CHAPTER 2
"ANG NAWAWALANG TAGAPAGMANA"
Written Nezel Docto
Nezel A Docto
MADALING araw ng makauwisi Justine sa bahay nila. Nadatnan nitong tulog di Martina sa kanilang kama. Agad niya itong sinipa para tuluyang magising. Napadaing sa sakit si Martina dahil sa pagkasipa ni Justine dahil malakas iyon.
"A-aray naman mahal, dahan-dahan lang naman ". Reklamo ni Martina habang May dinadaing na sakit sa kanyang tagiliran
"Anong karapatan mong mag reklamo? Asawa kita pagsilbihan mo ako! Hindi ka pwedeng matulog lang dito! Hala bangon at Hainan mo ako ng pagkain doon at nagugutom ako"! Utos sa kanya ni Justine na pagalit
"S-sige mahal". Ani Martina
Kahit nasaktan siya sa ginawa ng asawa ay nangingibabaw padin ang pagmamahal nito sa kanya.
"Pilitin kong ibalik ang dating pagmamahal mo sakin mahal, alam kong mahal mo ako at kaya ka lang nagkakaganyan dahil sa mabilis kong pagpayag na maikasal sayo. Sana naunawaan mo din ako kong bakit ko ginawa iyon. Gusto ko lang naman na mag sama na tayo habang buhay,para May matawag narin akong pamilya". Mga katagang ibinulong ni Martina sa kanyang pamilya
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Kilos na"! Sita sa kanya ni Justine ng mapansing nasa pinto pa sya at nakatayo lang
"S-sorry sige bababa na." Anito
Pagdating ni Martina sa kusina ay hindi niya alam ang gagawin kong ano ba ang iluluto niya. Lalo siyang kinakabahan dahil hindi magustohan ng asawa ang iluluto niya.
"Ano? Wala ka paring nagluluto or naihain? Napakabob* mo talaga"! Galit na sigaw ni Justine sa kanya ng makababa ito
"S-sorry m-mahal hindi ko kasi alam kong anong pagkain ang gusto mo". Malumanay na paliwanag ni Martina
"Bob*! Kong anong meron diyan lutuin mo napaka kasimple arghh! Wag na nga piste ka talaga sa buhay ko! Bakit ba kita inuwi dito sa bahay, sana hindi ganito ka rebelde ang buhay ko". Anito na tila siya ang sinisisi sa mga nangyari dito
"A-ang sakit mo naman magsalita. Hindi na ikaw ang dating Justine na kilala ko. Ikaw paba talaga yan mahal ha"? Malumanay na tanong ni Martina dito habang maluha luha ang mga mata
Imbes sagutin ni justin ay sakal ang inabot nito at isinandal sa pader
"A-arrckkk t-tama n-na p-please, n-nasasaktan ako. H-hindi ako makahinga n". Ani Martina sa nahihirapang boses
"Masasaktan ka talaga kapag panay ka reklamo. Nagtatanong ka kong bakit ako ganito? Dahil diyan sa kag*gahan mo! Kong tumanggi ka lang sana sa kasal wala sana akong problema! Alam mo bang masyado pa akong bata para maikasal at maitali sayo"! Anito
"Doon din naman ang punta natin diba? Kasi nagsasama naman na tayo sa iisang bahay na parang mag-asawa. Kaya ko lang ginawa iyon kasi gusto kitang makasama na habang buhay." Ani Martina ng mga sandaling iyon ay maluwag na ang pagkakahawak ni Justine sa leeg nya.
"Bakit sa tingin mo ba mahal talaga kita at gusto kitang makasama habang buhay?" Nakangiting sambit ni Justine
"A-anong ibig mong sabihin?" Ani Martina habang naguguluhan sa sinabi ng asawa
"Tanga ka pala, hindi ibig sabihin na ibinahay kita ay gusto na kita. Ginawa ko lang iyon para araw-araw at gabi gabi kitang nakukuha, ginawa ko lang yun para May libangan ako. Nag pauto ka naman palibhasa b*bo ka, kaya mabilis kitang nakuha". Ani Justine
Sa sinabi nito ay sinampal siya ni Martina ng malakas.
Pero akmang sasampalin din sana siya ni Justine ng isang sigaw ang pumigil dito.
"Sige subukan mong gawin sa kanya yan, kakalimutan kong apo kita". Boses ng kanyang lolo hektor na May pagbabanta
"L-lolo ang AGA pa ba't gisin-
Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sinampal siya ng kanyang lolo
"Lolo bakit?" Takang tanong ni Justine habang hawak ang kanyang pisngi
"Hindi ko akalain na ganyan ka pala sa asawa mong damuho ka. Kong alam ko lang na ganyan mo siyang itrato mas maigi pang di nalang ako nagpumilit na ikasal kayo. Bueno bukas na bukas din ay iaanull ko ang kasal nito para makalaya na kayo pareho, at ikaw damuho ka hindi mo makukuha ang mana mo hangga't di ka nagbabago". Anang matanda
"Lolo naman. Aaway mag-asawa to normal lang ito, hindi ba mahal?" Ani Justine na tila naging maamong tupa sa harapan ng kanyang lolo dahil bigla nitong tinawag na mahal ang asawa nya at naging sweet pa
"Totoo ba yan babae?" Anang matanda
"O-opo". Sagot ni Martina sa matanda
"Okey sige. Hindi ako nangingialam sa bagay na iyan, pero tandaan mo 'to Justine kapag nalaman ko na lagi mo itong sinasaktan ako na mismo ang mag aanul ng kasal nyo at paalisin siya sa bahay pati ikaw"! Pagkasabi ng matanda non ay muli na itong umakyat sa kwarto nya
Muling naiwan ang dalawa sa ibaba.
"Subukan mong mag sumbong sa lolo ko May kalalagyan ka sakin". Anu Justine at umakyat Nadin sa itaas.
Tanging iyak nalang ang nagawa ni Martina dahil hindi manlang nito maipagtatanggol ang kanyang sarili laban sa asawa at nanay at kapatid nito.
"Lord tama paba itong pinili kong landas? Ang mapabilang sa pamilyang ito?"dalangin ni Martina
"Bigyan mo pa sana ako ng lakas Lord please. Na sana makaya ko lahat. Hindi ko alam kong saan ako pupunta kapag mawala si Justine sa buhay ko, sawa na akong mag-isa sa buhay gusto ko naman ng May makasama please wag nyo sanang ipagkait sakin ang pangarap na iyon, pero sana nasa tamang tao na ako". Anito habang nakapikit pa
Hindi na bumalik sa pagkatulog si Martina, nagsimula na siyang maglinis ng buong bahay lalo na at ung katulong ay pinauwi kahapon ng mommy ni justine, at siya lang ngayon ang maasahan sinabi Nadin sa kanya ng ginang na sya ang maglilinis kinabukasan.
Nakarami na ng gawain si Martina pinagpawisan na din siya, hindi Nadin nito namalayan ang oras na alas otso na pala ng umaga.
"Pirmahan mo 'to para makaalis Kana dito." Nagulat si Martina ng bigla nalang May nagsalita sa likuran niya
"Lolo andiyan Kana pala gusto mo ba ng kape? Ipagtimpla po kita". Nakangiting alok ni Martina
"Wag mo ibahin ang usapan, pirmahan mo itong annulment nyo ng apo ko at itong pera para makapagsimula ka sa labas ng wala sya". Anang matanda
"L-lolo bakit nyo po ito ginagawa? Kakakasal lang namin ng apo ninyo tapos ipapaanul nyo kami hindi ko kayo naintindihan". Ani Martina
"Tumigil ka nga, wag ka mag pakmartyr dyan! Ayaw kita sa apo ko sa totoo lang, kaya ko pinilit ang apo ko para maikasal sayo kasi ayaw ko na maging bastarda ang apo ko sa tuhod sakaling makabuo kayo. Pero mas lalong ayaw ko na ginaganyan ka ng apo ko. Alam kong sinasaktan ka niya, kaya wag Kana nag sinungaling sakin bruhilda ka". Anang matanda
Kahit galit at seryoso ito magsalita May pagmamahal padin sa sinabi nito na para bang concern sa kanya ang matanda
"L-lolo ayos lang naman ako. Kong ayaw nyo sakin pipilitin kong magustohan nyo ako para sa apo nyo, tungkol naman sa pagmamahal ng apo nyo sakin na kamo sinasaktan ako sisikapin ko din Pong wag nya na gawin iyon kasi maging mabuting asawa na po ako sa kanya, hindi na ako maging pasaway at di ko na siya gagalitin". Nakangiting sabi ni Martina
"Martyr kang bata ka! Bahala ka sa buhay mo! Hindi mo ako naintindihan"! Anang matanda
Akmang aalis na ito ng magsalita muli si Martina
"Ako ang hindi nyo naintindihan lolo masama po bang magmahal? Lalo na kong kagustuhan nito ay nagkaroon ng sariling pamilya? Sawa na kasi ako sa pagiging ulila lolo gusto ko naman magkaroon ng sarili kong pamilya na matawag kong akin, kaya ako ganito lolo kasi si Justine lang ang meron ako. Wala akong nanay, wala akong tatay at mga kapatid na nakagisnan. Lumaki ako sa bahay ampunan hanggang sa nagdalaga ako. Ngayon nyo sabihin lolo martyr po ba talaga ako?" Ani Martina sa mga sandaling iyon ay naluha na sya ng tuluyan
Nalungkot ang matanda sa kanyang narinig pero hindi niya iyon pinahalata.
"Bahala ka, gawin mo kong ano sa tingin mo ang tama. Basta ito lang ang sasabihin ko sayo. Kapag sawa Kana at pagod Kana lumapit ka sakin." Anang matanda at umalis na
10:am ng umalis si Justine sa bahay nila, malayo na ito ng mapansing naiwan sa bahay ang kanyang celphone, imbes na bumalik ay dumerecho ito sa hotel kong saan sila magkikita ng isang babae niya si Brenda ang girlfriend niya ng tatlong buwan. Galing ito sa Hongkong kaya namiss nya ito
Pagdating ni Justine sa hotel ay nakitawag muna siya sa lobby ng hotel para ipaalam sa nobya na naroon na siya
Samantala nakita ni Martina ang cpnng asawa, nabasa nya sa text na May kikitain ang asawa sa naturang hotel kahit kinakabahan sya ay pinilit niyang kakadating agad doon. Dinala niya ang cp at nakisakay sa taxi May pera naman siyang pambayad dahil May sarili siyang ipon sahod pa nya noong nag work sya bilang sales lady sa super market.
"Manong pakidala ako sa hotel na ito*******".
Utos na Martina sa driver.
"Sige ma'am nga 10 mins naroon na tayo". Anang driver
Makalipas nga ang 19 minuto ay nakarating na sila doon, nadatnan niyang May kaakbay ang asawa niyang si Justine sa lobby habang papasok ang mga ito sa elevator.
Bago tuluyang makapasok ay tinawag niya na ito.
Nagkaroon ng sagutan at ang masaklap pa siya ang ipinahiya nito.
Sinabing siya ang babaeng patay na patay sa kanya at gusto daw sirain ang magandang relasyon nila ng nobya.
Imbes kaawaan ng nasa paligid ay siya pa ang sinabihang kabet at malandi ng mga nakakarinig sa away nilang mag-asawa. Siya ang naging masama sa mata ng lahat.
Umuwi siyang luhaan at masakit ang puso.
Pagsapit ng gabi ay bugbog sarado ang inabot niya sa kanyang asawa. Halos di na makakita si Martina dahil sa pamamaga ng kanyang mukha dahil sa pambubugbog ng asawa nya.
Ilang beses din siyang ginamit ng paulit-ulit.
.gusto na niyang makatakas at lumayo sa asawa tila doon palang siya natauhan at nasabi sa kanyang sarili na mali pala ang pinili niyang landas
ITUTULOY