Chapter 10

1138 Words
#Chapter10 💫Ang Nawawalang Tagapagmana💫 Bumalik kinabukasan sina Martina sa ospital kong saan siya dinala ng kanyang Ina kahapon. Sinamahan naman siya ng kanyang Ina para May kasama siya. Ginamit Nadin nito ang tunay niyang pangalan at apilyedo, napag-usapan nila ng Ina na hindi na Martina ang pangalan niya kundi Nadine Corpuz na. Sinang-ayunan naman iyon ni Martina at mula ngayon siya na si Nadine Corpuz ang halos dalawang dekadang Nawawalang anak ni Nancy Corpuz, ngayon nga ay natagpuan at nakasama na nila ang isa't-isa. Pinangako naman ni Nancy sa anak na sulitin nila ang bawat oras at araw habang magkasama sila, babawiin niya ang 22 years na hindi nito naibigay sa anak. Ngayon siya babawi para dito handa Nadin niyang sabihin sa Ama na nakita na nito ang nawalay na apo. pagdating nila sa ospital ay pumunta agad sa sa desk ng doctor dahil meron naman na silang appointment kay doc Melva. Nag doctor na tumingin din sa kanya kahapon. Nakangiti ito ng magkita Muli sila. "mukhang okey Kana hija, pwede na kita ma interview ng maayos". saad ng doctor "s-sige po doc." magalang na sagot ni Nadine dito "S-sorry My late ako". nagulat sila sa biglang pag pasok ng isang lalaking doctor. NagtamA pa ang mga mata nila Nadine, kong hindi pa tumikhim ang babaeng doctor ay hindi pa sila hihinto sa kakatitig sa isat-isa "Kahit kailan talaga late ka nanaman, akala ko ba maayos na usapan natin?" panermon ng babaeng doctor "pasensya na kayo, siya pala ang anak ko sya na ngayon ang bagong doctor ni miss Nadine". anang doctor na babae "misis halika muna sa labas, hayaan muna natin ang dalawa dito dahil May ilang katanungan din po ako sa inyo, doon tayo sa opisina ko". ani Doc Melva sa Ina ni nadine "Iiwan na muna kita dito anak ha, sagotin mo lang kong ano ang itatanong ni doc sayo, dito lang ako sa kabila balikan kita agad okey?" paalam ng ina nito Naiwan na sina Doc Matthew at Nadine sa loob ng opisina nito, nakayuko si Nadine dahil di nito magawang tumingin sa itsura ng Doctor, aminin niyang gwapo ito kaya hindi na siya pwedeng mainlove pa ulit. Tama na itong buntis na sya at dito mag fucos sa anak. "Nadine Corpuz tama ba ako?" maya-maya tanong ng doctor "Y-yes po doc". nakatulong sagot ni Nadine "Kinakabahan kaba? bakit nakayuko ka diyan? wag ka mag alala di naman ako nangangagat eh". tila pabirong sabi ng doctor "d-di naman po". magalang na tugon ni Nadine dito "Mukha naba akong matanda para e po mo?" muling saad ni doc Mathew. "Magalang lang po talaga ako, pasensya na kayo doc". this time tumingin na si Nadine sa kanya pero saglit lang iyon dahil muli siyang yumuko ulit. "okey sige, btw ako si Matthew Arnaiz ang bago mong doctor, mula ngayon ako na ang mag check sayo lagi hanggang sa manganak ka". anito napatingin si Nadine sa kanya. "Pati po sa pag-papaanak sakin? kayo parin?" Kinakabahang tanong ni Nandine "Yes gaya ng sabi ko, bakit May problema ba roon? ahh nahihiya ka? wag ka mag-alala professional akong Doctor at balewala na sakin ang mga ganung bagay, marami Nadin akong pinapaanak kada taon, wag ka mag-alala gawain talaga iyon ng isang nagpaanak na doctor kagaya ko " proud na pagkasabi ni doc Mathew kay Nadine. Nagsimula na ngang magtanong si Doc sa kanya. "Kailan ang huling regla mo?" paunang tanong nito "2ndw week po Nong nakaraang buwan." magiting na sagot ni Nadine "okey, alam ba ito ng Mr mo?" pangalawang tanong ni Matthew sa kanya. pero ang di alam ni Nadine ay sadya iyon ni doc na itanong sa kanya, gusto kasi nito masigurado na talagang wala na sila ng asawa nitong, nang sa ganun pwede siyang makipag closed dito. "H-hindi po niya alam". tipid na sagot ni Nandine "pwede ba malaman kong bakit?" tanong ulit ng doctor "Doc kailangan po ba iyan sa pagbubuntis ko?" seryosong tanong ni Nandine sa kanya tila nakahalata din ito "Y-yes naman. syempre kailangan malaman namin ng mga doctor kong ano ang past mo lalo na sa pag buntis mo,malay namin hindi ba na biktima ka pala ng rape or kahit ano'ng pananamantala diyan, kailangan namin iyon malaman. Pasensya Kana kong kailangan kong itanong iyon sa iyo". Ani Matthew sa kanya "Pasensya na din doc, curios lang po ako, btw hiwalay na po kami. Hindi ko din alam na buntis ako Nong umalis sa bahay nila". pag amin ni Nadine dito "Kasal ba kayo ng taong 'yon? at kong maari gusto ko din malaman kong bakit kayo naghiwalay". sunod-sunod na tanong ni Mathew sa kanya. alam ni Mathew na personal na ang mga tinatanong niya, pero part iyon ng plano niya para makilala pa ang babae maging ang history nito sa nakaraang asawa "Opo kasal kami, pero nag pirma po ako ng annulment paper para mawala na ang bisa ng aming kasal, naghiwalay kami dahil__ bahagyang tumigil sa pag kwento si Nadine, maya-maya pa ay biglang tumulo ang kanyang mga luha. naalala kasi nito kong paano siya bugbugin ng asawa at panloloko sa kanya. Naging tanga siya ngayon niya lang napagtanto na masyado pala siyang martyr noon. "Okey lang kong ayaw mo nang ituloy ang kwento mo. Wag Kana umiyak nakakasama sa baby iyan". anang doctor awang-awa si Mathew kay Nadine, hula nito baka hindi naging maganda ang trato ng asawa dito sa kanya. Para kasing Na Truma ito Basi sa mga kinikilos niya "Sinasaktan niya ako, araw araw at kada gabi lalo na kapag lasing ito, ang masa masakit pa sakin ay niloloko niya ako May babae din siya. Ngayon ko lang napagtanto Doc na ang Bob* ko pala dahil nagpakabaliw ako sa kanya dahil sa pagmamahal ko. Ang tanga tanga ko at hinayaan ko siyang saktan niya ako ng paulit-ulit. Mabuti nalang pala at hindi nadamay ang anak ko sa pananakit niya". Mahabang kwento ni Nadine. mula sa May pinto ay dinig na dinig naman iyon ni Doctora at ng ina ni Nandine na si Nancy, gusto nitong hanapin ang dating asawa ng anak at parusahan sa ginawa nitong pananakit sa kanyang Anak. Sobrang Truma ang ginawa nito sa anak niya. Galit na galit si Nancy. Gusto niyang lapitan ang anak para sana yakapin ito ng pinigilan siya ni Doctora. "Misis, hayaan mo muna ang anak mo sa doctor nya, tama lang naman siguro na ilabas niya muna ang sama ng loob nya. Ng sa ganun hindi iyon makaapekto sa pagbubuntis nya. Wag ka mag alala pwede mo siya kausapin kapag matiwasay nalang ang kanyang pag-iisip." Paliwanag ng doctor sa kanya "Antayin nalang natin sila sa labas, maya-maya lang ay matatapos na rin sila. " pahabol pa ni Doctora kay ginang Nancy "SA NANAKIT SA ANAK KO, HUMANDA KA SAKIN. LINTEK LANG ANG WALANG GANTI". Bulong ni Nancy sa kanyang sarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD