Kabanata XII

1431 Words
“Ganito ba talaga rito?” naaasar na tanong ni Lyra. Pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan may ilan namang mga babaeng nagbubulungan. “May kakaiba pa rin ba sa ‘kin? Sinunod ko naman ang mga bilin nila Agatha. Para naman akong insekto na bago lang nadiskubre.” Natawa si Agatha at Akane. Napapansin nilang masungit si Lyra. “Masanay ka na dahil may hitsura ka naman, ganyan talaga ang mga lalaki, mahilig sa bagong mukha,”natatawang tugon ni Akane. Nagsabay-sabay sila sa paglalakad. Nagsikuhan si Akane at Agatha. “Malalagot tayo kay Panginoong Crescent kapag nalaman niyang kesa bantayan si Lyra nagsusumigaw tayo kay Greece.” Mahinang bulong ni Akane kay Agatha. Pero ang sisteng Agatha, panay ang pa-cute sa mga kalalakihan na parang may sakit na pipikit-pikit. Si Lyra naman ay pasama na nang pasama ang hitsura, para na siyang nalason kung titingnan. Pero dahil mula raw sa hari ang pag-aaral niya kaya hindi siya dapat mag-inarte dahil nakakatakot ang hari. Napakalaki nitong lalaki at daig pang dumadagundong ang boses. Isama pa na matapang ang hitsura nito, hindi katulad ni Crescent na mukhang anghel. Tuwing nakikita rin siya ng hari ay mukhang hindi ito natutuwa sa kanya pero kompara sa mga asawa nito, hindi naman siya kahit kailan hinawakan ng hari para saktan. “Siguro mas magiging maganda ang lugar na ‘to sa paningin ko kung malapit lang sa ‘kin si Crescent.”Napabuntong-hininga si Lyra. Walang ganang iniikot niya ang mga mata sa paligid. Hindi niya nagugustuhan ang tingin, ngisian, pagsipol at pagkindat ng mga kalalakihan sa kanya. Pakiramdam niya’y nababastos siya ng mga ito. Pero palalampasin niya iyon ngayon pero sa susunod ay hindi na. “Lyra, iiwanan ka na namin,” ani Akane nang nasa pintuan na sila ng magiging klasrum daw niya. “Sige, ingat kayo.” Walang ganang aniya. “Lyra, maging palakaibigan ka para hindi ka palaging simangot, ha!” Inismiran ni Lyra si Agatha. Pumasok na siya sa loob ng klasrum at maraming napatingin sa kanya. Naghanap siya ng upuan sa bahaging dulo. Sa lugar ng mga taong-lobo gusto niyang palaging napapansin dahil gusto niyang kapag tinatanong ni Crescent ang pag-aaral niya ay maganda ang sasabihin ng mga naging guro niya at maging mga kaklase. Pero ngayon, sa bahaging dulo siya naupo. Wala siyang ganang mag-effort dahil hindi naman mag-aaksaya si Crescent magtanong sa mga tao. “Can you introduce yourself?” nakangiting sabi ng kanilang babaeng guro na nasa mid-thirties. Tumayo si Lyra sa upuan. Ngumiti nang pilit. “Hello, ako si Lyra, nanirahan ako sa kabundukan kaya asahan ninyo na may mga ugali ako na kakaiba sa inyo. Pero kung hindi naman makakaapekto sa paniniwala at buhay ninyo, sana ay pabayaan ninyo na lamang. Maraming salamat.”  Naupo siya. Katahimikan ang sumunod bago tumikhim ang guro at ngiting-ngiting ibinida sa kanya ang eskuwelahan, mga kaklase, at mga kaguruan. Pilit lang ngumiti si Lyra, hindi naman niya gustong maging bastos. Nagsimula at natapos ang klase na ang iniisip lamang ni Lyra ay si Crescent. ‘Kumusta na kaya si Crescent?’ ‘Maayos lang kaya si Crescent?’ ‘Naglalakbay kaya sila ni Tomo ngayon?’ ‘May babae kang umaaligid sa kanya?’ ‘Naaalala niya kaya ang paghalik niya sa ‘kin?’ Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumayo na siya dahil paubos na ang estudyante sa klasrum. Nagsimula siyang umismid sa mga lalaking nagpapapansin sa kanya. Lalo iyong makapal ang mukhang kindatan, sipulan, at ngumisi sa kanya. “Mga walang modong lalaki. Ayon sa nakatatandang mga taong lobo dapat ang lalaki’y marunong magpakilala at magsalita. Kung hindi siya marunong no’n, hindi siya karapat-dapat pag-aksayahan ng oras ng kababaihan,” pabulong na sabi ni Lyra sa sarili. “Lyra, may gagawin kaming group project,” ani Agatha nang makasalubong niya sa pasilyo. “Group project?” ulit ni Lyra. “Ahm, gawain ng magkakaklase para sa isang gawain?”  Paliwanag ni Agatha. “Ah, sige. Alam ko naman ang daanan pauwi na. Lalakarin ko na lamang.” “Sigurado ka?” tanong ni Akane. Tumango si Lyra. “Walang problema, mag-ingat kayo.” Inihatid siya ng dalawa hanggang tarangkahan ng eskuwelahan. “Mag-ingat ka, Lyra!” Pahabol ni Akane. Naglakad na si Lyra sa ilalim ng papadilim na kalangitan. Pinagmamasdan niya ang mga nadaraanan dahil kahit paano nagkakaroon naman siya ng kamanghaan sa mga kaibahan ng lugar sa lugar na kinalakihan niya. Ang kanyang paa ay sanay na sanay maglakad, kahit nga tumakbo pa at tumalon. Kaya ang maglakad ay isa lamang maliit na bagay sa kanya. Kaya nga tinanggihan niya ang sasakyan na susundo at maghahatid sa kanya. Pakiramdam niya, nahihilo siya sa amoy no’n sa ikalawang sampa niya. Sa kagubatan, kahit madawag at matinik ang paligid, sanay na sanay siya kaya ang lugar ng mga tao ay makakasanayan niya rin siguro. Medyo nalulula lamang siya sa mga matataas na establisyemento. Pero nakakatalon naman siya ng mataas at marami namang tore sa kanilang lugar. Marahil sa ayos niyon. Kinapa niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang tarangkahan. Katulad ng bilin sa kanya ni Joaquin at pagtuturo nito, ini-locked niya naman iyon uli mula sa loob. Dumaan siya sa hardin, kahit paano sa hitsura ng bakuran na mayroon ang tahanan niya ay naaalala niya ang lugar ng mga Wolveus. Pumasok siya sa pintuan matapos niyang masusian. Tumunog ang windchimes kaya nangiti si Lyra. Gawa rin ‘yon sa kanilang lugar.  Inalis niya ang sapatos malapit sa pintuan saka naglakad ng nakamedyas lang. Hindi siya lumingon sa paligid at nagmadali siyang tumakbo sa hagdanan hanggang makarating siya ng kanyang kuwarto. Kaagad niyang ibinaba ang bag at nahiga sa kama. Napakalambot. Sa kisame siya napatitig. Nangiti siya nang maalala ang hitsura ni Crescent. Kahit maya’t maya niya ‘to isipin, naroon talaga ang kiliti sa kanyang puso tuwing maaalala ‘to. “Lyra, kumusta ang araw mo?” Kinilig si Lyra, pakiwari niya tunay niyang narinig ang boses ni Crescent. “Ahm,” natawa siya na tila nahihiya. Hindi mapigil ang kilig. “Maayos naman ako, Panginoon. Iyon lamang, palagi kang laman ng isipan ko. Hindi ko magawang maging masaya dahil—” “Dahil—“ Nagulat si Lyra nang makitang nakatunghay sa kanya si Crescent at nakangiti. “Mas mukha ka ng totoo? Nasisiraan na ‘ko ng ulo kaiisip sa ‘yo.” Wala sa huwisyo na aniya. Kumunot ang noo ng imahinasyon niyang Crescent. “Pero bakit parang totoo ka?” kinurot-kurot ni Lyra ang pisngi. “Lyra, kung patuloy mong pipisilin ang ‘yong pisngi, lalo ‘yang bibilog.” “Panginoon!” Napaangat siya sa kinahihigaan kaya nagkauntugan sila. “Panginoon,” hindi makapaniwala si Lyra. “Matigas pala ang ulo mo,” natatawang sabi ni Crescent habang hinihimas ang noo. Namula si Lyra. “Crescent?” Nangiti si Crescent. “Lyra, maligayang pag-uwi.” Kumabog nang husto ang dibdib ni Lyra. Parang nagwawala ang kanyang puso. Sinampal-sampal niya ang sarili. Hindi pa rin niya mapaniwalaang nasa harapan na si Crescent. At ang nakamamangha, nakasuot ito ng kasuotan ng tao! Nakasuot ito ng pangkaraniwang puting T’shirt at madulas na telang pants. Napakaguwapo nito at— “Kamahalan, bakit umiksi ang buhok mo!” Malakas na sigaw ni Lyra. Nagitla naman si Crescent at kalaunan ay natawa. Natigilan naman si Lyra dahil ang pagtawa nito ay tila pagbubukas na rin ng kalangitan at pag-aawitan ng mga anghel. Ang maputi’t pantay na pantay na mga ngipin ni Crescent, ang labi nitong mapula, gusto niyang mapatalon sa katuwaan. Tumatawa si Crescent! Hinawakan ni Crescent ang buhok, “Lyra, naibabalik ko sa pangkaraniwan ang buhok ko. Sa ganitong paraan lang, nagagawa kong itago ang tunay kong katauhan. Hindi ba bagay sa ‘kin?” Umiling si Lyra, pulang-pula. “B-bagay s-sayo, n-napakaguwapo mo sa k-kahit na anong buhok.” Nangiti naman si Crescent. Ngiti na gusto ni Lyra na ibaon at paulit-ulit na titigan. Lumapit malapit sa bintana si Crescent at nag-angat ng tasa na may platito. “Bumaba ka na kapag nakapagbihis ka na,” ani Crescent. Tumango si Lyra. Nang makalabas ito ay napatayo siya kaagad at sinampal ang mukha. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang hitsura ni Crescent. Parang aatakihin siya sa puso. Kailangan niyang kumalma dahil baka mamaya ay mapatunganga lang siya rito. “My goodness! Masisiraan ako ng wala sa oras!” “Huminahon ka, Lyra. Huminahon ka kahit napakahirap huminahon!” “Paano naman ako kakalma kung napakaguwapo niya sa kasuotang pantao? A-at tumawa siya!”  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD