Chapter Fifty-one: The Story of Alyana Bugarin Part II Simula ng gabing iyon ay nagtuloy-tuloy na ang pagkanta niya sa restobar na iyon. Kahit pa gumaling na ang kanyang ina sa sakit ay nagpatuloy na siyang pumasok sa lugar na iyon. Kung dati ay si Ms. Lovely ang inaabangan, ngayon ay si Alyana na. Hinahanap-hanap ng mga customer ang mala-anghel na boses ng dalaga. “Alyana, ako na lang ang magtatrabaho. Ang dapat mong gawin ay mag-focus sa pag-aaral. Papaano ka makakahanap ng magandang trabaho kung hindi ka magtatapos? Hanggang dito na lang ba tayo?” tanong ng kanyang ina isang umaga habang nag-aalmusal. Nilunok niya muna ang kanyang nginunguyang pandesal bago sinagot ang ina. “Ma, maganda ng ana dalawa tayong kumakayod. Ayokong naghihintay na lang ng grasya. Tingnan