Chapter 1

1246 Words
💫Ang Nawawalang Tagapagmana💫 By Nezel Docto CHAPTER 1 MARTINA ALONZO 22 year old, hindi niya tunay na pangalan at apilyedo ang ginagamit niya. Ibinigay lang iyon sa kanya noon ng mga kumupkop sa kanya na mga Madre. Sanggol palang Nong iniwan siya sa labas ng simbahan ng kanyang Ina halos nagmamakáawa pa ang kanyang Ina noon na kunin siya at wag ibigay sa mga taong naghahanap dito. Nangako raw umano ang kanyang ina na babalikan siya pero hindi iyon nangyari hanggang sa nasira ang isang simbahan ng napakalakas na bagyo, naging dahilan iyon para malipat sila ng ibang simbahan at doon na tumira kasama ng mga madre. Ngayon nga ay 22 na siya at kahit paano ay tapos na siya ng highschool nagpaalam na siya sa mga Madre na lalabas na siya ng kumbento para harapin ang kanyang panibagong buhay sa labas ng simbahan gusto niyang magsimula ng panibagong buhay na siya lang mag-isa. Mag tatrabaho sya at mag ipon ng pera para siya na mismo ang hahanap sa taong nag iwan sa kanya ng halos 22 years. Bago siya umalis sa simbahan ay kinuwento muna sa kanya ng madre ang dahilan kong paano siya napunta sa pangangalaga nila. Lahat ng sinabi ng madre sa kanya ay baon-baon niya palabas ng simbahan. Nag apply si Martina bilang isang Sales lady sa super market mabilis siyang natanggap dahil maganda sya at porselana ang kanyang kutis. Makakakita umano sya ng mga mamimili dahil mukha siyang manika. Doon niya nakilala si Justine ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Gwapo ang binata at panay papansin din ito sa kanya lalo na at araw-araw itong bumibili ng kong ano ano sa pwesto nya. Hingi ni Justine ang kanyang f*******: account at contact number na hindi naman niya ipinagkait dito. Nanligaw ang binata sa kanya at makalipas nga ang ilang buwang panliligaw ay sinagot siya ni Martina. Ganadong ganado ang dalaga palagi sa kanyang trabaho dahil May inspiration na siya sa buhay. Isang taon makalipas ay inaya Nadin siya ni Justine na umuwi sa bahay nila para ipakilala sya bilang nobya, sa madaling salita gusto ni Justine na mag-live-in na silang dalawa. Mayaman sila Justine, malaki ang bahay at halos maligaw pa si Martina ng mag banyo sya. Ipinakilala ni Justine si Martina sa ina nya at kapatid nito, halata sa dalawa na matapobre ang kaharap at halata din na ayaw nito sa kanya para sa anak nila. Pero hindi iyon ipinahahalata ni Martina magiliw padin siyang nakikisama sa mga ito. Mabait at alaga siya ni Justine Nong nagsasama na sila, walang araw at oras na hindi ito sweet sa kanya. Sinasabi nga ni Martina noon sa kanyang sarili na swerte niya kay Justine. Pero hindi nito akalain na pansamantala lang pala ang lahat. Ilang buwan Nadin ang relasyon nila Nong umuwi ang lolo ni Justine galing sa Canada, sa kanila na ito mag stay ng matagal, kaya Nong nalaman nito na May ibinabahay na ang kanyang apo ay nagalit ito sa mag-ina. Hindi pwedeng hindi pakasalan ni Justine ang babaeng ibinahay niya, tuwang tuwa noon si Martina dahil ikakasal na sya sa taong mahal niya. Pero si Justine ay hindi. Tumanggi si Justine sa kasal maging ang Ina nito dahil masyado pa raw maaga, pero hindi pumayag ang matanda at kapag di daw ito papayag ay walang maibibigay na mana dito. Wala silang nagawa dahil ito padin ang masunod sa lahat. Kinausap ni Justine si Martina na kong maari tumanggi sa kasal or ito na ang kumausap sa matanda na sabihin daw na hindi muna sila magpakasal, pero nagalit lang si Justine sa naging sagot nito. "Maganda nga iyon mahal diba ikakasal na tayo? Mag-asawa na tyo non. Diba mahal mo naman ako?" Ani Martina na May malambing na boses. "Hindi pa nga pwede eh! Bata pa tayo 24 palang ako at 22 ka, hindi pa ako handa"! Galit na turan ni Justine Nasaktan si Martina pero hindi niya pinahalata. "Wag mo na akong pahirapan pa, kapag di mo ginawa ang sinasabi ko baka magsisi ka sa huli". Aniya kay Martina at iniwan ito sa kwarto nila Hindi nagpatinag si Martina sa sinabi ng boyfriend niya, hindi niya siniko ang pagmamahal sa boyfriend. Mas ginalingan niya nalang sa pakikisama at pagtulong sa gawaing bahay para walang masabi ang mga ito sa kanya. Sumapit Nadin ang takdang araw kong saan ikakasal na ang dalawa. Galit na galit si Kurt sa kanya dahil hindi nito ginawa ang sinabi nya kay Martina. Maging ang Ina at kapatid nito ay galit din dito, ginawa nila lahat ng pagpapahirap kay Martina para sumuko na ito at tumakas nalang sa bahay pero hindi ito nangyari. Sa huli si Martina padin ang nag wagi Nang mga sandaling iyon ay si Martina lang ata ang masaya habang ikinakasal sila ng asawa niya. Si Justine kahit nakangiti pero sa loob nito gusto na niyang takasan ang kasal. "You May kiss the bride" anang pari matapos ang mahabang Simeon nito . Itinaas ni Justine ang Belo at imbes miss sa labi ang asawa ay May ibinulong ito sa kanya. "Pagsisisihan mo ang araw na ito, tandaan mo. Mamayang gabi magsisimula na ang kalbaryo ng buhay mo sa piling ko. Yan ang parusa mo sa pag suway sakin". Anito at kiniss siya sa labi Bagama't natakot si Martina ay binalewala na lamang niya iyon, alam nitong nagtatampo lang ang asawa sa kanya dahil nabigla ito sa kasal. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal din sya ng asawa . Sumapit na ang gabi, honeymoon ng dalawang mag-asawa. Gaya ng sinabi ni Justine kay Martina kanina na maging impyerno ang buhay nito sa piling nya. Kong dati sweet at caring siya sa kay Martina ngayon ay para itong babaeng bayaran na paulit-ulit niyang pinagsamantalahan, lahat ng kakaibang s*x position na hindi nito ginagawa noon kay Martina ay ginagawa niya. Sa madaling salita wala na siyang respeto dito. Matapos makaraos ay iniwan niya ang asawa na parang basura sa loob ng kwarto. Umalis sya at nagtungo sa mga barkada niya para doon ituloy ang kasiyahan. Ganyan ang ugali ni Justine na hindi nakita ni Martina noon. Akala niyang mabait at mapagmahal ito sa kanya kabaliktaran pala ang lahat . Lahat ng iyon ay pakitang tao lang para makuha siya at nagpauto naman ang dalaga. Samantala pumasok ang mag-ina sa kwarto, naabutan nilang hubo't-hubad si Martina at halos hindi na makagalaw sa sakit na nararamdaman nya. "Ayan mukha kang pokpok na iniwanan ng customer, bagay sayo yan! Bumangon ka dyan ay nagugutom kami mag-ina ipagluto mo kami dahil wala kaming nakain kanina ". Utos ng ina ni Justine dito Sinamantala nila ang oras dahil alam nilang walang kakampi si Martina dahil tulog na ng mga oras na iyon ang matanda. Kahit masakit ang katawan ni Martina ay pinilit padin nitong bumangon. Paika-ika siyang bumaba ng hagdan at nag tungo sa kusina, nagluto siya ng pagkain ng mga ito. Nag problema hindi nila nagustohan at tinapon sa basurahan ang niluto nya. Nagpalit ulit ang mga ito sa kanya pero gaya don sa una ay hindi din nito nagustohan. Sampal at sabunot ang ginawa nila kay Martina, hanggang sa nagsawa sila at iniwan nalang siyang umiiyak doon sa kusina. "Lord tulongan mo po akong maging malakas pa" . Aniya sa kanyang sarili Makakaya pa kaya ni Martina ang mag tiis sa piling ng kanyang Bayanan at sister in law? Si Justine talaga kayang wala na itong pagmamahal kay Martina? Sundan pa ang sunod na kabanata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD