Chapter Fifty-two: The Story of Charlie Asistio “Ne, Charlie.” Napatingin siya sa kanyang kaibigan na si Reggie na may hawak na softdrinks. Kasalukuyan silang nasa canteen at lunch break nila. Siya si Charlie Asistio. Isang third-year college student sa Universidad de Froilandon at kumukuha ng kursong Business Management. Kilala siya sa department nila bilang anak ng vice-chairman ng buong university. “O bakit?” tanong niya at kumagat sa kanyang hotdog sandwich. “Have you been to a place called red-light district?” Napatigil siya sa pagkain ng marinig ang lugar na iyon. Ang red light district ay lugar sa Mista kung saan talamak ang p**********n. Mga legal business naman ang lugar na iyon pero masyadong mababa ang reputasyon. Kadalasan na mga parokyano ay ang mga mid