Chapter 3

1030 Words
Chapter 3 (Ang Nawawalang Tagapagmana) #FakeHeirs Buo na ang disisyon ni Martina, aalis na siya ng bahay. Hindi niya alam kong ano ang mangyayari sa kanya sa labas. Kapag wala na siyang choice bala babalik nalang siya sa mga madre na umampon sa kanya. Baka doon talaga ang tahanan na para sa kanya. Kong ano ang gamit na dinala ni Martina sa bahay nila Justine ay ganon lang din ang nilagay niya sa kanyang bag Wala siyang dinala na kahit anong pag-aari ng pamilya. Tiningnan niya ang oras 3am sakto at tulog pa ang mga tao sa loob ng bahay. Nag-iwan siya ng sulat sa tabi ng asawa mahimbing ang tulog nito. Nakasaad doon ang pamamaalam at pakikipaghiwalay dito. Bagama't mahal niya ang asawa ay kailangan niya ding tigilan ang kahibangang ito, dahil kong mahal siya ng asawa hahanapin siya nito at ipaglaban sa Nanay at Kapatid nito. Sinulyapan niya muna ang asawa habang mahimbing na natutulog, gusto niya itong halikan sana kahit sa huling beses pero nanaig ang sakit at pagmamaltrato nito sa kanya. Nakatatak iyon sa kanyang isipan, nanumbalik ang sakit ng ginawa nito sa kanya. "Sana lang talaga hindi ka magsisi sa ginawa mong to sakin, kong sadyang hahanapin mo man ako at humingi ng tawad sa mga nagawa mo, sana lang hindi pa ako nakamove-on at ikaw pa ang mahal ko. Pero kong Naka move-on na talaga ako nung ka pa na babalik pa ako sa'yo". Bulong ni Martina saka dahan-dahang lumabas sa pinto. Habang pababa siya ng hagdan nang dahan-dahan ay isang mahinang boses ang nagpagulat sa kanya. "Aalis ka?" Anang boses "Hayaan nyo na ako lolo gusto ko ng makalayo dito, hindi ako nabibilang sa pamilyang to". Ani Martina "Alam ko, hindi kita pipigilan gusto ko lang na pirmahan mo itong annulment nyo, para tuluyan ka nang makalaya sa asawa mo. Kahit apo ko iyon ayaw ko na ganyan ang ginagawa sayo. Paparusahan ko sya sa ginawa niya sayo. Ililihim ko pansamantala itong annul nyo baka sakaling hanapin ka at piliting makabalik sa kanya ito ang panlaban mo. Pero sana lang wag Kana bumalik sa kanya kong alam mo sa sarili mo na ikaw lang ang lumalaban sa delasyon nyo. Makinig ka sakin di Kana iba, apo Nadin kita kong ituring at ito pera iyan gamitin mo sa maayos at hanapin mo ang pamilya mo. Ito lang ang maitutulong ko sayo". Anang matanda "B-bakit nyo po ito ginagawa sakin lolo? Bakit po ang bait nyo sakin?" Takang tanong ni Martina "Wag kanang maraming tanong baka magising na ang mga iyon at maabutan ka. Kong gusto mo na talaga makaalis dito mabilis ka dapat kumilos, sige na pirmahan mo na ito at kunin ang pera". Saad ng matanda Kinuha ni Martina ang papel at pinirmahan iyon kahit nagdadalawang isip siya. Kinuha din niya ang pera na binigay ng matanda tama ito mas maganda na May pera siya paglabas ng bahay na ito, para magamit niya sa paghahanap ng tunay nitong mga magulang Nang maibigay niya iyon sa matanda ay umalis narin ito sa harapan nya. "Umalis Kana at mag-ingat ka sana. Hindi ko na hihilingin pa na magkita pa tayo ulit. Hangad ko ang kalayaan at pagbabagong buhay mo sa labas. Sana maging successful ka sa labas." Anang matanda at iniwan na siya nito sa labas ng gate. Nakangiting umalis si Martina sa harapan ng gate mag alas kwatro na 5am nagigising ang pamilya ni Justine. Naglakad siya papunta sa labasan dahil doon ang sakayan. Ilang minuto din ang nakalipas bago siya nakahanap ng taxi. Hindi niya alam kong saan siya pupunta kaya sinabi nalang niya na sa Baclaran siya ihahatid. Kahit paano pwede siyang tumambay muna saglit sa simbahan at doon makapag-isip ng sunod nitong gagawin. Mag alasinko na ng makarating siya sa Baclaran church, unang beses niyang nakapunta ito at sadyang namangha siya sa laki ng simbahan. Dala dala niya ang kanyang bag at nilagay sa kanyang harapan dahil alam niya na madaming magnanakaw sa lugar na ito. Pumasok siya sa simbahan at nagdasal hiniling na sana makita niya na ang kanyang mga magulang, bukod pa roon ay bigyan siya ng tamang directions. Samantala May isang ginang ang nasa unahan ni Martina umiiyak ito ng walang tigil habang nagdadasal. Umalis Nadin si Martina sa lugar na iyon, kinuha ang bag habang di naman nito napansin na naiwan sa umupoan ang isang bagay na napakahalaga sa kanya . Maya-maya pa ay tumigil na ang ginang at tapos na ito sa kanyang pagdadasal. Napansin niya ang isang kuwentas sa upuan, kumabog ng husto ang kanyang puso ng makita ang familiar n kuwentas Mabilis niyang kinuha at tiningnan iyon ng maayos. Hindi siya nagkakamali ito ang kuwentas na iniwan niya noon sa kanyang anak. Patakbo siyang lumabas ng simbahan habang Mabilis na tinawagan ang mga tauhan na nasa paligid lang din naman. "Kumilos kayo, hanapin nyo ang anak ko nandito siya sa paligid nakita ko na siya". Galak na sigaw ng ginang sa mga tauhan nito Masaya ang mga tauhan nito sa narinig kong totoo man iyon, makikita na nilang maging masaya ulit at hindi na maging malungkot in ang kanilang amo. Araw-araw itong pumupunta sa simbahan para magdasal na sana mahanap na nito ang kanyang anak Nagkalat sa paligid ang mga tauhan ng ginang para hanapin ang umano'y anak nito. Pero bigo silang mahanap ang sinasabing anak. Muling nalungkot at naiyak ang ginang wala na siyang choice kong hindi hanapin ang anak sa pamamagitan ng telebisyon. Kakausapin niya ang kanyang Papa para tulongan siya na mahanap ang kanyang anak. Itong kuwentas ang magpapatunay na pag may-ari ito ng anak nya. Habang hawak niya ang kuwentas ay aksidentenh nahulog niya iyon mula sa kanyang kamay. Akmang pipilitin niya iyon ng maunahan siya ng isang dalagita NagtamA ang kanilang mga mata at hindi manlang hinayaan ng ginang na magsalita ang dalaga, bagkos kanya itong niyakap ng mahigpit habang umiiyak. "Anak bumalik ka". Mga katagang lumabas sa bibig ng ginang habang ang dalagita naman ay halos di makapag salita sa ginawa ng babaeng di naman nito kilala. Pero isang malapad na ngiti ang pasimple nitong pinakawalan sa kanyang mga labi. Siya na nga ba ang totoong anak? ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD