Kabanata IX

1908 Words
"Alam mo ba kung anong oras na?" Natigilan si Lyra nang marinig ang boses ni Crescent nang makapasok siya sa kanyang kuwarto. Naroon ito sa loob, nakahalukipkip habang nakasandal malapit sa bintana. Masama ang loob niya dito kaya naman hindi siya kumibo at iniayos na lamang ang sapin ng kama niya na nakasalansan sa isang gilid. Tahimik niyang ginawa iyon, malaki na siya para palaging magpaalam dito. Isa pa ito naman ang basta na lamang hindi pumansin sa kanya. “Hindi ka nagpaalam,” “Wala naman akong gagawin, isa pa abala kayong lahat sa darating na bisita kaya hindi na ako nagpaalam, kung hindi ako umalis baka hindi naging masaya ang kaarawan ko," malamig at puno nang hinampong sagot niya. “Matutulog na 'ko, sige na matulog ka na rin,” nahiga na siya matapos iayos ang sapin at hinila ang kumot niya para tumabon sa sariling katawan. Tumagilid siya sa ibang direksyon at pinilit ipikit ang mga mata, lalo na nang maramdaman niya ang pag-upo nito sa kanyang kama “May galit ka ba sa ‘kin, Lyra?” tanong nito habang hinahaplos ang buhok niya.  Hindi siya sumagot, alam naman niya na hindi siya galit, at hindi niya magawang magalit dito. “Lyra,” pukaw atensyon nito. “Hindi,” matipid niyang sagot nang hindi nagmumulat ng mga mata. “Kausapin mo 'ko,” mahinahon at malambing na wika ni Crescent, amoy na amoy ni Lyra ang mabangong amoy ng bulaklak sa kasuotan nito. Gusto ni Crescent ang mga bulaklak at napatunayan niya iyon, rosas na puti ang pinaka-paborito nito. “Bukas na nga lang,” aniya na pinipigil maiyak pagdating dito iyakin siya at emosyonal, hindi niya 'to gustong tiisin. “Lyra,” May babala na sa boses nito, mabilis itong mainis iyon ang napatunayan niya ng matagal na niya 'tong nakakasama. “Ano bang gusto mong pag-usapan?” naiinis na naupo siya at hinarap ito. Natigilan siya nang biglang hawakan nito ang baba niya at hinalikan siya sa mga labi ng walang paalam. Wala siyang maapuhap na salita sa ginawa nito. Ilang segundo lamang iyon at naglapat lang ang mga labi nila pero nang muli silang magkatitigan tila nalunok ni Lyra ang dila niya. Hinahalikan ba ang kapatid sa labi? Ang kaibigan? Ang anak? Hindi 'di ba? Ibig bang sabihin, si Crescent maaari ring may ibang damdamin para sa kanya? Muli ay hinawakan nito ang baba niya, papalapit nang papalapit ang mapulang labi nito sa labi niyang bahagyang nakaawang. Mainit at mabango ang paghinga nito na malapit na malapit sa mukha niya. Marahan niyang ipinikit ang mga mata at tila may kung anong kuryente ang gumapang sa katawan niya nang muling maglapat ang mga labi nila. Malambot ang labi nito, mabagal ang pag-galaw na tila ingat na ingat na hindi siya masaktan. Napahawak siya sa batok ni Crescent at kahit hindi niya 'to masundan ay damang-dama niya ang kakaibang kiliti niyon sa damdamin niya. Pakiramdam niya hindi na lang siya basta umaasa sa wala, ang halik nito ang nagpapatunay na maaari siyang umasang maging magkatugma ang himig ng mga puso nila. Napatunayan niya ngayon na isang babae ang tingin nito sa kanya isang babae na hindi kapatid at hindi anak na kagaya nang iniisip ng halos lahat ng naroon. Ang unang halik niya mula sa lalaking iniibig niya noon pa mang bata siya. Hindi niya nagawang hanapin ang nakaraan niya dahil sa binuo na ni Crescent ang buhay niya at dito niya ginugol bawat oras na mayroon siya. Hindi man niya narinig ang mga salitang gusto niyang marinig sobra nang tuwa ang nararamdaman niya sa nabatid na isa na nga siyang dalaga sa paningin nito. Iyon ang pinaka masayang kaarawan na naganap sa kanya. Walang bulaklak, walang regalo, walang kahit na anong materyal na bagay kundi ang kapiling niya ang lalaking itinatangi ng puso niya. Katabi niya 'tong matulog at hindi niya magawang ipikit ang mga mata dahil sa damang-dama niya ang paghinga nito. Mahaba ang pilik-mata ni Crescent, matangos ang ilong at mapula ang labi. Natatawa siya sa isiping palagi niyang inilalarawan ito sa isipan niya. Nakapikit ito kaya naman agad niyang niyakap ito. Hindi ito tulad nang ibang lalaking malaking-malaki ang katawan. Paano ba niya ilalarawan kung hindi pa niya 'to nakikitang nakahubad? At sa isiping iyon pinamulahan siya. Naramdaman nya ng masuyong halik nit Crescent sa noo niya nang hinihila na siya ng antok. “Hindi ka maaring maging masaya sa iba, sa 'kin lang,” ani Crescent sa sarili habang nilalaro sa hintuturo ang buhok ni Lyra. Naninibugho siya nang makita ang ngiti sa labi nito kasama ang kapatid niya, gusto niyang pagpira-pirasuhin ito sa paraan nang pakikipagtitigan nito sa kanyang si Lyra. “Papatayin ko lahat ng mananakit sa 'yo, lilikha ako ng isang paraiso para lamang sa 'yo , hindi ko hahayaan na mabuhay ang mga nilalang na magtatangkang kunin ka sa 'kin Lyra,” sa kabila ng mala-anghel nyang pisikal na anyo ay may naatagong tunay nitong katauhan na hindi nakikita ni Lyra sa loob ng labing-isang taon na kasama niya ito. Ilan na nga ba ang pinatay niya para kay Lyra? Ilang huwad na Crescent na ba ang nilikha niya para lang maging kaaya-aya siya para rito? Si Lyra ang natatanging dahilan nang pag ngiti niya. Hindi maaaring pangitiin ito nang iba maliban sa kanya. Wala itong ibang hahangaan at mamahalin kung hindi siya lamang. Iniangat niya ang baba nito at bahagyang nakaawang ang maliit na labi nito. Marahan niya 'yong hinalikan kasunod sa noo nito. "Simula nang matagpuan kita, nagsimula ka ng maging akin. Ako lang ang kailangan mo at hindi ang iba. Hindi ko gustong takutin ka sa katauhan ko, mas masahol pa 'ko sa Diablo kung susubukan ka nilang agawin sa 'kin...” Bumaba ang palad niya sa itim na itim at makintab na buhok ni Lyra.     NANG magising si Lyra wala na si Crescent sa tabi niya. Pero ang isang gabing kayakap niya 'to ang hindi na makapag-alis ng ngiti sa labi niya. Hindi siya kaagad bumangon at marahan pang hinaplos ang labi niya. Napakalambot ng labi nito, parang ang tamis-tamis ng halik nito at apektado ng halik ang buong katawan niya. Hindi niya maipaliwanag kung anong sensasyon ang lumukob bigla sa kanya. Walang malinaw na relasyon pero kung hinalikan na siya nito, nabawasan talaga ng malaki ang alalahanin niya na anak o kapatid ang tingin nito sa kanya. Bumangon na siya at iniayos ang higaan niya at nagtuloy sa paliguan. Hanggang doon naalala niya ang hitsura nito nang halikan siya—wala talagang hihigit dito! Kahit gaano karaming lalaking may magandang hitsura, may kakaiba kay Crescent na hindi niya talaga kayang iwaksi 'to sa kanyang isipan! Habang nakalubog siya sa paliguan naimahe niya si Crescent na nakatayo sa harapan niya at iniaalis ang kasuotan nito kaya kaagad niyang ipinilig ang ulo dahil nag-iinit ang mukha niya. Inilublob niya ang ulo sa tubig para mawala ang init na nararamdaman. Nang matapos maligo at makapagbihis na nang pangkaraniwan lumabas na siya para tumulong sa gawain pero sakto naman na lumabas si Tomo sa k'warto ni Crescent. "Lyra, puntahan mo ang Panginoon! Dalian mo!" "Sige," ngiting-ngiting iniayos pa niya ang buhok. "Maayos na ba 'ko?" tanong niya kay Tomo. "Wala namang nagbago, pangit ka pa rin!" singhal nito. Sinimangutan niya 'to at nagmamadaling pumunta sa pintuan ng k'warto ni Crescent. Kumatok siya nang tatlong beses bago itinulak ang pintuan nito. Nakita niya kaagad 'to na umiinom ng tsa'a sa maliit na mesa at nakangiti kaagad 'tong sumalubong sa kanya. Iyong puso niya parang gusto nang kumawala sa katawan niya. "Nakahanda na ang mga isusuot mo sa eskuwelahan na papasukan mo sa labas." Iyong ngiti ni Lyra naglaho sa narinig, "Papasukan sa labas?" Hindi na siya mananatili sa kastilyo? Tumayo 'to at lumapit sa kanya, hinawakan nito ang mukha niya at iniangat rito saka siya nginitian, "Kailangan mong mag-aral doon, iyon ang napag-usapan namin ng hari noon." "Inilalayo nila 'ko sa 'yo," hinawakan niya ang palad nitong nasa mukha niya. Nanatiling nakangiti si Crescent, "Nag-aaral ang mga taong lobo sa labas, ikaw na tao hindi mo gustong lumabas? Gusto mo ba na suwayin natin ang hari?" Umiling si Lyra, nakakatakot ang hari, hindi niya gustong mapagalitan nito. Mabuti na nga lang at hindi 'to katulad ng mga asawa nito na minsan siyang pinag-initan. Ang hari, kundi siya lalagpasan kapag nakita siya ay tataguan naman niya 'to kung siya ang unang makakakita rito. "Ako ang magbabantay sa 'yo." Hinalikan nito ang noo niya. Namula si Lyra at hindi niya maiwasang mahiya dahil alam niyang pansin na pansin nito ang pamumula niya. "Sumabay ka nang mag-almusal sa 'min..." "Ayoko!" gusto niya 'tong kasama pero hindi ang buong pamilya nito. Nangiti lalo si Crescent, "Kung gano'n tayo na lang dalawa ang mag-aalmusal ng sabay?" Umiling siya, "Hindi 'yon magugustuhan ng hari, ayos na 'kong malaman na makakakain ka ng maayos." Halos 'di niya 'to matingnan. "Gusto kitang kasabay, Lyra." Tiningala niya 'to at nagsalubong ang mga tingin nila. Naghalusinasyon lang ba siya? Bigla parang nakita niya 'tong nag-iba ng awra, iyong hinahon nito napalitan 'yon ng kakaibang kalamigan pero alam niyang hindi 'yon tono ng isang galit. "Lyra?" Doon siya nabalik sa realidad. "Hala!" Natutop niya ang bibig bakit biglang nasa pintuan na sila ng hapagkainan kung saan kakain ang pamilya Wolveus, kanina nakatingin lang siya rito. Inaya siya nitong pumasok, hindi na siya nakapagsalita dahil lahat halos nakatingin sa kanya. "Magdagdag ka ng plato para kay Lyra," mahinahong utos ni Crescent sa isang tagasilbi. "Masusunod, kamahalan." "Cres—" tiningala niya 'to at ngiti lang ang iginanti nito sa kanya. Naroon ang babaeng bisita na at matalim ang titig nito sa kanya kaya naman muntik na siyang mapaatras lalo at ganoon din ang tingin ng hari sa kanya. Katabi niya si Crescent nang maupo sila at hindi niya alam kung paano kakain gamit ang mga gintong kubyertos sa harapan ng mga matataas na kapamilya ni Crescent. "Kumain kang mabuti, para mabilis kang lumaki." Nasimangutan niya 'to, "Matangkad ka lang talaga at—" nahihiyang bumalik siya sa pagkain dahil nakalimutan niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Nagsimulang lagyan siya ni Crescent ng pagkain kaya naman kinain niya 'yon. Napansin niya na hindi 'to kumakain kaya pasimpleng tiningnan niya 'to pero nakapangalumbaba 'to paharap sa kanya at ngiting-ngiti na nagpapula nang husto ng pisngi niya. Nasa almusal pa lang sila! Tumikhim ang hari, kaya nabaling ang atensiyon nila rito. "Hindi ka ba kakain, Crescent?" malaki talaga ang boses nito, sapat para matakot na naman si Lyra. "Hindi ko magawang kumain dahil nahahalina ako sa pagkain ni Lyra, kahit na ilang taon na ang lumipas mukha pa rin siyang manyikang gumagalaw,” nangingiting sabi ni Crescent. Damang-dama ni Lyra na lahat ng mata napokus sa kanya, gusto niya nang maglaho sa oras na 'yon. Iyong kilig at kahihiyan sabay niyang nararamdaman sa oras na 'yon. “Kumain ka na…” si Lyra na tila lalamunin na nang kahihiyan. Nangiti naman si Crescent saka iginalaw ang mga kubyertos. Pero may pagkakataon na tumitingin ito sa kanya na may ngiti sa labi. Kinabukasan aalis na siya kasama ang dalawang makakasama niya. Kahit tutol siya ay desisyon 'yon ng hari kaya pinilit na lang niyang ngumiti. Buong araw siyang nagpahinga matapos ayusin ang mga gamit. "Kailangan ko bang mangamba na pinapaalis nila 'ko? Paano kung simula na 'to nang pagtataboy nila sa 'kin para malayo na 'ko kay Crescent?"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD