Nagtungo si Lyra sa isang estante kung saan naroon ang isang fountain pen na ginagamit din nila sa kastilyo. Saka sumagot sa liham ni Crescent. Malapit kay Paparroti siya nagsulat tutal ay may mesa malapit sa bintana. Kumpleto ang mga kagamitan doon, maging ang panulat ay mayroong isang kuwaderno na pinitasan niya para sulatan.
Excited syang mag-sulat pero wala syang maumpisahan. Nasa harapan niya ang intrimitidang si Papparotti na tila inip na inip na sa kanyang kabagalan. Kailangan niyang mapabalik si Crescent. Nang may maisip siya'y naningkit ang mata niya kasabay nang isang ngisi at nagsulat na.
Crescent ko,
Bumalik ka na agad. Hindi ko alam kung makakatagal ako sa lugar na 'to. Natatakot ako, pakiramdam ko kakainin ako ng mga tao. Mababaliw na yata ako sa pag-aalala na baka pagbalik mo ibalita mo sa 'kin na may asawa ka na.
Nagmamahal sa 'yo, Lyra
Tuwang ibinilot niya iyon at inilaso sa paanan ni Papparotti.
“Iparating mo sa kanya 'yan ha? With love!” aniya, kasunod nang pa pagaspas nang pakpak nito at tuluyang paglayo sa kanya.
Ilang oras rin bago nakarating kay Crescent ang sulat ni Lyra. Bago ito basahin ni Crescent ay hinaplos nito sa ulo si Papparotti. Saka ito lumipad na parang naunawaan na tapos na ang dapat nitong gawin.
Sa pagbasa ni Crescent nang nilalaman niyon ay napangiti siya. Naroon sila sa isang kagubatan na pinupugaran ng mga bampirang sundalo ng mga Pureblood. Kaya pala may kalakasan ang mga ito, ngunit wala namang panama sa kanya.
“Panginoon, marami ang nagtatangkang kumitil ng buhay ninyo. Matapos ang ginawa n'yong pag paslang sa isang daang Bampira! Kaya maaring biglaan silang sumalakay sa ating lugar bitbit ang malalakas nilang p'wersa!” si Tomo ‘yon na sobrang kaba ang nadarama dahil ang mga pureblood Vampire ay lubhang malalakas. Maging ang hari'y hindi gustong kalampagin ang mga ito, lalo pa't hindi pa sapat ang hukbo nilang mga taong lobo.
“Hayaan mo sila,” nakangiting wika ni Crescent na parang wala lang ang sinabi ni Tomo. Mas nangingibabaw kay Crescent ang pag-iisip na nakangiti si Lyra habang isinusulat ang liham nito sa kanya.
Kilala ni Tomo si Crescent, at isa nga sa pagiging sakim nito ang nagtulak sa kanyang pagsilbihan ito kahit pa may malakas siyang kapangyarihan dahil din sa kailangan siya nito para sa Crimson Moon Revolution ay napapayag nya itong maging Panginoon niya gayunpaman nagtataka siya na iba ang inihaharap nitong pagkatao kay Lyra. Gusto niyang tuklasin ang nangyari noong araw na nakita nila si Lyra. Pero natatakot siya kay Crescent, kaya wala siyang magagawa kung 'di tuldukan ang parteng 'yon. Isa lang ang itinatanong nya sa sarili, hindi ba hinahanap ni Lyra ang tunay nitong pamilya? Pakiramdam niya hindi ito interesadong malaman ang tunay na buhay o makilala man lang ang pamilya nito.
Ang malaking pader na nakaharang sa pagitan ni Xerxes at Crescent, ano ang pinag-uugatan? Dahil kung siya ang tatanungin, si Xerxes ang kusang lumalapit dito pero malamig itong pinakitutunguhan ni Crescent na tila hindi rin itinuturing ang una bilang kapatid. Pero bakit hindi niya alam? Sa tagal niyang nagsisilbi rito, bakit parang limitado lamang ang nalalaman niya? Hindi kaya may natatago pa itong nakaraang hindi pa niya nalalaman?
Malakas na kutos ang inabot niya kay Crescent dahilan para mabalik sa realidad si Tomo.
“Panginoon naman!”
***
“Kailangan mo ng umuwi sa Kastilyo malapit ng bumaba ang iyong ama. Isa pa hindi ako makakilos ng maayos sa Kastilyong iyon dahil sa Demonyo mong kapatid!” wika ng ina ni Laxus sa anak na dinalaw nito sa lugar kung saan ito namamalagi.
“Si Xerxes, ano namang ginagawa niya ro'n?” tanong ni Laxus na tila wala lang ang sinabi ng Ina.
Lihim niya ring sinasaliksik ang Crimson Moon Revolution sa tulong ng mga nakaw na impormasyon ng kanyang mga galamay na nasa loob ng kastilyo.
“Tingin ko naman wala siyang balak makipag-kumpitensya, dahil pareho lamang nilang kinagigiliwan ang mortal na babae na inalagaan ni Crescent,” sagot ng ina na bumakas na sa magandang mukha ang inis at galit.
Inihatid ni Laxus ang Ina sa labas ng tarangkahan ng kinatitirhan ni Laxus na malaking mansion na yari sa bato at nababakas na rin ang kalumaan. Hindi naman ito seryosong doon magkapamilya sa mukhang abandonadong mansion nito, magbabalik ito sa kaharian ng mga Wolveus.
“Babalik na rin ako. Pero mas mabuting manahimik muna ako ngayon habang hindi ko pa natutuklasan kung ano ang itinago ni ama, ni Crescent, at ni Xerxes at maging ang kanyang ina,"”makahulugan ang ngiti ni Laxus. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya ang may pinakamalaking pangangatawan. Matapang ang anyo nito nakakatakot kung titignan kahit pa isa rin itong makisig na binata. Maiksi ang puting buhok nito.
“Riel, narito si Ina…”
Nangiti naman si Criselda nang makita ang apo.
“Napakalaki mo na, Riel!” Napakaguwapo nito sa edad na labing-siyam.
Lumapit si Riel at hinalikan si Criselda sa noo.
“Huwag kayong mag-alala at mapapasa ‘tin din ang kastilyo,”ani Laxus na iniangat na ang tsaa.
“Lola, ano na ang hitsura ni Lyra ngayon?”
Natigil sa pagkain si Criselda at Laxus sa naging tanong ni Riel lalo na at mukhang masaya ang boses nito.
“Malalaki pa rin ba ang mga pisngi niya? Maliit pa siya nang huli kong makita,” ani Riel na ngiting-ngiti na tila naiimahe pa ang hitsura ni Lyra noon. Nakakalungkot lang at bago pa sila maging magkaibigan ay ipinadala na siya sa Horus para mag-aral. Ngayon lang siya uli nakalabas at muli ring babalik pero hindi na ganoon kahigpit at may panahon na rin siyang nakalalabas.
“Pangit pa rin ang batang ‘yon!”
Nagitla naman si Riel at Laxus.
“Pero maganda si Lyra, walang hindi maganda sa mukha niya,” takang sabi ni Riel. “Kahit ang katambukan no’n ay maganda.”
Tumikhim si Laxus.
“Ay! Ngayon pangit na siya, at bakit kailangan mong itanong, Riel?!”
Nabigla naman si Riel na pinagtaasan siya nito ng boses.
“Ah, pasensiya ka na,” natawa nang alanganin si Criselda. “Kumain na tayo.”
Hindi na nagsalita si Riel.
Bakit ba parang galit ang kanyang lola kay Lyra?
Gustong-gusto niya na ‘tong makita uli.
***
“Si Master Crescent ang ikatlong anak, at unang nakita namin siya na pumasok ng kastilyo at ihayag na isa din sa mga anak ng Hari ay nasa pitong taong gulang na ito. At nakita na lamang muli siya noong labing siyam ito,” ani Akane. Naglalakad silang tatlo patungo sa tarangkahan ng eskuwelahan.
“Ang sabi ng karamihan, ikinulong lang siya sa loob ng labing- dalawang taon sa isang kuwarto. Dahil sa sinabi ng isang babaylan tungkol sa kaliwa niyang mata, mapanganib daw iyon. Nang lumabas naman siya, pumatay siya ng isang daang bampira. Doon na nga nagsimula ang pagkakaroon ng matatag na pader ng mga Wolveus na hindi pa nagawang kantiin ninuman. Ngayon, hindi na basta-basta ang tingin sa tulad natin,” si Akane na kung mag kuwento daig pang horror story ang sinasabi sa kanila.
Si Lyra naman ay nakikinig lamang nakadarama siya nang awa sakaling totoo ngang ikinulong lamang si Crescent sa loob ng labing-dalawang taon.
"Ikinulong sa loob ng labing dalawang taon sa isang kuwarto? Maari ngang hindi iyon totoo, pero ang kumitil ng isang daang buhay magagawa nga kaya iyon ni Crescent? Kitang-kita ko noon kung paano tila nakakita ng isang mabangis na hayop ang mga bampirang sumalakay sa 'kin noon nang dumating siya at iligtas ako," sa likod ng isipan ni Lyra.
Ngayon may bago siyang nalaman kay Crescent. Hindi lamang niya sigurado kung tama ang nalaman niya. Ang mahalaga makumpirma niya iyon sa susunod na mga araw.
Nang makarating sila sa malaking tarangkahan ng eskwelahan namangha siya. Pero ganoon na lang rin ang pag-atras ng mga paa niya dahil sa dami ng taong nakikita niya sa loob niyon.
Hinawakan siya ni Agatha sa braso at hinila papasok sa loob ng naturang eskuwelahan. Nasa isang bagong mundo na siya kung saan dapat sana siya lumaki. Pero hindi sa ganitong lugar siya lumaki at hindi sa lugar na to niya nakikita ang sarili niya, kung 'di sa lugar kung saan sagana ang punong kahoy, mga bulaklak at mga maaamo maging mababangis na hayop sa kagubatan kasama ang mga taong lobo na itinuring niyang kalahi niya sa loob ng ilang taon. Samantalang sa lugar na 'to malalaki ang estruktura, may mga bungang kahoy pero hindi kasing dami ng sa gubat.
"Greece!”
"Kyaaaaaa! Greeeceeee!"
“I love you, Greece!”
"Pansinin mo naman ako Greece!"
Nabunggo siya ng mga nagmamadaling babae. Mabuti na lamang at nahawakan siya 'agad ng isang tao, nang nilingon niya ito ay isang nakangiting lalaki na mataas na hindi nalalayo sa taas ni Crescent ang nakita niya.
Mas lumakas ang sigawan at kiligan ng mga babae na nasa harap niya at nagkakagulo, tanging pumapangibabaw ay ang "GREECE" na pangalan. Nang hanapin niya ang dalawang kasama naroon na pala ang mga ito sa umpukan ng mga babae at nakikisigaw rin ng Greece!
“Bago ka rito?” tanong ng lalaki na marahan siyang binitiwan.
Tumango lang siya bago ito iniwan at naglakad na palapit sa dalawang kasama.
Nangiti naman si Marco at sinundan ng tingin ang magandang babae na sa palagay niya ay matitipuhan din ng among si Greece na pinagkakaguluhan sa araw-araw na lamang na ginawa ng Diyos. Bukod kasi sa guwapo ito ay isa rin itong sikat na modelo at artista.
Dahil sa sobrang sikip hindi na nilapitan ni Lyra ang nakikigulong si Agatha at Akane sa umpukan ng mga kababaihan. Tumabi na lamang siya sa isang tabi at muling iniikot ang paningin sa buong eskuwelahan. Ibang-iba ang estruktura ng paaralan sa kastilyo, sa kagubatan, maging ang mga kasuotan, kaya iniisip niya kung matatagalan ba niyang mapalayo kay Crescent at sa ganitong lugar manirahan malayo rito?
Hindi niya alam na nakatingin sa kanya ang lalaking si Greece, na kanina ay abala sa pag estima sa mga kababaihan. Tila kasi walang pakialam ang babae sa kanya na para bang hindi siya nito kilala na napaka-imposible. Ganito ba 'to ka "Out of this world?" pero kakaiba ang itsura nito. Natutulala siya sa kagandahan nitong tila inosenteng inililibot ang paningin sa iba't ibang panig ng eskuwelahan.
Nabaling ang atensiyon nito sa kanya kaya tila binagsakan nang kung ano si Greece at talagang kumabog ang dibdib niya sa pagkukrus ng paningin nila ng babaeng hindi man lang ngumiti sa kanya. Nginitian niya 'to ngunit nangunot lang ang noo nito.
**
“Sigurado Panginoon na marami ng makikitang lalaki si Lyra sa lugar na 'yon. Baka gustuhin na niyang manatili doon isa pa tao naman talaga siya,” wika ni Tomo kay Crescent na nakatanaw sa bintana habang nagalalapitan dito ang mga ibon na ikinakangiti nito. Pero sa sinabi niya dagling nawala ang ngiti nito.
“Kagaya ng sinabi ninyo, dalhin natin si Lyra sa pinakamagandang eskuwelahan. Kaya naman na sigurado na iyon ang pinakamaraming lalaking taglay ang kakisigan at sikat na rin sa lugar ng mga tao, maraming magkakagusto sa kanya dahil sa napakaganda niya talaga ng lumaki siyempre kayo ang –“
Nanlaki ang mata ni Tomo ng makitang puno ng dugo ang mga kamay ni Crescent at nagkalat ang mga balahibo ng mga ibong nilalaro lamang nito kanina, kaya napaatras siya sa takot na isunod siya nito sa mga kaawa-awang ibon.
“Ulitin mo ang sinabi mo.” Nakangiti si Crescent, ngunit damang-damama ni Tomo ang madilim na aura nito na lalong nakapagpatakot sa kanya.
“Panginoon,” Mahinang usal niya sa sobrang takot kay Crescent. Bakit naman kasi napaka-tabil ng bibig niya!