Chapter Two: Anton’s Shocking Scene
“So, kumusta ang mga nasasakupan niyo?” tanong ni King Albert Geronimo IV, ang kasalukuyang hari ng Azalea. Kasalukuyan silang may weekly meeting kasama ng kanyang inner circle.
Ang inner circle ay binubuo ng sampong mayor ng bawat bayan ng Azalea, limang mayayamang negosyante ng bansa, limang senador at limang kongresista. Bawat isa ay may katungkulan hindi lang ang pagiging mayor, senador at kongresista. Sila din ang tumatayiong gabinete o kamay ng hari sa pamalakad sa buong kaharian ng Azalea.
Tumatayong second-in-command ang reyna na si Queen Isabella Josefa. Si Mayor Larry ang tumatayong inner circle secretary at si Congresswoman Ruby ang may hawak sa ahensya ng agrukultura at turismo. Si Mayor Valentine naman ay hawak ang ahensya ng edukasyon at pangkalusugan.
“Everything is going well, my King,” sabi ni Congresswoman Ruby at tumango naman ang hari sa kanila.
“May nakarating sa akin report na may k********g na nangyari noong nakaraang linggo. Any updates? Chief Arturo?” tanong ng hari at tumingin sa pinuno ng knights na si Arturo Caballero.
“W-wala pa po, my King. Hindi pa tumatawag ang mga kidnappers kaya hindi pa alam kung ano talaga ang pakay. Peero tinitingnan na ang mga cctv sa dinaanan ng mga suspects.”
“Ayusin niyo ang trabaho. Ano na lang ang sasabihin ng mga mamayan? Noong isang buwan lamang ay may kinidnap at pinatay. Noong nakaraang tatlong buwan ay karumaldumal na krimen ang nangyari sa isang angkan sa bayan ng Lizione.”
“Ginagawa naman po naming ang lahat, pero sadyang mailap ang mga suspects,” sagot ni Chief Arturo.
“Para bang walang buwan na hindi nagkakaroon ng krimen dito sa kaharian natin. Bawat buwan na lang ay may nakakarating sa aking mga reports ng mga krimen. Kung hindi patay, kinidnap. Minsan hinohostage. Mawawalan ng tiwala ang mga tao sa atin at baka ang mga maliliit na tao ay bigla na lamang mag-aklas laban sa pamumuno ko.”
“Hindi naman po natin hahayaan na mangyari iyon, my King,” sabi ni Mayor Larry at tumango naman ang lahat.
“Oo nga po. Lalo na kaming mga knights King Albert,” sabi ni Chief Arturo.
“Siguraduhin niyo lang. ayokong dumating ang araw na babagsak ang pamumuno ko.”
Maagang natapos ang lingguhang pagpupulong ng mga miyembro ng inner circle. Kaagad na lumabas ng board room sina Mayor Larry, Valentine at si Congresswoman Ruby at kaagad na sumakay sa kanilang mga sasakyan.
Mahigit dalawang oras ang binayahe nila papunta sa bayan ng Sicinone, isang bayan sa timog-kanluran ng Azalea. Pagpasok nila doon ay kaagad silang hinarang ng mga knights na nasa border ng Mista upang tanungin ang purpose ng pagpasok nila sa Sicinone. Agad binuksan ni Mayor Larry ang bintana ng kotse niya at napayuko naman ang knight.
“Kayo po pala, Mayor Larry,” sabi ng knight at ngumiti naman ang mayor. “Sige po, puwede na kayong pumasok.”
Nilakihan ng knight ang pagbukas ng tarangkahan at mabilis na pumasok ang mga sasakyan. Higit trenta minutos pa sila naglakbay hanggang sa makarating sila sa isang mataas na building. Tinatayang may dalawampong palapag ang gusali. Pagpasok ay karamihan sa mga tao ay nakasuot ng kulay itim na corporate dress and suits. Sumakay sila ng elevator na may itim na pinto at pinindot ni Mayor Valentine ang button na may nakalagay na B7. Imbes na paakyat ang galaw ng elevator ay pababa ito. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa B7 at nang bumukas ang pinto ay sinalubong sila ng mga lalaking nakaitim ang pinagkaiba nga lang ay may mga nakalagay na brooch sa kanilang mga kuwelyo. Isang brooch na may insignia ng grupo. Isa itong itim na laso. Sa gitna ng laso ay may nakalagay na kulay pilak na baril.
Pumasok sila sa isang kuwarto at doon ay nakita nila ang iba pang kasapi ng grupo. Dito nila napansin ang isang kulungang salamin at sa loob nito ay isang babae. Nakapiring ng itim na tela ang mga mata nito at nakagapos ang mga kamay at paa. Gulanit na din ang putting bestida nito at may makikitang mga pasa sa braso at binti.
“O, ‘yan na ba ang asawa ng may-ari ng Supreme Malls?” tanong ni Valentine at naupo sa couch.
“Oo. Mukha na nga ring natikman ni Bossing ‘yan eh,” sagot ng isang miyembro ng grupo nila. Inabutan si Valentine ng isang baso ng whiskey na kaagad nitong kinuha.
“Anong balak ba diyan sa babae?” tanong ni Ruby at naupo na din sa couch, katabi ang asawa.
“Mukhang paglalaruan pa ni Boss,” sagot ni Rebecca sa kanya. Isang miyembro ng grupo ang babaeng si Rebecca na isang negosyante sa bayan ng Mista.
“Paiiyakin pa kamo ang asawa niyan,” sabi naman ni Larry at inisang lagok ang whiskey.
“Nandiyan na si Bossing,” sabi ni Valentine at tumayo na. nang marinig ito ng lahat ay nagsitayo na sila at ilang sandal pa ay pumasok na sa loob ng kuwarto isang lalaki. Tinatayang nasa edad na twenty-nine years old. Malaki ang pangangatawan, clean-cut ang buhok, maputi at may singkit na mga mata.
Siya si Felix Quintine, ang pinuno ng grupong Nastro Nero.
“Magandang araw!” bati nito sa kanila. Ang mga miyembro ay yumuko upang magbigay galang sa kanilang pinuno.
“Magandang Araw, Pinuno!” bati nilang lahat.
Lumapit si Felix sa kulungang salamin at pinagmasdan ang babae na nasa loob nito.
“Tawagan na ang asawa nito. Carlos,” tumingin si Felix sa isang lalaking may malaking tiyan at mya mga alahas na suot.
“Yes boss?”
“Tawagan mo na ang asawa nito. Sabihin mong ibibigay mo lang ang babaeng ito kapalit ng lahat ng Supreme Malls na hawak niya. kung hindi ibibigay, patayin na kaagad iyan,” utos nito.
Nagkatinginan at bulungan ang mga miyembro ng Nastro Nero. Akala nila ay pera ang hihilingin ng kanilang pinuno pero laking gulat nila na mismong negosyo nito ang kukunin at alam nilang imposibleng ibigay ito sa kanilang pinuno.
Ang Supreme Mall ay ang nag-iisang mall sa buong kaharian ng Azalea. Tanging si Juanito Alarcon ang nagmamay-ari nito. May sampong branches ito sa buong Azalea at nasa Mista ang pinakamalaking branch nito.
“Masusunod po, Pinuno,” sagot ni Carlos at lumabas na ng kuwarto para gawin ang inuutos sa kanya.
“So, let’s have a drink! Any minute by now mapapasaakin na ang Supreme Malls,” sabi ni Felix at itinaas ang baso niya na may lamang whiskey. Agad na napatango ang lahat at sabay-sabay nilang itinaas nag kanilang mga baso.
“Mabuhay si Pinuno!”
“Mabuhay!”
“Long live Nastro Nero!”
“Cheers!”
“Master Anton.” Napaikot na naman ang kanyang mga mata nang marinig ang tinig ng tagapag-alaga niya na si Aliyah.
“Bakit po Yaya Aliyah?” tanong niya. kasalukuyan siyang nasa hardin at nagbabakasakaling makitang muli ang batang si Menandro. Ngunit isang linggo na ang nakalipas mula ng magkakilala sila ay hindi na muli niyang nakita ang bata.
“Nandiyan na po sila Lord at Lady. Pinasasabi na bihisan ka dahil isasama ka nila pabalik ng Quirone,” sagot ni Aliyah at napabuntong hininga na lamang siya.
“Ayokong sumama Yaya. Dito lang ako,” sabi niya. napakamot naman ng ulo si Aliyah.
“Master, pagagalitan ako ni Lady Ruby niyan eh.” Muli niyang nilingon si Aliyah at napatigil nang makita ang ilang mga pasa sa braso nito. Naalala niyang sinaktan ng kanyang ina ang babae noong nakaraang araw dahil nabagsak nito ang lagayan ng mga alahas niya. Huminga siya ng malalim saka tumayo. Pinagpagan pa niya ang suot niyang maong shorts saka humarap sat aga-alaga niya.
“Let’s go na Yaya. Gusto ko ‘yung damit ko na gawa sa seda. Masarap sa katawan iyon eh,” sabi niya at hinawakan na ang kamay ni Aliyah. Ngumiti naman si Aliyah at sabay silang pumasok sa loob ng mansyon.
Pagpasok nila ay agad silang dumeretso sa kanyang kuwarto. Kaagad na inilabas ni Aliyah ang kanyang damit. Kulay asul ito na may magagandang burda at gawa sa pinakamahal na seda na tanging sa bayan ng Tempest lang mabibili. Inihanda din ni Aliyah ang kanyang pampaligo. Ilang minute din siyang nagbabayad sa bath tub.
“Yaya, bakit nandito ka pa rin?” tanong niya habang binibihasan siya ni Aliyah. Tumigil si Aliyah sa kanyang ginagawa at tiningnan siya. Kita niya ang pagtataka sa mga mata ng babae.
“Anong ibig mo pong sabihin Master? Ayaw mo na ba sa akin?” tanong sa kanya at umiling naman siya.
“Hindi po iyon ang ibig kong sabihin.”
“Eh ano po Master Anton?”
“Bakit hindi ka pa rin umaayaw kahit na sinasaktan ka ni Mommy? Halos lahat kayo, kahit na ang lupit nila Mommy at Daddy ay hindi pa rin kayo umaalis.” Ito talaga ang isa sa mga katanungan niya, kahit na malupit ang kanyang magulang ay nagagawa pa ring magtiis ng mga trabahador nila ang manatili dito. Kahit na palaging sinasaktan ng mommy niya ang mga maids katulad ni Aliyah ay hindi pa rin sila sumusuko at nananatili pa rin sa mansyon.
“Alam mo kasi Master Anton, bawat isa sa amin ay may mga dahilan kaya kahit ganoon kami tratuhin ay nananatili pa rin kami dito.”
“Anong dahilan Yaya? Ano bang dahilan mo?” tanong niya.
“Alam mo kasi Master Anton, galing ako sa maliit na village sa bayan ng Teckslon. Marami kaming magkakapatid, mga sampo kami at ako ang panganay. Noong fifteen years old ako ay namatay ang tatay ko dahil sa sakit at naiwan kami. Si nanay ay nagtatanim ng mga gulay, ang ilan kong kapatid ay nangingisda. Sobrang hirap ng buhay naming doon at gusto kong iahon sa kahirapan ang pamilya ko kaya nagdesisyon akong lumuwas papunta dito sa Mista. Mahirap ang trabaho at kalagayan dito pero para sa pamilya ko, titiisin ko ang lahat. May mga pangarap ako para sa pamilya ko at hinding hindi ako susuko.”
Sa palagay niya tama si Aliyah. Kaya siguro ang lahat ay nananatili pa rin dito ay dahil may mga pangarap sila. Bawat isa sa mga naglilingkod sa kanila ay may mga pangarap na gustong abutin. May mga pamilyang umaasa sa kanila kaya sila nagtitiis.
“Naiintindihan ko na Yaya,” sabi niya at niyakap niya ng mahigpit si Aliyah.
“Tara na?” tanong sa kanya at tumango naman siya bilang sagot. Pagbaba nila ay isinasakay na ang mga ilang gamit nila sa kotse at naghihintay na ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay abala sa kausap nito sa phone habang ang kanyang ama ay abala sa hawak nitong putting folder.
“Tara na, baka gabihin tayo sa daan,” sabi ni Mayor Larry at sumunod na siya sa kanyang ama. Naunang pumasok sa backseat ng van ang kanyang ama at sumunod naman ang kanyang ina. Pumasok na siya sa loob at umupo sa tabi ng kanyang ina.
Tahimik lang silang bumabyahe papunta sa bayan ng Qurione, ang Baluarte ng angkan ng mga Ferrer. Bihira lang din siya sumama sa kanyang magulang dahil mas gusto pa niyang manatili sa Mista. Habang bumabyahe sila ay bigla na lamang may lumagabog ng malakas at biglang huminto ang sasakyan. Halos humampas na siya sa upuan na nasa harapan niya at mabuti na lang ay agad siyang napakapit sa kanyang ina.
“Ano iyon?!” sigaw ni Mayor Larry at agad na humarap sa kanila ang head ng security ng kanyang ama na si Gregorio.
“May bumato sa atin Mayor,” sagot nito at dito niya nakita ang malaking lamat sa kanilang windshield.
“Who the hell is that?!” sigaw ng kanyang ama at lumabas ng kotse. Kaagad na sumunod ang mga bodyguards nila.
“Mayor! bumalik po kayo sa loob!” sigaw ni Gregorio.
“Mamamatay tao!!” sigaw ng isang lalaki. Nakasuot ito ng camisa de chino at maong na pantalon. Pawis na pawis ito at hingal na hingal. May hawak din itong malaking bato.
“Ikaw! Larry Ferrer ay isang mamamatay tao! A murderer! Pinatay mo ang pamilya ko! Pinatay mo ang buong angkan ko!” sigaw nito at binato ang kanyang ama. Unfortunately, ay natamaan sa braso ang kanyang ama at kitang kita niya ang pag-apoy ng mga mat anito sa galit.
“How dare you?!”
“PInatay mo ang pamilya ko! Dahil lang sa lupa ay binura mo ang angkan ko! Napakaitiim ng budhi mo! Napakasama mo!” sigaw ng lalaki.
“Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo Franco.”
“Ibalik mo ang buhay ng pamilya ko! Ng angkan ko! Ibalik mo sa amin ang lupa naming!”
“Gregorio, ligpitin niyo na iyan. Patahimikin niyo na,” utos ni Mayor Larry at walang ano-ano’y pinaputukan ni Gregorio sa ulo si Franco at agad bumulagta sa simento ang katawan nito.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksikan. Para bang napakadali na lang sa kanila ang kumuha ng buhay ng iba. Para bang napakaliit na bagay lamang ito. Napatingin siya sa kanyang ama na para bang walang nangyari at sumakay sa kotse. Nakita niyang binuhat ng ilang tauhan ng kanyang ama ang katawan ng lalaki at inihulog lamang sa bangin na para bang isang sako lamang.
Nakakagimbal na pangyayari. Hindi niya akalaing sagad sa buto ang kasamaan ng kanyang ama. Napatingin siya sa kanyang in ana para bang normal lang ang mga nangyayari. Wala siyang nakitang takot o pagkabigla sa mga mata nito.
“Bakit kasi hindi pa isinama iyon noong nag-utos ka?” tanong ni Lady Ruby at nailing na lang ang kanyang ama.
“Ewan ko dito kay Gregorio. Hindi inaayos ang trabahao.”
“Pasensya na po, Mayor. Akala ko po ay kasama siya sa natupok na bahay. Hindi ko po alam na nakaligtas siya.”