyon. Nagpunta ako sa kusina ko at nagsalin ng espresso sa paborito kong mug saka ako lumabas sa teresa at hinigop ito.
Napapikit ako ng humagod sa aking lalamunan ang init at ang sarao ng espresso. Pinakalma nito ang aking mga ugat, maging ang aking damdamin. Ipinatong ko sa maliit na lamesa ang aking mug saka ko pinagmasdan ang buong kaharian ng Azalea.
Kung titingnan ay sobrang ganda ng Azalea, mula sa nagtataasang building nito, mga naggagandahang mga tourist spots. Masasabi ding maunlad ang ekonomiya ng bansa, pero sa kabila ng ganda nito ay may nagtatago. Kaliwa’t kanang krimen at korapsyon. Na sa kabila ng maunlad na ekonomiya, maraming mga tao ang walang trabaho lalo na kung walang pinag-aralan.
Sa totoo lang ay ipinanganak akong mayaman, nagmula ako sa mga angkan ng Ferrer- isa sa mga prominenteng pamilya ngunit kahit kalian ay hindi ko ipinagmalaking isa akong Ferrer. Kung puwede lang sanang magbago ng pangalan, ginawa ko n asana kaso hindi eh.
Napalingon ako sa loob ng mag-ring ang cellphone ko kaya pumasok ako at kinuha ito sa taas ng coffee table. Napaikot ang mga mata ko ng makita ang pangalan ni Mommy na nasa screen ko. If hindi ko sasagutin ang tawag niya, she will bug me for all day. Nakakairita kapag ganoon.
Labang man sa loob ko ay wala naman akong magagawa kung hindi ang sagutin ang kanyang tawag.
“Hello, anak?” sabi ni Mommy pagkasagot ko ng tawag.
“What is it now, Mom?” tanong ko at pabagsak akong umupo sa couch.
“You need to get home now. Birthday ng daddy mo, remember?”
“I don’t want to attend the party, Mommy. Besides, hindi naman ako need doon,” I said. I know na magdadatingan na naman ang mga pulpuliko doon. Ang hirap makipagplastikan sa kanila.
“Anak ka ni Mayor Larry Ferrer! Of course, kailangan ka doon.”
“Mommy, you know I hate parties,” reklamo ko.
“No buts, Anton. You will be coming home tonight. If not, I will get Gregorio to get your ass in here!” and the next I heard is the beep tone.
God! Ang hirap ng ganito. If Mom says it, talagang pupunta si Gregorio dito just to bring me home. I really don’t have a choice.
Tumayo na ako and my morning rituals. I don’t have classes today so free ako. After ko maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng plain black v-neck shirt na hapit na hapit sa akin. Yumakap ito sa malalaki kong muscles sa braso at dibdib. Hindi naman ganoon kalaki but I know it’s the average. Pinaresan ko ito ng maong pants and a pair of white sneakers. Paglabas ko ng kuwarto ay tumunog ang phone ko and I saw na may message ang friend kong si Reagan.
From Reagan:
Ano Bro? Sasama ka ba?
I immediately answer him yes. Paglabas ko, I make sure sinara ko ng maayos ang unit ko bago ako bumaba at sumakay sa aking big bike.
Nagkayayaan kami ng ilang friends ko na magkita-kita sa isang shooting range. We will practice target-shooting. Bilang anak ng isang pulitiko, bata pa lang ay sinasanay na kami as paggamit ng iba’t ibang armas katulad ng baril at mga kutsilyo. Grade three palang ako noon nang tinuruan ako ng self-defense. Sa una medyo naiinis pa ko pero ng lumaki ako ay doon ko naunawaan kung bakit kailangan kong matutunan ito.
Hindi nagtagal ay nakarating ako sa Della Inares Shooting Range. Pagpasok ko ay agad kong nakita si Reagan at si Javier na nakaupo sa lounge at mukhang hinihintay ako. Mga friends ko sila from university. Anak ni Mayor Enselencia ng bayan ng Luimiscone si Reagan at pinsan naman niya si Javier.
“O, akala ko hindi ka na dadating,” sabi ni Reagan ng makalapit ako.
“May isang salita ako brad. Nalate lang ako ng two minutes eh,” I said at pumasok na sa locker room. Doon ay binuksan ko ang locker ko at kinuha ang aking Colt 45, one of my favorite guns. Narinig kong binuksan na din nila Reagan at Javier ang kanilang mga lockers to get their gun. Nang makalabas kami ay dumeretso kami sa shooting area. We have usual spot here. Alam na alam ng management na kapag nandito kami ay ibibigay niya sa amin ang pinakasecluded na area so that we can have our privacy. Minsan kasi kapag nakilala kami na anak ng mga pulitiko ay bigla na lamang kaming dudumugin.
Sinuot ko na ang headphone at ang googles ko. I even check kung may mga bala ang baril ko. Ilang sandali lang ay sunud-sunod akong nagpaputok. Nang inilapit ang pistol chart sa akin ay iisang spot lang ang dinaanan ng mga bala.
“Wow! Ibang klase ka talaga!” Napalingon ako kay Reagan na pumapalakpak pa. I look at his chart at may mga sablay siya, ganoon din kay Javier.
“You need to focus kasi. Hindi ‘yung ang dami-daming pumapasok sa isip mo,” I said at hinubad na ang headphones at goggles ko.
“Today is your dad’s birthday hindi ba?” tanong niya at umupo sa sofa na nasa likod lang namin. Pumunta ako sa mini refrigerator at kumuha ng tatlong cans of beer. Inihagis ko pa sa kanilang dalawa and they caught it. Magaling na catcher ang dalawang iyan.
“Yeah, bakit pupunta ka?” Umiling naman siya at binuksan ang beer niya.
“Nope. I hate parties; besides, I have a date today,” sagot niya at sumimsim ng kanyang inumin.
“More like, you will have a good f**k today,” sabi ni Javier at nasamid naman si Reagan dahil sa sinabi niya.
“Hey man! Walang bukingan!” sabi niya at nailing na lang ako.
“I wish I can just skip this day! I don’t want to go home! I don’t want to attend that damn party!”
“E ‘di tumakas ka. Magpakalayo-layo.”
“Then Gregorio will look for me at babaliktarin niya ang buong Azalea just to find me.”
“Your life sucks bro!” sabi ni Javier at napabuntong hininga na lamang ako.
“Our life!” I said at sinipa niya ako.
“Ikaw lang. napakakomplikado ng buhay mo compare sa aming dalawa ni Javier. Hindi ganoon mahigpit si Papa. We can do whatever we want actually. Nagiging cautious lang kami dahil if ever na may mali sa amin, masasabit ang name ni Papa,” paliwanag niya.
“I wish I can have family like yours.”
“Becareful what you wish for.”
Nagdadrive na ako pabalik sa apartment ko ng bigla akong napatigil dahil nakita ko ang isang babaeng hinahatak ng isang lalaki. Pilit hinahatak ang babae ng isang lalaking nakasuot ng kulay asul na damit at maong na pantalon. Ang babae ay pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit masyadong mahigpit ang hawak sa kanya. Pilit siyang dinadala sa isang madilim na eskinita. Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumaba ako sa aking big bike at agad na hinawakan sa pulso ang lalaki.
“Huwag kang makialam dito ah!” sigaw niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa at agad na sinuntok siya sa mukha. Straight na straight sa kanyang mukha ang kamao ko. Dahil sa lakas ay napaatras siya at nabitawan na niya ang babae na agad nagtago sa likuran ko.
“What the f*ck?!” sigaw niya sa akin at susuntukin na sana niya ako pero nakailag ako. Masyadong sloppy ang mga tira niya, halatang walang alam. Tira lang ng tira, hindi naman ako natatamaan.
Nang muli siyang sumuntok kaya kinuha ko itong opportunity para hulihin ang kamay niya and I twist it sa likod niya.
“F*ck! Bitawan mo ako!” sigaw niya. lalo kong pinilipit ang kamay niya at isinubsob ko siya sa simento.
“Anong gagawin mo sa kanya ha?!” sigaw ko.
“Wala kang pakialam! Sino ka ba!” sigaw niya pabalik sa akin.
“Ang babae ginagalang ha! Hindi binabastos!” sigaw ko at hinawakan ko sa buhok niya saka ko siya inuntog ng malakas sa simento. Agad siyang nawalan ng malay.
Tumayo na ako at nilapitan ang babae na nasa isang gilid lamang at nanginginig pa sa takot.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko at dahan-dahan siyang tumango.
“O-oo. Maraming salamat,” sabi niya at bigla na lamang siya humagulgol.
“Salamat! Maraming-maraming salamat! Ang tagal na niya akong hinaharass eh. Kapag nakakakita siya ng pagkakataon ay bigla-bigla na lamang niya ako hinahatak at gagawan ng hindi maganda. Kapag nagsusumbong ako sa knights ay hindi ako pinaniniwalaan dahil isa lang akong janitress sa kompanya nila.”
“Bakit sino ba ang kupal na iyan?” tanong ko.
“Anak ni Mr. Gerona, ang may-ari ng Kiowa Cars.”
Ito ang nakakaasar sa sistema ng Azalea, ang mga simpleng mamamayan katulad ng babaeng ito ay walang boses. Ni hindi makahingi ng tulong sa mga awtoridad katulad ng mga knights dahil wala silang pera, wala silang kapangyarihan. Ang mga chapa ng mga knights ay para lamang sa mga may pera. Kung wala kang pera, hindi ka nila pakikinggan.
Papaano na ang mga katulad nila? Wala ang Azalea kung wala ang mga masisipag na mamamayan. Sino ang magtatanggol sa kanila? Kanino sila lalapit kapag naagrabyado sila?
Wala silang ibang malalapitan. Kikimkimin na lang nila ang mga pang-aapi ng may mga kapangyarihan. Panahon na siguro na wasakin ang ganitong kabulok na sistema ng Azalea. Kailangang mas bigyang pansin ang mga simpleng mamamayan, hindi lang ang mga pulpulotiko at mga mayayamang negosyante ang bumubuo ng bansang ito.
“Huwag kang mag-alala, kapag hinarass ka ulit ng kupal na ito---” sinipa ko ang ulo ng tulog na kumag. “Tawagan moa ko. Agad akong pupunta para iligtas ka,” sabi ko at ibinigay sa kanya ang isang calling card ko.
Don’t worry, hindi ko real name ang nakalagay doon.
“Salamat po,” she said at tumango na ako.
Bumalik na ako sa aking big bike at sinuot na ang helmet. Kumaway pa sa akin ang babae kaya tumango na lang ako saka ako humarurot palayo.
Habang nagdadrive ako pabalik ay nakaramdam ako ng saya sa aking puso. Para bang nagkaroon ako ng fulfillment sa buhay. Para bang nakita ko na ang purpose ko, ang misyon ko. Iyon ay ang tulungan ang mga naaapi. Wala silang malalapitan kapag sila ay napunta sa isang alanganing sitwasyon. Walang magtatanggol sa kanila. Kung walang lalabas para protektahan sila, puwes ako na mismo ang gagawa. Ako na mismo ang poprotekta sa kanila.
Siguro nga padalos-dalos ako pero alam ko ang gagawin ko.
Ako ang magiging boses ng mga simpleng mamamayan ng Azalea.