Kabanata V

1937 Words
Nagpatuloy ang buhay ni Lyra sa palasyo ng mga lobo, isa siyang alipin na sinasamantala ng katulad ng ibang asawa ng hari. Hindi pa man tuluyang wala si Crescent, nararamdaman na niya ang trato ng dalawang asawa ng hari. Nangangamba tuloy siya na baka kapag wala na talaga si Crescent, palayasin na siya ni Criselda at Hera. Sa mga oras na ‘yon, minamasahe na niya ang paanan ni Reyna Criselda. Naroon ito sa trono nito sa loob ng sarili nitong magarbong kuwarto na puno ng salamin. Malakas ang kompiyansa nito sa sarili na ito ang pinakamaganda sa lahat nang asawa ng hari kaya hindi ito nagsasawang tingnan ang sarili sa iba’t ibang salamin. “Ang tanga-tanga mo!” gigil na hinablot ni Criselda ang buhok ni Lyra. Halos ihiwalay nito sa anit ni Lyra ang buhok ng bat.a Hindi niya talaga maatim na may isang mortal sa loob ng kastilyo, isang basurang dala-dala ni Crescent na labis niyang kinaiinisan ang pagiging pasikat. Ang trono ay para sa kanyang anak na si Laxus! Ikinaiinis niya na si Riel lang ang naroon para sa kanya—ang anak ni Laxus. Abala ito sa pagsasanay sa ibang lugar. “Masakit po!” mangiyak-ngiyak na pilit hinahawakan ni Lyra ang gulo-gulo na niyang buhok. “Tama na po, aaah!” naiyak na siya nang tuluyan sa labis na sakit. Kanina, bigla siya nitong ipinatawag, nagdidilig siya ng rosas noon. Pero dahil takot siya rito'y iniwan muna niya ang lagadera at mabilis na tinungo ang silid ng Reyna. At ipinamasahe nga nito ang mga paa nito sa kanya. Tatlo silang naroon sa silid. Ang isang tagasilbi ay nasa likuran nito at marahan ang bawat galaw ng kamay sa pagmamasahe sa uluhan ng kinatatakutang reyna. Ang isa naman na siyang pinalitan ni Lyra ay abala sa pagpapaypay dito. Nagulat ang dalawang tagasilbi sa ginawang pagsabunot ng bayolenteng Reyna na si Criselda sa ampon ni Crescent. “Isa kang walang kuwentang nilalang alam mo ba 'yon ha? Isa kang basurang pakalat-kalat at naiirita ko sa tuwing nakikita kitang bata ka!" sinabunutan pa nito nang husto si Lyra at pinagwagwagan. “Kapag hindi ka pa umalis dito, sisiguraduhin kong mas malala pa rito ang aabutin mo!” Hindi niya napigil umiyak nang malakas sa sobrang sakit habang nagmamakaawa na bitiwan siya nito. Napakasakit na ng kanyang ulo. “Tama na po, pakiusap po! Tama na po...” iyak nang iyak si Lyra na pulang-pula na rin sa sobrang sakit na dinaranas. Awang-awa naman ang dalawang taga-silbi sa sinasapit ni Lyra, at wala silang kayang itulong rito dahil baka patayin sila ni Criselda. Kitang-kita ni Tomo ang naganap na tagpo kay Lyra at Criselda nang mapadaan siya sa k'warto ng Reyna at bahagya 'yong nakaawang na sana'y isasara niya. Hinahanap niya rin kasi si Lyra dahil hinahanap 'to ng Panginoon niya. Mabilis siyang tumakbo para tunguhin si Crescent, nasisiguro niyang hindi patatawarin ni Crescent ang p*******t ng reyna sa kinagigiliwan nitong batang si Lyra. Halos magkandarapa siya sa pagtakbo sa mahabang pasilyo na maging ang kakayahang magpalit anyo'y nakalimutan na niya! "Pa –panginoon!" nagkakandabulol si Tomo nang masilayan si Crescent na papalabas ng kuwarto nito. Maayos na nakasalansan ang pilak nitong buhok sa kaliwang bahagi ng balikat nito. Tinignan siya ni Crescent. "Si – si Lyra, si-sinasaktan ng reyna!" takot na takot na sumbong ni Tomo. Kitang-kita niya ang pagdilim nang anyo ni Crescent. Agad na naglaho si Crescent sa kanyang harapan, kaya naman agad-agad na tumakbo si Tomo patungo sa kuwarto ni Criselda dahil alam niyang doon ito patungo. Naabutan niya ang bahagyang bukas pa ring pintuan ng Reyna at sinilip niya ang naturang kuwarto. “Ano gusto mo pa manirahan dito?!” dinampot ni Criselda ang isang inuming asul na nasa kopita sa katabi nitong side table at ibinuhos iyon sa mukha ni Lyra na lalong umiyak habang pinupunasan ang mukha nito ng maliit na palad. Tumayo si Criselda at pilit itinayo si Lyra at itinulak ito. "Lumayas ka! Dalian mo! Nag-iinit ang ulo ko sa 'yong bata ka!" bulyaw pa ni Criselda sa takot na takot na si Lyra na sumubasob pa sa lakas ng tulak sa kanya. “Halika na Lyra,” mabilis na binitbit ng nagpapaypay na taga-silbi si Lyra patungo sa labas ng pintuan bago binalikan si Criselda na ngiting-ngiting naupo sa trono. “Lyra,” nakaramdaman naman ng awa si Tomo nang makita 'to. Nagulat si Tomo nang bigla itong yumakap sa kanya at umiyak kaya marahan niyang hinaplos ang likod nito para aluin 'to. Samantala pinagkrus ni Criselda ang mga binti at lumitaw ang makinis at maputing hita nito na walang kahit anong peklat o gasgas man lamang. Kulay pula madalas ang kasuotan nito, at tanging ito lang ang asawa ng hari na nagsusuot ng mga kasuotang malalaki ang biyak sa gilid kaya kapag nagkrus ang binti nito'y lumalantad hanggang hita. Ipinikit niya ang mga mata at 'di nawawala ang ngiti sa labi. "Sige, imasahe mo na 'ko," aniya sa tagamasahe ng kanyang ulo. “Napakatanga ng batang iyon. Wala talagang maaasahan sa mga tao. Napakapangit na bata!” Matatawa sana siya nang malakas kaso napansin niya na bumigat ang kamay na humawak sa kanyang balikat. May kilabot na kaagad gumapang sa buo niyang katawan. Mabilis ang pagtatayuan ng mga balahibo sa kanyang batok. Ang kamay na nakahawak sa balikat niya'y gumapang sa leeg niya kaya kaagad siyang napamulat. Gagalaw sana siya nang magulat siya sa matalas na kukong nakaamba sa kanyang leeg. “Ipaghahanda kita ng libingan. Ano bang rosas ang gusto mong ipatong ko sa walang buhay mong katawan? Bulok na kasama ang mga uod na magpipiyesta sa katawan mo? Mukhang iyon ang pinakamaganda hindi ba?” lalong nanindig ang balahibo ni Criselda, ang boses na 'yon na kasing lamig ng yelo ay pag-aari ni Crescent. At ang paraan nito nang pagsasalita ay tila isang sumpang nagkakalat nang takot sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat. Maging ang nasa paanan niyang tagasilbi'y takot na takot sa nakitang panlilisik at pagpupula ng kaliwang mata ni Crescent. Mabilis na hinawakan ni Criselda ang kamay ni Crescent para pigilin 'to. Tinanggal niya 'yon at nilingon 'to nang may panlilisik rin ang mga matang kulay ginto. Mabuti't hindi siya nito nagalusan man lamang. Ang panlilisik ng mata ni Criselda na galit na galit ay agad ring napalitan ng bahagyang pagkatakot nang masalubong ang nagngangalit na mga mata ni Crescent. Biglang tinabig ni Crescent ang trono niya na agad bumagsak at nagkasira-sira. Ang napakaganda niyang trono na yari sa ginto't mga brilyante! Naiatras ni Criselda ang mga paa ngunit agad na nadakma ni Crescent ang leeg niya sa paraan na halos 'di niya namalayan ang pagkilos nito.  "Si Lyra ay hindi alipin, ginusto niyang magsilbi pero hindi 'yon dahilan para saktan siya ninuman." Pagkamuhi ang nasa mata ni Crescent na humihigpit ang kapit sa leeg ni Criselda na takot na takot. Ngayon lang niya nakita si Crescent na galit-galit, parang ibang nilalang 'to ngayon na hindi nakikilala na siya ang Reyna! "Aaaaaaah!" Nauubusan na nang hangin si Criselda na umaangat ang paa sa pagtaas ni Crescent sa kanya. "Tandaan mo, hindi mo maaaring saktan si Lyra!" Malakas siyang sinalya ni Crescent sa sahig. Agad namang dumalo ang dalawang natatakot rin na alipin nito. “Patawad, hindi ko na uulitin, 'wag mo 'kong patayin, maawa ka sa 'kin,” hindi niya akalaing magmumukha siyang basang sisiw na hihingin ang awa nito. Nawala ang bagsik niya na hindi na alintana na nakikita siya sa ganoong anyo ng mga alipin niya. Lumalayo siya kay Crescent sa bawat paghakbang nito pakiramdam niya kamatayan na niya. Ang kulay abo sa paningin ni Lyra na mga mata ni Crescent ay naiiba sa mga tulad ni Criselda na hindi pangkaraniwang tao, kulay abo at asul ang mata ni Crescent – kakaiba at puno nang kasaysayan ang mga matang 'yon kung sisiyasatin. Ang kulay abo kasi nitong mata ay tunay na kulay pula. "Patawad?" halos bulong lang na tanong ni Crescent kasabay ang nakakakilabot na ngiti nito. Hinawakan nang isang kamay nito ang mukha ni Criselda at ang mga kuko ni Crescent ay matutulis sa mga oras