Hindi naging madali kay Lyra ang mabuhay nang wala si Crescent. Pero palagi niyang kinikintal sa isipan na mas magandang malayo ito sa kanya. Maiiwasan niyang ituring siya nito bilang isang nakababatang kapatid o isang anak nito. Sa pag alis nito hindi niya alam kung ano ang dahilan nito, isang ngiti lamang ang sinagot nito sa lahat nang naging katanungan niya.
Si Tomo lamang ang kasama nitong umalis. Sa pag alis nito sumabay siya sa pagsasanay, pinigilan niyang maging iyakin kapag nasusugatan siya at nasasaktan. Kailangan niyang patunayan sa sarili niya at kay Crescent na may kaya siyang gawin sa kabila ng pagiging isang pangkaraniwang tao.
Nalaman rin niya na ang mga kabataang lobo roon sa edad na pito o walo ay nag-aaral na kasama ng mga tao sa siyudad. Ngunit hindi siya kabilang sa mga magtutungo roon, sapagkat hindi siya pinayagan nang ina ni Crescent na siyang nag-aalaga at nagtuturing sa kanyang isang batang babaeng anak. Ito ang nagturo sa kanyang bumasa at sumulat katulong si Lailah na taga-silbi nito sa alpabeto ng mga taong-lobo.
Malaki ang pag-iwas na sa kanya nang Reyna at ang madalas na lamang na nagsusungit sa kanya ay ang isa pang asawa ng hari na si Hera. Hindi nananakit si Hera katulad ni Criselda kaya naman hindi gaanong natatakot si Lyra rito.
Isang buwan pagkaalis ni Crescent, umalis na rin si Riel para mag-aral sa Horus na tinatawag ng mga ito. Sabi ng mga matatanda sa bayan, ang Horus ay para lamang sa may mga biyayang kalakasan at katalinuhan. Hindi na rin siya nakapagpaalam dito dahil iniiwasan nga niya ang Reyna at anak ito ng anak ng reyna na panganay.
Sa loob nang dalawang taon ay minamahal na niya ang buong kaharian ng mga Wolveus at piping umaasam na bumilis ang oras at nang muli niyang makita si Crescent.
Dahil dalawang taon na ang matulin na lumipas ay inaasam ni Lyra na isang araw ay dumating na ito kaya naman araw-araw niyang nilalagyan ng rosas ang Plorera nito sa loob ng kuwarto. Ngunit nabigo siya nang isang sulat mula kay Crescent ang dumating.
Matatagalan ito at sana'y hindi siya nagagalit sa pagbali nito sa pangako. Walang patid ang mga luha niya habang binabasa iyon sa kuwarto ni Crescent kung saan siya inabutan ni Tomo na siyang may dala nang sulat nito. Pinahid niya ang mga luha habang pilit na kinakalma ang sarili.
“Anong nangyari sa mga braso mo?” tanong ni Tomo sa kanya nang mapansin nito ang mapupulang bakat ng kamay ni Hera, ang ikalawang asawa ng hari. Nahigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya kanina dahil sa pagsuway niyang sumama sa mga kabataang lobo na magtungo sa anak raw nito na nakatira sa ibang lugar.
“Wala,”malungkot na saad ni Lyra habang panay ang pagbasa sa sulat ni Crescent.
“Ikaw bata ka! Tinatanong kita!” pumunta pa ito sa harapan ni Lyra para mas mapagalitan ito nang husto.
“Akala ko darating na siya, nangako siya sa 'kin, ilang taon pa ba siyang mawawala? Magiging pabigat lang ba ako kaya hindi niya ko isinama? Gusto kong malaman bakit kailangan niyang lumayo, at ano ba ang ginagawa niya na kailangang tumagal nang gano'n. Hindi man lang ba siya uuwi kahit isang araw? Gustong-gusto ko na siyang makita at makausap," walang awat ang pagluha ni Lyra dahil sa labis na pangungulila kay Crescent. Simula nang umalis 'to, bawat araw ay binibilang niya hanggang sa dumating ang araw na ‘yon, tapos mabibigo lang pala siya.
“Mahalaga ang ginagawa niya,” mababa ang tono ni Tomo nang sagutin si Lyra. Bumuntong hininga ito, alam niyang ninanais rin ni Crescent na makita ito. Ngunit maaaring ang isang araw na pakikipagkita kay Lyra ay hindi na nito magawang iwanan muli ang paslit.
“Sabihin mo sa kanya na maayos lamang ako, maghihintay ako sa pagbabalik niya. Hindi niya 'ko dapat alalahanin sapagkat inaalagaan akong mabuti nang mga narito at itinuturing nila 'kong kaisa," ngumiti si Lyra para pawiin ang pagtatampo.
Gayunpaman, si Tomo ay hindi mapayapa sa mga marka sa braso ni Lyra. Nararapat ba niyang iparating iyon kay Crescent? Paniguradong uuwi ito oras na malaman na may nagmamalupit dito.
“Lyra!” matining ang boses ni Hera ang narinig ng dalawa. Sa tagal ni Tomo roon, kilalang-kilala na niya ang boses nito.
“Tomo, mauuna na ako, 'wag kang aalis nang hindi ka nagpapaalam ha? May sasabihin pa ako para sa kanya,” nagmamadaling tumayo si Lyra kasunod nang pagpahid nito nang palad sa mukha at halata ang pagkatuliro nito para lamang marating agad si Hera, ang ikalawang asawa ng hari.
Masama ang kutob ni Tomo kaya pasimple niyang ibinukas ang pintuan ni Crescent na kinalolooban niya. Nakita niya si Hera sa 'di kalayuan at kausap si Lyra.
“Mag-ayos ka dalian mo darating ang anak ko! Gusto ka niyang makita,” may kasamang pandudurong wika ni Hera kay Lyra.
Si Xerxes ang anak nito, ang ikalawang anak nang hari. May mabuting kalooban ito gayunpaman, para kay Tomo ang magkakapatid ay puno nang pagpapanggap. Si Crescent ay mukhang anghel, ngunit ang ugali nito'y tinaguriang Diablo. Si Xerxes ang may pagkakahawig kay Crescent dahil sa parehong pilak ang kulay ng buhok ng dalawa.
“Bakit kailangan mag ayos para sa anak niya ng batang si Lyra?” naguguluhang piping tanong ni Tomo sa sarili. Inilihim niya ang pagbabalik niya katulad nang sinabi ni Crescent upang siyasatin niya ang sitwasyon ngayon ni Lyra sa kamay nang mga naroroon.
“Ipadadala kita sa kanya, maninilbihan ka roon. Mahilig siya sa bata at natuwa siyang malaman na may mortal rito sa kastilyo ng kanyang ama at gusto ka niyang makita,” hinawakan nito nang walang ingat sa braso si Lyra at naglakad ang mga ito sa pasilyo patungo sa lugar kung saan naroon ang magandang paliguan at ayusan na unang pinagdalhan kay Lyra ng dalawang babaeng unang nagbihis sa kanya.
“Ayoko Lady Hera, hindi p'wede ang gusto mo," protesta ni Lyra na pilit kumakawala dito.
“Anong hindi maaari? Hindi ka magtatagal doon! Pag ayaw na niya sa 'yo babalik ka na rito at doon ka na sa amo mong—“
“Ina.”
Sabay na natigilan ang dalawa nang marinig ang isang boses ng lalaki. Nilingon agad ni Lyra iyon at namangha siya nang makita ang pagkakahawig ng nakangiting lalaki kay Crescent hindi lang mahaba ang buhok nito, at mas malawak ang ngiti nito kumpara kay Crescent.
“Ayaw mong sumama sa 'kin? Marami akong candies, cookies – “ halatang pang-aakit nito sa batang si Lyra na agad umiling na ikinangiti ni Xerxes.
“Kung ganoon ako na lamang ang dadalaw sa 'yo,” nakangiting wika ni Xerxes na lumuhod pa para lang makapantay si Lyra na namamangha pa rin sa binata. Ito pa lamang ang kapatid ni Crescent na nakita niya sa loob ng dalawang taon na pananatili niya sa kastilyo.
“Huwag mong sabihin na gusto mo rin ang batang 'yan?” humalukipkip si Hera at talagang taas na taas ang kilay nito habang minamasdan ang anak na tila maamong tupa sa batang si Lyra. Kung tutuusin, ang anak naman talaga niya ang masasabi niyang may puso sa magkakapatid.
“Napakaganda mo kapag lumaki ka, sigurado ako,” hinawakan ni Xerxes ang nakalugay na buhok ni Lyra na isinalansan nito ng marahan sa kanang balikat nito.
“Wala naman si Crescent kaya sumama ka sa 'kin pansamantala, 'wag kang mag-alala hindi naman kita ikukulong doon. Kung gusto mo maaari kang magsama nang mga kaibigan. At tuturuan rin kitang maging isang kaaya-ayang binibini para sa pagdating niya,” pilit pa rin na kinukumbinsi ni Xerxes si Lyra. Parang may naaalala siya sa hitsura ni Lyra na hindi niya mahanap sa kanyang utak kung ano o sino.
Nang marinig iyon ni Tomo ay agad siyang naalarma. Mukhang binabalak pa ni Xerxes na nakawin si Lyra sa kanyang Panginoon! Gusto ba nito nang away?! Hindi ba nito nabalitaan ang ginawa ni Crescent kay Criselda? Mukhang naging lihim nga iyon!
“Patawad, hindi ako maaaring umalis ng walang permiso niya,” sagot ni Lyra na nagbigay nang pagkamangha kay Xerxes. Tila wala sa edad nito ang paraan nito nang pagsasalita.
“Kung ganoon at hindi kita mapipilit, dadalawin na lamang kita munting binibini,” ani Xerxes na marahang tumayo. Tumingala naman si Lyra para sundan nang tingin si Xerxes.
Mabait din siya katulad ni Crescent.
***
“Maayos lamang ako, ibigay mo ito sa kanya. Hindi pa ako magandang sumulat sa alpabeto ninyo pero natutunan kong magsulat kay Miss Lailah, mas paghuhusayan ko pa sa susunod,” nakangiting iniabot ni Lyra kay Tomo ang liham niyang nakatupi sa tatlo.
Inabot naman iyon ni Tomo at nagbilin kay Lyra, “Mag-ingat ka, 'wag kang matatakot sa iba, tandaan mo na hindi ka alipin dito! Lalo na 'wag kang sumama sa iba, ikagagalit nang Panginoon!”
Tumango naman si Lyra bilang pagsangayon. Niyakap nito si Tomo nang mahigpit at doon bumalong na naman ang mga luha ng bata.
“Aalis ka na, kapag nandito ka kahit paano nadadama ko si Crescent sana kahit sulat ang dala mo at hindi siya bumalik ka, ha?”pinilit ni Lyra na ngumiti habang pinupunasan ang mga luha.
Si Tomo man ay nagugustuhan na ang paslit na si Lyra. Nasisiguro niyang silang dalawa ni Lyra ang pagtitiwalaang nilalang ni Crescent.
Sa likurang bahagi ng kastilyo dumaan si Tomo nang gabing 'yon na kagat-kagat ang liham ni Lyra nang magpalit ito bilang hayop at tumakbo nang mabilis. Hindi alam nang dalawa na naroon si Xerxes sa isang puno at nakamasid sa pag-uusap nilang dalawa.
“Anong balak sa 'yo ni Crescent? Nagiging interesante ang lahat,” nangingiting wika ni Xerxes. Si Crescent ay walang naging babae simula noon.
Isa lamang ang babaeng naging bahagi nang buhay nito at wala nang iba pa. Mas naka-pokus ito sa isang lihim na tinutuklas nitong mag-isa. Kaya naman ang interes nito sa isang batang mortal ay talaga namang nakapagtataka.
***
“Bakit hindi ka mag-aral, maayos ka na ba dito?” tanong ni Xerxes habang sinasamahan niya si Lyra na mamitas ng bulaklak para sa mga Plorera na nasa paligid ng mga kastilyo. Ito raw ang gawain nito araw-araw dahil hindi 'to maaring maglinis sa kastilyo.
“Tinuturuan naman nila ako,” nginitian ni Lyra si Xerxes na nakaupo sa damuhan at nilalaro ang isang rosas na puti. Mabait ito at palagi siyang kinakausap.
“Mas maraming bulaklak sa labas nito, sasamahan kita, iba't ibang klase siguradong matutuwa ka,” anyaya ni Xerxes kay Lyra. Tumayo ito para lapitan ang bata.
“Hindi maaari, bilin ni Crescent na hindi ako dapat lumagpas sa hangganan,” walang anumang wika ni Lyra habang marahang ginugupit ang mga tinik ng rosas na puti bago ilagay sa malalim na basket na nakalagay sa braso nito.
“Bakit? Napakarami namang bawal,” hindi alam ni Xerxes kung matatawa siya o matutuwa sa pagiging masunurin ni Lyra.
Naupo na lamang siya sa tabi nito nang maupo ito sa damuhan. Naroon sila sa gitnang bahagi ng lupain ng mga Wolveus kung saan naroon ang mga puting rosas na inaalagaan ni Crescent.
“Ano pa ang bilin niya sa 'yo?” nangingiting tanong pa ni Xerxes kay Lyra na ngayon ay tinatangay nang hangin ang itim na itim na buhok, abala ito sa pagbibilang ng mga rosas na napitas nito. Naglatag ito ng puting tela at doon inilapag ang mga rosas na binibilang.
“Na huwag akong lalabas pag sapit ng alas dose lalong-lalo na kapag kabilugan ng buwan at lagi ko 'tong dadalhin,”nakangiting humarap si Lyra kay Xerxes, at ipinakita ang k'wintas na may palawit na kalahating buwan na yari sa ginto. May pulang batong ruby iyon sa gitna.
“Paano ba kayo nagkakilala?” lalong nagiging interesante si Lyra para sa kanya. At ang ugnayan nito at ni Crescent ay talaga namang pumupukaw na mas lalo siyang maging interesado sa paslit.
“Lyra.”
Nagulat si Lyra maging si Xerxes nang marinig ang boses ng nakababatang kapatid.
“Crescent!”
Masama ang tingin na ipinukol ni Crescent kay Xerxes kahit nginitian na ito nang huli.