bc

Ang NAWAWALANG Tagapagmana

book_age18+
79
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
contract marriage
family
HE
escape while being pregnant
age gap
powerful
prince
princess
single mother
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
kicking
campus
highschool
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Ang Nawawalang Tagapagmana Tagalog Story by Nezel DoctoPrologueHALOS di na makakita si Martina dahil namamaga na ang kanyang dalawang mga mata, binugbog siya ng walang awa niyang asawa. Nahuli kasi ni Martina ang asawa niya na May babae itong dinala sa hotel. Doon mismo ay kinompronta nito ang kanyang asawa kasama ang babae niya, imbes na mahiya sa ginawa nito sa kanyang asawa ay ito ang ang ginawa niyang kahiya-hiya sa mata ng lahat ng naroon. Sinabi ng kanyang asawa sa lahat na isa lamang siya babae na patay na patay sa kanya at nais nitong sirain ang relasyon nila ng kanyang nobya. Imbes maawa ang mga taong nakakakita sa kanila ay tila siya pa naging masama at hinusgahan ng lahat.Malandi daw siya at kong ano-ano pang masasamang salita ang ibinabato sa kanya. Hanggang sa tumawag na ng security guard ang tauhan ng hotel para palabasin siya.At ito nga ang kanyang sinapit kinagabihan pag kauwi ng kanyang asawa, agad siya nitong binugbog at walang awang pinagsasampal sa mukha hanggang sa dumugo ang mga labi nito. ilang beses din siyang pinag-uumpog ng asawa at tanging iyak lang ang kanyang nagawa.'"T-tama na please".pagmamakaawa ni Martina sa asawang si Justine."Hindi lang iyan ang aabutin mo sakin kapag inulit mo pa iyon! Tandaan mo ito sa bahay ka lang palagi at susunod sa lahat ng gusto ko, hangga't nasa puder kita alipin kita hindi asawa kundi alipin naintindihan mo?! Sigaw sa kanya ni Justine at muli siyang itinulak ng malakas dahilan para muli siyang nanuntog sa gilid ng kama.Martyr si Martina sa kanyang asawa mahal na mahal kasi niya ito at hindi niya ito magawang iwan, dahil ito lang ang meron siya. Wala siyang pamilya o kaanak na pwede niyang hingian ng tulong. Isa siyang babaeng lumaki sa bahay ampunan na hindi manlang alam ang tunay na pagkatao niya.Ang tanging naiwan lang sa kanya para makilala siya ay isang kuwentas na suot-suot niya. Ang sabi ng madre sa kanya ay ito daw ang susi para mahanap niya ang tunay nitong pamilya.Simpleng kuwentas lang iyon walang halaga para sa iba, pero para sa kanya ay sobrang napakahalaga nito dahil ito lang ang paraan para makita at makilala ang tunay niyang pamilya.Sa ngayon si Justine lang ang meron siya, si Justine ay nakilala niya Nong nag tatrabaho siya bilang sales lady sa isang supermarket, naging crush niya ito at kalauna'y nanligaw sa kanya. Matapos ang ilang buwang pakikipag relasyon dito ay iniuwi na siya ni Justine sa bahay nila at ipinakilala sa kanyang mga magulang. Batid ni Martina na hindi siya gusto ng pamilya ni Justine pero ginawa niya lahat para magustuhan ng mga ito. Ginawa din siyang alipin at utos-utosan sa bahay na iyon.Balewala lang iyon kay Martina dahil mahal na mahal niya ang lalaki subalit isang taon palang ang nakalipas mula Nong naninirahan siya kasama ang boyfriend na si Justine ay nagbago ang pakikitungo ng lalaki dito.Umuwi kasi ang lolo ni Justine mula sa Canada at dito na maninirahan kasama nila, hindi ito natuwa na May ibinahay na ang apo at nagsasama na sa iisang kwarto gusto ng lolo ni Justine na papakasalan siya para maging legal sila. Ayaw ng pamilya ni Justine subalit ang matanda padin ang masunod dahil nakasalalay dito ang pamana para sa Apo.Mula noon ay inapahirapan na siya ni Justine kasama ang mama at kapatid nitong babae. Ginawa lahat para sumuko si Martina bago dumating ang nakatakdang Kasal, pero hindi nagpatinag si Martina at nauwi padin sila sa kalaban ni Justine. Siya ang ang masaya ng mga sandaling iyon dahil si Justine ay ginawang impyerno ang buhay niya araw-araw mabait lang ang mga ito kapag naroon ang kanilang lolo dahil sweet at pinapakita nila dito na mabait silang lahat kay Martina.Hanggang saan aabot ang pagka-martir ni Martina sa kanyang asawa?Halika at subay-bayan ang bagong kwentong handog ko sa inyong lahat, tayo na at maiyak, magalit at sabayan nyo sa laban at hamon ng buhay si Martina. At mahahanap pa nga ba ni Martina ang kanyang tunay na pamilya?Ang lahat ng chapter ay dito nyo po mababasa paki add ako or follow para mabilis kayong ma-update sa sunod kong pahina.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
💫Ang Nawawalang Tagapagmana💫 By Nezel Docto CHAPTER 1 MARTINA ALONZO 22 year old, hindi niya tunay na pangalan at apilyedo ang ginagamit niya. Ibinigay lang iyon sa kanya noon ng mga kumupkop sa kanya na mga Madre. Sanggol palang Nong iniwan siya sa labas ng simbahan ng kanyang Ina halos nagmamakáawa pa ang kanyang Ina noon na kunin siya at wag ibigay sa mga taong naghahanap dito. Nangako raw umano ang kanyang ina na babalikan siya pero hindi iyon nangyari hanggang sa nasira ang isang simbahan ng napakalakas na bagyo, naging dahilan iyon para malipat sila ng ibang simbahan at doon na tumira kasama ng mga madre. Ngayon nga ay 22 na siya at kahit paano ay tapos na siya ng highschool nagpaalam na siya sa mga Madre na lalabas na siya ng kumbento para harapin ang kanyang panibagong buhay sa labas ng simbahan gusto niyang magsimula ng panibagong buhay na siya lang mag-isa. Mag tatrabaho sya at mag ipon ng pera para siya na mismo ang hahanap sa taong nag iwan sa kanya ng halos 22 years. Bago siya umalis sa simbahan ay kinuwento muna sa kanya ng madre ang dahilan kong paano siya napunta sa pangangalaga nila. Lahat ng sinabi ng madre sa kanya ay baon-baon niya palabas ng simbahan. Nag apply si Martina bilang isang Sales lady sa super market mabilis siyang natanggap dahil maganda sya at porselana ang kanyang kutis. Makakakita umano sya ng mga mamimili dahil mukha siyang manika. Doon niya nakilala si Justine ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Gwapo ang binata at panay papansin din ito sa kanya lalo na at araw-araw itong bumibili ng kong ano ano sa pwesto nya. Hingi ni Justine ang kanyang f*******: account at contact number na hindi naman niya ipinagkait dito. Nanligaw ang binata sa kanya at makalipas nga ang ilang buwang panliligaw ay sinagot siya ni Martina. Ganadong ganado ang dalaga palagi sa kanyang trabaho dahil May inspiration na siya sa buhay. Isang taon makalipas ay inaya Nadin siya ni Justine na umuwi sa bahay nila para ipakilala sya bilang nobya, sa madaling salita gusto ni Justine na mag-live-in na silang dalawa. Mayaman sila Justine, malaki ang bahay at halos maligaw pa si Martina ng mag banyo sya. Ipinakilala ni Justine si Martina sa ina nya at kapatid nito, halata sa dalawa na matapobre ang kaharap at halata din na ayaw nito sa kanya para sa anak nila. Pero hindi iyon ipinahahalata ni Martina magiliw padin siyang nakikisama sa mga ito. Mabait at alaga siya ni Justine Nong nagsasama na sila, walang araw at oras na hindi ito sweet sa kanya. Sinasabi nga ni Martina noon sa kanyang sarili na swerte niya kay Justine. Pero hindi nito akalain na pansamantala lang pala ang lahat. Ilang buwan Nadin ang relasyon nila Nong umuwi ang lolo ni Justine galing sa Canada, sa kanila na ito mag stay ng matagal, kaya Nong nalaman nito na May ibinabahay na ang kanyang apo ay nagalit ito sa mag-ina. Hindi pwedeng hindi pakasalan ni Justine ang babaeng ibinahay niya, tuwang tuwa noon si Martina dahil ikakasal na sya sa taong mahal niya. Pero si Justine ay hindi. Tumanggi si Justine sa kasal maging ang Ina nito dahil masyado pa raw maaga, pero hindi pumayag ang matanda at kapag di daw ito papayag ay walang maibibigay na mana dito. Wala silang nagawa dahil ito padin ang masunod sa lahat. Kinausap ni Justine si Martina na kong maari tumanggi sa kasal or ito na ang kumausap sa matanda na sabihin daw na hindi muna sila magpakasal, pero nagalit lang si Justine sa naging sagot nito. "Maganda nga iyon mahal diba ikakasal na tayo? Mag-asawa na tyo non. Diba mahal mo naman ako?" Ani Martina na May malambing na boses. "Hindi pa nga pwede eh! Bata pa tayo 24 palang ako at 22 ka, hindi pa ako handa"! Galit na turan ni Justine Nasaktan si Martina pero hindi niya pinahalata. "Wag mo na akong pahirapan pa, kapag di mo ginawa ang sinasabi ko baka magsisi ka sa huli". Aniya kay Martina at iniwan ito sa kwarto nila Hindi nagpatinag si Martina sa sinabi ng boyfriend niya, hindi niya siniko ang pagmamahal sa boyfriend. Mas ginalingan niya nalang sa pakikisama at pagtulong sa gawaing bahay para walang masabi ang mga ito sa kanya. Sumapit Nadin ang takdang araw kong saan ikakasal na ang dalawa. Galit na galit si Kurt sa kanya dahil hindi nito ginawa ang sinabi nya kay Martina. Maging ang Ina at kapatid nito ay galit din dito, ginawa nila lahat ng pagpapahirap kay Martina para sumuko na ito at tumakas nalang sa bahay pero hindi ito nangyari. Sa huli si Martina padin ang nag wagi Nang mga sandaling iyon ay si Martina lang ata ang masaya habang ikinakasal sila ng asawa niya. Si Justine kahit nakangiti pero sa loob nito gusto na niyang takasan ang kasal. "You May kiss the bride" anang pari matapos ang mahabang Simeon nito . Itinaas ni Justine ang Belo at imbes miss sa labi ang asawa ay May ibinulong ito sa kanya. "Pagsisisihan mo ang araw na ito, tandaan mo. Mamayang gabi magsisimula na ang kalbaryo ng buhay mo sa piling ko. Yan ang parusa mo sa pag suway sakin". Anito at kiniss siya sa labi Bagama't natakot si Martina ay binalewala na lamang niya iyon, alam nitong nagtatampo lang ang asawa sa kanya dahil nabigla ito sa kasal. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal din sya ng asawa . Sumapit na ang gabi, honeymoon ng dalawang mag-asawa. Gaya ng sinabi ni Justine kay Martina kanina na maging impyerno ang buhay nito sa piling nya. Kong dati sweet at caring siya sa kay Martina ngayon ay para itong babaeng bayaran na paulit-ulit niyang pinagsamantalahan, lahat ng kakaibang s*x position na hindi nito ginagawa noon kay Martina ay ginagawa niya. Sa madaling salita wala na siyang respeto dito. Matapos makaraos ay iniwan niya ang asawa na parang basura sa loob ng kwarto. Umalis sya at nagtungo sa mga barkada niya para doon ituloy ang kasiyahan. Ganyan ang ugali ni Justine na hindi nakita ni Martina noon. Akala niyang mabait at mapagmahal ito sa kanya kabaliktaran pala ang lahat . Lahat ng iyon ay pakitang tao lang para makuha siya at nagpauto naman ang dalaga. Samantala pumasok ang mag-ina sa kwarto, naabutan nilang hubo't-hubad si Martina at halos hindi na makagalaw sa sakit na nararamdaman nya. "Ayan mukha kang pokpok na iniwanan ng customer, bagay sayo yan! Bumangon ka dyan ay nagugutom kami mag-ina ipagluto mo kami dahil wala kaming nakain kanina ". Utos ng ina ni Justine dito Sinamantala nila ang oras dahil alam nilang walang kakampi si Martina dahil tulog na ng mga oras na iyon ang matanda. Kahit masakit ang katawan ni Martina ay pinilit padin nitong bumangon. Paika-ika siyang bumaba ng hagdan at nag tungo sa kusina, nagluto siya ng pagkain ng mga ito. Nag problema hindi nila nagustohan at tinapon sa basurahan ang niluto nya. Nagpalit ulit ang mga ito sa kanya pero gaya don sa una ay hindi din nito nagustohan. Sampal at sabunot ang ginawa nila kay Martina, hanggang sa nagsawa sila at iniwan nalang siyang umiiyak doon sa kusina. "Lord tulongan mo po akong maging malakas pa" . Aniya sa kanyang sarili Makakaya pa kaya ni Martina ang mag tiis sa piling ng kanyang Bayanan at sister in law? Si Justine talaga kayang wala na itong pagmamahal kay Martina? Sundan pa ang sunod na kabanata

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
456.4K
bc

The Pack's Doctor

read
110.6K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
181.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
162.8K
bc

Her Triplet Alphas

read
8.3M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
148.2K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
124.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook