bc

RAISED BY WOLVES

book_age16+
256
FOLLOW
1.1K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Sa kagubatan natagpuan ni Lyra si Crescent, limang taong gulang lamang siya ng makita ang anghel na may pilak na buhok. Pakiramdam niya ligtas na siya sa masasamang bampirang humahabol sa kanya. Hindi niya alam na higit pa pa lang demonyo ang lalaking may pilak na buhok kesa sa inaakala niyang masasamang mga bampira. Pero paano nga ba niya ‘yon malalaman kung ito mismo, inililihim sa kanya ang sariling katauhan? At simula pagkabata, tumibok ang puso niya para rito. Kaya nga, higit niyang piniling maging tagasilbi nito kesa maging anak nito na unang plano ng lalaki. Gusto niyang sa kanyang pagdadalaga, makita rin siya nito hindi bilang anak o kapatid kundi bilang isang babaeng puwedeng mahalin.

chap-preview
Free preview
Kabanata I
  Kabanata I Marahang pinipitas nang isang limang taong gulang na batang babae ang iba’t ibang kulay na bulaklak na bagaman hindi niya alam kung anong klase ang mga ‘yon ay nawiwili siya sa ginagawa. Dumaan sa kanyang isipan si Crescent, hindi niya tuloy mapigilan ang pag-ukit ng ngiti sa labi. Pinagmasdan niya ang buong paligid, para talaga siyang nasa isang malawak na hardin. Dahil tuktok rin iyon ng isang burol, malakas ang sariwang hangin na isinasayaw ang mga dahon, bulaklak at mga kapunuan. Crescent… Si Crescent ay isang taong-lobo na nag-aangkin ng hitsura ng isang anghel. “Anong anghel ang pinagsasabi mo, hindi mo ba alam na prinsipe ng mga lobo ang Panginoon ko?!” Kung hindi sinabi ng maliit na goblin na ‘yon na hindi siya anghel, iisipin kong anghel siya na wala lang mga pakpak. Mahaba ang kulay pilak na buhok ni Crescent, may pares siya ng asul at gintong mga mata na tila mamahaling mga bato. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mapulang labi. Ang kaputian niya ay nakasisilaw maging ang kanyang kakinisan ay halatang inalagaan nang husto. Napakahirap nitong ilarawan, ang alam niya lang ay napakaganda ng hitsura nito. Mukhang kahit na anong salita ang sabihin ko, hindi sasapat para ilarawan man lang ang kaperpektuhan ng kanyang anyo.  “Ano bang pinaggagawa mo ha?!” Nagulat ang batang babae nang marinig ang malakas at matinis na boses ng goblin na mas maliit pa sa kanya. Kulay berde ito at may hawak na mataas na baston na tila yari sa metal at ang ibabaw no’n ay isang crystal na ang loob ay compass. May iba’t ibang marka ang compass. “Ikinukuha ko lang ang prinsipe ng mga bulaklak para—“ “Hindi niya kailangan ‘yan!” Halos lumawit ang litid nito sa pagsigaw. Nakaramdam siya ng takot dahil mukhang galit na galit ang goblin. Iniligtas siya ni Crescent sa kamatayan nang tangkain siyang saktan ng tatlong bampirang humahabol sa kanya sa kagubatan. Lumitaw ang goblin na nasa harapan nang maitaboy ni Crescent ang mga bampira. Kahit mukha itong anghel, mukhang kinatatakutan ito maging ng mga bampira. Iniwanan nga sila ngayong dalawa ni Crescent sa isang burol. Pero sinabi nito sa kanya na babalikan sila.  “Pasensiya ka na,” nangingilid ang kanyang luha sa takot na saktan nito. Nanatili na lang siyang nakatayo habang nilalaro ang mga bulaklak sa palad. Sana bumalik na si Crescent. “Ano bang mahalaga sa ‘yo! Bakit ako pinagbabantay ng isang gusgusing batang babaeng katulad mo! Hindi yata’t ginagawa akong katatawanan ng Panginoon! Nasisira ng dignindad bilang kanyang kanang kamay!” Babagsak na ang mga luha ng batang babae pero pigil na pigil siya. Hindi niya gustong umiyak. Lumayo na ito sa kanya kaya naman kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Bumalik sa kanyang alaala ang naganap sa kagubatan kagabi. Tumatakbo siya at hinahabol ng tatlong bampira. Takot na takot siya  habang humihingi ng tulong. Hindi niya magawang huminto kahit napakarami ng putik ng kasuotan niyang kulay rosas na pantulog. Habang tumatakbo siya, mabilis na nabubura ang kanyang mga alaala at nasisiguro niya nang makita niya si Crescent na nakatayo sa kanyang harapan para tulungan siya, wala na siyang anumang alaala sa sarili. “Binibini, anong pangalan mo?” Hinawi nito ang buhok niyang humarang sa mukha. Tumila na rin ang malakas na pag-ulan. Nakatungo ito sa kanya at may magandang ngiti. “H-hindi ko alam, hindi ko alam!” nahintatakutang sigaw niya. Hinaplos nito ang kanyang ulo. “Hindi mo kailangang mag-alala,” muli gumuhit ang ngiti sa mala-anghel nitong hitsura. Tumingala ito sa kalangitan at kaagad nagbalik sa kanya, “Habang hindi mo pa alam ang pangalan mo, ikaw na muna si Lyra.” “Lyra.” Kaagad nag-angat ng ulo si Lyra nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon. “Lyra, i-ikaw a-anong pangalan mo?” “Crescent.” Palapit ito sa kanya habang humahabol dito ang goblin na kanina lang ay pinagagalitan siya. Parang anghel talaga ito lalo at tinatangay ang mahabang buhok nito ng hangin. Nasa labi nito ang isang ngiti. Puting-puti rin ang kasuotan nito na nadidisenyuhan ng mga maliliit na sinulsing bulaklak na kulay rosas. Iba talaga ang epekto nito sa kanyang batang-puso. Humahanga siya rito nang sobra-sobra. Natataranta siya sa unti-unti nitong paglapit. “Panginoon, ipapatapon mo na ba sa ‘kin ang gusgusing batang ‘yan?!” tanong ng Goblin. Natakot si Lyra sa sinabi nito. Pero nanatili ang ngiti sa labi ni Crescent na tumungo nang makalapit na sa kanya. “Natagalan ka ba sa paghihintay sa ‘kin, Lyra?” masuyong tanong nito. Umiling siya at hindi mapigil ang pamulahan. Napakalapit nang guwapo nitong mukha. Wala man lang ito kahit kaunting kapintasan. “P-para sa ‘yo!” Idineretso ni Lyra ang dalawang palad para iabot ang mga bulaklak na pinitas. Hindi nito pinuri ang bulaklak at tinitigan lang. Nakaramdam ng kahihiyan si Lyra kaya kaagad niyang ibinaba ang mga palad. “Hindi mo pala gusto ang mga bulaklak. Patawad.” Nahihiya’t tungong-tungong aniya. Pinili pa man din niya ang pinakamagaganda. Itinago na lang niya ang mga ‘yon sa kanyang likuran. “Lyra,” kinuha nito ang kanyang palad sa likuran, “Gusto ko ang mga bulaklak,” anito nang makuha ang mga ‘yon. Hindi malaman ng bata kung paano niya kokontrolin ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Iniayos ni Crescent ang buhok niyang tumabing sa kanyang mukha at isinipit sa likuran ng kanyang tainga. “Lyra, magaganda ang mga napili mo.” Puri nito habang iniaayos ang mga bulaklak at pinagdidikit-dikit. Namamangha naman si Lyra sa ginagawa ni Crescent. Nang magbalik ito ng tingin sa kanya ay nakangiti ito. “Ang bulaklak ay higit na nababagay sa munting prinsesa sa ‘king harapan.” Marahan nitong inilagay na tila korona ang bulaklak na binilog. Pinamulahan nang husto si Lyra. Kumakalabog ang kanyang dibdib. Napakaganda nang ngiti ni Crescent. Napakalamyos ng boses at higit sa lahat, napakarahan nitong lalaki. Para sa kanya, isa talaga itong tunay na anghel. Tumayo na si Crescent. Si Tomo naman ay takang-taka at pinanlalakihan ng mata. Hindi siya makapaniwala sa ginawi ng kanyang Panginoon. Hindi ito ganoong uri ng nilalang. Pitumpung taon niya na itong pinagsisilbihan. At kahit kailan, hindi sumagi sa kanyang isipan na may ganito itong aktong gagawin na lubhang nakapangingilabot dahil parang hindi ito iyon. Si Crescent na kanyang pinagsisilbihan ay bunso sa magkakapatid na Wolveus. Naninirahan si Crescent sa malaking kastilyo ng mga lobo sa kagubatan, bagaman ang bahagi na iyon ay may harang upang hindi mapuntahan ng mga manlalakbay at kung sino man. Si Crescent ang naninirahan kasama ang amang hari    Sa haba ng panahon na pinagsisilbihan niya si Crescent, alam na alam niya kung gaano kasahol sa demonyo ang pamamaraan nito. Maging ang mga bampira, kinatatakutan siya dahil sino man ang humarang sa kanyang daraanan na may nakadidiring amoy katulad ng sa bampira ay kaagad nitong papaslangin nang walang awa. Hindi kaya itong ‘Lyra’ na ‘to ang kauna-unahang taong kakainin ng Panginoon? O baka ang hitsura ng mortal na batang babae na napakaamo at may angking kariktan lalo na kung ito’y magdadalaga ang dahilan? Hindi kaya nakikita siya ng Panginoon bilang isang anak? “Tomo,” “Panginoon!” Kilala sa mga manlalakbay na hindi pangkaraniwang tao lamang ang ngalan ni Crescent. Isa ‘to sa kinatatakutan, kung tutuusin hindi nakakatakot ang pangalan nito. Ngunit sa mga humarap dito at kumalaban wala nang nakaligtas ng buhay. Ito ang tanging nilalang na maging ang mga bampira’y hindi magawang dumayo sa kanilang teritoryo. Kung iisipin kayang-kaya nang mga bampirang paslangin ang batang babae, ngunit dahil ang lugar ay sakop na nang teritoryo ng mga Wolveus ay nahaluan marahil ng takot at pangambang makita roon si Crescent. Pero may pagdududa talaga siya kung paano natakbuhan ng isang pangkaraniwang bata ang mabibilis na bampira. O marahil, kakikita lang talaga ng mga bampira sa batang ‘yon at sakto na naroon na rin kaagad ang kanyang Panginoon. “Wala ka ba talagang matutuluyan?”  Nilingon ni Crescent si Lyra sa kanyang likuran. “Kung gusto mo—“ “W-wala akong matutuluyan. Hindi talaga ako nakakaalala.” Nagsimula ng magbagsakan ang luha ni Lyra. Mukhang hindi talaga ito kumbinsido na isama siya. “Pangako, hindi ako magiging pabigat. Kakayanin kong magtrabaho!” “Ano naman ang magagawa nang maliliit mong mga kamay?” singhal ni Tomo sa bata. Masamang tingin ang ibinigay ni Crescent kay Tomo. Nataranta naman si Tomo dahil mukhang galit ito. “Gagawin ko ang lahat, magiging alipin—kahit ano!” Pangungumbinsi ni Lyra. “Napakaliit mong bata ngunit ganyan ang mga salitang lumalabas sa ‘yong bibig.” Nginitian ni Crescent si Lyra.  Nasa mga mata ni Crescent ang pagkagiliw. “Bakit hindi mo subukan? Itapon mo ‘ko kapag wala akong nagawa! Pangako, matututo ako!” Hamon ni Lyra. “Napakarami mong pang depensa,” natatawang puna ni Crescent. Nilapitan nito si Lyra at binuhat.  Napahawak si Lyra sa balikat nito. Napakabango ng amoy ni Crescent, tila ito isang bulaklak na hindi basta-basta matatagpuan. “Panginoon! ‘Wag mo siyang buhatin! Hindi mo ba napapansin na walang sapin ang kanyang mga ? Marurumihan ang espesyal na kasuotan mo!”protesta ni Tomo na tumakbo palapit kay Crescent. Napasinghap si Lyra sa pagkatakot. Baka bigla siya nitong hilahin pababa. Matalim ang tingin na ibinigay ni Crescent kay Tomo. “Kung gano’n, bitbitin mo siya para sa ‘kin.” Sa paningin ni Tomo ay kung hindi siya susunod papatayin siya nito base sa ngisi ng labi nito. “A-ano?” takang tanong ni Tomo. “Magpalit ka ng anyo.” Utos ‘yon. Tinuktok ni Tomo sa lupa ang kanyang baston at umilaw nang pulo ang krystal no’n saka naglaho.Kaagad siyang nagpalit anyo habang halos naiiyak. Mula sa hitsura ng Goblin naging isa siyang mabangis at malaking asong-lobong kulay itim. Inangilan niya si Lyra na muntik nang mahulog sa pagkabigla. “Napakalupit mo sa ‘kin, Panginoon!” “Humawak ka ng mabuti sa kanya Lyra,” inilapag ni Crescent si Lyra sa likuran ni Tomo. “Kapag nakabitiw ka, hindi na kita isasama. Kung saan ka man mahulog doon ka na lang namin iiwanan,”biro ni Crescent. Sineryoso naman ni Lyra ang biro na ‘yon. Kumapit siya ng mabuti sa likuran ni Tomo. Halos nakadapa na siya para mas maging madali sa kanyangk kumapit. Sabay si Crescent at Tomo na tumakbo. Pero hindi makita ni Lyra kung saan na nagtungo si Crescent. Hindi niya na magawang isipin. Base sa bilis ng takbo ni Tomo, mukhang hindi nito balak bagalan ang pagtakbo para mahulog siya. Hindi niya na halos makita ang kanilang dinaraanan dahil sa lakas nang hangin na sumasalubong sa kanila. Nararamdaman na rin niya sa kanyang mga braso ang hagupit ng matatalas na hangin. “Kakayanin ko ‘to. Hindi ako babagsak!” Nagulat si Tomo sa sigaw ni Lyra. Pero hindi naman siya huminto. Pinagpatuloy pa rin niya ang pagktakbo para sundan ang amoy ng kanyang Panginoon. Hindi lahat ng taong-lobo ay may kasing-bango na amoy katulad ni Crescent. Natatangi ang amoy nito. Kaya hindi madaling hulaan kung anghel ba ito o isang taong-lobo. “Aaaaaah!”  Nagulat si Lyra nang mabitiw siya sa hinahawakan. Nakaramdam siya nang labis-labis na takot na bumagsak!    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

SILENCE

read
387.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.4K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.5K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

Imperious (COMPLETED)

read
131.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook