chapter 4

1218 Words
Ang Nawawalang Tagapagmana CHapter 4 Mula sa malayo ay kitang -kita ni Issay ang anak na si Isabel na niyayakap ng isang ginang. Base sa suot nito at mga alahas ay mayaman ang babaeng iyon. Lumapit pa si Issay sa kanilang dalawa para marinig niya kong ano ang sinasabi ng ginang dito. "Anak ikaw na nga ba ito? Alam mo bang matagal na kitang hinahanap". Anang ginang ibig sabihin napagkamalan ng ginang ang anak ni Issay na kanyang anak. Isang plano agad ang pumasok sa isip nito. Lumipat ng pwesto si Issay kong saan makakaharap niya ang kanyang anak na si Isabel, nakita naman agad siya ng dalawa at nag senyasan ang mga ito na mag panggap siya. "A-ako nga ito ikaw ba ang mommy ko?" Maluha -luhang sambit ng dalaga "A-ako nga mabuti nalang at naiwan mo itong kuwentas at binalikan kaya nakita kita anak". Ani Nancy ang ginang Tiningnan ni Isabel ang kuwentas, ang swerte niya dahil sa kuwentas na ito napagkamalan siyang anak ng babae. Habang nagyakapan ang dalawa ay dumaan naman sa gilid nila si Martina umiiyak ito at pilit May hinahanap sa paligid. Hanggang sa napagtanungan nito ang nanay ni Isabel "Ate May nakita po ba kayong kuwentas na May asul sa dulo? Naiwala ko kasi hindi ko alam kong saan ko naiwan". Anito Napagtanto ni Issay na ito ang nagmamay-ari ng kuwentas na hawak ngayon ng anak niya. "H-hindi ko alam, hanapin mo baka nasa simbahan ". Ani Issay "Wala Ho roon hinanap ko na doon, iyon lang kasi talaga ang paraan para mahanap ko ang tunay kong pamilya". Ani Martina "Burara ka kasi. Umalis ka nga dyan istorbo ka sinasayang mo oras ko". Ani Issay Malungkot na umalis si Martina sa harapan nito, at muling nagpalinga linga sa paligid. Hanggang sa hindi nito napansin ang dalawang tao na nasa likuran niya. Nakita din niya ang kuwentas na bumagsak sa sahod, pulotin niya na sana iyon kasi naunahan siya ni Isabel "Ang tanga mo naman, nahulog mo tuloy ang kuwentas ko"! Anito sa nagagalit na boses "Teka miss kuwentas ko iyan". Saad naman ni Martina Nagulohan naman si Nancy sa kanyang narinig sa isa pang babae. Bagama't nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam ng makita ang dalaga ay minabuti padin niyang kausapin ang dalawa "Miss pasensya na pero sa anak ko ito, sino kaba? Bakit sinabi mo na sa'yo ang kuwentas na ito?" Tanong ni Nancy "Eh kasi akin po talaga yan kanin--- "Anak nandito ka lang pala, ano nanaman ba ang ginawa mo dito?" Biglang singit ni Issay sa tatlong nagtatalo Pilit niyang hinila si Martina sa dalawa baka kasi magkabukoan pa "Ma'am pasensya na kayo sa anak ko, May sakit Ho kasi ito sa pag-iisip kaya lahat ng nakikita niyang bagay na gusto nito ay inaangkin nya."ani Issay "Teka wala akong sakit! Saka hindi ko kayo kilala akin ang kuwentas na iyan, bigay pa yan ng nanay ko Nong maliit palang ako". Dahil sa sinabi ni Martina ay muling lumapit ang ginang sa kanya. "Totoo bang sayo to?" Tanong nya "O-opo sakin po yan. Bigay iyan ng mga madre na iniwan ng nanay ko sakin, bago niya ako iniwan sa mga madre". Dahil sa pagkasabi ni Martina noon ay lalong umiyak ang ginang "I-ikaw nga ba talaga ang anak ko?" "Ano Pong anak?"Takang tanong ni Martina Bago pa makasagot si Nancy kay Martina ay pilit ng iniiba ng dalawa ang usapan. "M-mommy wag ka maniwala sa babaeng yan. Akin po ang kuwentas na iyan". Sabat ni Isabel "Naku ma'am maawa ka naman sa tunay mong anak, May sakit sadya itong anak ko. Iuuwi ko na siya". Ani Isabel at hinila na nito palayo si Martina Pero dumating ang mga bantay ni Nancy. "Kunin nyo ang dalawang bata, pati itong nanay dalhin nyo sila sa bahay at kukunan ko sila ng DNT test". Sa sinabi ng ginang ay kinabahan ang dalawang mag-ina. Si Issay at Isabel "Nay anong gagawin natin, baka mabuko tayo dahil sa kalokohang pinasok natin?" Palihim na bulong ni Isabel sa ina. "Sumunod ka nalang gagawan ko ng paraan ang problema natin. Sisiguraduhin kong ikaw ang kilalaning anak at hindi ang isang 'yan." Bulong nito pabalik sa ina. Ngayon ay kasama na sila sa mansyon, mangha -mangha ang mag-ina dahil sa laki ng bahay, habang si Martina naman ay hindi rin maiwasang hindi mamangha. Pinagsama sa iisang kwarto sina Martina at Issay, samantalang si Isabel naman ay nag-iisa sa sariling kwarto. Pareho sila ng kanyang Ina na nangangarap ng gising "Bakit kaba kasi napasama dito?" Maya-maya tanong ni Isay kay Martina "Hindi ko alam basta ang alam ko akin ang kuwentas na inaangkin ng babae na iyon." Matapang na sagot ni Martina "Paano mo nasabi na sayo iyon ngayong nasa kanya ang kuwentas na sinasabi mo, pati ako nadamay sa kalokohan mo". Inis na turan ni Issay "Hindi ka naman kasi dapat kasama dito kong hindi po ninyo sinabi na anak nyo ako? At isa pa bakit ganon nalang kong nagtitigan kayo Nong isang babae kanina. Para kasi kayong mag-ina." Ani Martina "Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, hindi ko kilala ang babaeng yun. Total nandito nalang din tayo magpanggap ka nalang din na ikaw ang tunay na anak nila kahit na hndi naman talaga." Turan ni Issay Habang nag-uusap sila ay pumasok ang isa sa mayordoma ng bahay "Pinapatawag kayo ni madam sa opisina niya, pumasok daw kayo doon". Aniya Sumunod naman ang dalawa. Pagdating nila doon ay kinausap sila about sa dna test na gagawin. Kinakabahan si Issay pero hindi nito pinapahalata, nakita niya sa isang tabi ang anak na nakatitig sa kanya ng palihim. "Mamaya isasagawa agad ang DNA test para malaman ko kong sino ang tunay kong anak sa inyo, at kong wala man sa inyo ang tunay kong anak ay pareho ko kayong paalisin dito at bukod pa roon mapaparusahan muna kayo. Dahil sa ginawa niyong pagsisinungaling at pag angkin sa bagay na ito ." Anang ginang habang nilalabas ang kuwentas. "Maniwala kayo sakin, sakin po iyang kuwentas." Taas nuong sambit ni Isabel "Hindi, ako ang May ari niyan. Iyan ang dahilan kong bakit ako bumalik sa simbahan para hanapin iyan." Segunda naman ni Martina "Martina anak tumigil Kana kasi! Nilalagay mo na sa kahihiyan ang pamilya natin eh. Nakakahiya na, ma'am di mo na kailangang gumawa ng DNT test, aalis nalang po kami dito ng sa ganon makasama mo na ang tunay mong anak. Pasensya Kana sa abala namin ng anak ko. May sakit kasi talaga siya". Anito sabay hawak sa kamay ni Martina na pilit nagpupumiglas sa kanya "Hindi nga kita ina at hindi kita kila--- "Tumigil na kayo. Walang aalis ngayon,hangga't hindi dumadating ang result na ipapagawa ko sa inyo". Anang ginang Bagama't halatang nalulungkot at naiinis na ito dahil sa sagotan nila, nakarandam padin siya nang pangungulila para sa nawawala niyang anak, sana talaga isa sa kanila ang anak niya. Bukas din makikita at malalaman na nila ang resulta. SAMANTALA nag-iisip naman ng plano si Issay kong paano niya maiba ang result ng DNA test, alam naman nila sa sarili nila na ang tunay na anak ay si Martina alangan naman sila dahil aksidente lang naman ang pagtawag sa anak na si Isabel. Total nandito na rin lang naman sila ilalaban na nila ito. ITUTULOY MATUTULOY KAYA ANG BALAK NG MAG-INA?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD