Chapter 5

1126 Words
Ang Nawawalang Tagapagmana Written by Nezel A Docto #Chapter5 Gumawa ng paraan si Issay, kinausap nito ang ginang na si Mrs Nancy Corpuz. May kakilala umano itong doctor na maaring makatulong sa kanila para maisagawa ang DNT test result para di umano ito mahihirapan sa paghahanap. Subalit tumanggi ang ginang dito at sinabi sa kanya na meron nang doctor na papunta ngayon mismo dito. Halos isang oras din ang hinintay nila bago dumating ang doctor, muli silang nagtipon sa opisina ng ginang. Doon ay kinunan sila ng laway ang dalawang dalaga na sina Isabel at Martina, kasama din ang ginang na si Nancy. Nagulat din si Issay kong bakit siya ay kinuhanan din. Pero wala siyang nagawa dahil kailangan din malaman kong anak nga ba niya talaga ang isa sa mga dalaga. Lalo na at nagdududa din si Nancy sa kay Issay. Matapos ang pagkuha ng sample sa kanila ay inilagay na ng doctor ang mga sample sa lagayan nito at itinabi saglit dahil inalok pa siya ng meryda ni Nancy. Habang kumakain ang naturang doctor kasama si Nancy ay palihim namang sumaglit si Issay sa opisina kong saan naiwan ang result. Pansamantalang pinalitan ni Issay ang pangalan ng anak at ni Martina. Ung kay Martina na sample ay nilagay doon ni Issay ang pangalan ng kanyang anak, at kay Isabel naman na sample ay doon naman kay Martina. Para sure na ito ang mag positive. Kinakabahan man si Issay pero nagawa niya padin ng maayos ang plano nya Lumabas na din siya roon mabuti nalang at hindi siya nakita. Nakangiting bumalik siya sa kanyang kwarto kasama si Martina. "Kong ako sa'yo mag balot-balot na tayo para bukas aalis nalang tayo dito". Ani Issay kay Martina "Bakit naman po? " Tanong ni Martina "Tanga kaba? Or Bob* ka lang? Alam mo naman na bukas darating din ang resulta sure din naman akong negative ka at ako at ang totoong anak iyong si Isabel." Taas Noong sagot naman ni Issay sa kanya "Hindi maari iyon, dahil alam ko sa sarili ko at malakas ang kutob ko na siya talaga ang tunay kong Ina. Dahil kong hindi siya bakit ganon nalang ang reaksyon niya ng makita ang kuwentas na inangking Nong Isabel na iyon. Akin iyon at hindi ako pwedeng magkamali". Ani Martina "Tingnan nalang natin bukas."ani Issay Humiga ito sa kama at nanaginip naman ng gising, dahil sa wakas maging mayaman na sila sa pamamagitan ng anak niya. Bukas na bukas din ay tagapagmana na ang anak niya at dito na titira kailan man. At ako maging donya din sya sa sarili nilang bahay, mabibili na nila lahat ng gusto nila dahil alam nito na hindi sila pababayaan ng anak na si Isabel, bibigyan sila ng milyones". Mga naiisip ni Issay hanggang sa nakatulugan na nito ang mga iniisip Samantala hindi makatulog si Martina, nagpasya siyang bumaba sandali para maglibot-libot sa bahay. Nadatnan niya sa garden ang ginang nagdidilig ito ng halaman. "Mahilig din po pala kayo sa halaman". Lumingon sa kanya ang ginang ng marinig siyang nagsasalita sa likuran nito Nakangiti naman si Nancy dahil pakiramdam niya kaharap nito ang anak. Pero hindi siya pwede magpadala sa kanyang emosyon, ihanda nalang niya ang kanyang sarili para sa result bukas. "Bakit bumaba ka? Dapat mamaya na sa hapunan para makapagpahinga ka". Tugon ng ginang dito "Hindi po ako makatulog, at isa pa gusto ko po talaga kayo makausap". Ani Martina "Tungkol saan?" Ani Nancy "Tungkol po sana sa kuwentas poo". Saad ni Martina "Hmm yeah, sa anak ko iyon hindi ako pwedeng magkamali dahil ibinigay ko sa kanya iyon noong sanggol palang siya". Malungkot na wika ni Nancy "Pero sana maniwala kayo sakin na ako talaga ang may-ari noon. Sabi ng mga madre ibinigay iyon ng nanay ko bago niya ako iwan sa simbahan, sanggol palang po ako noon". Ani Martina na di na maiwasang di maiyak "S-sigurado kaba talaga?" Ani Nancy "M-mukha po ba akong nagsisinungaling ma'am? Mahalaga po sakin ang bagay na iyon dahil iyon lang sana ang susi para mahanap ko ang tunay kong pamilya, gaya ng sabi mo sa anak mo iyon. Posible po na kayo na ang tunay kong Ina na matagal ko ng gustong makita". Madamdaming sambit ni Martina "A-anak". Sambit din ni Nancy. Niyakap niya ang anak at doon nito naramdaman ang lukso ng dugo, posibleng totoo ang sinasabi nito "M-mama". Sambit din ni Martina Pero natigil lang iyon ng biglang pagsulpot ni Isabel. Pilit nitong inaalis si Martina sa ginang at sinampal si Martina. "Anong karapatan mo para yakapin ang nanay ko?! Asik ni Isabel sa kanya "Sinungaling ka, ako ang totoong anak at hindi ikaw. Sinungaling ka". Sigaw ni Martina dito "Wag kang assuming alam nating pareho na hindi ikaw dahil ako ang totoo, na sakin ang kuwentas na binigay niya Nong bata palang ako, iniwan niya ako sa mga Madre at sinabi niya na babalikan ako pero hindi na nangyari! Ako ako ang tunay niyang anak'! Mangiyak-ngiyak na sambit ni Isabel Lalong nagulohan ang ginang dahil sa sinabi ni Isabel, pareho sila ng kwento ni Martina na galing din daw ito sa ampunan. Lalo tuloy siyang nalito kong sino talaga ang totoong anak niya sa mga ito. Ang tanging makapagsabi lang ng totoo ay ang resulta bukas. "Magaling anak, ang galing mong umarte tila nagulohan na ang ginang sa ginawa mo, hindi nila alam na narinig mo lahat ng sinasabi ng babaeng yan kong paano niya nasabi na tunay siyang anak. Magaling Isabel mana ka talaga sa mama mo, ituloy mo lang iyan para madali lang tayong yumaman, lalo na bukas dahil sure na akong ikaw ang kilalaning niyang anak." Bulong ni Issay sa kanyang sarili habang nagtatago sa likurang bahagi ng bahay. "Mommy maniwala ka ako ang tunay mo na anak, bukas lalabas din ang totoo at malaman mo na ako ang nagsasabi samin ng totoo". Mangiyak-ngiyak na sambit ni Isabel Niyakap nito ang ina pero hindi manlang nakaramdam ng lukso ng dugo si Nancy dito, maliban kay Martina. Habang yakap siya ni Isabel ay nakita niya si Martina na malungkot at tahimik na umiiyak sa isang tabi. Naawa siya dito at para bang gusto niya itong damayan, pero hindi niya alam kong paano dahil pareho siyang naipit ng dalawa sa kanilang sitwasyon ngayon. ABAGAN.. NILOKO NYO AKO AT NAGPANGGAP KANG ANAK KO, UMALIS KA SA PANAMAHAY KO AT ISAMA MO IYANG INA MO! SANA PALA UNA PALANG DI NA AKO NANIWALA SA INYO!! SINAMANTALA NYO ANG KALUNGKOTAN KO AT PILIT NILALAYONG AKIN ANG TUNAY KONG ANAK!! PAGBABAYARIN KO KAYO." MALAKAS NA SIGAW NG GINANG SA DALAWANG TAO AT NILAPITAN ANG TOTOO NITONG ANAK "SORRY KONG PINAGDUDAHAN KITA NONG UNA ,DIKO AKALAIN NA IKAW PALA TALAGA ANG TUNAY KONG ANAK, PATAWARIN MO SI MOMMY".SAMBIT NANG GINANG
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD