Katulad nang sinabi ni Lyra kay Crescent, nagsuot na siya nang pangkaraniwang kasuotan. At pinagtutunan niya ang ibang gawain sa palasyo ng mga lobo.
Hindi gusto ni Crescent na maglinis siya kaya naman dinala siya ni Dama Lilia sa gawaan ng mga kasuotan kung saan masususi ang paggawa s bawat detalye.
Naiinip si Lyra sa ginagawang paggugupit ng mga sinulid na tila may maipagawa lang sa kanya ang mga naroong kadalagahan. Natuwa lamang siya nang sa wakas ay turuan siya ni Cara na siyang pinakamagaling sa pagdidisenyo ng mga kasuotan.
Pero hindi madali para sa ‘kin lalo sa liit ng mga kamay ko.
“Pinagpipilitan mo kasi ang gusto mo! Hindi mo naman magawa-gawa ang pananahi!” mabagsik na wika ni Alora na nakapagpakagat sa ibabang labi ni Lyra. Ito ang paikot-ikot sa silid gawaan. Kanina pa nga ito nagsusungit.
“Bago lang naman at bata pa si Lyra—“
“Hindi kita kinakausap, Cara!”
Natameme si Cara. Si Lyra naman ay nagsimulang pangilidan ng mga luha.
Natakot siya rito at napahiya. Ilang ulit na niyang sinusubukang bumuo ng bulaklak ayon sa panuro ni Cara pero nabibigo siya at hindi talaga makagawa ng katanggap-tanggap.
“Bakit kasi hindi ka na lamang mag-aral kesa magtrabaho rito. Napaka bata mo pa ‘yung mga kaedad mo laro nang laro,” ani Cara sa mababang too.
“’Wag mo nang pilitin Lyra, natatagalan lang kami sa ‘yo,” tapat sa kanya ni Vina halatang naaawa rin naman ito sa kanya.
“Sige sasabihin ko sa Panginoong Crescent na hindi ninyo pala ako gustong narito dahil nakasasagabal lamang ako." Malungkot niyang itinigil ang ginagawa.
Gusto niyang disenyuhan ang kasuotan ni Crescent pero hindi naman pala niya kakayanin. Doon pa naman siya talaga nagpadala lalo pa’t ayaw ni Crescent na nakikita siyang naglilinis maliban sa magdilig ng mga alagang rosas nito na hindi naman niya puwedeng lunurin sa kadidilig.
“Ano ka ba naman, hindi namin sinabing hindi ka namin gusto.” Tila nahintatakutan si Vina na pinigil siyang umalis sa lugar.
“Oo nga ‘wag mo namang isiping negatibo ang mga sinabi namin,” kinakabahan na wika ni Cara.
“Hay! O’siya, turuan ninyo pa ‘yan hanggang kusang mapagod at tumigil ‘yan!” si Alora na naupo na lamang at nagtirintas ng kalahating buhok.
Namangha si Lyra sa ginagawa nito. Nakita niyang ganoon noong nakaraan ang buhok ni Crescent. Kaagad niyang nilapitan si Alora.
“Maari ko bang matutunan ‘yan?” umaasa ang kanyang ngiti.
“Lahat na lamang bata gusto mong matutunan!” mataray na singhal ni Alora.
“Alora, dumating na ang mga bagong telang pagpipilian.” Boses iyon ng isang dama.
“Pakiusap, turuan mo ‘kong gawin ‘yan!” paulit-ulit si Lyra na sumunod hanggang lumabas si Alora.
“Tigilan mo ‘ko, marami pa ‘kong gagawin!”
“Crescent,” mahinang bulong ni Lyra nang makita ito kasama si Tomo na nasa labas ng kastilyo. Hinahangin ang buhok nito. Napakaguwapo talaga nito! Puwede na ring napakagandang lalaki!
Napatulala rin dito si Alora. Aminado naman silang halos karamihan sa kababaihan sa lugar na iyon ay nabibighani sa taglay na kakisigan ng prinsipe.
“Lyra,” nakangiting nilingon ni Crescent sila.
“Tuturuan na kita, ikaw na bahala kung kailan!” mahinang bulong ni Alora kay Lyra.
“Talaga? Maraming salamat!” napapapalakpak si Lyra sa kasiyahan.
“Halika, Lyra,” inilahad ni Crescent ang isang palad nito.
Patakbong lumapit si Lyra rito.
“Itong batang ‘to! Napakarumi nang kamay para hawakan ang Panginoon ko!” nag ngingitngit ang piping wika ni Tomo.
“Napakaliit mo talaga para kang manika lamang Lyra, manikang naglalakad at nagsasalita,” natutuwang ani Crescent.
“Lalaki rin ako maghintay ka, kamahalan! Ako ang pinakamagandang binibini na makikita mo!” masayang wika ni Lyra na humigpit ang kapit sa palad ni Crescent.
“Assumingerang bata!” napalakas na sabi ni Tomo na nasa likuran nang dalawa.
Napahinto ito nang makita ang matalim na tingin ni Crescent na tila nagbababala nang bumaling sa kanya.
Tumungo na lamang siya at dahil normal na madrama siya ay namugto na naman ang mata niya at piping sinabi na, “mas pinipili pa niya ang marungis na bata kesa sa ‘kin na nagsilbi sa kanya nang tatlumpung taon!”
“Lyra,” lumuhod si Crescent kay Lyra para makapantay ito
Agad namang nagtaka si Lyra dahil sa ginawi nito at maraming nakamasid sa kanilang mga mata.
“Alam ko na hindi mo gustong magsuot nang magarang damit. Pero kailangan ngayon, darating ang aking ama. At para magustuhan ka nila at katuwaan dapat maging mukhang manika ka pa, maasahan ko bang susundin mo ‘ko ngayon?” napakasinsero nang ngiti ni Crescent. Sa tutuwing titignan niya si Lyra ay palinis na ito nang palinis. Maging ang sabog-sabog nitong buhok ay palagi nang nakapusod katulad ng mga tagasilbi sa loob ng kastilyo. Mabibilog din ang pisngi nito kaya nakatutuwa ‘yon para sa kanya.
“Magagalit ang inyong ama kapag may isang mortal dito, Panginoon! Itago na lamang muna natin siya sa ibang bayan!” suhestiyon ni Tomo na ikinatakot ni Lyra.
“Magsusuot ako nang magarang kasuotan, ‘wag mo ‘kong ilayo sa ‘yo, kamahalan!” nag-init ang mga mata ni Lyra at nagbabadya ang pagluha.
Alam ni Tomo na ang pagkawala nang ngiti ni Crescent ay isang mapanganib na pangitain na para sa kanya.
“Hindi kita dadalhin sa ibang lugar, dito ka lang, dito kita iiwanan at babalikan.” Hinalikan nito sa noo si Lyra at marahang tumayo. Binigyan niya nang matalim na tingin si Tomo.
“Oras na bumagsak ang luha nang aking si Lyra, ihahampas ko ang ulo mo nang isang libong beses sa bawat parte ng kastilyo,” seryoso man o biro’y natakot at kinilabutan si Tomo sa mahinang pagsasalita ni Crescent na dinig na dinig niya dahil sa malakas na abilidad ng kanyang pandinig.
**
PABALIK na ang hari sa kastilyo kasama ang kanyang mga asawa sakay ng karwaheng yari sa ginto na ang unahan ay may Emblem ng 'Wolveus'.
"Si Sulli ang mate ni Crescent, mas maganda kung mapapaaga ang kasal nila,” ang Hari.
Sa kanilang paglalakbay, hinanap nila ang prinsesa ng mga lobo na ayon sa isang kilalang babaylan ay 'Mate' nang ikatlong prinsipe. Natagpuan na nga nila si Sulli at kinompirma nito na alam nito na si Crescent ang Alpha na nakalaan para rito.
"Bulag ang babaeng ‘yon!” si Criselda, alam niyang may kagandahan nga si Sulli pero may kapansanan ito na ‘di maganda para sa kanya. Siya ang Reyna at unang asawa ni Haring Larius Wolveus.
"Napakaganda niya at higit sa lahat hindi kakulangan ang kawalan niya ng paningin at mayroon din siyang biyayang natanggap na wala sa ‘tin.” Marahan na sabi ni Julieth, ang ikatlong asawa ng hari at ina ni Crescent.
“Paano kung hindi naman siya magustuhan ni Crescent? Mahal na hari, napakapili ng ikatlong prinsipe!” singit ni Hera na gusto lang makisali sa usapan.
“Ipipilit ko ang bagay na ‘yon kay Crescent. Isa pa, kung nakatadhana naman silang dalawa, malaki ang tiyansa na maramdaman nila ‘yon kapag nagtagpo na sila. Pero kung sakali man na may iba na si Crescent kagaya nang usap-usapan na may pinupuntahan siya sa ibang lugar na babae, ayos lang basta mula siya sa mataas na pamilya ng mga lobo.”
Nangunot ang noo ni Hera at Criselda. Nagkatinginan sila.
“Paano kung hindi mula sa mataas na pamilya?” si Criselda.
Nangamba naman ang hitsura ni Julieth.
Hindi na kumibo ang hari mukhang napaisip din nang malalim.
**
Samantala sa pagdating nang pinakamataas na kinikilalang Hari ng mga Lycans kasama ang mga asawa nitong sakay ng karwahe, preparado na ang buong kastilyo. Mula sa labas ay nakatungo na ang lahat at hindi nag-aangat nang ulo hangga’t wala pang hudyat na nakapasok na sa kastilyo ang hari’t mga asawa nito.
Nang makapasok sa kastilyo ang mga ito ay nakahanay naman sa magkabilang daan ang mga naninilbihan sa kastilyo upang magbigay galang. Kasunod nito ang tatlong nag gagandahang asawa na may iba't ibang aura.
Ang haring Larius Wolveus naman ay mabagsik ang mukha at malaking lalaki na may malaking pangangatawan. Higit itong kamukha ng anak nitong panganay na si Laxus Wolveus.
Ang ina ni Crescent na si Julieth ay nakalarawan ang maamo at palabating babae.
Ang kalapit nito ay si Hera ang madalas pasusyal at walang pakialam sa paligid, mahilig lang itong mangolekta ng mamahaling mga diamante na nakukuha nito sa pagpunta sa iba't ibang panig ng mundo.
Si Criselda naman ang kinatatakutan, tila kasi ito isang babaeng Alpha na malakas ang dating. Mapanakit din ito at masyadong mataas ang tingin sa sarili.
“Nasaan si Crescent?” tanong ng hari kay Dama Elise.
“Kamahalan, sa tanghalian na ninyo makikita ang prinsipe. May inaasikaso lamang siya saglit.” Kinakabahang sabi ni Dama Elise, hindi ito makatingin sa mabagsik na hari.
“Mabuti pa magpahinga ka muna, kamahalan.” Si Julieth na sinalo si Dama Elise, nakita niya ang pagkataranta ng matandang tagapag-alaga.
Sumangayon naman ang dalawa pang babae kaya hindi naging mahaba ang diskusyon.
Kinakabahan ang ibang naroon dahil mamaya lamang ay alam nilang magagalit ang hari oras na malaman na may isang batang tao na nasa loob ng kastilyo.
Samantala hinihintay na ni Crescent si Lyra sa kanyang silid, wala siyang pangamba katulad nang nakararami.
Nakarinig si Crescent nang mahihinang katok kaya marahan niyang isinara ang pintuan. Sa ikatlong katok ay kusa ng pumasok si Lyra katulad ng kanyang bilin dito.
Napaawang ang labi ni Crescent. Lalo kasing naging mukhang manyika si Lyra, dahil sa suot nitong pulang bestida na nagpalantad ng kaputian nito, maging ang labi nito'y pangkaraniwan ng mapula at pisnging matatambok na mamula-mula.
Gusto niya 'tong buhatin at laruin iyon nga lamang napapansin na niya na hindi ito isang pangkaraniwang bata. Gusto nitong ituring itong isang dalaga at hindi isang bata na nilalaro-laro niya. Samantalang kapag kaedad naman nito'y todo tawa ito at takbo sa pakikipaghabulan.
Masyado na ba akong matanda para makipaglaro sa kanya?
“Napakaganda mo, Lyra.” puri niya rito.
Nahihiyang lumakad ito palapit sa kanya.
Hinawakan niya ang mukha nito nang makalapit ito. Napatingala ito sa kanyang taas.
“Nasisiguro kong magugustuhan ka ni ina.” Hindi niya mapigil ang ngiti. May kakaiba sa batang dinala niya, masyado itong atraktibo sa kanyang paningin.
“K-kamahalan, nakasisilaw ka—“ naisatinig ni Lyra ang dapat ay sa sarili lang. Namamangha siya kay Crescent dahil sa higit itong naging mukhang anghel at pakpak na lang ang kulang, sa puti nitong kasuotan bilang prinsipe ay mukhang napakabanal nito at hinay.
Nangiti naman si Crescent.
“Ly—“
“Panginoon! Panginoon! Nariyan na sila!” naghihisterikal na naman si Tomo na para bang palagi itong ang maparurusahan sa mga ginagawa ni Crescent.
Wala namang pangamba si Crescent na nginitian si Lyra at inilahad ang palad dito.
“Puntahan na natin sila, Lyra.”
Inilagay naman ni Lyra ang isang palad sa palad ni Crescent. Sabay silang lumabas ng silid at nadaanan pa si Tomo na tila namamangha na nagpapabalik-balik ang tingin sa kanila.
Pakiramdam ni Lyra isa siyang Prinsesa na hawak-hawak ng kanyang Prinsipe, wala itong ideya sa kakaharapin sa patutunguhan.
Dama naman ni Crescent ang panlalamig ng maliit na palad ni Lyra. Pero hindi mawala ang kanyang ngiti habang minamasdan ang bawat maliliit na hakbang nito.
“Crescent—“
Dumiretso ang tingin ni Crescent nang marinig ang ina. Nakita niya ang pangamba nito habang nakamasid kay Lyra.
Natigilan naman ang mga kaaangat lang na mukha ng mga tagasilbi dahil nang sundan nila ng tingin ang hari at mga asawa nito ay natigilan ang mga ito sa pasilyo. Nakita nilang naroon na si Crescent kasama si Lyra. Kaagad silang napatungo sa takot na mabalikan ng galit ng hari.
Humigpit ang kapit ni Lyra kay Crescent nang makita ang malaking lalaki. Nakaramdam siya nang labis na takot sa kabagsikan nang hitsura nito.
“Sino ang batang ‘yan?” Nagpipigil ang hari, mabilis niyang natukoy sa pagtingin lang na isang batang babaeng tao ang kasama ni Crescent.
“Ama, si Lyra,” hindi nawawala ang ngiti ni Crescent.
Si Lyra naman ay namutla nang husto nang tila nagalit ang anyo ng lalaking tinawag ni Crescent na ama.
“Bakit may ganyan dito sa ‘ting kastilyo?!” si Criselda sa mataas na boses. “Bakit ka nagdala ng ganito sa kastilyo, Crescent! Nag-iisip ka ba?!”
Napasinghap ang mga tagasilbi.
Nagpigil naman si Lyra ng luha. Lalo siyang pinanghinaan ng tuhod ng makita na mabagsik din ang babaeng tila nandidiri sa kanya.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Crescent.
Si Hera na dapat ay magsasalita para makisali ay napipi nang makita na nawala ang ngiti ng prinsipe. Kahit kasi mabait ang hitsura ni Crescent, pakiwari niya’y malaki ang tama nito sa utak.
“Sumunod ka sa ‘kin, Crescent.” Nagpipigil ang hari. Nilagpasan sila nito. “Lyra, babalikan kita.” si Crescent sa masuyong tono. Bumaling ito sa ina, “Ina, iiwanan ko muna sa ‘yo si Lyra,” ibinigay niya sa ina ang palad ni Lyra.
Nakangiti ang ina ni Crescent kaya nawala ang takot ni Lyra. Kasing amo ito ni Crescent.
“Nasisiguro kong ipatatapon ang batang ‘yan sa kagubatan at ipasasakmal sa mga mababangis na hayop sa kagubatan!” Natatawang sabi ni Hera nang makapasok na sa silid si Crescent at ang hari.
“Sinabi mo pa,” dagdag ni Criselda na ngising-ngisi. Lumakad na ito at sumenyas na sa mga pribadong tagasilbi nito na kaagad naman naglapitan.
Ikinulong ni Julieth ang mukha ni Lyra sa kanyang mga palad. Nagbabagsakan na ang luha ni Lyra sa sobrang takot na malayo kay Crescent.
“Lyra, tama ba?”
Tumango si Lyra. Pinahid niya ang luha. Humawak siya sa magkabilang gilid ng bestida at nag royal bow.
“Ako po si Lyra.”
Nangiti si Julieth sa ginawi ng paslit.
“Binibiro ka lang nila. Gusto mo bang sumama sa ‘kin na kumain?”
Hindi na tumanggi si Lyra dahil mukhang napakabait talaga nito.
**
Sa silid ng hari nagpunta si Crescent at haring Larius.
"Crescent, paalisin mo ang batang 'yan dito at hindi ampunan ang kastilyo ng mga tao." Gigil ang boses ng Hari na nakaupo sa trono at pinapaypayan ng dalawang lalaking tagasilbi nito. Nakabakas ang nagpipigil na galit sa mukha nito.
“May magagawa ba ang isang tao para pabagsakin ang kaharian mo, ama?” mahinahon at nakaukit ang bahagyang ngiti sa labi ni Crescent.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Crescent!” tumaas ang boses nang hari na ikinagitla ng dalawang katabi nitong tagasilbi.
“Nakikisalamuha ang marami sa 'tin sa mga tao, hindi ba masyado namang hindi katanggap-tanggap na hindi sila maaaring makisalamuha sa 'tin?”
Lalong nag-iinit ang ulo ng hari dahil sa ngiti ng kanyang anak. Sa tatlo, ito ang hindi niya kinakikitaan nang pagkatakot sa kanya. At aaminin niya na ang mga ekspresyon nito'y hindi sapat para alamin ang nilalaman ng isip nito.
"Sige, bigyan mo 'ko nang dahilan bakit kailangan kong tanggapin sa Kaharian ko ang basurang paslit na 'yon?!" hindi na napigil ng hari na bulyawan ito.
Nawala ang ngiti sa labi ni Crescent. "Basura?"
Maging ang dalawang naninilbihan ay napatingin kay Crescent nang maulinigan ang kakaiba sa madalas na tono ng boses nito.
“Nagdamit siya nang maayos, para siyang bulaklak na espesyal sa kanyang hitsura. Hindi katanggap-tanggap sa 'kin na marinig na basura. At lalong higit na binigyan ko siya ng pangalan, siya si Lyra.”
Pinagkatitigan ni Crescent ang ama na nabigla sa paraan ng kanyang pagtitig ng walang ekspresyon.
“Si Lyra, palalakihin ko siya para maging asawa.” Gumuhit muli ang ngiti ni Crescent.
“Isa siyang tao, nahihibang ka ba?!” pigil ang galit nang hari. Si Crescent ang kanyang tagapagmana. Pagdating nga lang sa mga desisyon ay mahilig itong ipagpilitan ang sarili.
“Kung hindi siya mananatili rito, isasama ko siya at maninirahan kaming dalawa sa siyudad. Kung hindi siya para sa lugar na kinabibilangan ko, ibibilang ko ang sarili ko sa mga tao para sa kanya.”
Nabigla ang haring Larius maging ang mga tagasilbi nito.
“Ama—“
“Crescent.” Huminga nang malalim ang hari bago bumuga.
“Sige hahayaan ko siya rito,” wala sa loob na sangayon ng hari bakas pa rin ang galit nito.
Si Crescent alam nitong kailangan niya ito kaya naman hindi ito maaring umalis. Isa pa darating ang oras na mas mahihigitan siya ni Crescent maari itong magtayo nang sarili nitong kaharian sa taglay nitong talino, lakas at pamumuno. Maaring mauwi sa wala ang pinaghirapan niyang kaharian na walang ibang nararapat magmana kundi ito.
“Salamat, ama.” Tumungo ito sa kanya at lumabas na ng silid.
Hindi maiwasang isipin ni Larius ang sinabi ni Crescent, kung totoo ang sinabi nito na palalakihin nito bilang asawa ang batang babae. Noon pa ma'y wala na itong interes sa babae nabubuhay ito sa pagpatay, wala sa mukha nito na isa itong mabagsik na nilalang pero si Crescent ay maihahalintulad niya sa isang Diablo. Wala itong patawad sa kabila nang maamo at maganda nitong ngiti ay nagtatago ang isang nilalang na maaring tumapos sa lahi ng mga Bampira sa darating pang panahon kaya naman iniingatan niyang huwag mawala ang respeto nito sa kanya. Dahil kapag nawala ‘yon, mawawala rin ang pagsunod nito.
Ang “Black Moon Revolution” na pinag-aaralan ni Crescent sa loob nang mahabang panahon ay 'di biro. Wala siyang alam sa kahihinatnan niyon. Pero ang isiping naghihirap ito at may ganoon kahabang pasensiya sa pagsisiyasat niyon ang nag-uudyok sa kanyang mas ingatan ang anak. Kakaiba at mapanganib ang talinong taglay nito. Maging ang kakayahan nito sa pakikipaglaban ay isang palaisipan sa kanya. Hindi tulad nang panganay at ikalawa niyang anak na nagsanay para mapalakas puwersang pisikal. Si Crescent ay lumaki kapiling ng mga libro at hindi kapiling ang mga sandata. Pero heto't kinatatakutan nang nakararami. Ang kanyang si Crescent ay tunay na magiging makasaysayang Lycan sa paglipas ng panahon.
Kailangan niya na sigurong ipakilala rito ang babaeng nakatadhana rito at mawala na ang pokus nito kay Lyra.
“Lolo,”
Nawala ang malalim na pag-iisip ng hari nang makita ang kanyang apo.
“Riel.” Nginitian niya ito.