na 'yon kaya naman agad nagdugo ang magkabilang pisngi ni Criselda na lalo pang nag-alab ang takot na nadarama sa binata. "Hihingi ako nang tawad sa kanya, pakiusap 'wag mo 'kong saktan Crescent," walang patid ang pagluha ni Criselda na hinahawakan ang kamay ni Crescent na pababasa leeg niya para sakalin na siya at lagutan nang hininga. “Kamahalan!” boses iyon ni Lyra na naging hudyat para makahinga nang maluwag si Criselda. Hindi nito akalain na muntikan na siyang mamatay. “Hindi mo siya sasaktan o uutusan man lamang, oras na malaman ko na habang wala ako, may ginawa ka sa kanya... Tandaan mo, daranasin mo sa 'kin ang pinakamasakit na kamatayan,” ang mga huling salita ni Crescent ang nagpaiyak na kay Criselda na inakalang katapusan na talaga niya. Ipaparating niya ‘yon sa hari! “Lyra,” hindi niya magawang ngumiti sa anyo nitong pilit na sinusuklay ng maliit na palad ang buhok  habang basa-basa ang damit nito. Binalikan niya nang tingin si Criselda na nagniluhod na. Iniwan niya 'to at nilapitan si Lyra. “Naglaro ako, pasensiya ka na,” naiilang si Lyra sa dumi niya. “Maganda ka pa rin,” hinalikan ni Crescent ang noo nito. Nanginginig siya sa galit pero hindi niya 'yon dapat ipakita kay Lyra, ang galit na pumupuno sa kanya dahil hindi siya umiinom ng alak pero naaamoy niya ang likido ng alak sa kanyang si Lyra. Umalis sila roon na magkahawak-kamay. “Lyra, hinahanap ka namin kanina pa,” si Tomo. “Shhh...”nilagay ni Lyra ang hintuturo sa labi, hindi niya alam na maging si Crescent alam naman ang ginawa sa kanya ni Criselda. “Ikuha mo 'ko nang pamunas,” si Crescent kay Tomo na kaagad sumunod. Pumasok sila ni Lyra sa k'warto nito at pinaupo 'to sa kama nito saka siya humila nang upuan at naupo roon nang magkatapatan sila. “Lyra, tandaan mo na hindi ka dapat matakot sa kahit na sino.” Hinawakan ni Crescent ang maliit nitong mukha, “Ayoko na nagsisinungaling ka para pagtakpan ang iba na nakasakit na sa 'yo,” mahinahon ang mga salita nito pero nakapagpaiyak kay Lyra. “Hindi kita dinala rito para maging alipin, dinala kita rito para sa 'kin, alagaan mo ang mga rosas, ayusin ang k'warto ko, makitulong ka sa iba kung gusto mo malibang, maglaro ka kung nais mo, lahat ng gusto mo p'wede mong gawin at hindi kita pinipigilan. Pero ang masaktan ka sa pagkilos sa palasyo, hindi ko 'yon mapapayagan,” hinalikan niya 'to sa noo. “Patawad,” sumisigok na wika ni Lyra na panay ang pagluha. Nag-aalala si Crescent sa kanya at natutuwa siya roon na nasasaktan, hindi niya maunawaan ang batang puso niya. Tumayo si Crescent at kinuha ang suklay sa loob ng cabinet niya't bumalik 'to at marahang sinuklay ng brush ang buhok niya. Tinitignan niya 'to nang maigi, kahit saan tingnan wala talagang 'di maganda sa anyo nito. "Mawawala ako, at hindi kita maisasama kaya 'wag mo 'kong pag-alalahanin nang husto, Lyra. Nauunawaan mo ba?" Tumango si Lyra at ngumiti nang husto na ikinangiti ni Crescent. Bakit nga ba ang ngiti nito ay nakatutunaw ng galit sa puso niya? Kung maaari lang niya 'tong isama, pero hindi tama lalo pa't hindi niya gustong makita nito na pumapaslang siya, hindi niya gustong makita nito ang ibang bahagi niya bilang si Crescent. Dumating si Tomo dala ang plangganita at pamunas. Si Crescent ang nagpunas kay Lyra na nahihiya pa kahit mukha lang naman 'yon at braso. “May ipapakita ko sa 'yo, Lyra, magbihis ka na,” ani Crescent na iniabot ang plangganita kay Tomo at sabay na lumabas ang mga ito. “Aalis siya, kailangan kong maging matatag. Kaya mo 'yan, Lyra.” Aniya sa sarili at ngumiti nang makita ang repleksiyon sa salamin. Lumipas ang dalawang araw nang magising si Lyra sa umaga'y isang sulat na nakapagpaiyak sa kanya ang kanyang nabasa. Naroon ang sulat sa side table kung saan iyon iniwan ni Tomo o ni Crescent. Lyra, Tandaan mo ang mga bilin ko, babalikan kita at kinakailangan na hindi ka magpaapi kaninuman dahil ako lang ang pagsisilbihan mo at hindi ang iba. CS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD