Chapter One: The Young Master Anton and the kid named Menandro
“Master Anton, kailangan niyo na pong magbihis.” Napalingon ang bata sa taga-alaga niya at muling tinanaw ang magandang siyudad ng Mista-ang kapitolyo ng Kingdom of Azalea. Aliw na aliw siya sa mga tao na abala sa kanilang mga gawain, trabaho o kung ano pa man. Aliw na aliw din siyang panuorin ang paglalaro ng mga bata sa gitna ng plaza, ang isa pa nga ay nagpapakain pa ng mga kalapati.
“Master, any minute po ay darating na po sila Lord Larry and Lady Ruby,” sabi ng kanyang taga-alaga at hawak ang kanyang damit.
“Bakit po kailangan ko pang magbihis? Hindi naman po marumi ang damit ko at saka nandito lang naman po ako sa bahay,” sagot niya at napakamot na lang sa ulo ang kanyang taga-alaga.
“Master Anton, kabilin-bilinan po kasi ni Lady Ruby na ito ang isuot mo kapag parating na sila.” Sabay taas ng isang kulay pulang longsleeves. Napakamot na lang ang bata sa kanyang ulo.
Ang dami namang alam ni Mommy.
Napabuntong hininga na lamang siya at bumaba sa couch na nasa tabi mismo ng bintana ng kanyang kuwarto. Lumapit siya sa kanyang taga-alaga at ginuide naman siya nito sa banyo at inasikaso na siya.
Ganito ang buhay niya bilang anak ng isang kilalang pamilya. Ang kanyang mga magulang ay ang mayor at congresswoman ng bayan ng Quirone. Tuwing Linggo kung umuuwi ang kanyang magulang dito sa mansyon nila sa Mista. Tuwing Huwebes naman sila uuwi ng Quirone para mag-angkat ng kanilang produkto. Kapag nandito naman sila sa Mista ay madalas nasa kastilyo sila ng Hari para gampanan ang kanilang mga posisyon bilang kasapi ng inner circle ng hari at ng reyna.
Sa totoo lang ay hindi niya naranasan ang magkaroon na normal na pagkabata. Sinasabi ng lahat na masuwerte siya dahil ipinanganak siya sa angkan ng mga Ferrer pero ang hindi nila alam na sa kabila ng kayamanang mayroon ang pamilya niya, nagtatago ang mga malulupit at mapang-aping miyembro ng angkan. Ganid at sakim sa kayamanan at kapangyarihan.
Saktong pagkatapos niyang magbihis ay nadinig nila ang makina ng sasakyan ng kanyang magulang. Walang gana siyang bumaba para salubungin ang kanyang mga magulang. Pagbaba niya ay nakahilera kaagad ang mga maids at butlers para magbigay galang sa mayor at sa congresswoman. Siya naman ay tumayo mismo sa paanan ng hagdanan at hinintay pumasok ang kanyang mga magulang.
Pinilit niyang hindi mapairap nang makitang pumasok na si Mayor Larry at si Congresswoman Ruby. Nakakapit sa braso ng kanyang ama ang kanyang in ana animo’y tuko at hindi na maihihiwalay pa. Malaki ang ngiti ng kanyang ina. Nagsusumigaw sa karangyaan ang mga suot nito sa katawan. Mula sa ipit sa buhok, sa hikaw, sa kwintas na may maliliit na saphire stones, sa porselas, ang damit na alam niyang gawa sa pinakamahal na tela, ang sapatos na tanging mabibili lamang sa kaharian ng Azalea at ang shoulder bag nito na alam niyang ilang gintong barya ang halaga. Alam niya na sa kabila ng malaking ngiti nito ay ang mabahong pag-uugali.
“Welcome home Lord Larry and Lady Ruby,” sabi ng mga tauhan nila at sabay-sabay silang yumuko. Hindi ito pinansin ng kanyang mga magulang, tuloy-tuloy lang silang naglakad at tumigil sa tapat niya.
“Anton,” sabi ng kanyang ama. “Kumusta?” tanong sa kanya at pinilit niyang hindi magpakita ng reaksyon. Palaging ganito ang kanilang tagpo, tatanungin siya kung kumusta siya kahit alam nitong wala namang pagbabago sa takbo ng buhay niya.
Malungkot, napakaboring.
“Ayos lang. Welcome home Mommy and Daddy,” sabi niya at yumuko siya bilang paggalang. Nakatanggap lang siya ng pat sa kanyang ulo bago umakyat ang kanyang magulang sa itaas. Nang pumasok na sa kuwarto nila ay dinig na dinig niya ang pagbuntong hininga ng kanilang mga tauhan. Para bang nga nabunutan ng tinik sa kanilang mga dibdib.
“Master Anton,” napatingin siya kay Aliyah-ang kanyang tagapag-alaga.
“Sa garden lang ako. Huwag mo na akong samahan pa. Gusto kong mapag-isa,” sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng mansyon para magtungo sa kanilang hardin.
Paglabas niya ay sinalubong siya ng sariwang hangin. Bumungad sa kanya ang mga naggagandahang bulaklak na alam niyang inaalagaan ng husto ng kanilang mga hardinero.
“How dare you?!” Napalingon siya ng dumagundong ang boses ng kanyang ina. Napabuntong hininga na lamang siya.
Paniguradong paparusahan na naman ang maid.
“Tulong, baka puwede mo akong tulungan?” Agad siyang napalingon at nakita ang isang bata na nakakapit sa bakod ng kanilang hardin. Tumayo siya at tiningnan ang paligid bago niya nilapitan ang bata.
“Umalis ka diyan. Baka makita ka nila,” sabi niya at kaagad na bumitaw ang bata sa bakod.
“Baka puwede mo akong tulungan. Ilang araw na akong hindi kumakain,” sabi ng bata.
“Doon, punta ka sa dulo. Doon tayo mag-usap. Baka may makakita sa atin at maparusahan ka bigla,” sabi niya at naglakad na papunta sa dulo bakuran.
Nang makarating doon ay agad siyang lumapit sa bata. Dito niya napagmasdan ang batang lalaki. Mukhang kasing edad lang niya, tinatayang nasa walong taong gulang. Gula-gulanit ang suot nito at marusing. Hindi niya maiwasang mapatakip ng ilong dahil sa amoy nito. Hindi naman niya sinasadya pero kita niya ang lungkot sa mga mata ng bata ng gawin niya ito.
“Ano bang maipaglilingkod ko sayo?” tanong niya.
“Baka puwedeng mabigyan moa ko ng makakain. Ilang araw na akong hindi kumakain,” sagot ng bata sa kanya. Lumingon siya sa paligid bago kumuha ng bunga ng mansanas sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi kataasan ang puno kaya madali lang siya nakapitas. Pumitas siya ng tatlong piraso at agad na ibinigay sa bata. Pinilit niyang pagkasyahin sa siwang ng bakod ang mga mansanas para maibigay lang sa bata. Nang makalusot ang mga mansanas ay tuwang-tuwa ang bata. Hinipan-hipan pa ito ng bata bago kinagatan at nakangiting kumain.
“Salamat sa iyo. Ano palang pangalan mo?” tanong sa kanya.
“Anton Ferrer. Ikaw?”
“Menandro,” sagot nito sa kanya.
“Menandro?”
“Menandro lang. Wala akong apelyido kasi wala naman akong magulang. Palaboy-laboy lang ako dito sa Mista,” sagot sa kanya.
“Master Anton, maraming Salamat. Ilang araw na akong walang kinakain. Palagi akong pinagtatabuyan ng mga tao kas inga palaboy lang ako.”
“Anton na lang. huwag mo na akong tawaging master,” sabi niya at umiling naman si Menandro.
“Hindi. Master kita. Ikaw lang ang hindi nagdalawang isip na tulungan ako.”
“Siguro naman ay marami pang tutulong sa iyo, hindi mo lang sila nakikilala pa.”
“Pero Salamat dito. Malutong at matamis ang mansanas. Ngayon na lang ulit ako nakakain nito. Una kasi noong nagnakaw ako ng isang piraso sa palengke.”
“Huwag ka ng magnanakaw. Masama iyon, kapag nagugutom ka punta ka lang dito. Basta ityempo mong nandito ako. Huwag kang magpapakita sa kahit na sino man maliban sa akin. Baka kasi kung ano ang gawin nila sa iyo. Malupit kasi ang pamilya ko,” sabi niya at tumango naman si Menandro.
Muli siyang pumitas ng mansanas sap uno at ngayon nga ay limang piraso ang kinuha niya. muli niyang iniabot kay menandro ang mga prutas na agad namang kinuha.
“Ang dami nito.”
“Reserba mo para sa ilang araw,” sagot niya. “Nabubulok lang iyan kapag hindi kinuha. Sayang lang kung nagkataon.”
“Maraming Salamat, Master Anton.”
“Anton!” sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Alam niyang boses iyon ng kanyang ina.
“Umalis ka na. Si mommy ko iyon,” sabi niya at agad na tumakbo palayo na si Menandro.
“Anton! Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Lady Ruby sa kanya.
“Wala po. May kinuha lang po,” sagot niya.
“Tara na. Kanina pa naghihintay ang iyong ama,” sabi sa kanya at nauna ng tumalikod. Muli niyang nilingon kung saan tumakbo si Menandro saka niya sinundan ang ina.
Pagpasok niya sa dining hall ay nakita na niya si Lord Larry na nakaupo na sa unahan ng mahaba nilang hapag-kainan. Tahimik lang siyang umupo sa kaliwa ng ama at agad siyang hinainan ng pagkain ng isang butler.
“Mamayang gabi ay may darating kaming bisita. I want you to stay in your room okay?” sabi ni Lord Larry sa kanya.
“A visitor? Bakit parang tuwing gabi ay nagkakaroon ka ng vistor dad? Napaka-unsual naman yata,” he said at sumubo ng kanyang steak. Bigla naman siyang napatigil nangh tingnan siya ng kanyang ama.
“So, you’re questioning me? Ano ngayon kung gabi ang mga bisita ko? Sinasabi ko lang sa iyo na mag-stay ka sa room mo so that you will disturb us.”
Napabuntong hininga na lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na siya muling nagsalita pa.
“Ano ka ba?!” napatingin siya ng biglang sumigaw ang kanyang ina. Nakita niyang nanginig sa takot ang isang maid dahil sa pagsigaw ng kanyang ina.
Nakita niya ang natapong juice sa harapan ng kanyang ina at tumapon din ito sa legs ni Ladu Ruby.
“P-pasensya na po,” sabi ng maid at kinuha ang table napkin para punasan ang legs ni Lady ruby ngunit tinadyakan ito ng kanyang ina.
“Don’t touch me! Simpleng pagsasalin lang ng inumin ay hindi mo magawa ng maayos!”
Sa galit ng kanyang ina ay kinuha ang isang pitchel ng orange juice at itinapon ito sa maid. Napayuko na lamang siya. Hindi niya maatim na ganito lamang kung tratuhin ng kanyang pamilya ang mga tauhan nila. Hindi niya alam kung bakit ganito kalupit ang kanyang ina.
“Mommy, tam ana po iyan,” sabi niya at tanging matalim na titig lang ang natanggap niya mula kay Lady Ruby.
“Huwag kang makialam dito, Anton. Dapat alam nila kung sino tayo Anton. Hindi natin dapat hinahayaan na ganituhin tayo. Tayo ang nasa taas. Marunong dapat silang lumugar!”
Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang tingnan na lang ang maid na sinasaktan ng kanyang ina. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang maawa para sa maid.
“Pakilayo na nga iyang maid,” utos ni Lord Larry at agad na sumunod ang isang butler at inilayo na ang maid sa kanila.
“Ito ang nakakainis sa mga mangmang na katulad nila. Simpleng bagay lang hindi magawa ng tama!”
“Honey, huwag ka ng maistress,” sabi ng kanyang ama.
“Balita ko may pinaligpit ka ah,” sabi ni Valentine, ang mayor ng bayan ng Beaucrine. Sumimsim muna ng alak si Larry bago sinagot ang kausap.
“Ah oo. Pilit binabawi ang lupang sakahan nila. Hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang lupang iyon. Malakas ang kita ng kape kaya bakit ko ibibigay?”
“Iba ka talaga Larry. Noong isang linggo nga ay may pinaligpit din na angkan si Gregory. Tungkol naman ata sa negosyo iyon. Kakumpetensya ba.”
“May balita na ba sa susunod na mission?” tanong ni Ruby at napalingon naman sa kanya si Valentine. Tumayo si Valentine mula sa couch at kumuha ng brandy saka nagsalin sa kanyang baso.
“Balita ko mga tauhan na ni Ramon ang nagtrabaho n’un. Nakuha na nila ang asawa ng may-ari ng Supreme Mall.”
“O tapos? Nakakuha na sila ng ransom?” tanong ni Larry at umiling naman si Valentine.
“Hindi pa, wala pang inilalapag na presyo si Felix.”
“Malamang tataasan ni Boss iyan. Ma-ari ng Supreme Mall eh. Hindi ba isa sa mayayaman ‘yan dito sa atin?” tanong ni Ruby at tumango naman si Valentine.
“Oo. Ang alam ko ay halos kasunod na niya sa yaman ang hari natin. Usap-usapan noon na gustong kunin ng hari iyan para maging kasapi ng inner circle pero tumanggi daw ito dahil walang interes sa pulitika. Gusto lang daw mag-focus sa negosyo.”
“Ngayon ay sisimutin ang negosyo niya. yari siya kay Felix,” sabi ni Larry at nagtawanan silang lahat.
“May meeting pala tayo bukas ng mga kasapi ng inner circle. Ano na naman kayang agenda bukas?” tanong ni Ruby.
“Ganoon pa din. Dapat mamatay na ang hari ng mapalitan na natin ang pamumuno niya. masyadong goody-goody eh,” sabi ni Valentine at muli ay nagtawanan sila.
Tahimik lang na nakikinig si Anton sa kanyang mga magulang. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga naririnig. Sagad na sa buto ang kasamaan ng kanyang magulang.
Pinapangako ko na hinding hindi ako susunod sa mga yapak nila. Hinding hindi ko sila tutularan. Ganid sa pera at kapangyarihan. Hinding hindi ko hahayaang aalipustahin lang nila ang mga simpleng mamayan ng Azalea. Maging ang hari ay gusto na nilang mamatay. Hindi ko maisip kung bakit sila pa ang naging magulang ko.