Chapter 9

1199 Words
CHAPTER 9 ANG NAWAWALANG TAGAPAGMANA Galit na galit si Issay kay Martina. Mabilis na lumapit siya dito at hinila palapit sa kanya. "magdahan-dahan ka naman?! inis na turan ni Ginang Nancy "dapat lang sa kanya iyan ma'am, dahil mahabang oras ang sinayang niya sa inyo". ani Issay at gusto pa sana nitong sampalin si Martina subalit sinalo ni Ginang Nancy ang sampal nito "ma'am hayaan nyo akong parusahan ang anak ko, kasi siya ang mali dito". ani Issay at galit na tiningnan ang tahimik na si Martina tumahimik Kana pwede? umupo kayo diyan at titingnan ko na ang resulta". anang ginang nakangiti naman ang dalawa at pasimpleng nag Tanguan sa isat-isa. kinuha ni ginang Nancy ang envelope at doon na nito inilabas ang resulta ng DNA test. seryosong tiningnan iyon ni ginang Nancy at Naka de kwatro pa ng upo. "Martina Alonzo "? bigkas ni Ginang Nancy sa pangalan ni Martina. nagtinginan din sina Issay at Isabel "o-opo". sagot ni Martina "nakalagay dito 0.0% ". wika ni ginang Nancy "oh diba? sabi sayo hindi mo kaano-ano tong batang to dahil Anak ko siya"! ani Issay halos di na mapigilan ang saya pero tiningnan lang ni Nancy ang babae "Isabel Paloma?" ani Nancy tumayo naman si Isabel at nakangiting humarap sa kay ginang Nancy "nakalagay dito, 99.9% ". banggit ni Nancy "t-talaga po?" "yes"! halos na magkasabay na sambit ng dalawa. masyado tuloy silang nahalata "Bakit masaya ka Isay?" tanong ni Nancy dito "s-syempre madam alam mo na ang totoo at kong sino ang anak mo sa dalawa." alanganing sagot ni Issay dito "Hoy peke, ano pang ginagawa mo dito? alam mo na ang resulta kaya dapat umalis Kana dito. Dahil ako talaga ang totoong anak, so kumilos Kana at lumayas sa pamamahay namin". Sita ni Isabel kay Martina "oo nga tama siya, aalis na tayo dito dahil alam na nila ang totoo." segunda naman ni Issay tumayo si Nancy sa kinauupuan niya lumapit naman sa kanya si Isabel at akmang yayakapin siya nito ng itinaas niya ang kanyang kanang kamay, nag nagsasabing wag itong lumapit sa kanya. "p-pero mommy bakit? alam mo na ngayon ang totoo na ako ang anak mo, ayaw nyo po ba akong yakapin manlang mommy?" maluha-luhang sambit ni Isabel "oo nga naman madam, aalis na nga po kami ng anak ko para masolo nyo ang isat-isat. 22 years din kayong nagkahiwalay hindi po ba? para di kami nakaistorbo sa inyo aalis nalang po kami dito". ani Issay at akmang hihilahin na palabas si Martina. "tama ka, kailangan nyo ng umalis dito dahil istorbo lang kayo. Pero syempre bago iyon May dapat akong parusahan". ani ginang Nancy "parusahan po? bakit? hindi naman namin ginusto na mapunta dito hindi ba? sinabi ko na sa inyo na no need pa DNA itong anak ko dahil May sakit siya sa pag-iisip pero sinunod nyo padin ang gusto nyo. Ngayong lumabas na ang totoo kami pa maging masama?" pag rarant ni Issay "tama ka, alam mo na simula palang kong sino ang totoo kong anak pero pinilit po pasong isiksik dito ang tunay mong anak". ani Nancy nagulohan naman si Issay sa sinabi nito. pati si Isabel ay gusto Nadin pumagitna dahil pakiramdam niya May ibang nais iparating ang ginang "m-mommy ano po ba iyang sinasabi mo? nandito na ako oh, hayaan mo na silang umalis para di na kayo na estress diyan". ani Isabel at akmang hahawakan niya ang kamay ng mommy Nancy niya kuno ng biglang iwaksi nito ang kamay ni Isabel. "parang ang bastos mo naman ata sa anak mo madam". ani Issay "anak ko o anak mo?" mga katagang binitawan ni Nancy gulat naman ang dalawang mag-ina. Umalis Nadin si Martina sa tabi ni Isasay at lumapit sa mommy nito. "t-teka ano ang ibig sabihin nito? hindi ba't lumabas na ang result at iyang batang si Isabel ang nag match sayo? teka anak ko iyang si Martina bakit nandiyan ka, hoy Martina lumapit ka sakin, ang kapal ng mukha mo at tumabi kapa diyan". galit na sambit ni Issay "M-mommy " maluha-luhang sambit ni Isabel na nasa harapan na ngayon nila Martina at Nancy pero sampal ang iginawad ni Nancy sa kanya. "m-mommy b-bakit mo ako sinampal". tanong niya kay Nancy habang hawak ang masakit na pisngi dahil sa pag sampal ni Nancy mabilis naman na lumapit si Issay para daluhan ang anak. "anong klaseng ina ka para saktan ang anak mo?! galit na sambit nito kay Nancy pero gaya ni Isabel ay sinampal din siya ni Nancy. "ang kapal ng mukha nyong dalawa, ang galing nyong magpanggap at napabilib nyo ako sa acting nyo."! inis na sambit ni ginang Nancy "a-anong ibig mong sabihin? Anong pag papanggap? hindi kita maintindihan madam. " Saad ni Issay "sinungaling ka! alam ko na ang totoo na hindi ko anak iyang pinipilit mo sakin na anak ko, kundi anak mo"! sigaw ni Nancy kay Issay. doon na tuluyang sumabog ang galit ni Nancy, dahil ang ayaw nito sa lahat ay ginagawa siyang tanga, kong hindi pa sinabi ni Martina ang lahat hindi niya naalalang tingnan ang cctv, masyado siyang naniwala sa emosyon niya. "Hindi ka namin niloloko madam, ayan na ang result lumabas na, hindi yan pwedeng magkamali pareho kayong match ng anak mo hindi ba.?" pilit na pangungumbinsi ni Issay kay Nancy "tonta! nakalimutan mo syang May cctv alin man sa sulok ng bahay ko?" dahil sa sinabi ni Nancy ay nagulat si Issay at Isabel. di nila napansin na May cctv nga ang buong bahay, inisip nito na buko na silang dalawa. "ang galing nyong magpanggap, ginawa nyo akong tanga! mas gusto nyo pang ipahamak ang tunay kong anak matupad lang ang hangarin nyong mag-ina"! galit pa na turan ni Nancy "hindi ko alam ang ibig mong sabihin. dapat maging masaya ka nalang dahil nandyan na ang totoo mong anak, ano pang silbi ng cctv na iyan kong nakita at nabasa mo na ang result". palabang wika ni Issay "Oo nabasa at nakita ko na ang resulta pero dahil sa napanuod ko nabago lahat, si Martina ang nawawala kong anak, at itong isa ang tunay mong anak, pinalitan mo ang isinagawang test sa kanila kitang kita ko iyon sa cctv, ang kapal mo, kayong mag-ina. PAGBABAYARIN ko kayo sa ginawa nyong panloloko sakin, at sa pagbabalak nyong saktan ang anak ko"! sigaw ni Nancy sa kanila "aba teka! hindi namin iyan kasalan kong bakit tanga ka, una ikaw nagdala samin dito at gustong iuwi ang anak ko"! galit na sigaw din ni Issay "hindi mangyayari iyon kong doon palang sinabi mo na sakin ang totoo, bagkos nagpadala kayo sa agos dahil ano? pagpipirahan ako? nagkamali kayo dahil hindi ko kayo pauuwiin." ani Nancy tumawag siya ng mga pulis at ipinadakip ang dalawa para ikulong, nagmamakaawa pa ang mga ito na wag na silang ikulong at lalayo na kusa sa kanila. Dahil mabait si Martina ay kinausap nito ang Ina na wag nalang silang ikulong at hayaan nalang na makauwi sa kanila. sinunod naman iyon ng Ina niya at niyakap siya nito ng mahigpit. doon Nadin sinabi ni Nancy sa anak na buntis ito at kailangan nilang bumalik ulit sa ospital para sa agarang check up nya. iTUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD